2:30am, mahimbing ang tulog nina Helen at Wendy nang magising ang mga ito dahil sa mahinang pag-alog ng kanilang kama. Sinabayan pa nito ng pagpatay sindi ng ilaw. Parehong bumangon ang dalawa.
"Ano 'yon?" Takang sambit ni Wendy.
"Naramdaman kong may umalog." Ani Helen.
Muling umalog ng malakas ang kama dahilan upang sabay sumigaw ang dalawa. Parehong napayakap ng isa't isa habang umiiyak at sinabayan pa ng pagtili ng mga ito dahil sa sobrang takot.
Bumukas ang pinto dahilan upang matigil sa pag-alog ang kama at pagpatay sindi ng ilaw. Nag-aalalang pumasok sina Clement, Trist at Dylan sa kwarto, kung kaya't parehong kumalas mula sa pagkakayakap ng isa't isa sina Helen at Wendy.
"Anong nangyari dito?" Nag-aalalang tanong ni Trist.
"Hindi namin alam," umiiyak sa takot na sambit ni Helen. "Nagising na lamang kami na umaalog ng malakas yung kama tapos.. nagpatay sindi yung ilaw." Paliwanag nito.
Inakap ni Dylan si Helen upang mawala yung takot nito. Hindi naman tumanggi si Helen sa halip pabor sa kanya ito dahil boyfriend naman niya ang kayakap.
"Bakit kayong dalawa lang? Nasaan si Ynaria?" Singit na tanong ni Clement.
"Paggising namin wala na siya sa tabi namin." Sagot ni Wendy.
"Titignan ko sa baba," prisinta ni Trist. "Dito lang kayo." Paalalang dagdag nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"Natatakot ako, Dylan." Humahagulhol na turan ni Helen.
"Wag ka mag-alala nandito ako sa tabi mo." pagtatahan ni Dylan kay Helen habang nakayakap ito at inaalo ang likod nito.
"Puntahan ko lang sina Ryan at Paul. Dylan, ikaw na muna bahala sa kanila." Ani Clement. Tanging tango lang ang sinagot ni Dylan, kung kaya't walang salitang lumabas ng kwarto si Clement.
Pagpunta ni Clement sa labas ng kwarto nina Paul at Ryan kakatok pa lamang ito ng bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang bagong mulat na si Paul, habang si Ryan naman ay tulog pa rin.
"May narinig akong ingay, ano ba 'yon?" Bungad na tanong ni Paul. Kinukusot-kusot pa nito ang kaliwang mata.
"Hindi ka maniniwala," Marahan iling na sagot ni Clement. "May nangyari kina Wendy at Helen, takot na takot sila habang umiiyak. Tapos si Ynaria, hinahanap siya ni Trist." Paliwanag ni Clement.
Napakunot noo si Paul. "Teka, di kita maintindihan, anong kinatatakot nina Wendy?"
Humugot ng hininga si Clement, "Alam ko nahihirapan ka, kahit ako ganun din."
"Anong ibig mong sabihin?" Kuryos na tanong ni Paul.
"Ang mabuti pa gisingin mo na si Ryan, napakatulog mantika niya." Ani Clement kasabay ng pagtap nito sa kanang balikat ni Paul.
Natigilan sina Clement at Paul nang mapansin nilang nagmamadaling umakyat si Trist sabay takbo nito papunta sa sariling kwarto nito. Di nila maiwasan magtaka sa ikinikilos ni Trist at sa itsurang pag-aalala nito. Pagkalabas ni Trist sa kwarto nagkaroon ng pagkakataong harangin ni Clement si Trist.
Hindi pa man nakakapagsalita si Clement nang sinagot ito ni Trist. "Si Ynaria," hingal na sabi nito. Nakaramdam ng kaba si Clement sa anumang sasabihin ni Trist. "Wala ng oras!" Umiiling na dagdag nito tsaka ito patakbong umalis at iniwan si Clement.
