"A-anong gagawin mo?" Nataranta ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng bridal style at naglakad siya palayo sa batis. Sa isang spot sa ilalim ng napakalaking puno niya ako binaba. Naupo siya sa tabi ko at hinila ako palapit sa kanya."It's better if you sit straight.” He firmly pinch my nose with his index and thumb finger. “Now, breathe through your mouth and stop talking.” ‘Di ako nagsalita at sunod-sunod lang na naikurap ang mga mata. Ibang-iba siya sa Wregan Leath na kanina lang ay panay ang dedma sa akin na para bang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Bigla na lang nawala ang cold na Wregan, at itong caring at gentleman na lalaking ito ang pumalit. Anong nangyari sa kanya?"Hindi mo naman kailangan gawin 'to.""Hindi ikaw ang magde-decide kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Hindi ako naka tugon. Nagulat sa sinabi niya. As if he told me to f*ck off and let him do whatever he wants, cause it's his f*cking life not mine."Whatever," tanging nasabi ko at hinayaan na lan
Hindi ko alam kung anong nangyari kay WreganLeath at biglang balik sa pagiging suplado at cold ang treatment niya sa akin. Kahit na anong gawin kong pagpapansin sa kanya nang tanghalian ay hindi niya talaga ako pinapansin, kung magsasalita man siya ay sasagot lang sa mga tanong ko. Panay lang ang iwas niya sa akin, hindi naman sa hindi ko gusto, medyo naninibago lang ako na parang hindi ako nag-exist sa mundo niya kahit pa nasaharap lang niya ako.“Kanina ko pa napapansin, panay ang sulyap mo sa daddy ni Wred. May LQ ba kayo?” bulong na tanong ni Kara nang makalapit sa akin. Hawak niya ang tray ng cookies na baked nina Granny Luna. Ako naman ay ang pitcher ng cold drink, while Alistar is serving the hot drink for everyone.“Hindi naman, baka guni-guni mo lang. Sa iba ako nakatingin.” Maang ko pa at iniwas ang mata sa direksyon kung saan nakaupo si Wregan kausap ang mga lalaki kong pinsan.Malalim ang naging buntong-hininga ni Kara. “Sa tingin ko dapat pag-usapan ninyo ‘yan. Hanggang ng
Pagkatapos ng reunion slush Death Anniversary ng Lolo Klimt sa Subic, nauna akong bumalik ng Manila kesa sa iba. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita si Wred pagkatapos siyang malayo sa akin ng ilang araw. Ang kaso ay walang tao sa unit ni Wregan nang hapon na dumating ako ng Manila. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang phone ng lalaki. Saan kaya ito nagpunta? Wala akong balak na umalis kaya pinili kong maghintay na lang sa labas ng unit ni Wregan Leath. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa ang pagkikita namin ni Wred, sabik na sabik na ako sa kanya. Isa pa, gusto kong kausapin si Wregan tungkol sa pag-alis namin ni Wred pabalik ng New York.Isang oras pa lang akong nakatayo sa labas ng unit ni Wregan, pero ramdam ko na ang pangangalay ng aking mga binti, nang hindi na matiis ay umupo ako sa sahig. Oras pa ang lumipas hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko. Nagising na lamang ako nang makarinig ng ingay ng mga taong nag-uusap sa malapit. Nagmulat ako
