Share

CHAPTER TWO

-9:00-

"Zenaida!!! Pumunta ka nga rine muna!" Sigaw ng nanay ni Zenaida mula sa kanilang sala.

"Ano yun, nay!?" Sigaw nito pabalik habang siya ay nasa banyo.

Kasalukuyan itong naliligo sa banyo nang sumigaw ang nanay niya, at hindi nito alam ang kanyang rason kung bakit siya tinatawag.

Kahit ganun, binilisan nito ang kanyang pagligo, kahit na hindi niya alam ang rason ng kanyang nanay ay nagmadali ito upang makausap siya.

Nang binalot nito ang tuwalya sa kanyang katawan, dali dali itong dumalo sa sala kung nasaan ang kanyang nanay.

"Ano ba yun, nay?" Tanong nito habang pinipisil ang kanyang buhok.

"Oh heto." Nagbigay ito ng isang pares ng damit para sa lalaki na siyang ikinataka ni Zenaida.

"Ah, eh nay. Para saan po ito? Sa akin ba ito?" Tanong ni Zen, may bahid ng pagtataka ang kanyang tono.

"Hindi yan sayo, hija. Ibigay mo yan dun sa lalaking naliligo sa labas. Nandun din ang tatay mo nagbibiyak ng buko." Sagot nito sa kanya.

'Sino kaya itong naliligo?' Wika nito sa sarili bago ito pumunta sa kanyang kwarto upang magbihis.

Nang maisara na niya ang pinto ng kanyang kwarto, may nakita itong lalaking naliligo sa harap ng kanyang bintana.

The man was far from the window but she can still see him, how he rinsed his bruised tattooed body, how he scrubbed his legs and how he washed his jet black mullet styled hair.

"Eto siguro yung sinasabi ni inay, ang pangit." Saad nito bago takpan ng kurtina ang bintana ng kanyang kwarto.

-•-

Ryu saw her as she closed the curtains, he saw how she looked at him, he saw how her eyes were focused on him.

And he can't deny the fact she is gorgeous. He felt like he was the most handsome man because for the first time, someone looked and stared at him.

"Hijo, tapos ka na ba diyan?" Napalingon ito sa gawing kaliwa nang marinig niya ang matandang lalaking nagtatanong.

"Opo, tay. Tapos na po." Sambit nito nang kunin niya ang tuwalya na nakasampay sa sampayan na gawa sa alambre.

"Matanong ko hijo, anong pangalan mo?" Tanong ng matanda na nakapag pa tahimik rito.

He looked at him seriously as he covered the lower half of his face with a towel, he wasn't ready for that question.

No one shall know that he is Ryu Stellan, and that he is being searched by famous crime families.

"Jiro po pangalan ko, tay." He answered politely, a smile plastered on his face which showed his beautiful crooked fangs.

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo hijo. Osya, bilisan mo riyan at kakain tayo. Nagluto ang asawa ko ng sinigang." Saad ng matandang lalaki habang siya ay nakangiti.

"Sige ho, tay. Susunod po ako." Sagot niya bago niya hayaang umalis ang matanda.

"Ay, tay!" Tawag nito na naging dahilan upang lumingon muli ang matanda.

"Ano yun?" Tanong ng matanda.

"Ano niyo po yung babae diyan?" Tanong nito, may bahid ng pagtataka ang kanyang tono.

"Ah, si Zen? Anak namin yun ni Freya." Sagot nito as he smiled a little at Ryu.

'Zen pala ah…' Ryu thought to himself as he wiped his hair dry.

"Bakit mo pala natanong, hijo?" Tanong naman ng matanda.

"Wala lang ho, nakita ko lang po siya riyan kanina." Sagot nito para wala ng pag uusapan pa.

"Hmm, sige hijo maiwan muna kita. Bilisan mo na riyan para makakain na." Wika ng matanda bago ito umalis.

Ryu watched the old man walk away, also thinking on how to get away from this place after this kind gesture that they're doing to him.

As he wrapped his lower body with a towel, he started to take his clothes off. Even his undergarments were needing to be taken off because it had gotten wet.

"Kuya." Napalingon ito nang may marinig itong mala anghel na boses na tumatawag sa kanya. 

He didn't express any emotion nang makita niya ito, a woman with tanned skin, eyes ever so brown and jet black hair ever so long. Flowing down her back flawlessly.

He was hypnotized by her beauty yet he didn't make it obvious, he didn't want her to see that he was mesmerized by her. All he did was stare at her bago nito ilipat ang kanyang tingin sa hawak ng dalaga.

"Ano yan?" Tanong nito sa dalaga upang mawala ang awkwardness.

"Damit niyo po, pinabibigay ni nanay." Sagot ng babae bago niya ibigay kay Ryu.

Kinuha ni Ryu iyon at ramdam nito ang malambot na kamay ng dalaga na humawak sa kanyang balat. Ngunit hindi niya binigyan iyon ng pansin at pinagsawalang bahala na lamang.

"Thanks." Ayun na lamang ang sinabi ni Ryu bago iwanan ang dalaga.

