Halley's P.O.V
Pagkalabas ko pa lang ng kotse ay agad na akong sinalubong ni Tinsley.
"Babe!" tawag niya sa akin a saka siya yumakap sa akin.
"'Wag ngayon please, pagod ako." sabi ko at saka ko siya iniwan.
"Gusto mo bang mamasahiin kita?" sabi niya pa habang naka sunod pa rin sa akin.
"Hindi na." agad ko namang sagot sa kaniya.
Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay agad naman akong nag bihis at saka ako pumunta sa veranda. Hindi ko maiwasang maiisip si Brianna, ang ganda niya rin pala tulad noong una ko pa siyang nakita.
"Babe!" tawag na naman sa akin ni Tinsley habang kumakatok sa pinto kaya pinag buksan ko na lang ito dahil sobrang ingay na niya.
"Babe, mag usap tayo."
"Ano naman ang pag uusapan natin?"
"Bakit ba bigla ka na lang nag bago? Hindi ka naman ganiy
Brianna's P.O.VBiglang may kumatok sa pintuan kaya agad naman akong tumayo dahil baka sina Halley na 'to kaya agad ko naman binuksan ang pinto."Nanay Sam." Kaya napatingin naman ako sa likod niya nang napansin kong wala si Halley. "S-i Halley po?""Wala siya ija eh." malungkot nitong sabi."Bakit naman po? Nasaan ho ba siya?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya."Kailangan niya kasing bantayan si ma'am Tinsley." kaya nagtataka naman ako."Bakit naman ho siya kailangan pang bantayan?""Na aksidente kasi siya ija at wala 'yong mga magulang niya para aalagaan siya kaya si Halley na lang dahil malapit naman sa kaniya si Tinsley." Kaya tumango na lang ako."Ganon ho ba? Sige po, pumasok muna kayo.""Ija bago ko makakalimutan, pinapabigay pala ito sayo ni Halley." Habang may kinuha siya sa bag."A-ano po 'yan?" Sabay turo ko doon sa hawak niyang maliit na kahon."Cellphone." Kaya medyo nagtata
Halley's P.O.V"Sige na ijo, umalis ka na." Sabi ni tita."Sigurado po ba kayo?" Saka naman siyang tumango habang naka ngiti."Maraming salamat sayo Halley dahil hindi mo pinapabayaan ang anak naming si Tinsley habang wala kami dito habang wala kaminsa tabi niya.""Ayos lang po, kung tutuusin nga po eh ako naman ang may kasalanan nito.""Pero salamat pa rin sayo ijo, napakabait mo talagang bata."Nang nakalabas na ako sa hospital ay agad akong sumakay sa aking kotse. Kinuha ko muna 'yong cellphone ko at tinawagan si Brianna."Hello, Halley?" agad nitong sagot sa kabilang linya."Mag handa ka, may pupuntahan tayo.""Ha? Saan?" tanong niya kaya hindi naman maiwasang mapangiti dahil naririnig ko na ang kaniyang boses."Mamaya mo na malalaman basta mag handa ka na lang
Brianna's P.O.VPagkatapos namin kumain dalawa ni Halley ay sumakay na kami sa kaniyang kotse at habang nag babiyahe kami ay hindi ko maiwasang mapag isip. Saan kaya kami pupunta noh? Ayaw ko namang mag tanong sa kaniya dahil hindi niya naman sasabihin sa akin kaya mas pinili ko na lang ang manahimik.Nang hininto niya na ang kotse niya ay sabay na kaming lumabas sa kaniyang kotse. Nandito kami sa tambayan nila at laking gulat ko nang pagka pasok pa lang namin ay may marami na akong nakikita."Anong meron, Halley? May okasyon ba?" tanong ko sa kaniya habang papasok kami dito."Wala namang okasyon." sabi niya habang nakangiti."Pero bakit ang daming dekorasyon dito sa loob?" nagtataka ko pa ring tanong sa kaniya."Wala lang, trip lang namin.""Trip?" tanong ko pa pero parang wala namang siyang balak na sagutin ako kaya nanahi
Tatiana's P.O.VIlang taon na akong naka kulong dito sa akwaryum at tinitiis ko ang pagiging mahirap dito sa loob habang nakatali ang mga kamay ko sa malaking kadena.Biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin doon."Tulong!" Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon."H'wag ka ngang malikot kawawang sirena." sabi no'ng nag bubuhat sa kaniya.Dauphine?!Kaya pinagmasdan ko ng mabuti ang kaniyang mukha at hindi nga ako nagkakamali dahil si Dauphine nga ang sirenang ito.Dauphine!"Dito ka muna ha?" sabi no'ng lalaki habang itinali ang dalawa niyang kamay at saka hinulog siya sa isa pang akwaryum.Nang lumabas na ang dalawang lalaki ay agad naman nilang isinara ang pinto para masisigurado nilang hindi nga kami makakatakas."Paano ka nila na
Halley's P.O.VKINABUKASAN, nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko na nasa side table ng kama ko. Bumangon ako at saka pumasok sa banyo para mag hilamos. Pagkatapos kong mag hilamos ay kinuha ko 'yong cellphone ko na nasa kama ko at saka ako lumabas ng kwarto."Bro, alam mo ba na malapit na ang ating concert?" tanong ni kuya nang nakita niya akong lumalabas."Oo, alam ko naman." agad ko namang sagot sa kaniya.Bakit ko naman kakalimutan ang araw ng concert namin eh 'yon nga ang espesyal na araw para sa akin. Sa pagkakataon na 'yon ay makakanta kami sa entablado habang nandoon ang lahat ng mga fans namin."Eh, bakit hindi ka dumating sa araw ng practice natin? Mabuti pa 'yong si Calum kahit na busy sa work ah nakakapunta pa din sa practice." sabi ni kuya sa akin."May nilakad lang kami ni Brianna." sagot ko naman sa kaniya.
