Six o'clock ng umaga tumulak ako patungo sa condominium ni Wregan Leath. Kagabi niya binigay sa text ang password ng kanyang unit na agad kong na-save sa notes ng aking phone, hindi ko kasi iniiwan ang text thread namin sa inbox ko. Binubura ko agad ang conversation namin para safe, minsan kasi pinakikialaman ng hacker kung kapatid, si Venom, ang cellphone ko.
Pagkatapos kung i-park ang sasakyan at bumaba ng kotse, tinawagan ko si Wregan para ipa-alam sa kanya na nasa ground floor na ako at pa-akyat na ng unit niya. Pero lintik lang talaga, hindi sumasagot sa mga tawag ko ang mokong! Ilang beses ko pang dinayal ang number niya pero wala talagang sumasagot kaya sumuko na lang ako.
Pagkarating ko sa pinto ng unit ni Wregan, agad kong pinasok ang pin at nag-unlock naman ang pinto. Napairap ako. Akala ko jino-joke time lang ako ng lalaking iyon, binigay nga talaga sa akin ang password ng bahay niya. Ibang klase!
"Wregan?" tawag ko nang makapasok. Napalingon ako sa center table ng salas at agad napailing nang makitang nagkalat doon ang empty bottle ng mamahaling mga alak at tira-tirang pulutan. "Nakakaloka! Ganito ba siya sa bahay niya? Takaw ipis at daga!” reklamo ko at tinungo ang salas.
Inilapag ko sa sofa ang aking shoulder bag at sinimulan ang paglilinis sa center table. Una kong pinulot ang mga bote ng alak na wala ng laman at itinapon iyon sa trash bin. Sunod kong tinapon ang mga basura at ang panis na mga pulutan, saka hinugasan ang mga utensils at glasses na ginamit kagabi. Bakit ba kasi hindi siya naglinis bago natulog? Pambihira talaga ang lalaking iyon!
Pagkatapos kong maglinis ng salas, nagluto na din ako ng breakfast namin habang tulog pa si Wred at ang ama nito. Mahirap ng gumalaw sa bahay kapag gising na si Wred, kailangan nasa kanya ang buong atensyon namin para mabantayan at maalagaan siya ng maayos. Simpleng French toast at black coffee lang ang hinanda ko for breakfast. After preparing the food, umakyat na ako sa second floor ng condo para gisingin ang mag-ama. Napaka ironic. Talagang mag-ama ang sinabi ko? Ano complete family ang peg?
“Wregan?” Kumatok ako sa unang pinto na nakita ko at maingat iyong binuksan. Nahigit ko ang hininga at naistatwa sa aking kinatatayuan nang makita ang mag-ama na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. Bahagya akong natawa nang mapansin ang dalawang unan na nilagay ni Wregan sa kabilang bahagi ng kama bilang harang upang hindi malaglag si Wred kung sakaling gumalaw ito sa kabilang dereksyon.
“Hindi ko alam na may maternal instinct ka,” komento ko nang makalapit sa kanila. “Pero in fairness bagay sa ‘yo,” dagdag ko at maingat na umupo sa gilid ng kama. Nilibot ko ang tingin sa buong silid. Malinis naman, hindi tulad sa sala na sobrang kalat. Mahina akong tumawa nang makita ang mga baby bottle ni Wred na wala ng laman sa side table. Tatlong empty bottle ang naroon, napailing ako dahil natumba ang lahat ng picture frame na naroon at ang baby bottles lang ang nakatayo ng maayos. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para kunin ang isa sa apat na picture frame na naroon. Pero ang tuwa ko sa lalaking buong gabi na nag-alaga sa baby ko ay napalitan ng pagka-irita. Sino ba ang hindi maiirita? Larawan lang naman iyon ni Carnation, ang ex-girlfriend niya na asawa na ngayon ng kaibigan niya.
“Good morning, beautiful.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na binalik sa ibabaw ng side table ang hawak na picture frame. Dahil sa pagkataranta nasagi ko pa ang mga baby bottle kaya nahulog ang mga iyon sa carpeted floor ng kwarto.