“Seriously? What are you doing?” Hindi makapaniwala na tanong ni Wregan Leath na nakalahad pa ang mga kamay. Halatang nabitin ito at talagang wala na sa mode. Bigla ko na lang kasi siyang itinulak palayo sa akin, dahilan para mahulog siya sa kama.“I’m sorry, but we are not supposed to do stuff like this…” Nagmamadali akong tumayo sa kama at pumasok ng banyo. Parang tuod na nakatayo lang ako sa harap ng sink at tinititigan ang sarili sa salamin. D*mn, Petunia! Bakit ba napakarupok ko pagdating sa lalaking iyon? Nagawa ko naman na kontrolin ang sarili ko noon kay Luca, bakit sa kanya hindi? Bakit ngayon hirap akong pigilan ang sarili ko? I managed to ignore my feelings for Luca, ngunit bakit ngayon hirap na hirap akong pigilan ang damdamin ko?Isang katok sa pinto ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Kasunod ng katok ay nagsalita si Wregan, “I’m sorry about earlier. Alam kong mali ang ginawa ko, but can you please stop resisting? I know you want it too, you want me as much as I want you,
Kumakain na ng agahan niya si Wregan nang tumayo ako at puntahan siya sa kusina. Hindi na kasi ako mapakali, ang sabi niya ay maagang ihahatid ng mommy niya si Wred dito sa condo niya, pero anong oras na wala pa rin ang anak ko. I f*cking want to see my son.“Wregan, anong oras ba eksaktong darating ang mommy mo? Gusto ko ng makita si Wred,” nayayamot kong tanong sa kanya na kumakain habang may kung anong kinakalikot sa cellphone nito. Nag-angat ito ng tingin. “I’m not sure. Mom, told me maaga niyang ihahatid si Wred. I’ll call her...” Hindi na ako tumutol nang magprisita siyang tawagan ang kanyang ina. I really want to know kung ano ang nangyari at wala pa rin ang mommy ni Wregan at si Wred. Habang sinusubukan na tawagan ni Wregana ang ina niya, bumalik ako sa sala para doon maghintay ng update. Ilang minuto din na naghintay ako bago siya lumabas ng kusina.“Anong sabi?” tanong ko agad nang maupo ito sa single seater couch sa katabing long couch kung saan ako nakahiga, hindi pa rin
“I thought you’re gonna take care of me?” tanong ko kay Wregan nang makitang bihis na bihis ito paglabas ng closet. "May lakad ka?""Yeah… Nakalimutan ko. May event pala akong dapat daluhan today. Don't worry, wala naman akong balak dumalo sa after party ng event." Nakangiti siyang nangako."Hindi mo naman kailangan umuwi ng maaga. I'll be fine. If you want to attend the after party, pwede naman." Maganda ang mood sa pagitan naming dalawa, at ayukong sirain iyon kahit pa medyo disappointed ako dahil aalis siya. Ang sabi niya kasi ay sasamahan niya ako dito sa condo niya since hindi ko makikita ang anak namin."Nah… Uuwi agad ako pagkatapos ng event. Anong gusto mong kainin for dinner? Magte-take out ako." Is he saying before dinner narito na siya sa bahay? I don’t want to assume, pero mukhang nagsasabi naman ng totoo ang isang ito at sana lang talaga totohanin niya.“Chinese food… I want Wanton. Ikaw na bahalang mag-isip ng iba pang pagkain basta huwag mong kakalimutan ang Wanton ko. W
“Good morning!” bati ni Wregan nang magising ako, nakaunan pa rin sa braso niya. Siya naman ay yakap-yakap pa rin ako sa baywang. Natulog ba kaming ganito? Hindi man lang ba kami naghiwalay? Damn… No wonder I slept so peacefully. Ang sarap pa lang matulog ng may kayakap.“Anong oras na ba?” tanong ko at umupo sa kama habang kusot ang mga mata. Ngayon ihahatid ng mommy ni Wregan ang anak namin. I need to fix myself before they arrive.“Quarter eight…”“Ang mommy mo? Anong oras nga ulit niya ihahatid si Wred?” Bumangon ako sa kama at sa banyo agad nagtungo para maghilamos at magsipilyo. “Nasa ibaba na si Wred kasama ang tito niya.” Napahinto ako sa paglalagay ng toothpaste sa aking toothbrush at nagtatanong ang mata na nilingon si Wregan.“Tito?”“Your brother, Venom is here.” Pumitik ang ugat ko sa ulo dahil sa narig. Ang aga-aga masakit na ang ulo ko. Ano naman ang ginagawa ng lalaking iyon dito? “What is he doing here?”Nagkibit ng balikat si Wregan Leath. “You can wash first. Hinta