"May nangyari kay Ynaria." Turan ni Paul.
Walang salitang tumakbo pababa si Clement kasunod nito si Paul.
[PREVIOUS SCENE]
Nakarating si Trist sa labas ng kanilang cottage nang di nito makita si Ynaria sa sala at kusina. Huminto ito sa tapat ng pool dahil sa kawalang pag-asa na hindi mahanap si Ynaria. Bumuntong hininga ito't nagpasyang pumasok sa loob ng cottage. Dumiretso ito sa kusina ngunit natigilan nang may marinig na pagkalampag sa kung saan. May naririnig din siyang boses na tila humihingi ng tulong kung kaya't sinundan niya yung ingay.Natigilan si Trist nang malaman nito na galing sa basement yung naririnig na ingay. Kinabahan ito nang maalala na baka si Ynaria yung nasa loob ng basement. Lumapit ito sa pinto at pinihit ang doorknob ngunit sa kasamaang-palad di nito magawang buksan ang pinto.
"Ynaria, ikaw ba 'yan?" Sigaw ni Trist. Sinalakay ito ng pag-alala nang walang sumasagot ngunit patuloy pa ring pagkalampog sa pinto. "Ynaria, ako 'to si Trist!" Dagdag nito.
Nang sandaling iyon, nawala ang pagkalampag mula sa pinto. Sinundan ito ng isang pamilyar na boses. "Trist, tulungan mo ko! Pakiusap.."
Matapos marinig ni Trist ang boses ni Ynaria ay natatarantang pumunta ito sa kanyang kwarto upang hanapin yung susi ng basement.
NAGKAROON ng pag-asa si Ynaria nang marinig ang boses ni Trist. Bagamat nararamdaman pa rin nito ang presenya ng mga kaluluwa, lakas loob nito muling nilingon ang mga multo. Nagtaka si Ynaria nang may tinuturo ang mga ito sa bahaging kaliwa. At dahil nanaig ang kanyang kuryosidad tatlong beses ito humakbang pababa upang silipin yung itinuturo ng mga ito. Nanliit ang kanyang mga mata nang makita ang litrato ni Trist, nakapatong ito sa ibabaw ng lumang piano. Sa pagkakataong iyon napakunot noo si Ynaria sapagkat di maunawaan kung bakit tinuturo ng mga multo si Trist.
Napatingin ito sa pinto nang muling makarinig ng boses kung kaya't patakbong lumapit ito sa pintuan kasabay ng pagkalampag. "Pakiusap, buksan niyo 'to!" Muling lumingon si Ynaria sa kinaroonan ng mga kaluluwang nagparamdam sa kanya. Hinugot niya ang kanyang hininga nang biglang mawala ang mga ito.
Bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang mukha ni Clement na di maitago ang pag-alala. Sina Trist at Paul ay nasa likod ni Clement, halatang mga nag-aalala din. Biglang humagulhol ng iyak si Ynaria habang naghahabol ng hininga nang yakapin ito ni Clement. "Natatakot ako.. akala ko di na ko makakalabas." Sinisinok na sambit ni Ynaria.
"Don't worry nakalabas ka na, okay?" Pagtatahan ni Clement kay Ynaria.
"Hindi ko maintindihan, ano ba talaga nangyayari dito? At bakit mga babae yung natatakot?" Out of curiosity na tanong ni Paul.
Tumigil sa pag-iyak si Ynaria dahil sa tanong ni Paul, kumalas ito mula sa pagkakayakap kay Clement tsaka nito hinarap si Paul. "Anong sinabi mo?" Tila pinapaulit ni Ynaria yung sinabi ni Paul.
"Wala akong alam pero ang sabi nila, takot na takot daw sila Wendy at Helen." Kibitbalikat na sagot ni Paul.
Nagtatakang binalingan ng tingin ni Ynaria sina Trist at Clement. "May nangyari ba sa kanila?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi sumagot ang dalawa kung kaya't nagsimula itong magpanic. "Pupuntahan ko sila."
