Brianna's P.O.V
Hindi ako makakapaniwala na aabot kami sa ganito ni Halley at hindi ko inaasahan na kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang akala ko ay mahal niya din ako pero nag kakamali lang pala ako dahil hindi totoo ang lahat ng iyon.
Naisipan kong aalis na lang ako sa condo na ito dahil wala naman bisa itong pag titira ko dito kung wala na si Halley sa tabi ko. Iniwan ko na lang rin 'yong mga damit ko na siya ang bumibili.
Habang nag lalakad ako sa daan ay hindi ko maiwasang malungkot para sa amin ni Halley. Ang akala ko ay kami talaga ang para sa isa't-isa, pero nag kakamali ako. Tama nga sila, hindi dapat mag mamahalan ang isang sirena at ang isang tao dahil mamalasin lang ito.
Napatigil ako sa pag lalakad nang may isang kotse na huminto sa harapan ko. At sa 'di ko inaasahan ay si Gorgia ang lumabas dito at saka niya ako hinarap. Habang nakatayo na siya sa aking harapan ay hindi ko mapigilang magtataka sa kwintas na suot niya.
Brianna's P.O.VLima lang kaming nakasakay dito sa eroplano dahil service ito ng kanilang pamilya. Habang sumasakay kami ng eroplano ay hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana. Pinagmasdan ko lang ng mabuti ang dagat, namimis ko na yata ang kaharian. Sana ayos lang silang lahat doon at walang nangyaring masama."Nandito na tayo." At saka nila ako kinaladkad palabas ng eroplano.May isang kotse naman ang sumusundo sa amin at agad nila akong ipinasok doon. Higit tatlong oras pa kami bago namin narating ang pupuntahan namin.Habang inilabas nila ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa buong paligid. Malapit lang ito sa dagat kaya agad kong nararamdaman ang napaka sariwang hangin. Kinaladkad na naman nila ako papasok dito sa isang malaking bodega. Napatingin naman ako sa buong paligid nito. Puro akwaryum ang nakikita ko dito sa paligid kaya agad ko namang na aalala si ate Tatiana."Nagugustuhan mo ba, Brianna?"
Halley's P.O.V"Tinsley, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Halley na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" tanong ng pari kay Tinsley na na nandito sa tabi ko."Yes, father." agad naman nitong sagot."Halley, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Tinsley na iyong pakamahalin at paglingkuran habambuhay?" tanong naman sa akin ng pari.Sasagot na sana ako, kaso ay biglang sumakit ang aking ulo kaya agad akong napahawak dito."Babe, are you okay? Tinatanong ka na ni father." nag alalang tanong ni Tinsley sa akin pero hindi ko na siya sinasagot pa dahil mas lumala pa ang sakit sa aking ulo. Nagkakagulo na rin ang lahat ng mga tao dito. At lalong lalo na din 'yong parents ni Tinsley, nataranta silang lumapit sa akin. Agad naman lumapit sa akin sila dad at kuya, pati na rin sina Jax, Calum, at saka si Dexter.Hindi ko alam kung bakit bigla na lang
Halley's P.O.V"Pero ate, kailangan din kitang protektahan dahil ako na lang ang palagi mong pinoprotektahan noon. Hayaan mo naman akong mag desisyon ate." Dinig kong boses ni Brianna kaya hindi ko naman maiwasang mag alala para sa kaniya."Hindi maaari, dapat ako ang poprotekta sa 'yo dahil ako ang nakakatanda sa 'yo kaya h'wag matigas ang ulo.""Mag aaway na lang ba kayo diyan? Isali niyo naman ako sa conversation ninyo oh, pero may punto naman si Brianna, since siya naman talaga ang nagmana sa inyong ina ay siya na lang ang papatayin ko." dinig kong sabi ni mom.Ang sama mo talaga mom!"Buo na ang desisyon ko, Gorgia. Ako na lang ang patayin niyo." kalmadong sabi ni Brianna kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil baka kung ano na ang gagawin sa kaniya ni mom.Nang nasa labas pa lang ako ng pintuan ay dinig ko na ang kanilang pinag uusapan kaya agad kong binuksan ang p