“Nasaan na ba si Venom?” naiinip na tanong ko kay Wregan nang ilang oras na kaming naghihintay ay wala pa rin ang kapatid ko. Nagpaalam itong babalik sa unit ng kaibigan niya para maligo at magpalit ng damit. Paano kaya iyon nagkaroon ng damit sa bahay ng kaibigan niya? Or baka manghihiram lang siguro? “Ano ba ‘yong friend niya? Lalaki o babae?” dagdag kong tanong.“No idea.” Kibit-balikat namang sagot ni Wregan. “Why don’t you call your brother? Itanong mo kung bakit wala pa siya,” suhesyon niya na ginawa ko naman since ako lang ang libre ang mga kamay. Karga kasi niya si Wred. Tinawagan ko si Venom, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. Nakalimang tawag pa ako bago nakatanggap ng mensahe mula sa kapatid kong sira ulo. “Hintayin na lang daw natin siya sa park,” imporma ko kay Wregan pagkatapos basahin ang mensahe ni Venom sa akin. “Hindi ko alam ang dahilan, basta ang sabi lang ng loko may problema daw siya at aasikasuhin niya muna saglit. Hahabol na lang siya sa atin.” Tumango l
“Anong resulta?” tanong agad ni Wregan nang makalabas ako mula sa bathroom ng aming ginagait na silid. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang ipakita sa kanya ang sink kung saan nakahilera ang limang pregnancy test. Kabadong pumasok si Wregan at lumapit sa sink, ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto, nakahawak sa door frame."I'm not pregnant," basag ko bigla sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi na kasi nagsalita si Wregan matapos isa-isang tignan ang mga PT, nakatutok lang ang tingin niya sa mga nakalatag na pregnancy test. “It’s a good thing that I am not pregnant, right?”"I won't deny it, I hope you are pregnant. But it's alright, we have plenty of time for the second baby." Isa-isa niyang pinulot ang mga Pt at itinapon iyon sa malapit na trash bin."Wash your hands please," paalala ko sa kanya na agad namang ginawa ni Wregan bago lumapit sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mo ng second baby?" tanong kong yumakap sa baywang niya. Gumanti naman ng yakap si Wregan
Tanghali akong nagising kinabukasan, wala na sa tabi ko ang mag-ama kaya bumaba agad ako ng kusina para hanapin sila. Sa kusina, isang middle-aged woman ang aking naabutan, nagkagulatan pa kami nang aksidenteng magkasalubong; ako papasok ng kusina, siya na palabas at may dalang tray ng breakfast.“Maayong buntag, Ma’am. Gising na pala kayo. Ako si Tesa, ang katiwala ni Madam Hyacinth sa beach house na ito. Saan niyo po gustong kumain ng agahan?"“M-magandang umaga, Manang.” Nahihiya kong tugon. Ang bilis niyang magsalita, mabuti na lang at Tagalog ang kanyang lenggwaheng ginagamit, kung hindi ay hindi ko talaga siya maintindihan. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang pagkain. “Sa akin po ba ang mga iyan?”“Oo, ma’am. Ang sabi kasi ng asawa niyo’y maghatid ako sa inyo ng pagkain sa kwarto."“A-asawa?”“Oo, nasa dagat sila ng anak ninyo.” Napalingon ako sa glass wall kung saan makikita ang malawak na dagat, ngunit puro sanga at dahon ng malalaking kahoy ang aking nakita roon. “Hindi mo