"Sandali," Pigil ni Trist kay Ynaria. "Paano ka nakapasok sa basement?" Tanong nito.
"Hindi kayo maniniwala," Umiiling na sambit ni Ynaria. "May mga nakikita ako dito sa resort."
"Anong nakikita mo?" Ani Clement.
Sa halip sagutin ni Ynaria yung tanong ni Clement ay naglakad ito papunta sa sala na sinundan naman nina Trist, Clement at Paul. Umupo si Ynaria sa pahabang sofa, maging si Trist ay tumabi kay Ynaria habang sina Clement at Paul ay nakatayo lang sa harap ni Ynaria.
"Mga kaluluwang hindi matahimik." Simpleng tugon ni Ynaria.
"Ibig sabihin may gumagalang multo dito?" Mabilis na reaksyon ni Paul. Tumingin ito sa paligid at umaktong natatakot. "Mukhang mali yata yung lugar na pinagcelebrate natin ng anibersayo ah!" Komento pa nito.
"Paul, tawagin mo yung mga iba nating kasamahan at kailangan lahat tayo ay magsama-sama ngayon. Naiintindihan mo?" Utos ni Trist.
"Aking isusunod ang pinag-uutos mo Boss!" Ani Paul, nagsalute pa ito bago umalis.
"Hindi ikaw ang nag-iisa," panimula ni Trist. Dahilan upang gulat na lingunin ito ni Ynaria. "Marami sila."
"Kayong dalawa, nakakakita kayo ng multo?" Di makapaniwalang usal ni Clement. Umupo ito sa single-sofa.
"Akala ko namamalikmata lang ako." Komento ni Ynaria.
"Nakita ko sila sa kwarto ko. Pati na rin ang kaibigan kong si Chris." Ani Trist.
"Sino si Chris?" Kuryos na tanong ni Ynaria.
"Kaibigan namin," Si Clement ang sumagot. "Namatay siya dahil sa sunog, 6years ago at aksidente lang ang lahat."
"Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit ikinalulungkot ko yung sinapit ng kaibigan niyo." Malungkot na sambit ni Ynaria kasabay ng pagbuntong hininga nito.
Wala ng nagtangkang magsalita sa kanilang tatlo kung kaya't binalot sila ng katahimikan habang hinihintay ang iba nilang mga kasamahan. Mga ilang saglit pa ay dumating sina Paul, Dylan, Ryan, Helen at Wendy.
"Boss, kompleto na tayong lahat!" Sambit ni Paul kay Trist.
"Okay, umupo kayong lahat at may importante akong dapat niyong malaman," Seryosong panimula ni Trist. Nang masipagsunuran lahat ng trabahador nito ay nagsimula itong magsalita. "Una, gusto kong sabihin sa inyo na ang resort na ito ay pag mamay-ari ko."
Ang lahat ng trabahador ni Trist ay mga hindi makapaniwala sa narinig ng mga ito, tila mga nasusupresa. Maliban lang kay Clement na ito ang unang nakakaalam.
"Pasensya na, hindi ko agad sa inyo sinabi yung totoo. Pero kailangan na natin lisanin ang lugar na 'to at pasensya na rin sa mga nangyayari sa inyo dito, hindi ko na sana kayo dinala pa dito." Kalmadong lintanya ni Trist.
"Boss, hindi ba't bukas na yung ikalimang anibersayo ng ating restaurant?" Katwiran ni Ryan.
"Alam ko," tumatangong tugon ni Trist. "Kailangan natin ngayon ipagpaliban."
"Pero hindi pa kami nag-eenjoy sa outing na 'to!" Apila ni Paul.
"Sige, maiwan ka dito kasama sila." Simpleng sagot ni Trist.
"Sinong sila?" Kunot-noong tanong ni Wendy. Dahilan upang walang nakasagot sa tanong nito.
