Naabutan ni Carnation si Wregan sa salas, at bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ng bahay, kinabig nito sa balikat si Luca na nakatayo upang salubungin si Wren na pababa ng hagdan at bigla na lang sinuntok sa mukha, si Luca ay natumba sa sahig dahil sa lakas ng suntok nito.
"Wregan!!" malakas na sigaw ni Carnation. Mabilis siyang tumakbo patungo sa dalawang lalaki. Wala sa loob na tinulak niya si Wregan at dinaluhan si Luca nakaupo sa sahig.
"Are you out of your mind!?" galit na sigaw niya. Nilingon niya si Luca at maingat na hinawakan ang napuruhan nitong pisngi. "Ayos ka lang ba?"
Sunod-sunod na tumango ang binata. "I'm fine, don't worry. Hindi ko lang inaasahan ang ginawa niya kaya hindi ako nakailag," mahinahon at nakangiti na sagot naman nito.
Si Wregan na nanonood sa dalawa ay nagkuyom ng kamao, hindi niya na pag-igtingin ang panga sa nakikita. The woman he truly loves is protecting his love rival from him. Nag-mukha siyang kontrabida sa
“Magkapatid kayo?” Nakuyom ni Carnation ang kamao. Sinulyapan niya si Wregan na labis ang pagkunot ng noo, nakatingin sa kanila ni Wren, naghihintay ng confirmation. “Sumagot ka kuya, tama ba ang narinig namin?” “Yes, Carnation is my half-sister. Magkapatid kami sa ina," sagot ni Wren. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "Her father and my mother had an affair." "Kaya mo kami sinira?" akusa agad ni Wregan. Tila ba siguradong-sigurado ito sa naisip. "Yes, I ruined your relationship because Carnation is my sister. I was informed that you got yourself a girlfriend, nakarating din ito kay Dad at inutusan niya ako. He told me to investigate your girl, knowing him, hindi niya hahayaan na mapunta ka sa kung sino lang na babae. At doon ko nalaman ang ugnayan naming dalawa, na may kapatid pala ako sa ina at si Carnation iyon." "Pero bakit hindi mo na lang sinabi sa akin? Bakit kailangan mo pa akong i-set up at gawing gago!?" galit na sigaw n
“Masarap ba?” nakangiting tanong ni Carnation kay Luca pagkatapos itong subuan. Nagluluto siya ng pasta at gustong tikman ng binata ang ginawa niya na sauce. “Mhmm… I love it! I think this will be my new favorite,” todo ang ngiti ang puri ni Luca sa natikman na sauce. "Maniwala ako sayo…" "Oo nga, sobrang sarap. It felt like I'd tasted the heave," banat ni Luca. Malakas na tumawa si Carnation, iba kasi ang naging dating ng sinabi nito sa kanya, ang laswa. "Tch!" angil ni Wregan na nakaupo sa high chair. Nanonood sa dalawa na sweet at panay ang asaran habang nagluluto sa kusina. Banas na banas na siya sa nakikita, hindi nakakatuwa, gusto niyang bangasan si Luca. Alam naman niya na sinasadya nito na inisin siya at lalo lang siyang naiinis dahil tagumpay nitong na sira ang mood niya. "Anong ginagawa mo r'yan?" Baling ni Luca sa kanya na ngayon ay nakayakap sa maliit na baywang ni Carnation. "Kung hindi mo gusto ang nakikita mo, umalis ka na lang,
“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kapatid mo si Wren Leath,” saad ni Luca. Nakahiga ito sa kama sa loob ng sekretong silid sa opisina nito sa Casa de Lujuria. Yakap nito ang dalagang si Carnation na unan ang braso niya. “Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman noong unang beses kong malaman. Pakiramdam ko pinaglaruan ako ng lahat. Pero ang totoo may parte sa puso ko na sobrang sumaya dahil kapatid ko pala talaga ang lalaking pinangarap kong maging nakatatandang kapatid noon.” Yumakap sa katawan ni Luca ang dalaga. “Pero hindi ko masabi na masaya akong nalaman na kapatid ko siya, galit pa rin ako sa ginawa niya.” “Does that mean you wish to be with Wregan again?” kaswal na tanong ni Luca. Ngunit kinakabahan sa magiging sagot ni Carnation. Paano kung hilingin nito na bumalik kay Wregan? F*ck. Ito na naman siya sa pag-overthink. Siya na ang pinili ni Carnation, hindi na magbabago ang pasya nito. Hindi nga ba? “Hindi.” Naging mahigpit ang ya
"Kumusta na si Farkas?" tanong agad ni Carnation at tumayo mula sa lounge. "Ano ang nangyari? Bakit siya inatake?" "Sino ang walang hiyang sumaksak sa kanya?" galit agad na tanong ni Lizette at sinalubong si Luca na pumasok ng opisina nito kasama si Gregory. "He's fine. Fortunately, hindi malalim ang tinamo niyang mga saksak—" "Mg saksak!? Bakit? Gaano ba karami ang saksak niya?" "Hey, relax. Dalawang saksak sa tiyan ang tinamo ni Fast at isa naman sa balikat," ani Luca. "Mabuti na lang at lahat ng saksak niya ay hindi bumaon ng malalim, wala rin siyang organs na tinamaan," pagpapatuloy ni Gregory. "Hindi pa namin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya sa parking. Hindi pa rin siya nagigising at hindi namin alam kung kailan siya magigising." "Hindi ba pwede na i-check ang CCTV? I'm sorry nakunan ng CCTV ang nangyari sa kanya sa parking," suhestiyon naman ni Carnation. Naglakad patungo sa kanya si Luca at mahigpit siyang niyakap. "Inaasikaso na ni Pride ang security cameras.
