MATAPOS ang eksenang pagkikita nila ni Simon kanina sa kompanya ni Mr. Zhao ay pasimpleng tinext niya ito na magkikita sila ng evening sa dating restaurant na pinagmeet nila. Malalim siyang bumuntong hininga nang makabalik siya sa Worth Saving Bank pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mr. Zhao. Ngunit nananatiling siyang nasa parking lot, tila ayaw kumilos ng kanyang katawan.Napabaling ang kanyang tingin sa mga pinamili niyang pagkain sa Mcdo. Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila Mr. Zhao kanina.[Flashback]Iginiya siya ni Mr. Zhao papasok sa opisina nito at maupo siya sa mahabang sofa habang si Mr. Zhao naman ay umupo sa single sofa. Pinanuod pa niya ito na magsalok ng tubig sa dalawang baso kapagkuwan ay ibinigay nito ang isang basong tubig sa kanya.Walang alinlangan na ininom niya ang tubig dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw at gutom. Sa halip na kumain siya ng pananghalian kanina ay inuna niya pa ang trabaho."Alam ko ang ipinunta mo rito," panimula ni Mr. Zhao dahilan para matig
MARAMING ala-ala ang nabuong kaligayahan para kay Chris iyon ay ang pumatay. Una niyang pinatay ang mga Maid. Sinunod niya ang kanyang mga magulang pagkatapos niya gumadruate ng college, simula noong lumipat sila sa Laguna ay palagi siyang dinidikta ng kanyang magulang. Lalo na sa pagsali sa mga competition tungkol sa instrument kahit ayaw niya. Ayaw niyang ipakita sa iba ang kanyang telento sa pagpiano kaso ang mga magulang lang niya ang mapilit. Sunod niyang pinatay ang mga nang-iinsulto sa kanya, lalo na pagdating sa trabaho. At ngayon mayroon na naman siyang bibiktimahin.Bumalik siya sa kanyang kwarto't humarap sa salamin hudyat na handa na siya sa gagawin niya para kay Mr. Zhao. Nang makuntento ay lumabas siya sa kwarto niya para bumaba. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig saka niya muling sinabihan ang maid na kapag may dumating na bisita ay papuntahin ito sa kanyang music room. Tanging pagtango lang naman ang isinagot ng kanyang maid.Kumain muna siya ng pangdinner nan
PASADO ala una na nakarating ang mga kaibigan niya kung kaya't pinapunta niya ang mga ito sa kusina para mananghalian. Alam niyang pagod ang mga ito sa byahe at gutom pa."Natutuwa akong nagkita-kita ulit tayo!" Masaya niyang sambit habang nasa kalagitnan sila ng hapagkainan."Chris, finally, kasama ka na ulit namin." Nakangiting pahayag ni Trist."Oo nga, long time no see. Simula noong nawala si Simon, ikaw naman ang pumalit sa kanya." Turan naman ni Clement.Malalim siyang bumuntong ng hininga. "Wala akong nagawa e, ginusto iyon ng mga magulang ko." Malungkot niyang komento."Wait, tatlo na lang pala ang kulang satin para makumpleto na tayo!" Hirit ni Simon."Wala ba kayong balita kina Fackly at George? Simon, nakauwi ka na ba sa inyo. Kumusta si Samuel?" Sunod-sunod niyang tanong.Napansin niyang parehong nagkatinginan sina Simon, Trist at Clement sa isa't isa. Sa tingin niya ay parang may tinatago ang mga kaibigan niya kung kaya't kinunotan niya ng noo ang mga ito."Anong nangyari
NANG sumunod na araw ay naging matagumpay ang pakikipag-usap niya sa Vice President ng EG Group. Hindi nito itutuloy ang pagsisira ng kontrata dahil bukod sa nawawala si Mr. Zhao ay nasa kritikal ang kondisyon ng kompanya, kung kaya't ibinalik niya ang pera ng EG Group. Bumalik siya sa Worth Saving Bank nang may ngiti sa labi dahil naging matagumpay ang pagkumbinsi niya sa Vice President ng EG Group.Agad siya nagtungo sa office ni Jiliaveen para ipagsabi niya ang good news, ngunit sa pagbukas niya ng pinto ng office ni Jiliaveen ay naroon si Yancheng, Owen, Lian, Rhealyn at ang mga pulis. Nawala ang kanyang ngiti at natigilan na may pagtataka sa mukha nang tignan siya ng mga kasama ni Jiliaveen. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na may kinalaman ito kay Mr. Zhao kung kaya't hindi niya maiwasan maramdaman ang pagkanerbyus."Ikaw ba si Chris Sarmiento?" Tanong sa kanya ng isang pulis nang lumapit ito sa kinaroroonan niya."O-Oo, ako nga," nag-aalangan niyang sagot."Base sa aming pag