"Kahit sino sa inyo, sabihin niyo nga sakin kung ano ba talaga nangyayari dito?" Walang muang na sambit ni Ryan.
"Natanong ko na 'yan kanina." Kibitbalikat na komento ni Paul.
"Sundin na lang natin si Trist, okay? Wag na kayo maraming tanong pa. Naudlot man ang ating selebrasyon ngayon, maaari nating ipagpatuloy sa ibang araw." Tila nagpapaintinding saad ni Clement.
"Bumalik na kayo sa inyong mga kwarto at mag-impake, bukas iuuwi ko na kayo." Ani Trist.
Hindi na nag-apila pa ang mga trabahador ni Trist, sa halip walang salitang nagsipagbalikan ang mga ito sa kanilang mga kwarto.
PAGSIKAT ng haring araw, maagang nagsipaggayak ang lahat upang lisanin ang resort. Subalit sa kasamaang-palad nagulat ang lahat nang mabasa nila ang nakasulat sa gate."This is begin to hell," malakas na basa ni Paul. Nakaguhit ang mga salita sa big letter na may halong dugo. "Grabe hindi na 'to nakakatuwa." Dagdag komento nito at bahagya pang umiling."Trist, anong ibig sabihin ng mga salitang 'yan?" Apila ni Ynaria.Humugot ng hininga si Trist. "Hindi ko alam kung sinong gumawa niyan." Inosenteng tugon nito."So, di mo maipapaliwanag samin?" Sarkastikong singit ni Helen. "Alam mo bang tiniis namin yung takot kagabi para lang magising ng kinaumagahan, tapos.. ayan yung mababasa namin!" Galit na turan nito."Hon, huminahon ka, okay?" Pagpapakalma ni Dylan kay Helen. Nagbuntong hininga na lang si Helen at di na nagkomento pa."Umalis na tayo," Ani Clement. Nagtungo ito sa gate upang buksan ngunit hindi nito iyon mabuksan kung kaya't natigilan
BAGAMAT madilim ay lakas loob pinasok nina Ynaria at Clement ang basement, inilibot nila ang paningin sa paligid. Tanging flash light mula sa cellphone ang nagsisilbing kanilang ilaw para makakita sa dilim. Sa pagkakataong iyon biglang sumarado ng malakas ang pintuan sa basement dahilan upang magpanic si Clement. Habang si Ynaria naman ay kalmado lang, tila sanay na ito sa kababalaghan sa basement. Sinenyasan ni Ynaria na huminahon si Clement, dahilan upang pakalmahin nito ang sarili."Anong gagawin natin?" Bulong ni Clement."Hindi ko alam," walang ideyang tugon ni Ynaria.Parehong gulat napalingon sina Clement at Ynaria nang tumunog ang piano kung saan doon nakapatong ang picture ni Trist kasama ang kaibigan nitong si Chris. Inilawan ni Clement yung piano."Narinig mo 'yon?" Kinakabahang tanong ni Clement."Nakatayo siya sa piano at pinipindot ang keyboard." Sambit ni Ynaria. Ang tinutukoy nito ay si Chris."Iisa lang ang kilala kong mahil
ONE month later..... Balik sa dati ang buhay nina Ynaria, Clement, Trist, Dylan, Helen, Wendy, Ryan at Paul. Tila ba'y walang nangyari sa kanila sa Laguna noong isang buwan na ang nakalilipas--sa araw ng 5th anibersayo ng Seven Restaurant. Bumuntong hininga si Ynaria matapos nito kumain ng agahan. Tumayo ito't nagtungo sa lababo para hugasan ang mga pinagkainan. Pagkatapos maghugas bumalik ito sa kwarto't muling inayusan ang sarili. Nang makuntento, bumuntong hininga ito bago lumabas ng kwarto. Nakasalubong pa ni Ynaria ang nakakabatang kapatid na babae na si Yrannie "Good morning, Ate Ynaria!" Masiglang pagbati ni Yrannie. "Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong pa nito. Tila ang ngiti ng kapatid ni Ynaria ay wala ng bukas. Nginitian ito pabalik ni Ynaria dahilan para mas lumawak lalo ang ngiti ni Yrannie. "Yes," sagot ni Ynaria. "Saan ang punta mo?" Tanong nito nang mapansing nakabihis ng pang-alis ang kapatid. "May gimik kami ng mga kaibigan ko, Ate Ynaria. Sabado ngayon at w
