Pagkatapos namim nag grocery ni nanay Sam ay umuwi na kami kaagad. Sakto naman dahil pagka dating pa lang namin sa bahay ay wala pa sila mom kaya sinamahan ko na lang muna si nanay Sam sa kusina na mag luto para sa pag dating nila ni mom at dad.
Marami rami din ang kaniyang niluluto dahil baka daw ay nagugutom na rin sila. Mga ilang minuto ay may biglang dumating na kotse at alam kong sina mom at dad na iyon dahil kabisado ko na ang tunog ng kanilang kotse.
Lumabas muna ako ng kusina at pumunta sa sala. Hindi nga ako nag kakamali dahil sila na nga at kasama nila si kuya.
"Anak Halley, kamusta ka na?" Bati sa akin ni dad kaya lumapit naman ako a kanila at saka ako nag mano.
"Heto po, busy sa kakapractice para sa darating na concert."
"Mabuti naman kung ganon."
"Hindi nga 'yan dumalo sa practice kahapon." Bulong ni kuya na nasa tabi ko na kaya agad ko
Halley's P.O.V"Kailangan mo pakasalan si Tinsley, anak.""Pero mom, may iba na po akong na pupusuan kaya ayaw kong pakasalan si Tinsley.""Sa ayaw at sa gusto mo ay dapat mo siyang pakasalan." Pero umiling lang ako. "Napag kasunduan na namin na sa pag gising mismo ni Tinsley kayo mag pakasal.""Ayoko." Aalis na sana ako pero bigla naman akong napatigil nang nag salita na naman siya."Sino ba ang iyong na pupusuan? Maaari ko ba siyang makikilala?" tanong niya."At bakit naman po? Ano ang gagawin mo sa kaniya?" agad ko namang tanong sa kaniya."Wala, wala akong gagawin sa kaniya. Gusto ko lang siya maka usap." sabi niya pero hindi ko na siya sinagot pa at umakyat na lang ako sa taas at saka pumasok sa aking kwarto.Bakit ba ganiyan si mom? Bakit ba ang selfish niya? Sarili lang niya ang kaniyang iniisip. Hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ko. Pumunta muna ako sa kama at saka humiga.
Gorgia's P.O.VHindi ako makakapayag na maging sila na naman. Ginagawa ko na nga ang lahat para makakalimutan na nila ang isa't-isa, pero malandi talaga 'yang sirenang iyan at talagang ayaw niyang lumayo kay Halley na siya pa naman ang may kasalan kung bakit ko nagawa 'yon sa anak ko.Gumawa na ako ng paraan para hindi na naman sila mag ka lapit dahil ayaw ko talaga sa sirenang iyon. Ano ang makukuha ko sa kaniya kapag naging sila? 'Diba wala? Kaya mas mabuti na lang gawin ko na rin siyang sardinas tulad ng kaniyang kapatid para may pakinabang naman.Buti na lang na wala ang aking asawa dito sa bahay dahil ayaw kong malaman niya ang pinag gagawa ko. At lalong lalo na hindi niya alam ang nangyayari noon dahil nasa abroad siya sa panahong 'yon habang kasama niya si Harley.Napatingin ako sa wall clock dito sa sala. Alas otso na pala ng umaga kaya lumabas na ako sa bahay. Pumasok ako agad sa aking kotse at saka ako nag mamaneho.Ka
Halley's P.O.VWednesday (3:50 AM)Nagising ako nang dahil sa sobrang lamig ng aking nararamdaman kaya nagtaklob ako ng kumot. Pilit ko mang matulog ay hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw pa ang panginginit ng aking hinihinga.Gusto kong tawagan si Brianna dahil hindi ako nakakapunta sa kaniya kahapon sa condo kaya babangon na sana ako para kunin 'yong cellphone ko pero nang dahil sa sobra kong panginginig ay mas kailangan kong magtaklob na lamang ng kumot.Pilit ko pa rin abutin iyong cellphone ko sa side tabel ng kama ko pero hindi ko magawang kunin iyon kaya sa 'di ko inaasahan mangyari ay nahulog ako sa sahig.Sobrang sakit ng aking katawan. Sinubukan kong makatayo ngunit hindi ko talaga magawa. Hinila ko 'yong kumot na nasa kama ko at saka ako nag taklob habang nasa sahig pa rin ako. Hindi ko namalayan ay unti unti na ako nawalan ng malay.KINABUKASAN, nagising lang ako ng kusa kaya gusto ko ng bumangon pero hind
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang maiisip si Halley dahil sa kalagayan niya. Sobra akong nasasaktan no'ng nakita ko siya kanina sa bintana.Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na namin ang condo."Paano niyo nalaman na isa akong sirena?" biglaan kong tanong sa kanila."A-ah, g-ganito kasi 'yon..." nauutal na sabi ni Dexter."Naging kayo na nga noon ni Halley at tutol si tita sa relasyon ninyo kaya gumawa siya ng paraan na makakalimutan ka ni Halley." Kaya medyo naguguluhan naman ako sa kwento ni Calum."B-bakit pati ako ay walang maaalala?" sabi ko habang nakahawak sa ulo."'Yon na rin ang hindi namin alam dahil natataka nga kami kung bakit hindi mo siya nakikilala, eh wala naman ginagawa sa 'yo si tita." sabi ni Dexter."May relasyon kami ni Halley noon?" Hindi ko makakapaniwalang tanong sa kanila.
