Ayaw ko nang umiyak, pero nangingilid na ang luha ko nang sagutin ko siya at subukan na magpaliwanag. "Ginagawa ko naman ang lahat, Brent. I am trying my best to recall things, pero hirap na hirap ako na gawin iyon. Hindi madali ang pinagdadaanan ko lalo na at ang dami ng mga impormasyon na halo-halo na sa utak ko. I don't even know who to believe anymore. I don't know who to trust if both you and Elise are accusing each other of having a hand in my accident." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. I can feel his frustration and exasperation over everything that is happening. Alam ko iyon dahil iyon din ang nararamdaman ko. "Harper, if this is all about what Elise had said, don't believe her. She is lying to you. She has been lying to you all this time. Ako ang dapat na pinapaniwalaan mo dahil ako ang asawa mo." "But she is my best friend, Brent. Malalim na rin ang pinagsamahan namin dalawa at hindi lamang pagkakaibigan ang turing ko sa kan'ya. Alam mo na halos magkap
"Are you enjoying this, babe? I’m sorry, hindi ko talaga alam kung ano ang gusto mo na gawin natin ngayon araw, kaya naisip ko na lamang na dalahin ka rito. Ladies enjoy shopping, and you do too." Malambing na baling ni Brent kay Harper habang nasa mall sila at nag-iikot. There is nothing extraordinary in this, but surely this is quite an effort on his part already, because after that disagreement they had the other day, he feels he needs to do this to get her trust back. Minabuti ni Brent na bumawi kay Harper dahil ayaw niya na mas lalo na maghinala sa kan’ya ang babae sa tunay na motibo niya kung bakit niya minamadali na maikasal sila ulit. Alam niya na nagkamali siya nang magalit siya kay Harper at magbanta pa na ikukulong niya, hindi iyon ang nais niya na ipakita pero dahil sa inis at galit niya ay iyon ang nasabi niya. He feels frustrated because he knows for a fact that Harper has been affected by seeing Evan and Elise together, at hindi iyon matanggap ng pagkalalaki niya. N
At sa totoo lamang ay nahihirapan na rin siya na tanggapin sa sarili niya na wala siyang ibang koneksyon na maramdaman sa asawa niya. Hindi dapat ganito ang nagiging sitwasyon niya, kaya naman lubos niya iyon na ipinagtataka. And on top of that, a part of her mind is now telling her that staying with Brent is just so wrong. Dati ang puso lamang niya ang nanggugulo, ngunit ngayon ay may bahagi na rin ng utak niya ang nagsasabi na hindi ito ang dapat na nangyayari. And this adds more to the confusion that she is feeling. "I’m glad you do dahil pinaghandaan ko talaga ang araw natin na ito." Pambobola pa ni Brent kay Harper. "May gusto ka ba na bilihin? Why don't we go to your favorite boutique? You used to buy your clothes there." Sasagot pa sana siya para tumutol sa nais ng asawa niya pero mabilis na siya na iginiya ni Brent sa isang mamahalin na boutique. This is not her, isn't it? Hindi siya sanay sa mamahalin na gamit. Mayaman man ang pamilya nila pero hindi siya lumaki na maluho, k
"Evan, let’s talk." Humahangos na pumasok si Tof sa opisina ng kan’yang kaibigan na si Evan. "Stop whatever you are doing because I’ve got fresh and juicy reports at hand." Sapat na ang mga salita na iyon buhat kay Tof upang agad na mag-angat ng kan’yang ulo si Evan buhat sa tambak ng mga trabaho na kan’yang inaasikaso. Kahit na gaano siya kaabala sa maraming mga ginagawa niya ay mas importante pa rin sa kan’ya ang mga balita na ihahatid ni Tofer sa kan’ya, lalo na at kung may kaugnayan ito kay Harper Mercader. "Talk." Sumandal pa siya sa kan’yang kinauupuan at agad na pinagsalikop ang mga kamay upang pakinggan ang mga impormasyon na ibibigay sa kan’ya. He has been waiting for relevant news for days, at umaasa siya na sa puntong ito ay may nakuha nang impormasyon si Tof na makakatulong na sa kanila para masagot ang maraming katanungan nila. "But before the juicy news, any update on what Elise has to say about Jared Garcia?" tanong pa ng kaibigan ni Evan sa kan’ya. Umiling-iling siy