PAGLABAS ni Ynaria sa restaurant nakaramdam ito ng inang kalikasan kung kaya't muling bumalik ito sa loob upang umihi. Nadatnan pa nito sina Dylan, Helen at Paul na abala sa pagkukwentuhan, tila mga walang balak umuwi ng bahay. Sina Ryan at Wendy naman ay naunang umuwi dahil may date pa ang dalawa. Lumabas ng cubicle si Ynaria matapos umihi tsaka ito nagtungo sa lababo para hugasan ang kamay. Ngunit natigilan nang magpatay sindi ang mga ilaw dahilan para matigilan siya't napaangat ang tingin sa mga ilaw.Binalewala ni Ynaria ang pagpatay-sindi ng mga ilaw at pinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay. Nang matapos muling natigilan na naman nang makaramdam ng malamig na hangin mula sa kanyang likuran, tila may dumaan. Ang pakiramdam na iyon ay di na bago sa kanya at alam nito na may kasama siya. Deretso ang kanyang tingin sa gripo habang nakatungkod ang parehong mga kamay sa lababo; nakikiramdam, napapalunok, pinagpapawisan ng malamig at higit sa lahat bumalatay ang kanyang takot.Marahang i
LUNCH break nang dumating si Clement sa Seven Restaurant. Napangiti ito nang bumati sa kanya sina Helen, Dylan, Paul, Wendy at Ryan nang makasalubong ang mga ito. Maliban kay Ynaria na tila hindi ito makatingin ng deretso sa kanya at ni pagbati ay wala. Hindi maiwasan ni Clement magtaka sa ikinikilos ng dalaga, para naman may ginawa siya sa dalaga para ganoon ito umasta sa kanya.Huminto si Clement sa tapat ng pintuan ng office ni Trist. Humugot ito ng hininga bago ipinihit ang seradula at walang pakundangan na pumasok."Wala man lang abiso para sana makapaghanda ako." Nakatalikod na sabi ni Trist. Nakapalmulsa ito habang nakatayo sa tapat ng bintana."Kilala mo nga talaga ako kahit nakatalikod ka," natatawang sagot ni Clement tsaka ito tumabi kay Trist at tumingin sa kalangitan. "Mukhang maganda ang panahon ngayon ah!" Dagdag komento nito."Maganda siguro kung magpalagay ako ng second floor tapos lagyan ko na rin ng veranda, ano sa palagay mo?" Suhestiyon ni Trist."Sa palagay ko, ta
"AYOS ka lang?" Maya't mayang tanong ni Clement kay Ynaria nang makauwi sila. Pareho sila nasa loob ng kotse mga kapwa walang balak bumaba.Bumuntong hininga si Ynaria. "Hindi ko alam," walang emosyong tugon nito, sinabayan pa ng pag-iling. "Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Wendy nang i-open natin ang topic tungkol sa Resort ni Trist.""Sa palagay ko dahil siguro noong nakulong siya sa cottage." Sagot ni Clement."Hanggang ngayon na-trauma siya dahil doon?" Sarkastikong tanong ni Ynaria, inirapan pa nito si Clement. "Baka naman may iba siyang dahilan.""Ynaria, may problema ka ba kay Wendy?" Turan ni Clement dahilan para matigilan si Ynaria. "Alam mo naman siguro kung anong pinagdaanan ng taong 'yon. Mag-isa siya roon at takot na takot." Nagpapaintinding paliwanag nito.Napasinghap si Ynaria sa sinabi ni Clement, nang mga sandaling 'yon gusto na lamang nito umiyak. Tila walang kakampi, walang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman noong mga oras na nakul
