"Aalis na ako." Napatigil si Ruby. Aalis? Natulala siya. "Aalis? Saan ka pupunta?" "Ang seremonya ng paglilipat sa akin sa pagiging CEO ng Medel Group ay sa ganap na alas singko ng hapon bukas." Ibig sabihin, si Sawn ang magiging opisyal na CEO ng Medel Group ngayong araw? Kaya pala napakaraming
"Aaminin kong nagkamali ako sa bagay na iyon. Napabayaan ko siya. Pero gusto kong ipaliwanag ang nangyari noon. Sa loob ng tatlong buwang iyon, naaksidente ako sa sasakyan, nabali ang isang binti ko, at nagtamo ako ng maraming sugat sa katawan. Nasa ospital ako noon, nagpapagaling..." Napamulagat s
Kaswal na lang silang nag uusap habang naglalakad lakad. Maraming turista sa lugar na iyon.. Bukod pa doon, nagkalat ang mga kainan sa paligid. Maraming masasarap na putaheng pagpipilian. Hindi nakakaboring mamasyal kapag ganoon ang kanilang nakikita. Dinala ni Ruby ang mga bata upang tingnan ang e
Saglit na natahimik si Ruby bago sumagot, "Pinag-iisipan ko pa." Nalito siya buong araw. Una, sinabi ni Shawn ang mga salitang iyon. Ang kanyang pag amin sa kanyang naging kalagayan, at ang pagka obsess nito sa kanya, tapos ang mga sinabi ng manghuhula, na unti-unting nagpapalambot sa kanyang datin
Napasinghal si Maureen, saka napairap ng bahagya. “Hindi mo naman ako susunduin, bakit ka nagtatanong?” "Hindi sa ayaw kong pumunta, kundi hindi ako makakapunta. Pareho kaming dadalo ni Rex sa seremonya ng paghirang kay Shawn bilang tagapagmana ng kanilang kumpanya," sagot ni Zeus. Nakatayo siya s
Walang nakarinig kung ano ang sinabi sa kabilang linya, pero agad niyang ibinaba ang tawag at tumakbo palabas. Isinasaayos na ng shareholder ang dokumento ng kanyang paghirang bilang tagapagmana. Nang makita nilang bigla siyang umalis, nagtataka silang sumigaw... "Shawn, saan ka pupunta? Kakaumpis
"Kalaunan, sa wakas ay natagpuan ko si Lex. Inilaan siya ni Lord para sa akin. Itinadhana kaming magtagpo at magmahalan, pero gusto mo siyang agawin sa akin. Ruby, dati ay pinili kong huwag magtanim ng galit kaninuman at mamuhay nang maayos. Ma ninais kong magkaroon ng payapang pamumuhay, pero ikaw—
"Oo," sagot ng kaibigan ni Ericka habang inilapag sa sahig ang isang itim na bag. Tumingin si Ruby at nakita ang laman nito—mga gamit para sa pagpapahirap, gaya ng mga latigo at makukulay na hindi matukoy na mga tableta. Napuno ng takot si Ruby. Umatras siya at sinabi, "Ericka, lumalabag ka na sa
Unti unti ng bumababa ang mukha ng lalaki, patungo sa kanyang mukha.Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib at hindi mapatid ang paglagabog ng kanyang puso. Halos buksan na ng tunog na iyon ang kanyang dibdib.Kinakabahan siya, ngun9it biglang may umilaw sa kanyang isipan, saka bahagyang itinulak ang
Medyo kinabahan siya at nag panic matapos maisip ang senaryong iyon, "Mommy, huwag mo ng gawin iyan! nakakahiya!" pigil niya ang kanyang hininga.Kumunot ang noo ni Aurora saka siya binalingan ng tingin, "at bakit ka naman mahihiya? magiging inlaws natin sila, kaya kailangan,magkaharap harap kami."
Nagpatuloy si Rex sa kanyang pagkukwento, "Pagkatapos kong gumaling, hinanap ko si Aimee. Unti-unti kaming naging magkaibigan, at pagkatapos ay nagkaroon kami ng damdamin para sa isa't isa at nagkasama. Inililihim lang namin ang mga bagay na iyon." Nagmuni-muni sandali si Aimee sa labas ng pinto.
"Mas gwapo naman siya kaysa sa Raymond na iyon!" Inis na inis ang boses ng ina ni Aimee habang pinag uusapan si Raymong, "Kung hindi sana dumating ang ate mo kanina, pinagalitan ko na ang walang utang na loob na Raymond na iyon. Napakalaki ng naitulong natin sa kanya, tapos ganito lang ang kanyang
"Paano kung hindi naman dahil dito? Bakit bibilhan mo pa rin ba ako ng gamot?" malambing na tanong ni Rex. Napahinto siya habang kinakagat ang kanyang pagkain na nakatusok sa tinidor. Bakit parang tinutukso siya ng mga sinabi ni Rex? parang may nais itong ipahiwatig na hindi niya mawari. Tumingin
Ngunit si Raymond ay hindi kumakain ng maanghang na pagkain. Sa unang pagkakataon na masayang inimbitahan niya ito na maghapunan dito, isinama nito si Nerissa. Tinanong niya ito kung bakit nito isinama ang babae doon. Si Nerissa daw ang secretary niya kaya isinama niya ito. Oo, si Nerissa ay be
"Doktor Rex, ano ang success rate ng operasyon ng nanay ko?" hindi siya makapaghintay na itanong iyon. Tila naunawaan ni Rex ang kanyang mga alalahanin, ngumiti ito saka siya sinulyapan, "Huwag kang mag-alala, nandito ako, at walang mangyayari sa iyong ina." Ganap na nakahinga si Aimee nang marini
Nakatingin lang si Rex sa kanya, may ngiti sa mga labi nito, bago tuluyang nagsalita, "pero di ba dapat, sabay na tayong kumakain? ikakasal na tayo, dapat masanay ka na."Oo nga naman.. magkasintahan na sila ngayon at magpapakasal. Napaka imposible naman na hindi sila magsabay kumain. Hindi na nakap
Tama naman ang sinabi niya. Naglaan siya ng oras patungo rito upang dalawin ang ina ng kanyang nobya, subalit ganito lang ang igaganti ng walang utang na loob na babaeng ito sa kanya? Kahit hindi naman espesyal na dalawin ang mga ito, pwede naman iyon.Galing na rin lang siya sa pagdalaw kay Nerissa