Hininto ni Marc ang kotse sa kanto ng subdivision na pinaghatidan niya noon kay Nancy. Ngayon niya mako-confirm kung talagang si Kim nga si Nancy. Nagsimula ang hinala niyang yun ng makita niya itong sumasayaw sa office. Nagulat siya na makita sa ganung ayos si Kim. Kakaiba parati ang pananamit nito kaya hindi niya expect na may tinatago itong magandang katawan. Mas nabigla siya dahil si Nancy ang nakikita niya sa ganung katawan ni Kim. Hindi na niya sana yun papansinin pero naisip niya na pareho sila ng boses. Hanggang makita niya ito nung nag aasaran sila ni Stella. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita niya ang itsura ni Kim dahil si Nancy ang nakikita niya. Saglit lang niya yun nasulyapan dahil hinarangan na ni Ms. Gomez. Inisip niya na siguro ay magkamukha lang sila ni Nancy. Hindi naman siguro siya gagaguhin ni Kim dahil alam niya kung gaano siya nasaktan nung tanggihan ni Nancy. Kay Kim lang din siya nakapag labas ng bigat ng loob niya nun. Alam ni Kim kung gaano
Ilang araw ang lumipas, naramdaman ni Kim ang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Marc. Napakalamig nito. Kinakausap lang sya nito kapag merong itatanong o iuutos sa kanya. Sobra ang galit sa kanya ni Marc na hindi nito magawang patawarin siya. Hindi siya nito pinayagan magresign para maramdaman niya yung galit nito. Feeling niya ay yun ang consequence na sinasabi nito. Alam ni Kim na deserve niya yun. Sa ginawa niya kay Marc, baka kulang pa ang parusang yun.Kasabay niyang nag lunch ang kaibigang si Leslie. Kasama na niya itong nagtatrabaho sa Chavez Land kaya kahit papano ay natuwa siyang mag stay pa sa kumpanyang yun. Si Marc ang nabungaran niya sa canteen pagdating nila dun ni Leslie. Bihirang bihira lang niya makita si Marc na sa canteen kumakain. Madalas kasi ay sa restaurant sa labas ito kumakain. Matapos nila pumili ng pagkain sa counter ay pumwesto si Leslie sa table ni Marc at Darwin, wala siyang nagawa kundi tumabi na din doon. Nakwento sa kanya ni Leslie na dati niyang k
Kasal ni Reymund at Ana. Imbitado si Kim sa kasal. Habang nasa simbahan ay panay ang selfie niya hanggang nagsimula na ang procession. Napatitig siya kay Marc nang maglakad ito bilang best man ni Reymund kasama si Darwin at Dexter. Napaka gwapo ng boss niya sa suot na gray tuxedo. Hindi niya natiis na picturan ito habang naglalakad.Vinideohan niya si Suzet habang naglalakad bilang maid of honor ni Ana. Nang maglakad si Ana suot ang wedding gown ay pakiramdam niya ay nainggit siya bigla. Pangarap din nya noon ang magsuot ng wedding gown habang ikinakasal sa lalakeng mahal niya pero mula ng dumating si Dj sa buhay niya ay nagbago na ang lahat. Kuntento na siya sa anak kaya wala na siya planong mag asawa pa. Tingin niya ay wala naman din lalakeng magseseryoso sa kagaya niyang naanakan na ng iba. Bumigat ang pakiramdam niya kaya inalis na niya yun sa isip niya."Sabay tayo kay Dexter!" Hinila ni Kim si Leslie. Nakita nila si Dexter na parang may hinihintay sa kotse nito. Napangiti ito ng
Habang sinusuotan ni Kim ng necktie si Marc ay iniiwasan nyang tumingin sa mga mata nito. Naalala niya yung kiss nila kahapon sa kasal ni Reymund at Ana kaya sobrang pagka ilang ang nararamdaman niya. Nagulat siya ng haplusin ni Marc ang pisngi niya. "May dumi!" Pinakita sa kanya ni Marc ang kung anong dumi na kinuha nito sa pisngi niya."Thanks!" Hindi niya nakontrol ang mapatingin sa mga mata ni Marc nang sabihin niya yun. Agad din siyang umiwas nang maglandas ang paningin nila."Sir may meeting po kayo sa property management ng 9am." Sabi niya ng hindi tumitingin dito."Okay!" Habang nasa meeting at tinitignan ni Kim si Marc na nagsasalita ay naalala na naman nya nung hinalikan siya nito. Tingin niya ay parang balewala lang yun kay Marc. Siguro sanay na sanay talaga ito na kung sino sino ang babaeng hinahalikan.Sa sobrang pagiisip ay hindi nya namalayan na natapos na ang meeting. Pagtingin nya sa dala niyang notes ay wala syang naisulat ni isa sa minutes ng meeting. "Lagot ako!