“I’m sorry," paumanhin ko at pinulot ang mga baby bottle. "Nagulat lang ako, gising ka na pala.” Nahuli ko siyang sumulyap sa frame na hawak ko kanina, ngunit agad din binaling sa akin ang atensyon niya.
“Ang aga mo naman.”
“Tanghali na kaya, tulog mantika ka lang talaga. May laway ka pa!”
“Oh! Sorry.” Mabilis niyang pinahid ang labi kahit wala talagang laway doon, nagbibiro lang naman ako. “I typically wake up at 5 a.m. to jog. Puyat lang talaga ako kagabi. Ilang beses kasing nagising si Wred para humingi ng gatas.”
“Tatlong beses siyang gigising sa gabi, at isang beses siyang gigising sa madaling araw para humingi ulit ng gatas,” sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya, at ibinaling iyon kay Wred.
"Yeah, nabasa ko sa notes na iniwan mo." Tamango ako sa sinabi niya. Now, what? Bigla na lang naging awkward ang atmosphere dahil sa lintik na picture frame na iyon. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan kapag ganito siya kaseryoso.
"Ah, pwede ka ng kumain ng breakfast sa ibaba, naghanda ako ng French breakfast. Ako na ang bahala kay Wred." Tumango siya at tumayo ng kama. Hindi siya nagsalita at diretso lang na lumabas ng kwarto. Ako naman ay nakangiwing kinamot ang ulo. Pambihira. Paano ko ngayon lalampasan ang isang buong araw na kasama siya?
***
Bumaba ako ng hagdan na karga si Wred. Tapos ko na siyang i-breastfeed at paliguan. Sa kusina namin naabutan ang ama ni Wred, naghuhugas ito ng pinagkainan namin kanina. Pakanta-kanta pa ito.
"Marunong ka pa lang maghugas," sarkastiko kong sabi at hinila ang upuan sa ilalim ng dining table, saka ako naupo doon, karga pa rin si Wred.
"I live alone, Miss Doukas."
"I figured."
"Hindi ko lang talaga nailigpit ang mga kalat kagabi dahil hindi tumigil sa kaiiyak ang anak natin," anya. Tuloy pa rin sa ginagawa.
"Anak ko, Wregan Leath.." Doon siya natigilan, pero agad din namang natauhan at nagpatuloy sa paghuhugas na ginagawa. "Huwag mong kalimutan na sandaling panahon lang ang binigay ko sa ‘yo para makasama si Wred."
"Hindi lang ikaw ang may karapatan sa anak natin. Tandaan mo. Itinago mo sa ‘kin si Wred," tugon niya at hinarap ako. "Hindi mo pwedeng tanggalin ang karapatan ko sa anak natin, kahit baliktarin mo pa ang mundo o patayin ako, ako pa rin ang ama ni Wred. Dugo ko ang nananalaytay sa mga ugat niya."
"Gosh! Napaka-exaggerated talaga! Bakit naman kita papatayin? Hindi ako kriminal para gawin 'yon." Grabe. Bayolente din pala ang lalaking ito. Patayan talaga? Seriously?
"Hindi mo naman kasi kailangan ilayo sa akin si Wred. Okay na akong makita siya isa o dalawang beses sa isang linggo, huwag mo lang itago ulit sa ‘kin ang anak natin."
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.
"Fine. Pagkatapos nito pwede mong dalawin si Wred sa New York kahit kailan mo gusto. Just make sure that nobody knows about Wred...especially my family." Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Wregan Leath. Bigla na lang nag-igting ang bagang nito dahil sa sinabi ko.
"Tapatin mo nga ako Miss Doukas, ikinahihiya mo ba ang anak natin?" Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakatugon. Bakit ko naman ikahihiya ang anak ko? That's bullsh*t! Si Wred ang pinaka gwapong bata sa buong mundo, at proud ako doon!
"That's not true."
