PASADO ala una na nakarating ang mga kaibigan niya kung kaya't pinapunta niya ang mga ito sa kusina para mananghalian. Alam niyang pagod ang mga ito sa byahe at gutom pa."Natutuwa akong nagkita-kita ulit tayo!" Masaya niyang sambit habang nasa kalagitnan sila ng hapagkainan."Chris, finally, kasama ka na ulit namin." Nakangiting pahayag ni Trist."Oo nga, long time no see. Simula noong nawala si Simon, ikaw naman ang pumalit sa kanya." Turan naman ni Clement.Malalim siyang bumuntong ng hininga. "Wala akong nagawa e, ginusto iyon ng mga magulang ko." Malungkot niyang komento."Wait, tatlo na lang pala ang kulang satin para makumpleto na tayo!" Hirit ni Simon."Wala ba kayong balita kina Fackly at George? Simon, nakauwi ka na ba sa inyo. Kumusta si Samuel?" Sunod-sunod niyang tanong.Napansin niyang parehong nagkatinginan sina Simon, Trist at Clement sa isa't isa. Sa tingin niya ay parang may tinatago ang mga kaibigan niya kung kaya't kinunotan niya ng noo ang mga ito."Anong nangyari
NANG sumunod na araw ay naging matagumpay ang pakikipag-usap niya sa Vice President ng EG Group. Hindi nito itutuloy ang pagsisira ng kontrata dahil bukod sa nawawala si Mr. Zhao ay nasa kritikal ang kondisyon ng kompanya, kung kaya't ibinalik niya ang pera ng EG Group. Bumalik siya sa Worth Saving Bank nang may ngiti sa labi dahil naging matagumpay ang pagkumbinsi niya sa Vice President ng EG Group.Agad siya nagtungo sa office ni Jiliaveen para ipagsabi niya ang good news, ngunit sa pagbukas niya ng pinto ng office ni Jiliaveen ay naroon si Yancheng, Owen, Lian, Rhealyn at ang mga pulis. Nawala ang kanyang ngiti at natigilan na may pagtataka sa mukha nang tignan siya ng mga kasama ni Jiliaveen. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na may kinalaman ito kay Mr. Zhao kung kaya't hindi niya maiwasan maramdaman ang pagkanerbyus."Ikaw ba si Chris Sarmiento?" Tanong sa kanya ng isang pulis nang lumapit ito sa kinaroroonan niya."O-Oo, ako nga," nag-aalangan niyang sagot."Base sa aming pag
LUMIPAS ang dalawang araw ay nabalitaan na lang niya sa television na totoo ngang pinaghahanap siya ng mga pulis sa bahay niya sa condominium. Pinagbibintangan siya ng pamilyang Zhao sa pagkawala ng padre de pamilya nito kahit ang totoo ay siya naman talaga ang gumawa ng karumaldal kay Mr. Zhao at hindi niya iyon pinagsisisihan kailanman.Bagamat madilim ay heto siya sa kanyang balkonahe nakatanaw sa bilog na buwan habang umiinom ng wine. Nag-iisip siya ng maaari niyang hakbang para luminis ang kanyang pangalan. Pero sa paanong paraan? Bagamat alam niyang pulis si Fackly hindi niya hahayaan madagdagan pa ang trabaho nito para sa kanya. Ito na nga ang nagbibigay ng dadaan sa kapwa pulis nito para hanapin siya sa buong lungsod ng kamaynilaan.Napawi ang pagmuni-muni niya nang tumunog ang phone niya. Agad naman niya iyon dinukot sa kanyang bulsa kapagkuwan ay natigilan siya nang mabasa niya ang pangalan nakarehistro sa contact number niya. Sandali siyang napaisip kung sasagutin ba niya a
KATATAPOS lang nila kumain ng lunch nang mag-aya si Lian na magligo sa pool kung kaya't ang lahat ay nakisang-ayon sa gusto ni Lian. Wala naman siyang nagawa dahil request iyon ni Jiliaveen. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinggan at ng mga ibang pinagkainan nila nang sumulpot si Jiliaveen sa gilid niya dahilan para huminto siya."Gusto mong tulungan kita?" Pang-aalok nito sa kanya."Ah, Miss President Jiliaveen, hindi na!" Umiiling niyang pagtanggi. "Mga bisita ko kayo kaya dapat lang na ako ang gumawa." Dugtong niya pa."Paano mo kami ma-iintertain kung may ginagawa ka?" Katwiran ni Jiliaveen. "Kami nagsasaya habang ang may-ari naman ng bahay na 'to ay abala sa gawaing bahay!" Reklamo nito dahilan para matawa siya't muling balingan ng atensyon ang kanyang naudlot na gawain. "Chris, ano bang nakakatuwa sa sinabi ko!" Tila naiinis nitong sambit."Miss President Jiliaveen, hayaan niyo na ko sa gusto kong gawin sa bahay ko. Tignan niyo ang mga kasama niyo, nagsasaya tapos ikaw na B