BUMUHOS ang malakas na ulan habang binabaybay ni Trist ang daan patungong Laguna kung saan naroon nakatira ang kaibigan nitong si Chris. Bagamat madilim ang paligid at madulas ang kalsada tila walang pakialam si Trist. Ang mahalaga para kay Trist ay makarating ito sa destinasyon.Sinusubukan ni Trist tawagan si Chris sa kabilang linya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa may isang sasakyan ang lumitaw sa kabilang kalsada dahilan para masilaw siya sa ilaw na nagmula sa harapan ng truck, kasabay ng pagsulpot ng isang tao sa kanyang harapan kung kaya't nahagip niya ito.Gulat hininto ni Trist ang sasakyan na kalauna'y naramdaman na lamang niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib at habol hininga na sinabayan pa ng pagtagaktak na kanyang pawis dahil sa pagkabigla, lalo na sa taong hindi niya inaasahang sagasaan ito."Sana'y patawarin ako sa aking kasalanan!" Humahangos na sambit ni Trist sa kawalan.Pikit-matang humugot ng hininga si Trist upang palakasin ang l
SAMANTALA, sinamantala ni George ang pagkakataon na binulungan si Trist. "Maganda siya, at nakuha niya yung atensyon ko. Pero sa palagay ko, sa'yo siya interesante." Mapanuksong sambit ni George."Imposible!" Bulong na pabalik sagot ni Trist dahilan para mahinang natawa si George."Tignan mo, nag-aalala siya sa'yo. Pero parang magkakaroon ka 'ata ng karibal." Pang-aasar ni George."Ganyan ba ang trabaho ng Doctor sa mga pasyente?" Tila nagsusungit na turan ni Trist kay George. "Bumalik ka na sa gawain mo!" Utos nito."Okay, sige," pagsukong usal ni George. "Goodluck sa'yo!" Nakangiting asar nito bago lumabas ng room.Napabuga na lamang ng hininga si Trist nang lumabas si George. Saka nito binalingan sina Clement at Ynaria na parehong abalang kumakain. Napakahawak siya sa kanyang tiyan nang kumalam ito."Hoy, kayong dalawa, mukhang may kinalimutan kayong pakainin. Ako ang Boss niyo dapat maayos niyong ginagampanan ang mga trabaho niyo!" Kunwaring galit-galitan ni Trist.Parehong nagula
MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth' "Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki. "Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery. "Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?" "Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati." "Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?" Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery. "Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
"NAGSESELOS ka ba kay Heavery?" Turan ni Yrannie sa nobyo. "Imposible! Iniisip ko lang 'yong plano natin. At malakas ang kutob ko sa bagong estudyante na 'yon!" Nagdududang sambit ni Mark. "Teka, pinagsususpetsyahan mo ba si Heavery? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari satin!" Angil niya. Bahagya pa siyang umiling. "Hindi mo ba napapansin mga kinikilos niya simula noong dumating siya sa school natin? Palagi niya tayong tinitignan na parang minamanmanan niya tayo. Tulad ng ginagawa niya ngayon!" Durong ani Mark kay Heavery na kalalabas lang ng 7/11 at tila naniningkit pa ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nila. Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Mark, kapagkuwan nilingon niya si Heavery na sa tingin niya ay minamasid sila nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo mas mabuting umalis na tayo rito!" Pag-aaya niya sa nobyo. "Sabi ko sa 'yo e, sa likod ng mukhang 'yan panigurado ko si Fackly ang taong 'yon." Koment