"O baka naman ako ang ikinahihiya mo? Nahihiya ka bang malaman nila na ako ang ama ni Wred? Nahihiya kang malaman nila na nakipag one-night-stand ka sa akin sa gabi ng kasal ng first love mo—"
"That's enough!" Galit kong sigaw, at mukhang natauhan naman siya. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako. Ama ka lang ng anak ko, Wregan Leath." Tumayo ako mula sa upuan at umalis ng kusina bago pa man siya makalapit sa akin. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ako huminto, tuloy-tuloy lang akong umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto niya saka nag-lock ng pinto.
Nakakainis ang lalaking iyon. Bakit kailangan pa niyang banggitin ang nakaraan? Anong pinalalabas niya? Nagsisisi akong nabuo si Wred? Of course, not! Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin. Hindi ko ikinahihiya ang nangyari sa amin. Paano ko pagsisisihan kung ang gabing iyon ang pinakamagandang nangyari sa akin sa buong buhay ko? Nakakainis talaga siya! Ano bang alam niya sa nararamdaman ko? Estupido. It’s because I'm just a coward, I'm afraid of my father—hindi dahil sa ikinahihiya ko siya.
Mahinang katok sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I quickly checked on my son who was next to me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto at agad akong nairita."Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina."Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "I wasn't thinking clearly earlier. I apologize if I upset you—""H’wag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin."1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka gusto mong kumain. Ako muna
Umawang ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang d*bdib ko, habang s*psip niya ang isa pa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri ni Wregan ang n*pple ko. This sensation is both familiar and unfamiliar to me. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa. Isusuko ko na ang sarili ko sa kanyang nang biglang umiyak si Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari."Oh, my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan Leath kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid."S-sa sala lang kami ni Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging kaswal pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na n
"Wregan! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung naririnig ba ako ni Wregan Leath sa ibaba. Naliligo ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell. Naiirita na ako dahil sa ingay na umabot pa dito sa bathroom. Nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ang ingay!” tili ko muli. Umalis kaya ng unit ang lalaking iyon? Hindi naman siguro, nasa kanya si Wred, 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya at kung anong balita pa ang kumalat."Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na ni Wregan Leath ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip. Wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras, hindi ba? Damn! Paano kung isa sa mga kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari ‘yon."Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo a
"Kumusta ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya."Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa Death Anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. Balak ko sanang ako na ang pumunta sa bahay niya, but she insisted."Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos. Magtapat na lang kaya kayo?""Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya.""Eh, ik
“S-stop blabbering nonsense, Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya.“H’wag ako, ate. Alam ko ang narinig ko. Hindi mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang mommy ni Wred?” Napahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano bang gusto mo?" nainis na tanong ko sa kanya. Tuluyan nang inamin ang aking pinakatatago na sekreto."Isa lang naman ang gusto ko... I should be able to visit my nephew whenever I want." Malaki ang ngisi niya nang sabihin iyon. Ako ay 'di napigilan umawang ang bibig."What?""You heard me, ate. I will keep quiet if you allow me to see him whenever I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. Hin
