"Bakit ka nakatayo lang diyan? Halika na," tawag ni Zeus sa kanya. Parang bumigat ang mga paa ni Maureen, pinagpapawisan siya at nagtanong, "Bakit tayo nandito?" "Si Rex ang nagpa-reserve nito. Sabi niya wala siyang oras para pumunta, kaya inutusan niya akong yayain kang manood ng sine," paliwan
Pagkatapos ay dinala ni Zeus si Maureen sa isang restaurant. Pumunta sila sa isang seafood restaurant. Mahilig si Maureen sa seafood. Pagdating nila, alas-nuwebe na ng gabi. Ang mga pagkaing-dagat ay sariwa at kailangan mong pumili mismo. Dinala siya doon ni Zeus sa harapan ng aquarium. Sa o
Nang marinig ito, dumilim ang mukha ni Zeus. Hindi iyon napansin ni Maureen , at tinanong ang waiter, "Magkano ang bote ng alak na ito?" "Nagkakahalaga po ito ng 50,000 pesos." sagot ng waiter. Hindi naglakas loob si Maureen na tanggapin ang ganito kamahal na alak. Mula nang magdisisyon siyang
Hinabol ni Maureen si Zeus habang may dalang bote ng alak, "Bakit ka naglalakad nang sobrang bilis? hindi ko man lang naipabalot ang mga pagkain!" Marami pang natitirang pagkain, at hindi pa siya busog! Malamig na tiningnan ni Zeus ang alak sa kamay niya at tinanong nang may pang-uuyam, "Dinala mo
Hinila niya ang kanyang nanghihinang mga binti at dahan-dahang umakyat sa ikalawang palapag at humiga sa kama. Tiningnan niya ang kanyang balanse sa banko, may kabuuang 3 milyon. Ngayon, may utang siyang 4 milyon kay Zeus, at inisip niyang makakaalis siya kapag nabayaran na ang utang na ito. H
"Hindi mo kayang ipaliwanag?" Tinitigan ni Zeus ang kanyang maliit na mukha, malamig ang guwapong mukha nito. Kinagat niya ang kanyang labi, "Dahil kahapon, wala lang talaga akong ibang mairegalo..." "Ang dami mong dahilan." Tahimik siya, pumikit at sinabi, "Oo, malandi ako, lalakero ako, gust
Suminghap si Zeus ng malamig, "Wala akong pakialam, basta't umuwi ka at ibalik ang amulet para sa akin." Umiiling si Maureen tandanngblabis na pagtanggi. Naibigay na niya iyon, paano pa siya magkakaroon ng lakas ng loob na bawiin iyo ulit? Ngunit kahit tumanggi siya, pinahirapan siya ni Zeus.
Pinahid ni Maureen ang kanyang mga luha at sinabi kay Aling Layda "Aling Layda, pakisuyo, tulungan mo akong lagyan ng gamot." "Opo." trinato ni Aling Layda si Maureen na parang bata, kumuha ng cotton buds at ipinahid ang gamot sa kanya, "ma'am, maging mabuti ka ngayon. Ibinilin ng iyong asawa na ma
Nagulat siya, hinawakan ang kanyang bag at sinabi, "Kanina sa banyo, tinamaan ako ng hand sanitizer sa mata, sobrang sakit." "Pumunta ka rito, titingnan ko." Inutusan siya ni Zeus na lumapit. Umupo siya sa tabi ng lalaki. Yumuko ito at tiningnan nang mabuti ang mga mata niya sa ilalim ng ilaw. "M
"Wala po akong problema anak.." mahina niyang tugon kay Eli. "Kung wala, babalik na ako ngayon diyan." Biglang sinabi ng bata na gusto na niyang bumalik sa kanya. Nagulat si Maureen at marahang pinahid ang mga luha at sinabi, "anak, huwag ka munang bumalik ngayon. Medyo kumplikado pa ang lahat. Ka
“Mahal ko siya.. pero kailangan ko munang iligtas ang aking lola sa kamay ni Brix.. isa pa, ayokong mapahamak si Zeus, dahil alam mo naman na teritoryo ni Brix ang lugar na ito. Nais kong makauwi siya ng ligtas sa Pilipinas." luminga linga si Maureen sa paligid. "Eh ano ang gagawin mo? itatago mo a
Matagal na mula noong huling nakita ni Maureen ang kanyang anak. Nami-miss niya ito ng labis. Habang iniisip niya si Eli, naging malalim ang kanyang pag aalalala at hindi niya napansin ang mga kahon na kahoy na itinulak sa harapan niya. Nang malapit na siyang mabunggo, isang payat na kamay ang bigl
Agad niyang kinontak ang isang babaeng assistant, sinabi ang approximate height at weight ni Maureen, at ipinagbilin sa babaeng assistant na bilhin ang mga iyon.. Ilang sandali pa, dumating ang babaeng assistant na may dalang ilang malalaking bag ng branded na damit. Sinabi ni Mr. Jack dito, "Da
Naghihintay si Zeus ng sagot mula kay Maureen, ngunit hindi na siya sinagot ng babae. Lumingon siya para tingnan ito, at nakatulog na pala ito sa labis na pagod. Hindi sumuko si Zeus at inalog ang braso nito. "Hmmm" tugon nito sa kanya. "Naiintindihan mo ba ako?" iminulat mulat niya ang mga ma
Hinila niya ang lalaki paharap sa kanyang mukha, at namumula ang kanyang mga mata, ng sawayin ito, "enough! baka hindi na ako makalakad niyan bukas!" Kung mananatili siya rito, hindi ba siya pahihirapan nito hanggang mapagod siya ng husto? ibabalibag na naman siya nito na parang circus. "Maging ma
Subalit kahit magsisi pa siya, wala na siyang magagawa, nangyari na ang lahat. Parang nagsisi si Zeus sa nangyari kaninang umaga. H******n siya nito at nagsabing, "Pasensya na, mahal. Ang inggit ko kaninang umaga sa Brix na iyon. Hindi ko maiwasang managhili sa kanya.. Kinuha mo ang alahas na ibini
"Ah?" Natigilan si Maureen sandali, hindi makapaniwala. Wala siyang planong takasan ito, ang nais niya ay maialis lang ang kanyang lola. Ang nais sana niya ay sumama na sa lalaki "Noon, ginawa mo na ito sa akin. Pinakiusapan mo akong gumawa ng isang bagay para sa iyo, subalit tinakasan mo ako at su