"I’m not really getting this at all, Tof. Ibig mo sabihin ay plano ng mga magulang ni Harper na pagkakitaan ang lahat ng anak nila, and that is assuming that the adoption of Jared has taken place. Bakit nila ipapakasal ang pareho na anak nila para lamang sa yaman at kapangyarihan?" Ang pag-iling ni Tof ang naging tugon nito sa mga sumunod na katanungan niya na iyon. "If the adoption pushes through, hindi na nila ipapakasal pa si Harper. They are eyeing the adoption so they can actually save Harper from a contracted marriage. Alam kasi ng mag-asawa na kapag hindi nila ginawa iyon, malaki ang tsansa na mangyari sa tunay na heredera nila iyon." Hindi alam ni Evan kung ano ang tunay na mararamdaman niya sa balita na iyon. Admittedly, a contract marriage is what he and Harper are actually dreading, but this is something that can’t be stopped, especially if you are part of the elite business world. Para kasi sa mga magulang nila, ang mga anak ay parte rin ng investment na kailangan na magb
Ever is in deep thought and is really confused at this moment. He had tried to keep his mind off of things, but he couldn't, however hard he tried. Kanina pa rin siya palakad-lakad sa kan’yang silid at hindi malaman ang gagawin matapos ang mga eksena na kinaharap niya. Wala siyang kapaguran sa kan’yang ginagawa na pabalik-balik na paglalakad paroo’t-parito dahil mas napapagod ang utak niya sa kakaisip ng dapat niya na gawin sa sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. A part of him wanted to be honest about everything, but a part of him is unsure if that is the right thing to do at this moment. He is confused about everything, but most of all, he is conflicted about what transpired during that meeting with him and Harper Mercader. Sino ba naman ang mag-aakala na ang pagpunta niya sa mall para lamang sana bumili ng regalo sa isang kaibigan ay mauuwi pa sa hindi inaasahan na paghaharap nila ni Harper? At nais man niya na pagsisihan na pumunta pa siya roon ay hindi naman niya tuluyan na m
Evan is pleading with her at that time to believe him and what he is saying. Despite the anger and hurt he is feeling, he is begging her to stay with him. Paulit-ulit na sinabi ni Evan sa kan'ya na hiwalay na sila ni Brent dahil niloko siya nito, pero paulit-ulit niya rin na hindi pinaniwalaan iyon dahil mas naniniwala siya sa natatandaan ng isip niya. "Harp, your ex-husband cheated on you with your best friend." And that is another confirmation of a truth that Evan previously tried to tell her. And this is what the entire conversation with Elise has been about. Unti-unti niya nang napagdidikit-dikit sa kan'yang isipan ang mga piraso ng mga katotohanan na pilit na itinatago at inilalayo sa kan’ya ng asawa niya. "I need your help, Ever." Pag-uulit ni Harper sa sinabi niya kanina. "I can't go out without him. I can't even visit my parents. Wala akong paraan para matawagan ang kahit na sino. He is not really trying to imprison me, but it looks that way to me dahil binantaan na niya ako
Galit. Ito ang emosyon na nangingibabaw kay Harper habang hawak-hawak niya ang telepono niya. She is becoming furious, but then a sudden pain in her heart strikes her. All she could do was hold her chest, trying her best to stop the tingling pain that she was feeling. Pumikit siya at pilit niya na pinaglalabanan ang kan’yang nararamdaman na sakit dahil hindi maaari na patuloy niya na maramdaman iyon. Ayaw niya na mabuhay sa alaala niya ang nakita niya, but when she did close her eyes, an image crossed her mind again. At sa punto na iyon ay ibang imahe naman ang nakita niya. Parang isang pasulyap na naman sa kan‘yang nawawala na nakaraan na nais niya na maalala ang pumasok sa isipan niya. There she was, standing beside a man who was holding her close while they were talking to a woman. The man was furious about the woman, but she doesn't know why. That scene kept replaying in her mind, but she couldn’t understand anything at all that was happening. Pilit niya na idiniin ang pagkakapik