Brianna's P.O.V"Brianna, ililigtas kita kaya h'wag kang mag alala." sabi ni Halley habang papalapit na sa aking direksyon."M-masakit b-ba, Halley?" nag alala kong tanong sa kaniya kaya agad niya naman itong hinahawakan."Hindi naman." Natatawa niya pang sabi at base sa kaniyang inaasta ngayon ay parang hindi naman siya nasasaktan kaya hindi ko tuloy maisip na nag sisinungaling lang siya sa akin."Bakit kayo hindi nagkakasama ni Tinsley? Kasal niyo naman ngayon hindi ba?" tanong ko sa kaniya."Wala namang kasalang nagaganap." Kaya nag tataka naman ako sa kaniyang sinasabi.Bakit? Hindi ba natuloy?"Tara na, itatakas ka na namin dito." Saka niya hinila ang mga kamay ko. "Jax, ikaw na lang ang bahala sa isang sirena.""Kaya mo na ba?" tanong ni Jax sa kaniya habang tinignan ang kaniyang sugat sa bandang tiyan."Oo, kaya ko naman." Nang na hila na ako ni Halley ay agad niya naman akong binuhat.&nb
Harley's P.O.VHindi ko maiwasang masaktan kay mom. Hindi ako makakapaniwala na magagawa niya pala ang pag lilihim sa amin na pamilya niya. May nangyayari pala no'ng araw na nag abroad kaming dalawa ni dad.Inamin na rin sa akin ni mom kanina na may relasyon noon si Halley at saka Brianna dati at dahil sa tutol siya sa dalawa ay nakagawa siya ng masama para kay Halley.Inutusan niya ang mga tauhan niya na saktan si Halley, basta lang ay mawala na ang alala nito kaya sinunod naman nila ito. Nang dahil sa ginawa nila ay nagkaroon ang kapatid ko ng comatose higit tatlong taon."Dre, ayos ka lang ba?" Kaya agad naman akong napatingin kay Jax at saka ako tumango. "Tara mag dinner na tayo, ikaw na lang ang hinihintay nila.""Sige, susunod lang ako." Inayos ko muna ang aking sarili at saka ako sumunod sa kaniya.Dauphine's P.O.VHabang lumalangoy kaming tatlo dito sa pool ay hindi ko maiwasang ma mangh
Harley's P.O.VNang naka uwi na kami sa bahay ay sobra kaming nag alala dahil kay mom dahil hindi pa ito umuuwi."Tinawagan ko siya kagabi ngunit hindi niya naman ito sinasagot." naiiyak na sabi ni daddy."Paniguradong nasa Cebu pa rin siya." Wika ni Halley kaya agad naman kaming napatingin sa kaniya."Puntahan natin." Aalis na sana si dad kaya lang ay pinigilan ko naman siya."Kami na lang po ni Halley." Sabi ko sa kaniya."Tama po si kuya, gawin niyo na lang po ang trabaho ninyo at kami na lang ang hahanap kay mom." sabi naman sa kaniya ni Halley."Sige, basta tawagan niyo lang ako ha kapag makikita niyo na ang mommy niyo." At saka naman kami tumango ni Halley.Nag mamadaling lumabas si dad at sumakay sa kaniyang kotse. Buti na rin na kami na lang dalawa ni Halley ang hahanap kay mom dahil alam naman namin na araw araw busy si dad sa trabaho at importante 'yon sa kaniya."Bro, tawagan mo nga si mom." At s