Halley's P.O.V"Tandaan mo palagi na h'wag na h'wag kang mag susumbong sa daddy mo na tungkol mga ginagawa ko dahil kung hindi--" Hindi ko siya pinatapos pang mag salita."Dahil kung hindi, ano? Ano pa ba ang kaya mong gawin sa akin?" matapang kong sabi sa kaniya pero hindi naman siya sumasagot pa at saka siya lumabas sa aking kwarto.Hindi ko na naririnig na ni lock niya pa ang pinto dahil nandito na sa bahay si dad kaya siguro ay natakot siya.Nang may kumatok sa pinto ay agad naman akong sumagot. Pinatawag na daw ako sa baba para mag almusal na kaya sumunod naman ako sa isa naming kasambahay.Habang nasa hapag kainan kami ay tahimik lang akong kumakain samantalang silang tatlo ay masayang nagkukwentuhan."Anak, Halley." tawag sa akin ni dad kaya agad naman akong napatingin sa kaniya. "Ayos ka lang ba? Bakit maputla ka?" Sasagot na sana ako ang kaso lang ay inunahan na ako ni mom mag salita."Noong mga araw kasi
Brianna's P.O.VHindi ako makakapaniwala na aabot kami sa ganito ni Halley at hindi ko inaasahan na kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang akala ko ay mahal niya din ako pero nag kakamali lang pala ako dahil hindi totoo ang lahat ng iyon.Naisipan kong aalis na lang ako sa condo na ito dahil wala naman bisa itong pag titira ko dito kung wala na si Halley sa tabi ko. Iniwan ko na lang rin 'yong mga damit ko na siya ang bumibili.Habang nag lalakad ako sa daan ay hindi ko maiwasang malungkot para sa amin ni Halley. Ang akala ko ay kami talaga ang para sa isa't-isa, pero nag kakamali ako. Tama nga sila, hindi dapat mag mamahalan ang isang sirena at ang isang tao dahil mamalasin lang ito.Napatigil ako sa pag lalakad nang may isang kotse na huminto sa harapan ko. At sa 'di ko inaasahan ay si Gorgia ang lumabas dito at saka niya ako hinarap. Habang nakatayo na siya sa aking harapan ay hindi ko mapigilang magtataka sa kwintas na suot niya.
Brianna's P.O.VLima lang kaming nakasakay dito sa eroplano dahil service ito ng kanilang pamilya. Habang sumasakay kami ng eroplano ay hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana. Pinagmasdan ko lang ng mabuti ang dagat, namimis ko na yata ang kaharian. Sana ayos lang silang lahat doon at walang nangyaring masama."Nandito na tayo." At saka nila ako kinaladkad palabas ng eroplano.May isang kotse naman ang sumusundo sa amin at agad nila akong ipinasok doon. Higit tatlong oras pa kami bago namin narating ang pupuntahan namin.Habang inilabas nila ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa buong paligid. Malapit lang ito sa dagat kaya agad kong nararamdaman ang napaka sariwang hangin. Kinaladkad na naman nila ako papasok dito sa isang malaking bodega. Napatingin naman ako sa buong paligid nito. Puro akwaryum ang nakikita ko dito sa paligid kaya agad ko namang na aalala si ate Tatiana."Nagugustuhan mo ba, Brianna?"
Halley's P.O.V"Tinsley, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Halley na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" tanong ng pari kay Tinsley na na nandito sa tabi ko."Yes, father." agad naman nitong sagot."Halley, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Tinsley na iyong pakamahalin at paglingkuran habambuhay?" tanong naman sa akin ng pari.Sasagot na sana ako, kaso ay biglang sumakit ang aking ulo kaya agad akong napahawak dito."Babe, are you okay? Tinatanong ka na ni father." nag alalang tanong ni Tinsley sa akin pero hindi ko na siya sinasagot pa dahil mas lumala pa ang sakit sa aking ulo. Nagkakagulo na rin ang lahat ng mga tao dito. At lalong lalo na din 'yong parents ni Tinsley, nataranta silang lumapit sa akin. Agad naman lumapit sa akin sila dad at kuya, pati na rin sina Jax, Calum, at saka si Dexter.Hindi ko alam kung bakit bigla na lang