Another story has come to an end, and thank you so much for the support. Maraming salamat po at hindi ninyo iniwan ang istorya nina Harper at Evan. Pasensya na po at natagalan lang sa pag-update dahil naging busy po sa work. Sobrang thank you po at sana nagustuhan po ninyo ang kuwento nila. Pa-follow po and pa-support din po ng iba ko pa na stories kay GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) Falling for the Replacement Mistress (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English) In Love with His Brother's Woman (Taglish)
"Sign the papers, Harper. This is it. This is the end." Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Evan. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito kaya hindi ako nakasagot at nanlalaki lamang ang mga mata ko na nakatitig na lamang sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Bakit may ganito? Ano ang naisipan niya at bigla na may ganito na dokumento sa harapan ko? I am just a few weeks into my preganancy, tapos ay may ganito pa? "A-ano ang ibig sabihin nito, Evan?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Bakit may ganito? Ano ang ibig sabihin nito?" "Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang ibig sabihin niyan. Don't ask me further quest
Pagpapatawad. Isang salita na madaling sabihin pero mahirap na gawin. Sa isang tao na lubos na nasaktan ang bagay na ito ang pinaka mahirap na ibigay, pero kapag nagawa naman ay siya rin pinakamasarap sa pakiramdam na matamo. Hindi ko akalain na kakayanin ko pa na magpatawad matapos ang nangyari sa aking pamilya. I was overwhelmed by the anger that I felt when I thought that Harper purposely turned her back on our supposed marriage. Binulag ako ng galit na nararamdaman ko para sa kan’ya kaya wala akong ginawa kung hindi ang planuhin ang paghihiganti ko, but seemingly, fate had other plans for us. Ang dapat na paghihigantihan ko ay natutunan ko na mahalin. At wala akong pinagsisisihan ngayon sa naging desisyon ko na iyon na aminin sa sarili ko ang espesyal na emosyon na iyon. If you genuinely loved that person, it would be much easier to forgive them. Hindi mahirap ang salitang pagpapatawad kung ibibigay mo iyon sa taong mahal mo. At kahit na paulit-ulit pa ang sakit na maramdaman mo,
Days had passed since Harper made peace with her past. Tinapos na niya ang galit sa puso niya at tuluyan na niya na pinalaya ang kan’yang sarili sa lahat ng hinanakit at sakit ng kalooban niya. Matapos ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Brent at ang pagpunta niya rin mismo kay Brent ay pakiramdam niya ay nawala na ang tali na gumagapos sa kan’ya sa nakaraan upang tuluyan na siya na maka-usad sa kan’yang buhay. And she is thankful that she did that because she did not have to regret not being able to do so. Just yesterday, the news came to them that the inevitable had happened: Brent did not survive, at sa pagkawala nito ay tuluyan na rin na natuldukan ang lahat-lahat ng hindi matapos-tapos na problema sa pagitan nilang lahat. Hindi iyon ang nais niya na mangyari sa dating asawa niya pero iyon na rin ang ninais ng tadhana para sa kanila. And it may be better for him because now there will be no more pain for him. May bahagi niya ang nalungkot sa sinapit nito pero kahit paano
Panay paghikbi lamang ang maririnig buhat sa silid ng ospital na iyon. May ilang minuto na rin buhat ng dumating si Harper at iyon na ang naabutan niya na tagpo. At inaasahan na niya ang senaryo na ito, lalo pa at sinabayan niya ang pagdalaw ng mga magulang ni Brent sa ospital. Harper and Ever both agreed that Brent’s parents would be able to visit him. Nagkasundo sila pareho na wala rin naman masama sa hiling na iyon, kaya iyon na rin ang pagkakataon na kinuha ni Harper para makita ang dating asawa niya. She wanted to end all the pain and hatred that she has for Brent and his parents kaya nagdesisyon siya na silipin sa ospital sa Brent kahit na hindi na nito maririnig ang mga nais niya na sabihin. Hindi rin inaasahan ng mga magulang ni Brent ang pagbisita ni Harper sa kanilang anak, pero lubos nila na ipinagpapasalamat iyon sa kabila ng kaguluhan na nagawa ni Brent sa kasalan nina Harper at Evan. "Harper, maraming salamat sa pagpayag ninyo na makalabas kami pansamantala sa kulugan
