SYD "Oh, heto na. Dinagdagan ko na ng suka 'yan, gaya ng ini-request mo." "Nice! Kuya Doms! Ang lakas ko talaga sa'yo. Salamat po rito." "Siyempre! Ikaw pa ba? Lods kita, e!" natatawang sagot nito sa akin, habang patuloy pa rin sa pagpapaypay ang isang kamay sa ihawan. Dudukot na sana ako ng perang ipambabayad ko, pero naunahan na ako sa pag-abot ni Yuan. Sumunod ang mga mata ko sa nakatiklop na isanlibong pisong inilahad niya sa harapan ni Kuya Domeng. "Keep the change," sambit niya. Siya na rin ang nagkusang kumuha sa tatlong supot na pinaglalagyan ng mga pinaihaw naming pulutan. "Aba't salamat, utoy! Quota na agad ako ngayong gabi. Siguradong matutuwa nito si kumander," ani Kuya Domeng. Kakikitaan nang labis na kasiyahan ang pawisan nitong mukha. Muntikan na akong matawa sa itinawag nito kay Yuan na 'Utoy'. Ang laking damulag, tapos, utoy?! "Welcome po," nakangiting sagot ni Yuan kay Kuya Domeng. Hindi pa man kami nakakaisang hakbang palayo ay naramdaman ko na ang kamay n
SYDKUNG anong excited kong makita siya ay napalitan ng pagkayamot. Imbes na matuwa ay nabuwisit lang ako. Ang nangyayari ngayon ay napakalayo sa inaasahan ko.Kung alam ko lang na magiging ganito, hindi na lang pala sana ako sumama sa kaniya. Nakapangalumbaba akong naghihintay, habang nakamasid sa matangkad na lalaking kinakausap ngayon ni Kuya Miguel.Pinasadahan ko ito ng tingin, mula ulo hanggang paa. Napaangat ang isang kilay ko. In all fairness… ang lakas makaguwapo ng pagka-semikalbo niya, ha! Pati 'yong mga papatubong balbas sa palibot ng kaniyang pisngi— ang angas ng dating! Parang siya 'yong tipo ng lalaki na nambabalibag sa kama.Dumiretso ako ng upo, paglingon nila sa akin. Tinanguan ako ni Kuya Miguel at sinenyasan na lumapit sa kanila. Habang iyong hindi ko kilalang lalaki ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Napaismid ako, matapos kong suriin ang guwapo sana nitong mukha, ngunit parang kailangan mo pa yata munang bigyan ng piso bago ngumiti.Tinatamad akong bumaba ng
SYD "I want to court you, Syd, and I'm fucking serious." MAKAILANG beses kong naikurap ang mga mata pagkarinig sa mga sinabing iyon ni Yuan. Ikinundisyon ko ang sarili at pilit na umarteng parang wala lang ang sinabi niya. Knowing him, alam kong pinagti-trip-an niya lang ako. At hindi nga ako nagkamali. "Why don't you try me, babe?" May naiwang pilyong ngiti sa gilid ng kaniyang labi pagkasabi niya sa mga salitang iyon. "Babe? Babe mo mukha mo, baliw!" Tumayo ako. Batid ko na sinusundan pa rin ni Yuan ang bawat pagkilos ko. Inabot ko ang beer na nasa gilid niya at tinuluyan nang ubusin ang natitirang laman nito. Gusto ko pa sanang ituloy ang naunsiyami kong pag-iyak para isang bagsakan na lang ang sakit. Ang kaso… wala na… sinira na ng ungas na ito ang momentum ko sa pag-eemote. Umurong na nga yata ang lahat ng mga luha ko sa mata, e. Nakapameywang kong binalingan ang nakangisi pa ring si Yuan. Mukhang wala pa siyang planong tanggalin ang kaniyang mapaglarong mga tingin sa a
SYDANG sunud-sunod na pagtilaok ng manok ang siyang unti-unting nakapagpagising sa aking inaantok pang diwa. Ilang sandali ko munang pinagbigyang ikundisyon ang aking hapong katawan. Hindi ko pa man naimumulat ang aking namimigat pang mga talukap pero nagawa ko pa ring maiupo ang sarili. Napadilat akong bigla nang maalala na may pasok nga pala ako! Teka, anong oras na ba? Bakit hindi nag-alarm 'yong cellphone ko? Nahampas ko ang noo nang maalala na hindi ko nga pala iyon nai-charge kagabi. Iginala ko ang tingin. Shit! May araw na! Unang pumasok sa isip ko si Yuan. Siguradong mayayari ako ro'n kapag nakita niyang wala ako sa opisina. Ang lakas pa naman ng loob ko na bantaan siya kagabi tapos… ako pa pala itong hindi makakapasok ngayon— nakakainis! Patayo na sana ako, ngunit agad ding natigilan. Napahawak ako sa aking sentido nang may biglang gumuhit na sakit dito. Pesteng alak!Nasagi ng isang kamay ko ang nakataob kong cellphone. Dinampot ko iyon. Hindi ko mapigilan ang mapatitig