LUMIPAS ang dalawang araw ay nabalitaan na lang niya sa television na totoo ngang pinaghahanap siya ng mga pulis sa bahay niya sa condominium. Pinagbibintangan siya ng pamilyang Zhao sa pagkawala ng padre de pamilya nito kahit ang totoo ay siya naman talaga ang gumawa ng karumaldal kay Mr. Zhao at hindi niya iyon pinagsisisihan kailanman.Bagamat madilim ay heto siya sa kanyang balkonahe nakatanaw sa bilog na buwan habang umiinom ng wine. Nag-iisip siya ng maaari niyang hakbang para luminis ang kanyang pangalan. Pero sa paanong paraan? Bagamat alam niyang pulis si Fackly hindi niya hahayaan madagdagan pa ang trabaho nito para sa kanya. Ito na nga ang nagbibigay ng dadaan sa kapwa pulis nito para hanapin siya sa buong lungsod ng kamaynilaan.Napawi ang pagmuni-muni niya nang tumunog ang phone niya. Agad naman niya iyon dinukot sa kanyang bulsa kapagkuwan ay natigilan siya nang mabasa niya ang pangalan nakarehistro sa contact number niya. Sandali siyang napaisip kung sasagutin ba niya a
KATATAPOS lang nila kumain ng lunch nang mag-aya si Lian na magligo sa pool kung kaya't ang lahat ay nakisang-ayon sa gusto ni Lian. Wala naman siyang nagawa dahil request iyon ni Jiliaveen. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinggan at ng mga ibang pinagkainan nila nang sumulpot si Jiliaveen sa gilid niya dahilan para huminto siya."Gusto mong tulungan kita?" Pang-aalok nito sa kanya."Ah, Miss President Jiliaveen, hindi na!" Umiiling niyang pagtanggi. "Mga bisita ko kayo kaya dapat lang na ako ang gumawa." Dugtong niya pa."Paano mo kami ma-iintertain kung may ginagawa ka?" Katwiran ni Jiliaveen. "Kami nagsasaya habang ang may-ari naman ng bahay na 'to ay abala sa gawaing bahay!" Reklamo nito dahilan para matawa siya't muling balingan ng atensyon ang kanyang naudlot na gawain. "Chris, ano bang nakakatuwa sa sinabi ko!" Tila naiinis nitong sambit."Miss President Jiliaveen, hayaan niyo na ko sa gusto kong gawin sa bahay ko. Tignan niyo ang mga kasama niyo, nagsasaya tapos ikaw na B
NAKITA niya si Lian nakatayo sa malapit sa pool habang umiinom ng alak na sinabayan pa ng pag-iyak nito. Nakaramdam siya ng guilty para sa dalaga, alam niyang parehas silang nasasaktan ngayon. Pero hindi niya maitatanggi na ginusto niya ang ginawang panghahalik nito sa kanya. Para sa kanya maganda at matalino si Lian pero hindi nito nakuha ang atensyon nito sa kanya lalo na ang puso niya. Unlike kay Jiliaveen na madali siyang na-attractive rito."Lian," tawag niya sa pangalan ng dalaga dahilan para lingunin siya nito. "Hindi ko sinasadyang saktan ka."Humugot ito ng malalim na hininga bago sumagot. "Bakit, bakit siya?" Tukoy nito kay Jiliaveen. "Ni katiting ba wala kang pagtingin sa'kin ha!?" Garalgal na sambit nito."Lian--" sa banggit pa lang ng pangalan nito ay pinutol ng dalaga ang sasabihin niya."Alam ko na ang sasabihin mo Chris. At ayoko pang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko sa mga salitang lalabas d'yan sa bibig mo!" Mariing sumbat ni Lian sabay tungga nito ng alak
NAKAHANDA na ang lahat hinihintay na lamang nila ang kaibigan ni Chris na magsusundo sa kanila. Nasa sala sila at nag-uusap tungkol sa kompanya nang biglang magsalita si Rhealyn na ikinatigil nila."Nasaan si Lian?""Oo nga mula kaninang umaga ay hindi ko siya nakita." Komento ni Owen.Napalunok siya nang maaalala niyang ikinulong niya si Lian sa Music room. Kapagkuwan ay pa-simpleng niyang sinulyapan ang kanyang mga kasama nang tignan siya ng mga ito. Huminga siya ng malalim saka siya nagsalita. "Huwag kayong mag-alala nag-aayos siya nang lumabas ako sa kwarto," pagsisinungaling niya saka siya pilit na ngumiti. "Pupuntahan ko siya." Presinta niya saka siya tumayo at umakyat sa ikalawang palapag.Sa halip na dumiretso siya sa kanyang kwarto ay pumunta siya sa music room kung saan doon niya iniwan si Lian. Tulog pa ang dalaga nang madatnan niya, nilapitan niya ito't bahagyang tinapik niya ang pisngi nito para magising. Hindi naman siya nabigo kung kaya't hinawakan niya muna ang magkab