Wala na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. Siguradong kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha ni Wregan Leath ang anak namin nang makatulog na ako kagabi."Inumaga ka na ng gising, ah?" puna ni Kuya Peter, isa sa mga nakatatanda kong pinsan na lalaki at sa pagkakaalam ko mas matanda siya kay Hyacinth, nakasalubong ko siya sa hagdan nang pababa ako."Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw, kuya. Nasaan pala silang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" tanong ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. Nakakapagtaka lang kasi dahil laging maingay ang mga pinsan ko, parang may meeting ng mga bebe kapag nagsamasama."Nagpunta silang lahat sa mango farm. Gusto kasing umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat,” sagot ni Kuya Peter."What? Paano ang anak—niya?""Si Wred, ba? Kasama siya ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang kasi natin ang sumama kay Wr
Medyo malayo pa kami sa batis ngunit dinig na namin ang ingay ng mga pinsan ko. Mukhang nagkakatuwan nga sila roon habang naliligo, 'di ko tuloy maiwasang mainggit. Pambihira! Basta na lang nila akong iniwan sa mansion, kung hindi pa na huli si Kuya Peter 'di pa ako makakapunta dito. Ako pa naman ang tipo na tinatamad kapag na iiwan sa mga lakad ng grupo."May swimwear ka bang suot?" tanong ni Areum. Naibaling ko sa kanya ang atensyon at napangiwi nang ma-realize na nagpunta ako dito na hindi handa. "Ay! Ano ba 'yan ang KJ naman!""Kagigising ko lang, nawala sa isip ko ang magsuot ng swimwear. Ayos lang 'yan tayo lang naman, walang masama kung maligo ako ng shorts at shirt ang suot.""Anong tayo! May bisita tayo, ano ka ba? Did you forget Wregan Leath? Naku!" Nanlaki ang mata ko nang maalala ang lalaki. Oo nga pala, kasama namin siya. Since kasama ng parents ko si Wred at kampanti akong okay lang ang anak ko, nawala na sa isip ko si Wregan."Hayaan mo na. Wala naman akong paki sa kanya
"A-anong gagawin mo?" Nataranta ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng bridal style at naglakad siya palayo sa batis. Sa isang spot sa ilalim ng napakalaking puno niya ako binaba. Naupo siya sa tabi ko at hinila ako palapit sa kanya."It's better if you sit straight.” He firmly pinch my nose with his index and thumb finger. “Now, breathe through your mouth and stop talking.” ‘Di ako nagsalita at sunod-sunod lang na naikurap ang mga mata. Ibang-iba siya sa Wregan Leath na kanina lang ay panay ang dedma sa akin na para bang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Bigla na lang nawala ang cold na Wregan, at itong caring at gentleman na lalaking ito ang pumalit. Anong nangyari sa kanya?"Hindi mo naman kailangan gawin 'to.""Hindi ikaw ang magde-decide kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Hindi ako naka tugon. Nagulat sa sinabi niya. As if he told me to f*ck off and let him do whatever he wants, cause it's his f*cking life not mine."Whatever," tanging nasabi ko at hinayaan na lan
“Anong resulta?” tanong agad ni Wregan nang makalabas ako mula sa bathroom ng aming ginagait na silid. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang ipakita sa kanya ang sink kung saan nakahilera ang limang pregnancy test. Kabadong pumasok si Wregan at lumapit sa sink, ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto, nakahawak sa door frame."I'm not pregnant," basag ko bigla sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi na kasi nagsalita si Wregan matapos isa-isang tignan ang mga PT, nakatutok lang ang tingin niya sa mga nakalatag na pregnancy test. “It’s a good thing that I am not pregnant, right?”"I won't deny it, I hope you are pregnant. But it's alright, we have plenty of time for the second baby." Isa-isa niyang pinulot ang mga Pt at itinapon iyon sa malapit na trash bin."Wash your hands please," paalala ko sa kanya na agad namang ginawa ni Wregan bago lumapit sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mo ng second baby?" tanong kong yumakap sa baywang niya. Gumanti naman ng yakap si Wregan
