Si Maureen ay napahinga nang malalim sa sakit at itinaas ang kanyang kamay para hampasin ang balikat ni Zeus, "Huwag mong gawin ito dito sa bahay namin, baka makita tayo ng tatay ko." "Kung makita man tayo, sasabihin lang nila na maganda ang relasyon natin," ngumiti si Zeus nang malambing at mas pi
"Hindi pwede," sagot ni Maureen. "Ayaw mo ba akong tumira dito? Galit ka ba sa akin?" "Hindi ako galit sa'yo, natatakot lang ako sa'yo." Napakalakas kasi ng aura ni Zeus, at halos lahat ng nakakasama niya ay kailangang mag-adjust sa presensya nito. Ayaw niya na makaramdam ng pagkailang ang kanyan
Hindi niya sinabi kay Ruby ang tungkol dito. Humagikgik ang kaibigan, "Siyempre, hindi maitatago ng mukha mo ang emosyon mo." Natatawa si Ruby sa reaksiyon ng mukha ni Maureen. Medyo nahihiya si Maureen ng magsalita, "Nag-away kami mga ilang araw na ang nakalipas at nagkaroon ng cold war sa lo
"Nasa Lydia's lang malapit sa shop." "Darating ako, pupuntahan kita," Simple at nakakagulat ang mga salita ni Zeus. Natigilan siya, "Tapos ka na sa trabaho? Wala ka bang overtime ngayong gabi?" "Talaga bang gusto mong mag-overtime ako?" Medyo hindi masaya ang tono ni Zeus. Bakit parang ayaw ni
Talagang ayaw makipag-usap ni Maureen sa babaeng ito, kaya't nagpasya siyang umiwas. Ngunit hindi siya pinalampas ni Shane at lumakad patungo sa kanya para harangan ang daan, "Nakita mo na ba ang balita? Na-develop na ang gamot para iligtas si Monette Rivera, at malapit na siyang magising." Tuming
Nang umabot siya sa dulo ng pasilyo, nakita niyang nakatayo roon si Zeus. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal doon o kung gaano ito katagal nakikinig. Napatigil siya at tinanong ito, "Nakita mo... ang lahat kanina?" "Oo." Tumango si Zeus. Nais niyang lumapit upang tulungan si Maureen, nguni
"Naka-encounter ako ng isang nakakainis na tao," Umupo si Maureen kasama si Zeus, "Honey, kumain ka na ba? Kung hindi pa, sabay na tayong kumain." "Hindi pa." Sininghot ni Zeus ang mga ulam sa lamesa, lahat ay mapula: pinakuluang baka, alimango, at maanghang na isda.. Kumunot ang kanyang noo, "Mau
O marahil, hindi makakalabas ang kanyang ama. Kaya hindi niya pinagtaniman ng galit si Zeus noon. Pakiramdam niya ay ito ang tadhana niya. Dahil ang kanyang pagmamahal ay nasuklian, na-clear ang kanyang ama sa lahat ng paratang at nakaligtas ang Laraza Group sa pagbagsak. Lahat ng ito ay kredito ka
"Hindi ko na gustong sabihin pa ang mga bagay na magpapalungkot sa'yo. Nais ko sanang paliitan ang singsing kapag may oras, ngunit abala ako kaya hindi ko pa nagagawa." malambing na sagot niya, Pinakinggan ni Zeus ang malalambing na salita ni Maureen, at ang alon ng dilim sa kanyang puso ay unti-u
"Kung hindi ako dumating, hindi ko sana nalaman na naging ganoon ka kahusay at marunong magplano," sagot ni Zeus, ang tono ay mahirap tukuyin, kung siya ba ay masaya o galit. Ang mga daliri ni Maureen ay kaunting nanginginig. Pinilit niyang kumalma, lumapit sa lalaki, kumuha ng baso ng alak, nagbu
Gusto siyang makita ni Zeus, marahil ay marami itong katanungan na nais masagot. Habang iniisip iyon. tumakbo siya patungo sa kwarto ng kanyang lola. Matapos tanggalin ang surveillance camera, ikinuwento niya sa kanyang lola ang lahat ng nangyari ngayon araw. Si Meryll ay may benda pa sa mata, at
Sa kanyang puso, naisip ni Maureen ang lahat ng ito, ngunit hindi niya ipinakita sa kanyang mukha. Mahina siyang nagsalita, na may maputlang mukha, "Ayos lang ako." Hindi niya nakakalimutan na siya ang nawalan ng ama, kaya dapat niyang ipakita ang kahinaan at lungkot. Ganap na ganap dapat ang kanya
Inipon lahat ni Brix ang mga damit at bag na dinisenyo niya, na para bang nangongolekta ng selyo. Ano ba talaga ang balak nito? Nakakatakot at tila may pagka-perverted ang dating... tama ang sinabi ni Vince.. pervert ang lalaki. Paglabas niya ng kwarto, walang tao sa ikalawang palapag. Habang
Nagpatuloy si Vince, "Katatapos lang, nagpadala si Ariston ng mensahe na naabutan sila ni Zeus habang sinasagip nila ang tatay mo. Biglang nakaisip si Ariston at sinabi kay Zeus na ikaw ang nagplano na sagipin si Roger mula kay Brix. Kaya binigyan niya ang tatay mo ng gamot na magpapatigil ng puso n
Tumingin si Brix kay Adelle, matindi ang kanyang mga mata, at nagsalita ng malalim, "Ayaw mo bang mabuhay si Maureen?" Ang mga salitang iyon ay tumagos sa puso ni Adelle. Para siyang sinaksak ng samurai.. mas mahalaga talaga si Maureen kay Brix. kesa sa kanya.. Sa totoo lang, hindi niya talaga n
Si Brix ay bahagyang kumunot ang noo. Mukhang may traidor sa kanyang mga body guard. "Nasaan na ang mga bantay?" "Lahat sila ay nakabulagta doon na tila wala ng buhay.." pagkukwento ni Adelle sa kanya. Malamang ,isa na namang sagupaan angnmagaganap sa pagitan nila ni Zeus sa hinaharap.. Kailanga
"Pero, sino ang papayag na mawala ka ng ganito lang kabilis?" inilabas niya ang kanyang baril, "nararapat lang, na gandahan natin ang pagkamatay mo," saka pinaulanan niya ng bala ang kabaong ng matanda. "Bang!" "Bang!!!" Ang malalakas na tunog ay nagpatigil kay Adelle sa pinto, at bahagyang ku