Tuluyan nang naisarado ni Yuan ang pintuan ng banyo. Samantalang ako, heto, naiwanang nakatulala. Ni hindi ko magawang makakilos at tila natulos na sa aking kinatatayuan. Hindi makapaniwala kong hinawakan ang bahagi ng labi na pinangahasang halikan ng damuhong 'yon. Feeling ko ay nagmistulang whistling kettle ang ulo ko at kulang na lang ay umusok ang bunbunan ko dahil sa sobrang panggigigil ko sa kaniya. Nagpupuyos ngayon sa inis ang dibdib ko. Gusto ko siyang habulin para sapakin! Sumusobra na siya. Sino ba siya sa akala niya? Oo, amo ko siya— amo ko lang! Kaya dapat, matuto siyang lumugar. Hindi porket sinasakyan ko ang mga kalokohan niya ay magagawa niya na ang kahit na anong gustuhin niya sa akin. Wala siya ni katiting na karapatan na gawin iyon— wala! Nalamukos ko ang aking mukha at mararahas ang ginagawang paghinga. Muling nag-rewind sa ala-ala ko ang tarantadong lalaking nagnakaw ng first kiss ko dahil sa ginawang iyon ni Yuan. Sa sobrang sama nga ng loob ko noon, ilang ara
NASA alas nueve pa lang ngayon ng umaga. Magkakalahating oras pa lang, simula no'ng napilit ko na umalis si Yuan. Kung hindi ko pa ulit aksidenteng narinig ang pakikipag-usap n'ya sa cellphone ay hindi ko pa malalaman na may emergency meeting palang isi-net ang Board ngayong araw. Ayaw pa nga sana niyang um-attend dahil tinatamad daw siya, kaya ayon, nakatikim tuloy ng sermon sa akin. Maggagayak na nga rin sana ako kanina para makasama sa kaniya papuntang opisina, ngunit pinigilan niya ako. Si Miss Roxanne na lamang daw muna ang isasama niya ngayon sa meeting upang makapagpahinga raw ako. Nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan at inuumpisahan nang buhayin ang makina nito. Ako naman ay nakatayo lang sa tapat ng nakabukas niyang bintana at hinihintay lang ang tuluyang pag-alis niya. "See you later, babe." Niyuko ko siya at kunot-noong tiningnan. Napahawak pa ang isa kong kamay sa bubungan ng sasakyan, matapos iyon sabihin ni Yuan. "See you later? Ibig sabihin, nandito ka na naman ma
SYD"Oh, napatawag ka?" bungad ko nang tanggapin ko ang video call request ni Yuan. "Kanina pa kita tinatawagan, bakit 'di mo sinasagot?" Nakakunot-noong tanong niya. Mukhang nakalagay sa tripod ang cellphone niya, dahil abala pa rin siya sa pag-aayos sa sarili habang nakikipag-usap sa akin. Nagsalubong pa lalo ang kaniyang kilay, nang mapansin ang background ng kinaroroonan ko. "Teka, wala ka sa inyo? Nasa court ka? 'Di ba't ang sabi ko, magpahinga ka? Ang tigas talaga ng ulo mo," sermon niya.Hindi ko mapigilang matawa sa naging reaksyon ni Yuan. Dinaig niya pa kasi ang papa ko kung makapanermon sa akin."G na g yarn?" pang-aasar ko. Tanging matalim na tingin lang ang iginanti niya."Mabuti at nakauwi ka kaagad?" Panlilihis ko na lang sa usapan. Bumuntong-hininga s'ya at iiling-iling na muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Dito ako dumiretso sa penthouse ko, sa AGC. Wala namang traffic kanina kaya nakarating ako agad.""Wow! May penthouse ka pala riyan? Bakit ngayon mo lang nasabi?
SYDNANDITO kaninang umaga si Yuan, pero hindi rin siya nag-stay ng matagal dahil may panibagong meeting na naman siyang a-attend-an ngayong araw. Imbes na ako, ang pinsan niyang si Sir Resty ang isinama niya roon. "Bakit malungkot ang beshy ko!?" Napaangat ang tingin ko sa nakangiting si Miss Roxy. "Mukhang ang lalim ng iniisip natin, ah?" dugtong niya.Grabe! Ganoon ba ako ka-focus sa ginagawa at ni hindi ko man lang napansin na nakapangalumbaba na pala siya ngayon sa harapan ko?Napakamot tuloy ako sa aking noo. "Hindi naman po, ma'am. Busy lang." Kahit na napipilitan ay sinubukan ko pa ring gantihan ang magandang ngiting iginawad niya sa akin. Umayos na ng tayo si Miss Roxanne. Sinundan ko siya nang tingin nang tumungo na s'ya sa office table ni Yuan at inilagay sa ibabaw no'n ang mga hawak na folders. "Payday na sa makalawa, bhe! Sama ka sa amin," masiglang aya niya, pagkabalik niya sa puwesto ko.Saglit ko siyang sinulyapan, pagkatapos ay ibinalik ko rin agad ang tingin sa s
SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.
SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y