Tanghali akong nagising kinabukasan, wala na sa tabi ko ang mag-ama kaya bumaba agad ako ng kusina para hanapin sila. Sa kusina, isang middle-aged woman ang aking naabutan, nagkagulatan pa kami nang aksidenteng magkasalubong; ako papasok ng kusina, siya na palabas at may dalang tray ng breakfast.“Maayong buntag, Ma’am. Gising na pala kayo. Ako si Tesa, ang katiwala ni Madam Hyacinth sa beach house na ito. Saan niyo po gustong kumain ng agahan?"“M-magandang umaga, Manang.” Nahihiya kong tugon. Ang bilis niyang magsalita, mabuti na lang at Tagalog ang kanyang lenggwaheng ginagamit, kung hindi ay hindi ko talaga siya maintindihan. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang pagkain. “Sa akin po ba ang mga iyan?”“Oo, ma’am. Ang sabi kasi ng asawa niyo’y maghatid ako sa inyo ng pagkain sa kwarto."“A-asawa?”“Oo, nasa dagat sila ng anak ninyo.” Napalingon ako sa glass wall kung saan makikita ang malawak na dagat, ngunit puro sanga at dahon ng malalaking kahoy ang aking nakita roon. “Hindi mo
Sa isang shipyard sa Navotas kami dumaong, ang sabi ni Gregory ay kaibigan niya ang may-ari ng nasabing shipyard. Mahigit apat na oras rin ang byahe namin sa dagat dahil medyo maalon. Thankfully, walang naging aberya at safe kaming nakadaong ng Maynila.May sasakyan nang nakaabang sa amin nang makababa kami ng yate ni Gregory. Ang buong akala ko pa ay kami lang ni Wregan ang sasakay, ngunit sumama sa amin si Gregory para ihatid raw kami sa airport. Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinili kong manahimik at kimkimin ang mga bagay na gusto kong itanong sa dalawang lalaki na aking kasama."We are here," imporma ni Gregory nang huminto ang aming sinasakyan. “Here are the plane tickets for General Santos City. Someone will be waiting for you at the airport to escort you to your next destination.”"General Santos?" Worried na nilingon ko si Wregan. "Bakit kailangan nating pumunta ng General Santos? Anong nangyayari?""Magbabakasyon lang tayong tatlo.""Pero bakit naman ang layo?" Hindi ko
Tumikhim si Venom kaya napahiwalay ako ng yakap kay Wregan. Nginuso niya ang direksyon kung saan nakatayo si daddy. Gumaan ang loob ko at napanatag nang makita ang maamo na niyang mukha, pinanunood niya kami ni Wregan.“Since the misunderstanding has resolved. You’ll let them leave, right?” pagkausap ni Hyacinth kay daddy, tumango naman ito. Hinawakan ni Venom ang mga balikat ko at itinulak ako layo sa harap ng plaform. Naguguluhan na nilingon ko si Wregan, tumango lang siya sa akin, sinasabing sumakay nalang ako sa gimik ng kapatid ko. Sumunod naman agad sila ni Helian sa amin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo kay daddy.“What will happen to him?” tanong ko kay Hyacinth nang makarating kami sa harap nila ni Enver. Worried na nagbaba ako ng tingin sa kanya na nakangiwi pa rin sa kirot ng tinamong tama.“May sasakyan na nag-aabang sa inyo sa labasan, naroon si Areum naghihintay sa inyo, kasama niya si Wred. Ihahatid kayo ng driver sa Subic Bay Yacht Club, naghihintay doo
“Stop this nonsense, Hyaci—”*bang!*Lahat kami ay labis na nagulat. Ang ilan ay napatili nang barilin ni Hyacinth si Enver sa hita, napa-igik ang lalaki at napaluhod sa isang paa. Nagulantang ako nang maging visible sa suot nitong white pants ang pulang stain ng dugo.“Should I shoot this nonsense' head then?” poker face na tugon ni Hyacinth kay daddy, itinutok nito ang baril sa ulo ni Enver at hinila sa buhok ang lalaki na nakangiwi dahil kirot ng tinamong tama.“F*ck! She really shot him!” angil ni Venom. Tinulungan niyang tumayo si Wregan Leath, habang si Helian naman ay inalalayan rin akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa nanghihinangtuhod. Hindi ko alam kung paano nakarating ang dalawang ito sa tabi namin ni Wregan.Hinarap ko si Venom. “Akala ko ba walang masasaktan?”“Akala ko rin!” Nawindang na tugon niya, hindi inasahan ang nangyari.“Sa tingin niyo ba nagbibiro ako?” Bumalik ang atensyon namin ni Venom sa aming nakatatandang kapatid. "I want you to let them leave i