NAKITA niya si Lian nakatayo sa malapit sa pool habang umiinom ng alak na sinabayan pa ng pag-iyak nito. Nakaramdam siya ng guilty para sa dalaga, alam niyang parehas silang nasasaktan ngayon. Pero hindi niya maitatanggi na ginusto niya ang ginawang panghahalik nito sa kanya. Para sa kanya maganda at matalino si Lian pero hindi nito nakuha ang atensyon nito sa kanya lalo na ang puso niya. Unlike kay Jiliaveen na madali siyang na-attractive rito."Lian," tawag niya sa pangalan ng dalaga dahilan para lingunin siya nito. "Hindi ko sinasadyang saktan ka."Humugot ito ng malalim na hininga bago sumagot. "Bakit, bakit siya?" Tukoy nito kay Jiliaveen. "Ni katiting ba wala kang pagtingin sa'kin ha!?" Garalgal na sambit nito."Lian--" sa banggit pa lang ng pangalan nito ay pinutol ng dalaga ang sasabihin niya."Alam ko na ang sasabihin mo Chris. At ayoko pang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko sa mga salitang lalabas d'yan sa bibig mo!" Mariing sumbat ni Lian sabay tungga nito ng alak
NAKAHANDA na ang lahat hinihintay na lamang nila ang kaibigan ni Chris na magsusundo sa kanila. Nasa sala sila at nag-uusap tungkol sa kompanya nang biglang magsalita si Rhealyn na ikinatigil nila."Nasaan si Lian?""Oo nga mula kaninang umaga ay hindi ko siya nakita." Komento ni Owen.Napalunok siya nang maaalala niyang ikinulong niya si Lian sa Music room. Kapagkuwan ay pa-simpleng niyang sinulyapan ang kanyang mga kasama nang tignan siya ng mga ito. Huminga siya ng malalim saka siya nagsalita. "Huwag kayong mag-alala nag-aayos siya nang lumabas ako sa kwarto," pagsisinungaling niya saka siya pilit na ngumiti. "Pupuntahan ko siya." Presinta niya saka siya tumayo at umakyat sa ikalawang palapag.Sa halip na dumiretso siya sa kanyang kwarto ay pumunta siya sa music room kung saan doon niya iniwan si Lian. Tulog pa ang dalaga nang madatnan niya, nilapitan niya ito't bahagyang tinapik niya ang pisngi nito para magising. Hindi naman siya nabigo kung kaya't hinawakan niya muna ang magkab
NAPATINGIN siya sa direksyon nina Owen at Yancheng nang pumasok ang dalawa na may pagkataranta sa itsura ng mga ito. Pareho pang naghahabol ng hininga ang dalawa at tagaktak ang pawis ng mga ito."Anong nangyari sa inyo?" May pagtatakang tanong ni Lian. Tumayo pa ito mula sa pagkakaupo nito sa pahabang sofa."May problema!" Pahayag ni Owen."Hindi namin mabuksan 'yong gate," dugtong na sabi ni Yancheng. "Sa tingin ko may naglocked satin dito. Sigurado akong ikaw 'yon!" Pandudurong bintang sa kanya nito.Napalunok siya nang marinig niya ang pansisisi sa kanya ni Yancheng. Kapagkuwan ay matalim niyang tinignan si Lian nang may takot sa mga mata ng dalaga. Muli niyang hinarap sina Yancheng at Owen nang may mapanuring tingin sa kanya."Anong pinagsasabi mo?" Maang-maangan niyang sagot."Chris, hindi nakakapagtakang sinadya mong sinira ang sasakyan ni Jiliaveen. At hindi totoong tinawagan mo ang kaibigan mo, tama? Gusto mo kaming i-trapped sa bahay mo." Panghuhulang turan ni Yancheng.Pina
PAGBALIK niya sa sala ay nakita niyang sumisimpleng lalabas ng bahay sina Rhealyn at Jiliaveen, pinaningkitan niya ng mga mata ang dalawa kapagkuwan ay inilabas niya ang kanyang baril at pinutok sa direksyon ni Owen. Dahilan para magulat ang dalawa at hindi na binalak pang tumakas, habang si Owen naman ay napasigaw pa dahil ang akala nito ay tinamaan ng bala. Samantalang nananatili naman walang malay si Yancheng."Saan kayo pupunta ha? Tatakasan niyo ko? Sige, subukan niyo," mapanghamon niyang sambit saka niya dinuro isa isa ang mga ka-workmate niya gamit ang bibig ng baril. "Tandaan niyo hindi kayo makakalabas ng buhay sa pamamahay ko." Pahayag niya."Nagkamali akong naging empleyado kita, Chris!" Dismayadong galit na giit ni Jiliaveen."Ako din, nagsisisi akong kinaibigan kita!" Hirit ni Owen. "Tignan mo ang ginawa mo sa'kin binaril mo ko sa binti!"Ningitian niya si Owen dahilan para makita niyang maasar ang ekspresyon ng mukha nito."Sana pala hindi ko pinagkatiwala sa'yo ang hind
MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth' "Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki. "Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery. "Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?" "Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati." "Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?" Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery. "Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
"NAGSESELOS ka ba kay Heavery?" Turan ni Yrannie sa nobyo. "Imposible! Iniisip ko lang 'yong plano natin. At malakas ang kutob ko sa bagong estudyante na 'yon!" Nagdududang sambit ni Mark. "Teka, pinagsususpetsyahan mo ba si Heavery? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari satin!" Angil niya. Bahagya pa siyang umiling. "Hindi mo ba napapansin mga kinikilos niya simula noong dumating siya sa school natin? Palagi niya tayong tinitignan na parang minamanmanan niya tayo. Tulad ng ginagawa niya ngayon!" Durong ani Mark kay Heavery na kalalabas lang ng 7/11 at tila naniningkit pa ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nila. Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Mark, kapagkuwan nilingon niya si Heavery na sa tingin niya ay minamasid sila nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo mas mabuting umalis na tayo rito!" Pag-aaya niya sa nobyo. "Sabi ko sa 'yo e, sa likod ng mukhang 'yan panigurado ko si Fackly ang taong 'yon." Koment
KINABUKASAN maagang nagising si Yrannie, mabuti na lamang sabado at walang pasok. Hindi rin alam ng Ate Ynaria niya kung anong nangyayari sa buhay niya, at ayaw naman niya iyon malaman ng Ate Ynaria niya baka madamay pa ito sa gulong kinakaharap nila ni Mark. Kasalukuyan kumakain siya ng agahan nang maalala niya si Aries, naalala niyang hindi alam ng mga magulang nito kung nangyari sa anak. Wala sa sariling napapikit siya't humugot ng malalim na hinihinga. Kapagkuwan gulat napabaling ang tingin niya sa pinto nang may kumatok. Sa mga sandaling 'yon hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Iniisip niyang baka si Fackly 'yon at balak siyang dukutin. Ngunit napawi ang agam-agam niya nang marinig ang pamilyar ng boses matapos kumatok ng taong nasa labas ng bahay. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya si Mark na maaga siyang pinuntahan. "Ang aga mo ah!" Biglang turan niya. "Hindi ako mapalagay Yrannie, gusto ko nakikita kitang ligtas sa paningin ko lalo na't h
HINDI nagkamali si Mark ng hula, nasa loob nga ng drawer ang susi para sa kadena. Hindi naging madali ang pagkuha niya ng susi dahil kinailangan niya pang isentro ang nakatali niyang kamay sa kanyang likod para kunin ang susi. At nang matapos ay inuna niyang tanggalan ng kadena si Aries. Napadaing naman ang kaibigan niya dahil sa tama ng mga bala. Kapagkuwan ay siya naman ang sinunod nito tanggalan ng kadena. Ang panghuli si Yrannie na ngayon ay nagkamalay na. "Anong nangyari at nasaan ako?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan na natin umalis dito!" Pahayag niya sa dalaga. "Tama si Mark, Yrannie, mas lalo tayong mapapahamak dito!" Komento ni Aries, sapo-sapo ang tiyan at puwet nito na tinamaan ng bala. Pikit-matang humugot ng hininga si Yrannie, "Hindi ko alam kung paano nakarating dito, pero sige, para sa kaligtasan natin lahat." Sagot ni Yrannie. Tinulungan niya munang makatayo si Yrannie habang si Aries naman ay nasa pintuan pa lamang na
KASALUKUYAN nakikipag-agawan si Aries sa Pala na hawak ni Fackly. Gigil na gigil niyang pilit kinukuha kay Fackly ang Pala ngunit sadyang malakas ang kalaban niya kung kaya't sinipa niya ang binti nito dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong magtagumpay na kunin mula kay Fackly ang Pala. Nang akmang bubuwelo si Fackly, agad niyang hinampas ang tagiliran nito gamit ang likod ng Pala. Ngingisi-ngising hinarap niya si Fackly na ngayon ay nakahandusay sa lupa. Tila hinang-hina at halatang 'di kayang makatayo. "Ano ka ngayon ha! Nanalo ako sa laban natin." Pagyayabang niya. Inangasan niya si Fackly habang nanatiling nakatagilid ang higa nito. "Sa tingin mo nagtagumpay ka sa plano mo?" Kalmadong ani Fackly. Ngumiti pa ito dahilan para makaramdam siya ng inis. "Puwede kitang patakasin ngayon, tumakbo ka na bago pa huliin ng mga bala ko ang parte ng katawan mo." Bantang ani Fackly. May hinugot itong baril sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ni Fackly ang
