Share

Chapter 38

Author: Eu:N
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Hindi ba day-off mo ngayon?" Tumaas ang isang kilay ni Carnation nang marinig ang sinabi ng isa sa kanyang kasamahan sa trabaho. "Bakit ka pumasok kahit day-off mo?" dagdag pa nito. Magka-cross ang braso, hinarap niya ito.

"Oh-eh, ano naman sa 'yo?" matapang niyang sabi dito. Nagulat ito sa naging tugon niya kahit ang ibang niña na kasama nila sa waiting room. Hindi kasi pala salita at solo flight lang palagi si Carnation, 'di katulad ng mga ito na may mga grupo at circles.

"N-nagtatanong lang naman ako, ah?" She sighed. Akala pa naman niya ay papatulan siya nito, sayang. Gusto pa naman sana niya ng away. Wala siya sa mood dahil sa nangyari sa office ni Mr. Lust.

"May special booking ako tonight," malumanay siyang nagsalita sa pagkakataong ito. "Kung ako lang ang masusunod nasa bahay na 'ko ngayon at natutulog," dagdag pa niya at tinalikuran ito. Tsk! Doon na lang siguro siya sa main floor tatambay. Buti pa doon may nakakausap siya ng maayos.

"Kakaib

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 39

    "Ano? Wala kang sasabihin? Kasi kung wala naman, gusto ko sanang mapag-isa," taboy ni Carnation sa binata ng ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nagsalita si Luca. Disappointed siyang napailing nang hindi pa rin ito nagsalita. Siguro ay tinamaan talaga ito sa sinabi niya kanina, na katulad ng kaibigan nitong si Wregan, isang cheater. Dahil kung matinong lalaki itong kaharap niya hindi siya nito susubukang halikan. For pete sake! He has a girlfriend. Hindi ba talaga makuntento sa isa ang mga lalaki? "I'm sorry. . ." Hindi natuloy ang tangkang pagtalikod ni Carnation sa binata, sa halip ay nalukot ng husto ang noo niya sa sinabi nito. "Sorry? Sorry, kasi tulad niya cheater ka?" Sarkastiko siyang tumawa nang umigting ang bagang ng binata. Ano galit na ito? Pero totoo naman, ah? "That's not true. But I want to say. . . I'm sorry." Siya naman ang napa-igting ng bagang sa sinabi ni Luca. "It's not my intention for you to believe that I'm cheating o

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 40

    Hindi maiwan ng mata ni Luca ang panig ng ballroom kung saan naroon si Carnation. Nakita niya kung paano nagbago ang timpla ng mukha nito nang inanunsyo ni Samantha ang tungkol sa kanila ni Tilaine. He smiled at her pero lalo lang bumusangot ang mukha ng dalaga. Inabot nito ang goblet ng wine mula sa tray ng dumaan na waiter. Inisang inom nito ang laman ng hawak na baso. Inabangan niya ang muling paglingon ng dalaga sa kanya pero hindi ito nangyari, she is avoiding looking at them.. Damn. Palagi nitong sinasabi sa kanya na wala itong pakialam sa kanya pero iba naman ang nakikita ni Luca. Bakit kasi hindi na lang nito amin sa kanya ang totoo? Iyon lang naman ang hinihintay niya, sabihin lang nito at gagawin niya ang lahat para sa dalaga. "Is that her?" curious na tanong ni Tilaine na kay Carnation din nakatingin. "Yeah…" "She's pretty," komento nito. Tilaine crossed her arms. "Hindi na ako nagtataka kung bakit baliw na baliw ka sa kanya." "Too

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 41

    "Dito agad ako dumeretso galing airport." Malungkot na ngumiti sa kanya ang binata, kita sa g'wapo nitong mukha ang pagod at stress. Mukhang wala pa itong tulog, halata sa eyebags nitong nangingitim. "A-anong ginagawa mo dito?" Isang beses na humakbang si Carnation palayo sa lalaki. Alam niyang wala siyang hika. Ngunit bakit hindi siya makahinga ng maayos, bigla na lang din nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. "Babe, pwede mo na ba akong kausapin? Binigay ko na ang space na kailangan mo. I let you think for months. P'wede ba na ako naman ang pagbigyan mo? Hear me out… Please?" Parang piniga ang puso ni Carnation sa pagsusumamo ng binata, ngunit matigas ang puso niya. "Umalis ka sa harapan ko, Wregan." "No!" Sunod-sunod itong umiling."Hindi hanggat hindi mo pinakikinggan ang paliwanag ko." Hinuli nito ang kamay niya. Nagpumiglas siya ngunit mas malakas sa kanya ang binata. Madali lang siya nitong nahatak palabas ng hotel. Naghilaan sila hanggang sa mak

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 42

    Nag-igting ang bagang ni Luca na nakakubli at nakikinig sa pag-uusap ni Carnation at Wregan. Gusto niyang ipakita ang sarili, pero naisip niyang hindi tama na makialam siya sa isyu ng dalawa. Tama na ang sekreto niyang pakikinig."I never had an affair with her. Please believe me, babe." Nakaluhod na sabi ni Wregan sa dalagang hindi matigil ang mga luha sa pagdaloy. Hindi ito nagsasalita."Pagkatapos mong umalis ng bahay, I tried to run after you, but my mother wouldn't let me leave the mansion. Nagtalo pa kami bago ako tuluyang naka-alis ng mansyon kasama si Kara." Inabot ni Wregan ang parehong kamay ng dalaga, hinayaan lang ito ni Carnation. Si Luca naman na nanonood sa dalawa ay napatiim ng bagang. "I prepared a surprise for you, and Kara was the one who helped me with the preparation. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kita nasundo at kaya kasama ko si Kara nang dumating kami ng mansion.""Ang plano ko nang araw na iyon ay dadalhin ka sa rooftop after natin b