Umawang ang labi ko sa labis na pagkagulat sa aking nakikita. Hinaharana ni Wregan Leath ang aking ama. No, he is not serenading my father. It's more like he is sarcastically singing him a song and declaring war! What is wrong with this man? Nababaliw na ba siya? Hindi pa ba siya nakontento sa ginawang pambubugbog sa kanya at gusto na naman niyang ipahamak ang sarili niya?“You say I'll never get your blessing till the day I die~”Stressed akong hinilot ang aking sintido. Yes, he is clearly declaring war against my father. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan na sira ulo ang lalaking ito? Napalingon ako sa aking mga kasama. Isa pang sira ulo ang nasa tabi, Venom is cheerfully cheering for Wregan leath, biglang naging fanboy ang baliw kong kapatid. May pa-banner pa ito’t iwinawagayway habang sumasabay sa pagkanta ni Wregan Leath.“I hate to do this, you leave no choice, can't live without her~”Napaka-ingay ng buong venue. Hindi na lang si Venom ang nagchi-cheer kay Wregan, kahit ang relative
“Wala ba talagang magsabi sa akin kung ano ang nangyayari?” deadpan look kong tanong kay Poppy, Alistar at Areum na kasama ko sa aking silid. Inaayusan nila ako. “Ang akala ko ba’y tutol kayo sa kasal ko kay Enver?”“Oo, nga!" tugon ni Poppy at hinatak ang buhok ko. Napaigik ako't tinampal siya sa braso. "Ouch, huh? Kung kalbuhin kaya kita?""Maldita ka talaga, ikaw kaya ang unang nanakit!" asik ko naman."Ang ingay mo kasi. Bakit hindi ka na lang maupo r'yan at hayaan kami sa ginagawa namin? 'Di kami matatapos sa pag-aayos sa 'yo kung panay ang paglikot mo d'yan."Napasimangot ako. Bakit ang mean sa akin ng mga babaeng ito? Gusto ko lang naman malaman ang binabalak nila. Bakit parang ang lumalabas pa na masama ay ako?"Hindi niyo naman kailangan gawin ito. Pwede naman na hindi ako dumalo sa kasal at tumakas na lang. Bakit kailangan niyo pa akong ayusan—""Ate, pwede ba? Manahimik ka? Nakaplano na ang lahat, okay? Ang gagawin mo lang ay sundin ang mga ipapagawa namin sa iyo. Ngayon, w
Pagkatapos akong kausapin ni Kara tungkol sa kasal, hinanap ko si daddy upang kausapin ito. Natagpuan ko siya sa study room ni Lolo Klimt. Ngunit kahit anong sabihin ko’y hindi niya ako pinakikinggan, kahit lumuhod na ako sa harap niya ay wala pa rin nagawa ang aking pagsusumamo."There's nothing you can do. Whether you like it or not, your wedding with Enver Honovy will push through," konkretong pahayag ni daddy at tinalikuran ako.Nanghina ako sa aking mga narinig. Ayukong makasal sa lalaking hindi ko mahal, pero takot naman akong suwayin ang aking ama. Malaki ang kasalanan ko sa kanila ni mommy; nilihim ko ang tungkol sa kay Wred. Pero sapat bang kabayaran ang kalayaan kong pumili ng lalaki na makakasama ko sa buhay dahil sa ginawa kong pagkakamali?"Ate," malungkot na tawag sa akin ni Venom. Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo. Hindi ko napansin na pumasok siya ng study room nang iwanan ako ni daddy sa silid."I don't want to marry him,
"Hindi ko alam na may ikakasal ngayon." Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang lahat. Wait, ako lang ba ang hindi aware na may kasalan? "Sino ang ikakasal?" tanong kong muli."Sino pa ba? Edi,—" Tinakpan ni Areum ang bibig ni Venom at pinanlakihan ng mata ang nakababata naming kapatid."Walang ikakasal," singit ni Hyacinth. "H'wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Venom. Alam mo naman ang isang 'yan lakas ng trip," dagdag pa niya.Tinitigan ko sa mukha si Hyacinth. Hindi ko alam kong totoo ba ang mga sinabi niya, masyadong magaling ang nakatatanda naming kapatid pagdating sa pagtatago ng emosyon niya."Narinig mo si Hyacinth, tara na sa loob," ani Kuya Peter at hinatak ako papasok sa loob ng bahay.Sa loob ng mansion nag-agawan ang mga tita ko sa pagkarga kay Wred, ngunit sa huli ay si mommy pa rin ang nakakuha sa anak ko. Paano kasi ay umiiyak ito sa kanila at tumigil lang nang si mommy na ang kumarga. Nakilala marahil ni Wred ang kanyang lola, panay ang tawa nito kay mommy at aliw