MULING tinignan ni Yrannie ang wala ng buhay na si Fackly sa hukay, kasama ang mga iba nilang kaibigan. Halos 'di siya makapaniwalang binalingan niya ang taong nagsasabi na ito raw si Fackly. Sa mga sandaling iyon napaisip siya ng ideya. Gusto niyang testingin ang lalaking nasa harapan nila pero hindi niya alam kung paano. Ilan saglit pa'y bahagyang napapatango siya dahil may mga katanungan siyang naiisip na siguradong hindi masasagot ng taong nagpapanggap na si Fackly. "Kapatid ka ba ni Fackly?" Biglang turan ni Mark na ikinahalakhak naman nito sa huli. "Mukha ba kong may kapatid?" Sarkastikong tugon ni Fackly. Nakangisi pang hinarap nito si Mark. "Kung ganoon, sino ka nga ba talaga!?" Dagdag na tanong ni Mark. "Oo nga, at bakit hulmang-hulma mo ang itsura ni Fackly?" Sambit naman ni Aries. "Kung ikaw si Fackly, saan tayo unang nagkakilala?" Singit na tanong niya na ikinatigil ni Fackly, kasabay nang pagkawala ng ngiti nito sa labi at sali't salitan ang pagtingin nito sa kanilan
MAGHAPON hindi nakita ni Yrannie ang kaibigan na si Wilma. Hindi niya maiwasan magtaka kung bakit absent ito sa klase. Pati na rin ang mga kasamahan nito sa domitoryo ay 'di niya rin nakita. Kilala niya ang mga kasamahan ng Wilma sa dormitoryo nang minsan na siyang ipinakilala ni Wilma. Malalim siyang bumuntonghininga nang matapos ang huling klase, agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa kanilang club room. Pagdating niya roon ay bigo siya nang walang anino ni Wilma nang madatnan niya. Sinubukan niyang tawagan ngunit 'di nito sinasagot kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naghihinala siya na baka may masamang nangyaring sa mga kaibigan niya. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal niyon sina Mark at Aries. "Hindi niyo ba nakita si Wilma?" Bungad na turan niya sa dalawa. Tanging pag-iling ang natanggap niya sa dalawa. "Kanina ko pa siya tinatawagan 'di niya sinasagot." Nag-aalala niyang dugtong. "Baka naman nagkasakit siya o baka may ibang
GABI na nang makauwi si Wilma galing sa bahay nila Yrannie. Matapos nila puntahan ang Seven Victim Cemetery ay tumambay pa sila sa bahay ni Yrannie. Walang tigil ang kanilang pag-uusap tungkol sa mga nakalibing at sa mga bangkay na naroon. Kuryos silang lahat dahil bilang lang ang mga nakalibing na patay roon. At isa pa, parang tago ang sementeryong 'yon kahit mayroon naman nakasulat na article at makikita sa mapa.Kasalukuyan nasa banyo siya naglilinis ng katawan. Pagkatapos niya magpalit ng damit ay bagsak napahiga siya sa kanyang kama, kapagkuwan ay bigla siyang napaisip habang nakatingin sa kisame. Mga ilang segundong pag-iisip ay nakatulog siya. Lumipas ang tatlong oras ay bigla siyang naalimpungatan nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumalatay sa kanyang pakiramdam ang pagkakuryos dahil sa mabibigat na hakbang ng yapak ng mga paa. Sa mga sandaling 'yon bumangon siya ng upo kasunod niyon ay hindi niya maiwasan kabahan at matakot. Napalunok siya ng laway
KINABUKASAN may natanggap na tawag si Yrannie, binalita nang nasa kabilang linya ang umanong pagpakamatay ni Edgar. Kung kaya't bumalatay sa kanyang mukha ang 'di makapaniwala sa kanyang narinig. Dali-dali niyang tinungo ang morgue kung saan naroon ang bangkay ni Edgar. Lakas loob niyang pinasok ang morgue, sa mga sandaling 'yon nakaramdam siya ng panlalamig, takot at panginginig sa kanyang kalamnan. Kahit natatabunan ng puting mahabang kumot si Edgar ay matapang niya itong nilapitan. Kapagkuwan ay natigilan siya nang tanggalin niya ang kumot. Kasabay nang paglandas ng kanyang luha habang parehong nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig.Ayon sa natanggap niyang tawag mula sa pulis kanina, ang kanyang kaibigan ay may hiwa sa leeg habang nito ang isang patalim na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dagdag pa roon, palaisipan sa mga pulis kung saan nakuha ni Edgar ang patalim gayon naman ay bawal iyon sa paitan. Matapos niya makita ang bangkay ni Edgar, mabilis siyang lumabas ng m