KINABUKASAN maagang nagising si Yrannie, mabuti na lamang sabado at walang pasok. Hindi rin alam ng Ate Ynaria niya kung anong nangyayari sa buhay niya, at ayaw naman niya iyon malaman ng Ate Ynaria niya baka madamay pa ito sa gulong kinakaharap nila ni Mark. Kasalukuyan kumakain siya ng agahan nang maalala niya si Aries, naalala niyang hindi alam ng mga magulang nito kung nangyari sa anak. Wala sa sariling napapikit siya't humugot ng malalim na hinihinga. Kapagkuwan gulat napabaling ang tingin niya sa pinto nang may kumatok. Sa mga sandaling 'yon hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Iniisip niyang baka si Fackly 'yon at balak siyang dukutin. Ngunit napawi ang agam-agam niya nang marinig ang pamilyar ng boses matapos kumatok ng taong nasa labas ng bahay. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya si Mark na maaga siyang pinuntahan. "Ang aga mo ah!" Biglang turan niya. "Hindi ako mapalagay Yrannie, gusto ko nakikita kitang ligtas sa paningin ko lalo na't h
HINDI nagkamali si Mark ng hula, nasa loob nga ng drawer ang susi para sa kadena. Hindi naging madali ang pagkuha niya ng susi dahil kinailangan niya pang isentro ang nakatali niyang kamay sa kanyang likod para kunin ang susi. At nang matapos ay inuna niyang tanggalan ng kadena si Aries. Napadaing naman ang kaibigan niya dahil sa tama ng mga bala. Kapagkuwan ay siya naman ang sinunod nito tanggalan ng kadena. Ang panghuli si Yrannie na ngayon ay nagkamalay na. "Anong nangyari at nasaan ako?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan na natin umalis dito!" Pahayag niya sa dalaga. "Tama si Mark, Yrannie, mas lalo tayong mapapahamak dito!" Komento ni Aries, sapo-sapo ang tiyan at puwet nito na tinamaan ng bala. Pikit-matang humugot ng hininga si Yrannie, "Hindi ko alam kung paano nakarating dito, pero sige, para sa kaligtasan natin lahat." Sagot ni Yrannie. Tinulungan niya munang makatayo si Yrannie habang si Aries naman ay nasa pintuan pa lamang na
KASALUKUYAN nakikipag-agawan si Aries sa Pala na hawak ni Fackly. Gigil na gigil niyang pilit kinukuha kay Fackly ang Pala ngunit sadyang malakas ang kalaban niya kung kaya't sinipa niya ang binti nito dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong magtagumpay na kunin mula kay Fackly ang Pala. Nang akmang bubuwelo si Fackly, agad niyang hinampas ang tagiliran nito gamit ang likod ng Pala. Ngingisi-ngising hinarap niya si Fackly na ngayon ay nakahandusay sa lupa. Tila hinang-hina at halatang 'di kayang makatayo. "Ano ka ngayon ha! Nanalo ako sa laban natin." Pagyayabang niya. Inangasan niya si Fackly habang nanatiling nakatagilid ang higa nito. "Sa tingin mo nagtagumpay ka sa plano mo?" Kalmadong ani Fackly. Ngumiti pa ito dahilan para makaramdam siya ng inis. "Puwede kitang patakasin ngayon, tumakbo ka na bago pa huliin ng mga bala ko ang parte ng katawan mo." Bantang ani Fackly. May hinugot itong baril sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ni Fackly ang
MULING tinignan ni Yrannie ang wala ng buhay na si Fackly sa hukay, kasama ang mga iba nilang kaibigan. Halos 'di siya makapaniwalang binalingan niya ang taong nagsasabi na ito raw si Fackly. Sa mga sandaling iyon napaisip siya ng ideya. Gusto niyang testingin ang lalaking nasa harapan nila pero hindi niya alam kung paano. Ilan saglit pa'y bahagyang napapatango siya dahil may mga katanungan siyang naiisip na siguradong hindi masasagot ng taong nagpapanggap na si Fackly. "Kapatid ka ba ni Fackly?" Biglang turan ni Mark na ikinahalakhak naman nito sa huli. "Mukha ba kong may kapatid?" Sarkastikong tugon ni Fackly. Nakangisi pang hinarap nito si Mark. "Kung ganoon, sino ka nga ba talaga!?" Dagdag na tanong ni Mark. "Oo nga, at bakit hulmang-hulma mo ang itsura ni Fackly?" Sambit naman ni Aries. "Kung ikaw si Fackly, saan tayo unang nagkakilala?" Singit na tanong niya na ikinatigil ni Fackly, kasabay nang pagkawala ng ngiti nito sa labi at sali't salitan ang pagtingin nito sa kanilan