Brianna's P.O.VHindi ako nakakapaniwala na bumalik na nga ang aming kapangyarihan. Bumalik na rin ang kay ate Tatiana kaya sobrang saya namin pareho pero nakakalungkot pa din isipin na ganon pa din ang kaniyang buntot at hindi na siya makakalangoy pa ulit dahil sa kalahati na lang ito.Bigla kaming napatingin nang may nag iingay sa loob at mukhang sila Halley na nga 'yon. Medyo hindi naman ako mapapakali dahil sa gusto ko nang malaman kung na hahanap na ba nila si Gorgia at kung nakuha na ba ang secret tail.Mga ilang minuto pa bago sila pumunta dito sa pool. Apat lang sila dahil hindi nila kasama ngayon si Calum kaya agad naman akong napatingin kay ate at saka ako natawa sa reaction niya na mukhang nabigo."Nasa inyo na ba ang kwintas?" Direktang tanong ni Dauphine sa kanila."Ay nag mamadali? Hindi mo man lang ba ako tatanongin kung nakakain na ba ako?" Sarkastik
Calum's P.O.V"Dre, tatawagan ka lang namin." sabi sa akin ni Harley habang hinahatid ko sila palabas ng gate."Sige." At saka sila sumakay sa kotse ni Jax.Nang nakakalayo na sila ay isinara ko na ang gate at saka ako bumalik sa loob. Dumiretso na ako sa pool na kung saan ay nandoon si Tatiana. Napapansin ko naman na mukhang kausap niya 'yong hawak niyang starfish, bigla naman siyang tumahimik nang nakita na niya akong papalapit sa kaniya."Kamusta ka na?" tanong ko sa kaniya."Ayos naman." tipid niyang sagot."Alam kong galit ka pa din sa akin kaya sana ay darating din ang panahon na mapapatawad mo ako."Mga ilang segundo pa ang nakalipas ay hindi pa rin siya sumasagot sa akin kaya naisipan kong pumunta sa kusina. Nang nakapasok na ako sa kitchen ay agad akong kumuha ng dalawang tomato juice sa fridge at saka ako bumalik s
Five Years Later...Brianna's P.O.VKaarawan ngayon ng nag iisa kong anak na si Scarlett. Limang taong gulang na si Scarlett kaya nandito kami sa dagat dahil dito magaganap ang kaniyang kaarawan."Mommy, nasaan na po sila Chloe? I want to play them na." nakasimangot nitong sabi nang lumapit sa akin."Don't worry anak, paparating na sila dito." sabi ng daddy niya sa kaniya.Si Chloe ang panganay na anak ni ate Tatiana at malapit na din siya manganganak sa pangalawang anak nila ni Calum.Nagkakaroon na din ng isang anak na babae sila Dauphine at Jax. Masaya naman ako para sa kanilang dalawa dahil mahal talaga nila ang isa't isa. Hindi na sila tulad ng dati na palaging nag aaway. Malaki na din ang pinagbago ni Dauphine at sobra din niyang mapagmahal na asawa para kay Jax.Samantala sila Harley at Diana naman ay mayroon na ding dalawang anak na lalaki. Hindi ko naman maiwasang mainggit sa kanila dahil matagal
Calum's P.O.VHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakapaniwala na ikakasal na ako sa babaeng pinakamahal ko. Masaya ako dahil ang babaeng pakasalan ko ngayon ay siya ang babaeng pinapangarap ko noon pa man.Mas lalo siyang gumaganda ngayon na habang suot niya ang gown. Hindi ko naman maiiwasang maging emosyonal nang nag lalakad siya papalapit sa akin ngayon dito sa altar.Nang nakalapit na siya sa akin ay hindi pa rin mawala ang aking pag tingin sa kaniya. Siya pa din ang Tatiana na nakikilala ko noon.Tatiana's P.O.V"Tatiana, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Calum na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" Tanong sa akin no'ng pari."Yes, father." Agad ko namang sagot."Calum, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Tatiana na iyong pakamahalin at paglingkuran habambuhay?" tanong naman sa kaniya no'ng pari kaya napatingin na