Sa isang shipyard sa Navotas kami dumaong, ang sabi ni Gregory ay kaibigan niya ang may-ari ng nasabing shipyard. Mahigit apat na oras rin ang byahe namin sa dagat dahil medyo maalon. Thankfully, walang naging aberya at safe kaming nakadaong ng Maynila.May sasakyan nang nakaabang sa amin nang makababa kami ng yate ni Gregory. Ang buong akala ko pa ay kami lang ni Wregan ang sasakay, ngunit sumama sa amin si Gregory para ihatid raw kami sa airport. Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinili kong manahimik at kimkimin ang mga bagay na gusto kong itanong sa dalawang lalaki na aking kasama."We are here," imporma ni Gregory nang huminto ang aming sinasakyan. “Here are the plane tickets for General Santos City. Someone will be waiting for you at the airport to escort you to your next destination.”"General Santos?" Worried na nilingon ko si Wregan. "Bakit kailangan nating pumunta ng General Santos? Anong nangyayari?""Magbabakasyon lang tayong tatlo.""Pero bakit naman ang layo?" Hindi ko
Tumikhim si Venom kaya napahiwalay ako ng yakap kay Wregan. Nginuso niya ang direksyon kung saan nakatayo si daddy. Gumaan ang loob ko at napanatag nang makita ang maamo na niyang mukha, pinanunood niya kami ni Wregan.“Since the misunderstanding has resolved. You’ll let them leave, right?” pagkausap ni Hyacinth kay daddy, tumango naman ito. Hinawakan ni Venom ang mga balikat ko at itinulak ako layo sa harap ng plaform. Naguguluhan na nilingon ko si Wregan, tumango lang siya sa akin, sinasabing sumakay nalang ako sa gimik ng kapatid ko. Sumunod naman agad sila ni Helian sa amin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo kay daddy.“What will happen to him?” tanong ko kay Hyacinth nang makarating kami sa harap nila ni Enver. Worried na nagbaba ako ng tingin sa kanya na nakangiwi pa rin sa kirot ng tinamong tama.“May sasakyan na nag-aabang sa inyo sa labasan, naroon si Areum naghihintay sa inyo, kasama niya si Wred. Ihahatid kayo ng driver sa Subic Bay Yacht Club, naghihintay doo
“Stop this nonsense, Hyaci—”*bang!*Lahat kami ay labis na nagulat. Ang ilan ay napatili nang barilin ni Hyacinth si Enver sa hita, napa-igik ang lalaki at napaluhod sa isang paa. Nagulantang ako nang maging visible sa suot nitong white pants ang pulang stain ng dugo.“Should I shoot this nonsense' head then?” poker face na tugon ni Hyacinth kay daddy, itinutok nito ang baril sa ulo ni Enver at hinila sa buhok ang lalaki na nakangiwi dahil kirot ng tinamong tama.“F*ck! She really shot him!” angil ni Venom. Tinulungan niyang tumayo si Wregan Leath, habang si Helian naman ay inalalayan rin akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa nanghihinangtuhod. Hindi ko alam kung paano nakarating ang dalawang ito sa tabi namin ni Wregan.Hinarap ko si Venom. “Akala ko ba walang masasaktan?”“Akala ko rin!” Nawindang na tugon niya, hindi inasahan ang nangyari.“Sa tingin niyo ba nagbibiro ako?” Bumalik ang atensyon namin ni Venom sa aming nakatatandang kapatid. "I want you to let them leave i
Umawang ang labi ko sa labis na pagkagulat sa aking nakikita. Hinaharana ni Wregan Leath ang aking ama. No, he is not serenading my father. It's more like he is sarcastically singing him a song and declaring war! What is wrong with this man? Nababaliw na ba siya? Hindi pa ba siya nakontento sa ginawang pambubugbog sa kanya at gusto na naman niyang ipahamak ang sarili niya?“You say I'll never get your blessing till the day I die~”Stressed akong hinilot ang aking sintido. Yes, he is clearly declaring war against my father. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan na sira ulo ang lalaking ito? Napalingon ako sa aking mga kasama. Isa pang sira ulo ang nasa tabi, Venom is cheerfully cheering for Wregan leath, biglang naging fanboy ang baliw kong kapatid. May pa-banner pa ito’t iwinawagayway habang sumasabay sa pagkanta ni Wregan Leath.“I hate to do this, you leave no choice, can't live without her~”Napaka-ingay ng buong venue. Hindi na lang si Venom ang nagchi-cheer kay Wregan, kahit ang relative