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 43 pt.1

    Nakatuon ang tingin ni Luca sa stage ng Casa de Lujuria. Nakatayo siya sa platform sa gitna ng twin staircase, at nakahawak ang dalawang kamay sa railings ng platform. He was watching the girl dancing in the middle of the stage with two more girls. Hindi mawala sa isip ni Luca ang sinabi ni Wregan sa kanya sa nagdaang gabi. Carnation was a victim and experience miscarriage. Hindi niya lubos maisip kung paano ito hinarap ni Carnation, kung nalaman lang sana niya ng mas maaga sana ay nadamayan niya ang dalaga. "Hey, you've been staring at her for quite too long." Hindi niya kailangan na lingunin ang nagsalita. Sa boses pa lang ng tumabi sa kanyang lalaki, alam na niya agad kung sino ito. "I haven't heard from you. Kumusta ang runaway prince?" pabiro niyang tanong kay Enver Honvy, the Envy of SSA. "Don't change the subject, kid." Tumawa siya ng malakas. Hindi pa rin talaga nagbabago si Enver, mukha pa rin itong 80's aged man kung magsalita. "I heard you

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 43 pt.2

    "Ano ba! Ibaba mo ako Mr. Lust!!" Pinaghahampas ni Carnation ang likod niya pero wala pa rin itong silbi, Matulin lang siyang naglalakad sa lobby na parang hindi niya karga sa balikat ang dalaga. Pumasok sila sa isang silid sa dulong bahagi ng lobby. Agad na binalibag ng binata patapon sa velvet na lounge si Carnation. Umaray pa ito dahil sa lakas ng imapak."Bw*sit ka Mr. Lust!" sigaw ni Carnation sa inis at binato ng sandal ang nakatayong si Luca, pero parang hindi man lang ito nasaktan."Tatawagan ko si Farkas, sasabihin kong iba na lang ang ipadala niya kay Rufus.""Hindi!" Tumayo si Carnation. "Customer ko siya at ako dapat ang mag-serve sa kanya—""No! You'll stay here.""Hindi nga! Bakit ba tinatanggalan mo ako ng trabaho?" singhal ng dalaga at tinulak si Luca para ito makaraan.Hinabol ni Luca ang dalaga na nasa harap na ng pinto. Binuksan nito ang pinto pero mabilis na itinukod niya ang kamay dahilan para sumara ito ng malakas

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 44

    "Okay ka lang ba? Para kang natuklaw ng malaking ahas," tanong ni Lizette nang makabalik si Carnation ng waiting room. Ang kaibigan na lang niya ang naiwan dito, marahil ay nagsi-uwian na ang iba dahil pasikat na ang araw, at ilang minuto na lang magsasara na ang Casa de Lujuria."Muntik na,” sagot niya dito at pagod na umupo sa lounge."Ano? May ahas talaga dito? Jusko! Sabihin mo kung saan at ipaaalam ko kay Sir Fast!" nataranta na sabi ni Lizette na itinigil ang ginagawa sa harap ng salamin. Nagtatanggal kasi ito ng make-up at accessories."Marami d'yan nagkalat. Sa main floor nakatambay ang iba," pasaring na sagot niya. Tinutukoy ang mga client nila sa ibaba. Straight face na tinignan siya ni Lizette."Seriously, anong ahas? Iyong mga mang-aagaw ng client ba o iyong nakalawit?""Nakalawit. . . ," walang gana niyang sagot. Hindi pa rin siya naka-recover sa pinagdaanan kanina! Hindi naman siya tumakbo. Pero grabe! Pakiramdam niya hina

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 45

    "Where are you taking me?" Hindi alam ni Carnation kung ilang beses na itong tinanong sa kanya ng kanyang boss. Mula nang makalabas sila ng silid, wala na itong ibang ginawa kundi ang itanong sa kanya kung saan sila patungo. Hindi siya sumagot at patuloy lang itong hinila pababa ng hagdan. Ewan niya ba, kung anong pumasok sa isip niya at dito niya ito hinila sa hagdan imbes na sa elevator! "Where are you taking me?" tanong na naman nito. Umirap si Carnation sa hangin at hindi pa rin sinagot ang kanyang boss. "Where are you taking me, Carnation?" Hindi pa rin siya sumagot. Tsk! Ang kulet. Hindi ba pwede na tumahimik na lang ito, kasi kahit siya ay hindi alam kung saan dadalhin ang lalaki. Sinama lang naman niya ito paalis ng lugar dahil sa dalawang unggas! "Where are you taking me—" "Ugh! Pwede ba sir tumahimik ka? Hindi ko alam, okay? Gusto ko lang naman makaalis na doon." Tumigil siya at hinarap ang boss. "Hindi ko talaga alam kung saan tayo pu

Pinakabagong kabanata

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Special Chapter pt.2

    Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Special Chapter pt.1

    Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Epilogue

    “I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 105

    "What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 104

    “Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 103

    Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 102

    "I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 101

    "Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 100

    Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa

DMCA.com Protection Status