Nagtungo ito sa loob upang makapag bihis sa banyo, seeing the two elderly couple setting up the dining table made out of wood and elongated wood chairs on each side. He took a glance at them before proceeding to the bathroom where he should be.

"Jiro, hijo! Kain na!" Sigaw ng matandang babae mula sa labas.

"Sige ho!" Sigaw nito pabalik as he wore the shirt that they gave him.

Nang matapos na ito magbihis, lumabas ito ng banyo at nagtungo sa hapag kainan, seeing the empty space beside the girl.

Kahit na kinakabahan ito ng kaunti, umupo pa rin ito sa tabi ng dalaga. Hindi niya ito binati nor glance at her direction.

"Kain na, sana magustuhan mo ang niluto ko." Saad ng matandang babae.

Kinuha niya ang kutsara at tinikman ang sabaw, realising the food was more than delicious.

"Ano? Masarap ba?" Tanong muli ng matanda.

Tumango ito. "Sakto lang po.” Sagot ni Ryu bago magpatuloy na kumain.

As they ate, Ryu constantly thought on how to leave this place without hurting their feelings. Usually, he would just leave without a word. Not a single sign of kind gestures were brought back to those who helped him in the past.

“Hijo, kain pa. Ayaw mo ba ng niluto ni Freya?” Tanong ng matandang lalaki rito.

Ngayon niya lang napagtanto na halos hindi niya naubos ang kanyang kinain, the rice barely being touched and the meat sipping all the juices from the broth.

“Pasensya na po, may iniisip lang po ako." Sagot nito bago sumubo ng pagkain.

He admits that he was embarrassed by the way he acted earlier but he just can't think of a way on how to leave this place, especially when the elderly couple were being nice to him.

"Zen, matanong ko." Giit ng matandang lalaki sa dalaga.

"Ano iyon, Tay?" Tanong ni Zen rito habang siya'y kumakain.

"Kailan ka papasok muli sa kolehiyo?" Tanong ng matandang lalaki sa kanya.

"Hindi ko alam, mahal ang tuition f*e. Baka hindi natin kayanin." Sagot nito bago uminom ng tubig.

"Pero hija-" Naputol ang sasabihin ng matandang babae nang sumagot si Zenaida sa kanila.

"Nay, Tay, matanda na kayo. Ayos lang sakin kung hindi ako makapag tapos ng pag-aaral. Ang importante sa akin ay ang makatulong sa inyo, hindi bali kung tumutulong ang mga kapatid ko sa inyo eh magpapatuloy ako.” Saad ni Zen na nakapag patahimik sa mga matatanda.

She was right, they are old. But it doesn’t mean they can’t provide for her everyday needs. Zen was only pointing out that if her siblings helped them, she would continue studying and go to college. 

But instead, they didn’t. They have gone through their separate ways. Not one of her siblings helped them.

“Kumain na lang ho tayo. Hayaan niyo na sila.” Saad muli ni Zen bago sumubo ng isang kutsarang pagkain.

Ryu didn’t mimic a word as they talked to each other, he let them say what they wanted to say. His mind already has an idea on how to leave this place.

Tahimik silang natapos kumain, the elderly couple tidying up the used platters and glasses as Ryu washed his hands, Zen being in her own room. 

“Nay,Tay.” Ryu called out as soon as he was done washing his hands.

Parehong humarap ang mga ito sa kanya, curious unto why they were called.

"Ano yun, Jiro?" Tanong ni Nanay Freya rito habang hawak-hawak ang mga maruming plato.

“Magpapaalam na po sana ako.” Sagot ni Ryu as he strode towards them.

“Aalis ka na?” Tanong naman ni Tatay Alfred habang siya'y nakatingin rito.

Tumango si Ryu.“Opo, aalis na ako. Salamat po sa pagligtas niyo sa akin at sa pagkain na inihanda niyo para sa akin.” Sagot nito, a small smile plastered on his face.

“Magaling na ba yung mga pasa at sugat mo?” Tanong muli ni Tatay Alfred rito.

Kahit hindi pa magaling ang mga pasa at sugat nito ay tumango na lang siya bilang tugon, he can't stay here any longer lalo na may mga taong naghahanap sa kanya.

Ayaw niyang idamay ang pamilyang ito sa katarantaduhan na ginawa niya kaya siya na lang ang lalayo.

“Osya, sigurado ka ha. Ika'y mag-iingat sa pag uwi.” Wika ni Nanay Freya rito as she held out a plastic bag for him to receive.

“Ano po iyan?” Tanong ni Ryu.

“Pagkain pati yung mga damit mo. Baka kasi makalimutan mo at baka magutom ka pababa ng bundok kaya pinagbalot na kita.” Sagot niya. “Mag-iingat ka, ha?” Dagdag nito, a small smile plastered on her face.

Ngumiti si Ryu at walang alinlangan na tinanggap iyon bago magpaalam at umalis. 

Hindi na rin ito nagpaalam sa kanilang anak ngunit hindi na iyon importante pa para sa kanya.

He needs to get out of this place bago pa makarating ang kanyang mga kaaway sa lugar na ito.

Marami na siyang napahamak kaya hindi na niya kaya kung may mamamatay pa dahil lang siya ay nanatili sa lugar na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status