Brianna's P.O.VAlas onse na ng gabi kami nakauwi dito sa condo. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din si Halley dahil hindi niya talaga matanggap ang pagkamatay ng kaniyang mommy.Kaming dalawa lang ang nandito sa condo dahil nasa bahay ni Calum si ate Tatiana habang si Dauphine naman ay nando'n din sa bahay ni Jax.Napansin ko namang nag tulala lang siya sa may bintana kaya naisipan kong pag lutuan ko siya ng pagkain dahil kanina pa siyang hindi kumakain.Pumasok ako sa kusina para pag lutuan ko siya. Naisipan ko namang lutuan siya ng Honey Garlic Chicken Breast. Isa isa ko naman kinuha 'yong mga ingredients para sa lulutuin ko.Higit isang oras na bago ako tapos mag luto. Agad ko naman ito hinain at saka pumunta kay Halley."Love?" tawag ko sa kaniya at agad naman siyang napatingin sa akin. "Kumain ka muna, ipinagluluto kita." m
Harley's P.O.VNandito kaming lahat sa hospital habang binabantayan namin si mom. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang malay kaya hindi ko naman maiwasang mag alala sa kaniya. Sabi ng doctor ay kailangan pa daw siyang operahan dahil nasa utak pa rin ito ang bala.Hanggang ngayon ay nagdadasal pa din ako na sana ay mag tagumpay 'yong operation niya. Sabi kasi ng doctor kapag hindi daw ito mag tagumpay ay pwede siyang mamatay.--Flashback--Biglang tumunog 'yong cellphone ko kaya agad ko itong dinukot at saka sinagot. Nagtataka naman ako kung bakit tumawag sa akin ang isang pulis at nang sinabi niya sa akin ang kaniyang balita ay bigla naman akong na bubuhayan.Nakikita na daw nila si mom kaya agad ko namang pina alam ni Halley para malaman niya rin. Katulad ko ay na bubuhayan rin siya, hindi kasi namin akalain na sa kabila ng kaniyang pag kawala ay may makakakita pa pala sa kaniya.Agad naming pinuntahan ang lugar
Gorgia's P.O.VTulad ng pinapangako ko ay gaganti ako ngayon kay Victoria. Tanga nga si Axel dahil nahuli na nga nila ako pero pinakawalan niya pa rin ako."Ma'am, tapos na po naming lagyan ng dinamita ang buong dagat." Kaya napangiti naman ako sa sinasabi ng aking tauhan.Isa siya sa mangingisda na inuutusan ko na gawin iyon. Nahihiripan pa nga akong paki usapan siya kaya binigyan ko sila ng tig isang milyon taga mangingisda para ma papayag ko lang sila."Sisiguraduhin niyo lang na mahuhuli niyo ang lahat ng sirena at lalong lalo na si Victoria." sabi ko."Pero ma'am, mukhang imposible naman po na mahuhuli namin silang lahat at sino po si Victoria? Isa rin ho ba siyang sirena?""Tumahimik ka hangal!" Kaya nabigla naman siya. "Baka nalilimutan niyo 'yong pinag uusapan natin, dapat niyo silang makuha.""Masusunod po." At saka siya umalis.Hindi na kasi ako makakapag hintay pa na makikita ko silang lahat