Pagkatapos namim nag grocery ni nanay Sam ay umuwi na kami kaagad. Sakto naman dahil pagka dating pa lang namin sa bahay ay wala pa sila mom kaya sinamahan ko na lang muna si nanay Sam sa kusina na mag luto para sa pag dating nila ni mom at dad.Marami rami din ang kaniyang niluluto dahil baka daw ay nagugutom na rin sila. Mga ilang minuto ay may biglang dumating na kotse at alam kong sina mom at dad na iyon dahil kabisado ko na ang tunog ng kanilang kotse.Lumabas muna ako ng kusina at pumunta sa sala. Hindi nga ako nag kakamali dahil sila na nga at kasama nila si kuya."Anak Halley, kamusta ka na?" Bati sa akin ni dad kaya lumapit naman ako a kanila at saka ako nag mano."Heto po, busy sa kakapractice para sa darating na concert.""Mabuti naman kung ganon.""Hindi nga 'yan dumalo sa practice kahapon." Bulong ni kuya na nasa tabi ko na kaya agad ko
Halley's P.O.V"Kailangan mo pakasalan si Tinsley, anak.""Pero mom, may iba na po akong na pupusuan kaya ayaw kong pakasalan si Tinsley.""Sa ayaw at sa gusto mo ay dapat mo siyang pakasalan." Pero umiling lang ako. "Napag kasunduan na namin na sa pag gising mismo ni Tinsley kayo mag pakasal.""Ayoko." Aalis na sana ako pero bigla naman akong napatigil nang nag salita na naman siya."Sino ba ang iyong na pupusuan? Maaari ko ba siyang makikilala?" tanong niya."At bakit naman po? Ano ang gagawin mo sa kaniya?" agad ko namang tanong sa kaniya."Wala, wala akong gagawin sa kaniya. Gusto ko lang siya maka usap." sabi niya pero hindi ko na siya sinagot pa at umakyat na lang ako sa taas at saka pumasok sa aking kwarto.Bakit ba ganiyan si mom? Bakit ba ang selfish niya? Sarili lang niya ang kaniyang iniisip. Hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ko. Pumunta muna ako sa kama at saka humiga.
Gorgia's P.O.VHindi ako makakapayag na maging sila na naman. Ginagawa ko na nga ang lahat para makakalimutan na nila ang isa't-isa, pero malandi talaga 'yang sirenang iyan at talagang ayaw niyang lumayo kay Halley na siya pa naman ang may kasalan kung bakit ko nagawa 'yon sa anak ko.Gumawa na ako ng paraan para hindi na naman sila mag ka lapit dahil ayaw ko talaga sa sirenang iyon. Ano ang makukuha ko sa kaniya kapag naging sila? 'Diba wala? Kaya mas mabuti na lang gawin ko na rin siyang sardinas tulad ng kaniyang kapatid para may pakinabang naman.Buti na lang na wala ang aking asawa dito sa bahay dahil ayaw kong malaman niya ang pinag gagawa ko. At lalong lalo na hindi niya alam ang nangyayari noon dahil nasa abroad siya sa panahong 'yon habang kasama niya si Harley.Napatingin ako sa wall clock dito sa sala. Alas otso na pala ng umaga kaya lumabas na ako sa bahay. Pumasok ako agad sa aking kotse at saka ako nag mamaneho.Ka