"Hindi ako sang-ayon sa kasal n'yo ni Binibining Mist." Natigilan si Wren na nakaupo sa driver's seat ng sasakyan at nilingon ang kapatid na nakaupo sa passenger seat. Magkasama silang dalawa dahil gusto ni Wren na ilabas ang nakababatang kapatid na babae para mag-dinner "Mhmm? Why so sudden? Hindi na lang ang boyfriend mo ang kontrabida sa love story namin ni Mist, pati na rin ikaw. Bakit?" Umikot ang mata ni Carnation. "Hindi ako kontrabida kuya, hindi lang talaga ako payag na si Binibining Mist ang maging asawa mo." "Bakit nga?" "Feeling ko ginagamit ka lang niya. Malakas ang kutob ko kuya, I'm sure may binabalak siya." Hindi niya alam kung ano binabalak ni Mistina, pero sigurado talaga siya na kaya ito magpapakasal sa kapatid niya, dahil gusto nitong gamitin si Wren sa kung ano man ang plano nito. "You don't have to worry about her and our wedding. Hindi naman ikaw ang pakakasal sa kanya, bakit kailangan mo pang alalahanin ang bagay na iya
Papasok pa lang si Carnation ng Casa de Lujuria, nang bumaba siya ng taxi ay bigla siyang hinablot ni Lizette sa kamay at hinila papasok ng hotel. Gulat niyang nilungon ang kaibigan at hiniyaan itong hatakan siya. “Bakit ka nagmamadali? May nangyari ba sa loob?" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan nang mapansin itong hindi mapakali. Nasa loob na sila ng elevator patungong Casa de Lujuria. "Gising na raw si Farkas," tila maiiyak na sagot ni Lizette. Hindi niya sinasadya na matawa pero ang cute lang kasi ng kaibigan niya, alalang-alala sa baby boss nila. "Walang nakakatawa, Mauve! Alam mo ba na sobrang nag-alala ako sa hayop na iyon!" "Chill ka lang. Hindi mo naman kailangan sumigaw. Alam kong nag-aalala ka kay Farkas." Binitawan ni Lizette ang kamay niya. Sumimangot ang kaibigan na humarap sa pinto ng elevator. "Bakit hindi mo pinuntahan si Farkas? Hinintay mo pa talaga ako." "Bakit sa tingin mo papayagan nila akong pumasok sa kwarto niya? Isa pa, nar
Bumukas ang pinto ng opisina ni Luca at lumabas doon ang apat na lalaki. Hindi niya pa nakita ang mga lalaking ito, ngayon pa lang. Sunod na lumabas ng opisina nito si Luca na agad siyang napansin na nakatayo sa lobby. Nagkunot ito ng noo nagtataka kung bakit naroon siya nakatayo suot lamang ang manipis na roba. Nag-iwas siya ng tingin sa binata at niyuko ang ulo. Binati niya ang mga lalaking dumaan sa harap niya kasama na ang kasintahan na lumingon pa sa kanya ng isang beses bago ito tuluyang lumakad kasama ng mga lalaki. Wala sa sariling nagkuyom ni Carnition ang kamao. Hinabol niya ng tingin ang papalayong binata na 'di na muli lumingon sa kanya. Ano ang nangyari? Bakit pakiramdam niya may nagbago dito? Iba ang mga tingin ng binata sa kanya nang nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig ang tingin nito na para bang hindi siya kilala, at iyon ang unang beses
“Hindi ka ba ihahatid ni Carnation?” nanunukso na tanong ni Farkas na nakaupo sa shotgun seat, habang siya ay nasa backseat. They’re now waiting for Mistina na sobrang tagal bumaba, dahil ang daming dala. “She doesn’t want to go,” nagdaramdam niyang sagot sa kapatid. Tinawagan niya ang dalaga kagabi para sana imbitahan itong sumama sa paghahatid sa kanila sa airport, pero nagbilin lang itong mag-iingat siya sa byahe. Hindi niya tuloy alam kung aalis ba o huwag na lang. Halata kasi sa boses ng dalaga kagabi na nagtatampo pa rin ito. “Aww… So sad naman niyan, bro. Baka pagbalik mo may ibang nagko-comfort na sa girlfriend.” Sulsol pa ng kapatid niya at malakas na tumawa. Sinamaan ito ng tingin ni Luca at ipinakita ang middle finger niya sa kapatid, lalong lumakas ang tawa niyo dahil sa ginawa niya. “Bakit kasi hindi ka na lang magpa-iwan dito?” “Shut up, Fast. You know why I’m going with you.” “Because you miss dad?” Malutong na nagmura si Luca. Si Farka
Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute
Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi
“I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag
"What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
“Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat
Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip
"I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n
"Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon
Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa