Pagdating sa bahay nila ay agad pinuntahan ni Berting ang mga anak niya na akala mo talaga ay amang labis na nagmamahal sa kanyang mga anak.Kung sabagay hindi naman niya ito masisisi at hindi niya inaalis ang karapatan ni Berting na magalala sa mga ito, ito naman talaga ang original na tatay ng mga anak niya. Ito ang nagpupuyat at nagpapadede sa mga ito noon.“Berting galit ka ba sa akin ?”Tanong ni Athena Habang busy ang binata sa pagsipat sa mga paa ay mga daliri ni Miko.“Bakit mo naman naitanong yan?”Sagot ni Berting pero hindi man lang tumitingin kay Athena. Hinablot ni Athena si Miko at kinalong saka hinarap nito si Berting.“Dahil ganyan ka, yung kabigan kong si Berting kapag tinanong ko ay sapok agad bago sumagot o kaya naman kita ko agad ang ngala ngal o gilagid dahil tiyak pangaasar ang lalabas sa bibig” Sabi ni Athena.“Hindi ba pwedeng pagod?” Iwas ni Berting.“Nakakampo ka na, nami miss kaya kita” Sabi ni Athena.“Talaga Teng?” Biglang ngiti ni Berting pero bigla ri
Nagsisimula ng magtanong ang kanyang ama at ang kanyang ina, doon sa unang pagkakataon nagawa ni Athena ang magsinungaling sa magulang. Ang sabi niya sa mga ito ay dumating daw sa kanila si mang Isong na katiwala nila Miguel at nagpasabi daw na maaantala ang paguwi dahil malala pa ang kondisyun ng lola nito.Pero gawa lamang iyon ni Athena upang hindi na magusisa ang mga ito ganun din ang nasabi niya kay Berting ng minsang magtanong ito.Pero Lingid kay Athena napansin ni Berting ang pagiging matamlay ni Athena may isang buwan na. Alam na alam ng binata na nagsimula ito ng hindi nakauwi ang asawa nito sa takdang araw na pangako nito kay Athena.Nakikita niya si Athena na nagpipilit ngumiti kapag kausap siya pero nahuhuli niya itong nagpupunas ng luha. Matapang na babae si Athena kaya nga hindi siya makapalag dito pero yun naman ang kinababaiwan niya sa kababata. Isa yun sa nagustuhan ni Berting kay Athena.Kaya ngayon na nakikita niyang pinahihina ng pagibig si Athena ay halos gusto
“Berting tulungan mo ako, anong gagawin ko, anong gagawin ko? Kahapon pa ako lutang. Noong isang linggo ko pa siya sinisikap makontak. Ting.....tulungan mo ako" naguguluhang sabi ni Athena.Parang biglang nagblanko ang isip niya. Parang hindi siya makapagisip ng matino. Hindi niya lubos maisip na kinalimutan na siya ni Miguel. Alam niya, sa puso niya na hindi iyon magagawa ni Miguel pero kapag naisip niya na natiis ni Miguel na hindi man lang magpasabi o gumawa ng paraan para makausap siya ay naghihihnanakit si Athena at natatalo ng sakit ng damdamin ang katinuan ng kanyang isip.Paano na siya anong sasabihin niya sa mga magulang? mabubuking ng mga ito na hindi pa sila nagkakausap man lang ni Miguel mula ng umalis ito halos tatlong buwan na at higit sa lahat hindi alam ni Miguel na nagbunga ang huli nilang pagtatalik.“Tumigil ka na ng kakaiyak. Natural tutulungan kita ano ka ba? Akin na yung numero ng gagong yun at tatawagan ko. Wag text lang dapat tawag at ng magtuos kami ng gagong
“Ting… sorry hindi ko alam, kung nasabi mo sa….” sabi ni Athena na kahit may pinagdadaanan ay nalulungkot para sa kaibigan.“Kahit nasabi ko naman sayo malamang kaibigan lang din ako mauuwi Teng. Dahil kung special ako sayo at kung may puwang ako sa puso mo bilang lalaki at hindi bilang si Tukmol mong bestfriend lang ay hindi ka masisilo ng gagong yun” Malungkot na sabi ni Berting.“Pero kahit ganun pa man Teng, asahan mo sasamahan kita sa kalungkutan mo ngayon. Huwag kang magalala gagawa kao ng paraan. Hahanapin ko ang lalaking iyon hanggang impyerno. Malamang kase naroon yun eh” Banta ni Berting.“Berting makikiusap sana ako ayoko kung malaman nila Inay ang sitwasyun” Sabi ni Athena na muling umagos ang luha. Nilapitan na ito ni berting at pinunas ang luhang tuloy tuloy ang pagdaloy.“Tahan na, ngayon na alam mo na ang damdamin ko siguro naman hindi na bawal na tawagin kitang Mahal. Wag kang magalala alam kung hanggang doon na lang ako. Tama na ang kakaiyak baka makaapekto sa ina
Kumuyom ang kamao ni Berting. Halos duraan niya ang larawan ng lalaking naging kaagaw kay Athena. Kung anong amo ng mukha nito ay siya palang sama ng pagkatao. Kuyom ang kamao ay nilisan ni Berting ang computer shop matapos isulat ang mga detalyeng nalaman.Dahil sa galit ay hindi nagawang magpakita ni Berting kay Athena.Pinadaan muna niya ang ilang araw. Pinang aralan ng binata kung ano ang tamang gawin at kung ano ang tamang sabihin.Naisip ni Berting na sabihin ang totoong natuklasan pero nagdadalawang isip siya dahil sa kalagayan ni Athena. Magiging malaki ang epekto nito sa ipinagbubuntis ng kaibigan. Halos isang linggo na hindi nagawang magpakita ni Berting nagtatalo na talaga ang kagustuhan niyang sabihin ang totoo o maglihim na lang sa kababata pero alam niyang mas masasaktan si Athenan kapag pati siya ay magsinungaling.Isang gabi ay hindi mapakali si Berting ewan niya pero para siyang inaaswang. Biglang naalala ni Berting ang mga kuwento ni Athena, mahilig manakot ang kab
Nakuha ko sa munisipyo ang address ng kompanyang pagaari nila pati ang buong pangalan niya. Kaya bukas ipagtatanong ko sa mga kakilala kung ano ang contact number doon sa trabaho ni Miguel" Sabi ni Berting sa huli ay hindi pa rin niya nasabi ang masamang balitang natuklasan.“Talaga Ting,nakuha mo ang address ni Miguel. Ting totoo ba yan? Berting sabihin mong hindi ka nang aasar lang. Please sabihin mong totoo ang sinabi mo” sabi ni Athena.Tumango si Berting at doon nakita muli ni Berting ang mga ngiti ni Athena na kinahumalingan niya simula bata pa sila. Kung anuman ang kahinatnan ng lahat ay bahala na si Batman bukas sabi ni Berting. Natuwa na lamang ang puso ng binata ng si Athena ang kusang yumakap sa kanya at niyakap na lamang din niya ang kababata.Napatingala na lamang si Berting sa kapalaran matapos lumabas ng bahay nila Athena. Payapa na ang tulog ng kababata pero si Berting malamang ay alak lamang ang makakapagpapikit sa kanya.Buong akala ni Berting ay matatahimik na si
“Migueeeeel..!!” Sigaw ni Athena.Sa lakas niyon ay maging si Berting ay narinig ang kababata. Napahinto naman si Miguel sa paglabas sana ng pintuan. Kilala niya ang boses na iyon at sinundan niya ng tingin kung saan nanggaling. Nakita niya si Athena na nakatayo sa may puno ng fine tree malapit sa ilang sasakyan na kumakaway ito. Namutla si Miguel at biglang natulos sa kinatatayuan."Anong ginagawa ni Athena dito?” Tanong ng binata.“Paano nalaman ni Athena ang lugar niya?” Bagamamt nagtataka ay nagalak ang puso ni Miguel. Pero hindi niya ito maaarin ipakita. Luminga linga si Miguel at inalam kung may iba pa siyang kasabay lumabas. Nakahinga ito ng maluwag ng makitang tatlo lamang ang kasabayan niya at mga nakalabas na ito.Malalaki ang hakbang na pinuntahan niya si Athena saka hinablot at dinala sa likod ng isang delivery Van. Eksenang nakita mismo ng dalawang mata ni Berting at hindi niya ito nagustuhan. Malaking hakbang din ang ginawa ng binata. Naitapon niya sa kalsada ang plasti
Naiingit siya sa napakasuwerteng lalaki na minahal ng ganito ni Athena. Gustong gusto na niyangisambulat ang toto pero ayaw niyang sa kanya manggaling ang ikasasama ng loob ni Athena. Bumuga ng hangin si Berting saka nangsalita.Bahala ka na nga Teng, total hibang ka sa mga oras na ito? Hindi ko na maisip kong anong pinakakin sayo ng lalaking iyan pero ang sigurado ako meron din ako nun at mas matatag pa”Gustuhin mang idaan sa biro ni Berting ang lahat tulad ng pagkatao niya pero masyadong masakit kaya seryoso ang bawat binibitawan niyang salita.“Doon na muna ako sa tindahan Teng, pagusapan ninyo ang dapat pagusapan kung meron man. Senyasan mo na ang ako kung tapos na kayong amgusap ng asawa mo daw” May mangungutyang sabi ni Berting saka tiningnan ng masama si Miguel.“Sa totoo lang, hindi ko sinamahan si Athena dito para habulin ka lalo naman ang ibigy siya sayo ng kusa, sinamahan ko siya dito para siya mismo ang makaalam ng lahat”Matalinhagang sabi in Berting saka mabilis na nil