MAGHAPON hindi nakita ni Yrannie ang kaibigan na si Wilma. Hindi niya maiwasan magtaka kung bakit absent ito sa klase. Pati na rin ang mga kasamahan nito sa domitoryo ay 'di niya rin nakita. Kilala niya ang mga kasamahan ng Wilma sa dormitoryo nang minsan na siyang ipinakilala ni Wilma. Malalim siyang bumuntonghininga nang matapos ang huling klase, agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa kanilang club room. Pagdating niya roon ay bigo siya nang walang anino ni Wilma nang madatnan niya. Sinubukan niyang tawagan ngunit 'di nito sinasagot kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naghihinala siya na baka may masamang nangyaring sa mga kaibigan niya. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal niyon sina Mark at Aries. "Hindi niyo ba nakita si Wilma?" Bungad na turan niya sa dalawa. Tanging pag-iling ang natanggap niya sa dalawa. "Kanina ko pa siya tinatawagan 'di niya sinasagot." Nag-aalala niyang dugtong. "Baka naman nagkasakit siya o baka may ibang
GABI na nang makauwi si Wilma galing sa bahay nila Yrannie. Matapos nila puntahan ang Seven Victim Cemetery ay tumambay pa sila sa bahay ni Yrannie. Walang tigil ang kanilang pag-uusap tungkol sa mga nakalibing at sa mga bangkay na naroon. Kuryos silang lahat dahil bilang lang ang mga nakalibing na patay roon. At isa pa, parang tago ang sementeryong 'yon kahit mayroon naman nakasulat na article at makikita sa mapa.Kasalukuyan nasa banyo siya naglilinis ng katawan. Pagkatapos niya magpalit ng damit ay bagsak napahiga siya sa kanyang kama, kapagkuwan ay bigla siyang napaisip habang nakatingin sa kisame. Mga ilang segundong pag-iisip ay nakatulog siya. Lumipas ang tatlong oras ay bigla siyang naalimpungatan nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumalatay sa kanyang pakiramdam ang pagkakuryos dahil sa mabibigat na hakbang ng yapak ng mga paa. Sa mga sandaling 'yon bumangon siya ng upo kasunod niyon ay hindi niya maiwasan kabahan at matakot. Napalunok siya ng laway
KINABUKASAN may natanggap na tawag si Yrannie, binalita nang nasa kabilang linya ang umanong pagpakamatay ni Edgar. Kung kaya't bumalatay sa kanyang mukha ang 'di makapaniwala sa kanyang narinig. Dali-dali niyang tinungo ang morgue kung saan naroon ang bangkay ni Edgar. Lakas loob niyang pinasok ang morgue, sa mga sandaling 'yon nakaramdam siya ng panlalamig, takot at panginginig sa kanyang kalamnan. Kahit natatabunan ng puting mahabang kumot si Edgar ay matapang niya itong nilapitan. Kapagkuwan ay natigilan siya nang tanggalin niya ang kumot. Kasabay nang paglandas ng kanyang luha habang parehong nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig.Ayon sa natanggap niyang tawag mula sa pulis kanina, ang kanyang kaibigan ay may hiwa sa leeg habang nito ang isang patalim na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dagdag pa roon, palaisipan sa mga pulis kung saan nakuha ni Edgar ang patalim gayon naman ay bawal iyon sa paitan. Matapos niya makita ang bangkay ni Edgar, mabilis siyang lumabas ng m