"Ano ang balita, Tof?" Hindi pa man nakakalapit si Tof sa kaibigan na si Ever ay tanong na agad ang salubong nito sa kan’ya. "Dead or alive?" Nahahapo na umupo siya sa tabi ng kaibigan niya at walang pag-aalinlangan na sinagot ang tanong nito. "In between. Critical and almost on the verge." Kagagaling lamang niya kasi sa ospital kung saan itinakbo si Brent matapos na masukol ng mga bodyguards ng mga Ruiz dahil sa ginawa nito sa kasal nina Evan at Harper. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang ginawa ni Ever kasabay sa pagkuyom ng kamao niya. Nanggagalaiti siya sa nangyayari ngayon sa buhay nila, at mas lalo ang galit niya sa gumawa nito sa kanila, kaya naman maganda ang balita na iyon na nakuha niya buhat sa kaibigan niya. "That’s the best news that I've gotten so far, for now. He can’t die, not just yet. Mabuti naman at alam niya ang bagay na iyon. Hindi pa siya maaari na malagutan ng hininga dahil kailangan pa niya na maghirap bilang pambayad utang sa lahat ng kasamaan niya sa pa
Ang sabi nila ang pangarap ng mga kababaihan ay ang maikasal. Every woman dreams of having to walk down the aisle to meet the man of her dreams. Most women dream about this, but not all are fortunate enough to be able to experience marriage bliss. At isa ako sa mga babae na iyon: nangarap; naikasal at nasaktan. Isa ako sa hindi sinuwerte noon na mahanap ang tunay na kaligayahan sa lalaking aking pinakasalan, pero hindi huminto ang pangarap ko na iyon dahil lamang sa sakit na aking naranasan. Patuloy ako na umasa na isang araw ay darating din ang tamang lalaki para sa akin. Nang unang beses kami na maikasal ni Brent ay halo-halo ang mga emosyon ko: Joy, sadness, excitement, and even anxiety. Masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ko, pero malungkot ako dahil nang ikasal kami ay walang ibang tao na nakisaya sa pag-iisang dibdib namin na iyon. It was a secret marriage because it was a decision that had not been carefully thought of. Ang alam lang namin ay mahal namin
"Ayos ka na ba? Are you sure about this, Evan? Are you really ready to see her again, just in case?" Napapangiti na lamang si Evan nang marinig ang mga tanong na iyon sa kan’ya ni Clarise. "Sigurado ka na ba talaga na ito ang nais mo na mangyari? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin mo sa kan'ya at kung paano mo siya haharapin?" "You are overreacting again with those questions, Clar. Bakit ba ang dami mo na naman na mga tanong sa akin? Hindi ba at nakausap ka na ni Ever tungkol dito? Nasabi na niya sa'yo ang dapat na mangyari kaya wala na tayo na dapat pa na pag-usapan." Natatawa na sagot niya na lamang sa babae. "Tapos na ako na mag-ayos at kanina pa ako sigurado sa plano ko na ito, kaya kanina pa rin ako handa na pumunta sa party." "Hindi naman ang pag-aayos mo ang sinasabi ko. Can’t you read between the lines? I honestly just want to make sure that you are ready for anything that’s about to happen, just in case. Hindi man tayo sigurado na darating siya, pero handa ka ba na maging
Pangisi-ngisi sa akin ang magkapatid na sina Evan at Ever habang magkakaharap kami ngayon dito sa may patio. Kasama rin namin si Clarise ngayon at simula pa kanina ay walang nagsasalita sa amin upang simulan ang pag-uusap na ito. I was rooted to my place when I heard what Clarise had to say earlier. Hindi ako nakahuma kaya naman inabutan kami ng magkapatid habang titig na titig lamang kami ni Clarise sa isa't-isa. And when Evan arrived, the first thing he did was walk straight to me and hug me, and once again I was left speechless. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas sa silid kanina upang harapin silang lahat kahit na ang nais ko na lamang talaga na mangyari ay ang sana bumuka ang lupa at kunin na lamang ako nito. Hiyang-hiya ako sa inasta ko at sa mga nasabi ko, lalo na kay Clarise. But then again, in my defense, I don’t know her. I don't know who she is or her connections with these two brothers. And yet, in her defense as well, she tried to