Photoshoot ni Kim para sa modeling niya sa Chavez Land. Pagdating niya sa studio ay agad syang inayusan ng makeup artist. Ilang minuto nang dumating si Samantha, isa din siya sa model. Pinakilala sila ni Madam Silver sa isa't isa. "Nancy this is Samantha, Samantha this is Nancy, she's also a model!" "You look familiar!" Ani Samantha sa kanya.Nginitian niya lang ito. Bukod kay Marc ay wala ng nakakaalam na siya din si Nancy Alcantara. Sinabi niya kay Marc na huwag nang ipaalam kahit kanino na si Nancy at siya ay iisa. Wala naman din nakakahalata na iisa lang ang mukha ni Nancy at Secretary Kim. May ilang minuto nang dumating si Marc. Isa din siya sa model kaya kasama din siya sa photoshoot. Nakita ni Kim sa salamin na nasa harapan niya ang paglapit ni Samantha kay Marc pagdating niya. Agad na siyang umiwas ng tingin sa kanila. Pakiramdam niya ay biglang may kung anong mabigat na dumagan sa dibdib niya. Napatingin sya kay Marc nang lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Binati
"Kim alam mo bang yung textmate mo noon na number na binigay ko sayo na sabi ko binigay ng boyfriend ko eh kay Marc pala!" Biglang nasamid si Kim na panay ang ubo sa sinabi ni Leslie habang kumakain sila sa canteen. Panay ang pukpok ni Leslie sa likod niya. Ininom niya ang tubig na nasa baso. "Ano? Si Sir Marc? Yung textmate ko nung college tayo, si Marvin!" Bulalas niya. Naitakip niya ang kamay sa bibig nang mapansing napatingin sa kanya ang mga nasa kalapit sa lakas ng boses niya. Masyado siyang nagimbal sa nalaman."Oo, eh kagabi ko lang din nalaman sinabi sakin ni Dexter. Nung iabot niya kasi sakin dati yung papel na may number, ang sabi niya sa kaibigan daw niya. Hindi na ko nagtanong kung sino sa kaibigan niya. Inisip ko isa sa classmate niya sa criminology.""Oh my gosh si Marvin, si Sir Marc." Nasambit uli niya. Naalala niya yung mga usapan nila noon ni Marc. Tandang tanda pa niya yung mga binitiwang salita nila sa isa't isa sa text. Napaka sweet ni Marc noon sa text at aliw
Pagpasok sa bahay ay naabutan ni Kim ang Mama nya na nakahiga sa sofa at nanonood ng TV. "Ma nandito yung boss ko!" Bulong nya sa mama nya."Boss? Si Chavez? Huwag mo nga ko pinaglololoko?!" Tumawa ang Mama niya. Napatingin ang Mama niya sa pinto. "Good evening po!" Nakangiting bati ni Marc.Mabilis na bumangon ang Mama niya at inayos ang throw pillow na nagkalat sa sahig. "Magandang gabi. Maupo ka!" Agad na sambit ng Mama niya."Bakit magkasama kayo?" Pabulong nitong tanong."Nag date kami!" Kinikilig na sagot ni Kim. Binatukan siya ng Mama niya."Aray!" Napatingin si Kim kay Marc na biglang umiwas ng tingin sa kanya habang nakaupo. "Naubusan ng gas yung kotse niya Ma kaya dito siya matutulog?" Mahina pa rin niyang sabi."Ha? Eh pano dalawa lang kwarto natin?""Doon na lang po siya sa kwarto ko. Kami ni Dj dun sa kwarto mo."Umakyat na ang Mama niya sa taas.Tumayo si Marc at tinignan ang mga pictures na nasa wall. Mga picture yun ni Kim kasama ang anak. Hindi mahilig magkwento ng
"Good morning Sir!" Binati si Marc ng mga guard na nadaanan nila habang papasok sila sa main entrance ng condo. Binati din siya ng mga babaeng naka assign sa front desk. Maging ng mga janitor na naglilinis at ilan pang staff na nandoon. Maging ng ibang tao na tingin ni Kim ay nakatira sa condo na yun ay binabati din si Marc. Naalala ni Kim na Chavez Land ang owner ng condominium na yun. Ang pamilya ni Marc ang may ari nun kaya ganun na lang ang reaction ng mga taong nakakakita sa kanya. Pakiramdam bigla ni Kim ay nanliit siya. Doon niya naramdaman kung gaano kataas si Marc at siya ay empleyado lang nito."Come!" Nilahad ni Marc ang kamay niya habang naglalakad sila. Bahagya itong nauuna sa kanya sa paglalakad."Take my hand!" Napatingin siya sa kamay nito. Napansin niya yung mga taong nakamasid sa kanila. Naalangan siya bigla kung tatanggapin ang kamay na yun.Nagulat siya ng abutin at hawakan ni Marc ang kamay niya."Ang tagal mo eh nangalay na ko!" Ngumiti ito. Naramdaman niya ang p