Brianna's P.O.VNang nakalabas na kaming tatlo sa condo ay agad naman naming nakikita sina, Halley, Calum at Jax habang naka sandal sa kanilang mga sasakyan.Isa isa naman kaming lumapit sa kanila. Nang nakalapit na ako kay Halley na habang nakapamulsa lang ay pinag buksan niya naman ako ng pinto saka ako pumasok. Habang nakikita ko naman sila ate sa side mirror.Umuna na kami habang sila ay naka sunod lang sa amin. Higit isang oras kami nasa biyahe at hanggang sa hininto na ni Halley ang kotse.Napatingin naman ako sa labas at hindi ko naman maiwasang maninibago sa lugar na ito dahil first time pa ako dinala ni Halley dito.Pinag buksan niya na naman ako ng pinto at saka ako lumabas habang naka hawak sa kaniyang kamay.Nakita naman namin na ipinarada rin ang sinasakyang kotse nina ate at Calum, kasunod naman ang kotse ni Jax na siya rin ang sinasakyan ni Dauphine.Nang lumabas na sila sa kotse nila ay sabay naman kaming
Dauphine's P.O.VNang naka labas na ako sa condo ay nag mamadali naman akong nag lalakad papunta sa bahay ni Jax. Wala akong pakialam kung gaano pa ito kalayo dahil ang importante lang ay ang makakausap ko siya.Habang nag lalakad ako ay wala akong ibang iniisip kun'di ay si Jax lang. Iba kasi ang pakiramdam ko ngayon, na para bang sobrang bigat kapag hindi ko siya makaka usap.Napagtanto ko na rin na naging harsh din ako sa kaniya noon. Hindi ko man lang iniisip ang naging nararamdaman niya.Oo galit ako sa sarili ko dahil sa ka artehan ko, 'yan tuloy nakakapanakit na ako ng damdamin. Kaya gusto kong humingi sa kaniya ng patawad dahil sa nagawa ko sa kaniya.Nang narating ko na ang kaniyang bahay ay hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod sa kakalakad dahil mas nangingibabaw pa sa akin ngayon ang konsensya kong nararamdaman.Pinindot ko na 'ying doorbell, mga ilang minuto pa bago niya ito binuksan. Medyo naiilang naman
Dauphine's P.O.VTulad ng nakakasanayan ay tulog mantika pa rin itong si Brianna habang kami naman ni Tatiana ay masayang sinusubukan ang lahat na mga damit na ibinigay sa amin nina Diana at Elaine.Noong una ay akala ko mga maldita 'yong sina Elaine at Diana pero nagkakamali lang pala ako. Binigyan pa nga kami ng maraming damit kaya sobrang saya ko talaga dahil mas gumaganda pa ako kapag suot ko ang mga damit na ito."Bagay ba sakin?" tanong sa akin Tatiana habang nasa harapan ng salamin."Syempre naman dahil 'yan ang pinili nila Elaine para sa 'yo." sagot ko sa kaniya habang inaayos ko rin ang suot kong damit. "Ako ba? Bagay rin ba sa akin?" At saka naman siya tumango.Kailangan ko talagang mag papaganda ng maayos dahil concert ngayon ni Jax at gusto kong mag mukha akong maganda doon.Nagulat naman kami ng biglang nag sasalita si Brianna sa likuran namin."Aga aga naman." sabi niya habang nakapikit pa ang mga mata.
Tatiana's P.O.V(1:00 AM)Sobra akong namangha na nag kakaroon na ako ng mga paa. Hindi ako makakapaniwala na magkaka totoo nga pala ang pinapangarap pa lang namin noon ng kapatid ko. Nang dahil sa kwintas ng secret tail ay natupad ang aming mga pangarap.Napatingin naman ako kay Brianna na natutulog na sa kama. Hindi ko inaasahan na natuto na rin pala siya kagaya ng mga tao na makakaramdam na din ng pagod, parang ganap na talaga siya na tao."Grabe naman itong maka hilik si Brianna." Angal ni Dauphine habang nakahiga rin sa sarili niyang kama."Hayaan mo na nga." natatawa kong sabi sa kaniya.Hindi pa rin mapawi ang sobrang saya ko sa araw na ito dahil unang una ay nang ligaw ulit sa akin si Calum kaya sobra ko talagang saya. Ang pangalawa naman ay naging tao na ako, hindi lang ako dahil pati na rin sina Brianna at Dauphine.Brianna's P.O.V(5:00 AM)Nagising ako tulad ng aking nakakasa