“Wala ba talagang magsabi sa akin kung ano ang nangyayari?” deadpan look kong tanong kay Poppy, Alistar at Areum na kasama ko sa aking silid. Inaayusan nila ako. “Ang akala ko ba’y tutol kayo sa kasal ko kay Enver?”“Oo, nga!" tugon ni Poppy at hinatak ang buhok ko. Napaigik ako't tinampal siya sa braso. "Ouch, huh? Kung kalbuhin kaya kita?""Maldita ka talaga, ikaw kaya ang unang nanakit!" asik ko naman."Ang ingay mo kasi. Bakit hindi ka na lang maupo r'yan at hayaan kami sa ginagawa namin? 'Di kami matatapos sa pag-aayos sa 'yo kung panay ang paglikot mo d'yan."Napasimangot ako. Bakit ang mean sa akin ng mga babaeng ito? Gusto ko lang naman malaman ang binabalak nila. Bakit parang ang lumalabas pa na masama ay ako?"Hindi niyo naman kailangan gawin ito. Pwede naman na hindi ako dumalo sa kasal at tumakas na lang. Bakit kailangan niyo pa akong ayusan—""Ate, pwede ba? Manahimik ka? Nakaplano na ang lahat, okay? Ang gagawin mo lang ay sundin ang mga ipapagawa namin sa iyo. Ngayon, w
Pagkatapos akong kausapin ni Kara tungkol sa kasal, hinanap ko si daddy upang kausapin ito. Natagpuan ko siya sa study room ni Lolo Klimt. Ngunit kahit anong sabihin ko’y hindi niya ako pinakikinggan, kahit lumuhod na ako sa harap niya ay wala pa rin nagawa ang aking pagsusumamo."There's nothing you can do. Whether you like it or not, your wedding with Enver Honovy will push through," konkretong pahayag ni daddy at tinalikuran ako.Nanghina ako sa aking mga narinig. Ayukong makasal sa lalaking hindi ko mahal, pero takot naman akong suwayin ang aking ama. Malaki ang kasalanan ko sa kanila ni mommy; nilihim ko ang tungkol sa kay Wred. Pero sapat bang kabayaran ang kalayaan kong pumili ng lalaki na makakasama ko sa buhay dahil sa ginawa kong pagkakamali?"Ate," malungkot na tawag sa akin ni Venom. Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo. Hindi ko napansin na pumasok siya ng study room nang iwanan ako ni daddy sa silid."I don't want to marry him,
"Hindi ko alam na may ikakasal ngayon." Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang lahat. Wait, ako lang ba ang hindi aware na may kasalan? "Sino ang ikakasal?" tanong kong muli."Sino pa ba? Edi,—" Tinakpan ni Areum ang bibig ni Venom at pinanlakihan ng mata ang nakababata naming kapatid."Walang ikakasal," singit ni Hyacinth. "H'wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Venom. Alam mo naman ang isang 'yan lakas ng trip," dagdag pa niya.Tinitigan ko sa mukha si Hyacinth. Hindi ko alam kong totoo ba ang mga sinabi niya, masyadong magaling ang nakatatanda naming kapatid pagdating sa pagtatago ng emosyon niya."Narinig mo si Hyacinth, tara na sa loob," ani Kuya Peter at hinatak ako papasok sa loob ng bahay.Sa loob ng mansion nag-agawan ang mga tita ko sa pagkarga kay Wred, ngunit sa huli ay si mommy pa rin ang nakakuha sa anak ko. Paano kasi ay umiiyak ito sa kanila at tumigil lang nang si mommy na ang kumarga. Nakilala marahil ni Wred ang kanyang lola, panay ang tawa nito kay mommy at aliw