"Oo." Mahina siyang tumango. Ramdam pa rin ni Ruby iyon. Muling nagtanong si Shawn, "At pakiramdam mo ba parang may tamis sa puso mo? para kang kinikilig?" Totoo. Ganun nga ang nararamdaman niya. Hindi niya napigilang mapangiti at bahagyang umangat ang sulok ng kanyang mga labi. "Sa tingin ko, oo
Parang naramdaman ni Ruby na may nakatingin sa kanya, pero sobrang bigat ng kanyang talukap ng mata at hindi niya ito maimulat. KINABUKASAN, nagising siya dahil sa ingay ng tagalinis. Pagkasilay ng araw, nagsimula na itong maglinis sa loob ng ward. Dahil sa kalampag ng mga gamit, hindi na siya ma
"Ano nga ulit ‘yung gusto mong sabihin sa akin kagabi?" tanong ni Shawn na may malamig na ekspresyon. Bubuka pa lang ang bibig ni Ruby nang biglang tumunog ang cellphone ni Shawn. Kaya sinabi niya, "Sagutin mo muna ang tawag mo." "Sige." Sinagot ni Shawn ang telepono. Tumayo silang dalawa sa hal
Ito ay isang suite na may istilong Japanese. Pagkapasok mo pa lang, maaamoy mo na ang banayad na halimuyak at mararamdaman ang katahimikan sa buong silid. Nakaupo si Shawn sa mababang mesa sa gitna, nakayukong umiinom ng tsaa nang tahimik. Sa unang tingin, tila isa siyang makisig na lalaki na naghih
Halos si Ruby lang ang kumain ng karamihan sa mga putahe sa mesa. Napansin ito ni Shawn at natuwa siya ng labis. Ngayon lang ulit naging maganang kumain si Ruby sa harapan niya. "Marami kang nakain." ngumiti si Shawn habang nakatitig kay Ruby. Namula si Ruby sa kanyang narinig. Totoo naman, pero g
Sa pagkarinig ng mga salitang "asawa ko," bahagyang lumundag ang puso ni Ruby. Gusto lang niyang magsalita, pero bakit siya nadamay? Kailan pa siya naging "asawa nito? baka ex"? "At ikaw naman, ang kalandian." Tumingin si Shawn nang walang pakialam kay Attorney Tang. "Tinulungan ka ba niyang konta
Hindi na nag-abala si Shawn na sagutin si Lin. Kalmado siyang uminom ng tsaa at ngumiti nang bahagya. "Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin." Pagkatapos, kinuha niya ang susi sa ibabaw ng mesa. "Ruby, halika na. Ihahatid na kita pauwi." Walang ipinakitang emosyon si Ruby. Kinuha niya ang kany
Sa mapula niyang mga mata, tinitigan niya ito at sinabi nang dahan-dahan sa dating asawa.. "Shawn, nakipaghiwalay ako sa'yo noon para ipaalam sa lahat na ako, si Ruby Reno, ay hindi habol sa pera mo at ayaw kong maging asawa mo. Ang ugali mo ang dahilan kaya iniwan kita! Hanggang ngayon, ganoon pa
Noon lang nalaman ni Rex ang lahat. Si Raymond pala ang taong gusto nito. Ang taong ito na nagngangalang Raymond ay tila kamukha niya. Hindi nakakagulat na sabik na sabik itong tulungan siya, dahil kamukha niya ang kasintahan ng babae... *********** KINABUKASAN.. Nagising si Aimee at natagpua
"Hindi ba nakakahiya?" Si Rex ay isang maginoong lalaki. Hindi niya kayang gawin iyon. Ngunit sinabi ni Aimee sa kanya, "Ngayon ay walang pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at babae, tanging ang buhay at kamatayan lamang ang namamagitan. Ipagpaliban mo na lang muna ang iyong kahihiyan.." Nagulat
"Dahil deserve mo ito." Umupo si Rex sa kabilang side ng sofa, nakatingin sa kanya mula sa gilid, na may tamad na postura. "Totoo ang mga sinasabi ko tungkol sayo. Kakaiba ka sa ibang babae, pero espesyal iyong katangian mo." Gusto sanang magtanong ni Aimee kay Rex kung talagang gusto siya ng lalak
Dahan-dahan, ang relasyon ni Raymond at Nerissa ay naging mas mabuti at hayagan, at siya ay naging mas at mas malayo kay Aimee. Parang hindi na parte ng araw araw niyang buhay ang babae. Napansin naman kaagad ito ni Aimee at nalungkot siya, ngunit ang kanyang ina ay may mahinang kalusugan at madal
Si Raymond ay isang kilalang matalino sa paaralan. Gwapo siya at may kaya, kaya natural na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Gusto rin siya ni Aimee. Sa unang pagkakataon na nakita niya itong nakatayo sa entablado ng debate, napakagwapo nito sa suot nitong suit. Na- love at first sight siy
"Tito." Mahinang usal ni Raymond. Ikinuwento ni Rex kung kailan naganap ang pagkikita nila ni Aimee, "Noong araw na naging publiko ang iyong kumpanya, may mga inaasahan pa rin si Aimee para sa iyo. Nagdaos siya ng isang engrandeng selebrasyon para sa iyo, ngunit ikaw... Oh, hindi lang ikaw, ikaw at
Ang ipinupunto niya, ay unang nagloko si Aimee.Subalit ang kanyang ginawa, ay hindi umubra kay Aurora, tahasan siyang sinagot ng matanda, "ano namang pakialam mo dun? Siguro, dahiul nakita ni Aimee na wala naman siyang future kay Raymond, kaya humanap na lang siya ng tamang tao, para sa kanya. Maga
Napatingin sila sa mjga bagong dating. Sumama ang mukha ni Aurora ng mapagsino ang mga iyon, saka marahas na nagtanong kay Nerissa, "at ano naman ang ginagawa niyo dito?" "Nabalitaan po naming may sakit kayo, kaya dinalaw namin kayo ni Kuya Raymond.." matatag na tugon ng babae. Walang nakakaalam sa
--Buweno, ipinadala ko siya doon, maayos ang lahat, hindi mo kailangang mag-alala. Itong lalaking ito... hindi ba siya masyadong mabait? Biglang naramdaman ni Aimee na napakasarap magkaroon ng boyfriend na gaya ni Rex. Kung may nangyari at hindi siya makapunta sa ospital para samahan ang ina, kak