CALISTA had lunch with Robi even though she was not happy about the idea of having lunch with the annoying and arrogant man. Wala naman siyang magawa dahil medyo desperada na siyang malutas ang problema ng kumpanya nila.
As the eldest granddaughter of the Gomez family, it was her responsibility to safekeep their family business. Ngayong may problemang may kinahaharap, hindi siya makatanggi sa kung sino man ang mag-alok ng tuloong. Hindi dahil sa helpless ang dalaga ngunit dahil tinitimbang niya ang mga option na mayroon siya.
Halos marindi si Calista sa mga pagyayabang ni Robi habang kumakain sila. Naging interesado lang ang dalaganang ilapag na nito ang alok na sinasabi.
SA KABILANG banda ay may biglaang tumawag kay Celestina.
“Madam Celestina, pumunta po rito sa kompanya si Sir Dravis kanina. Mukhang may usapan sila ni Ma’am Calista pero umalis din po agad si Sir Dravis kasi dumating si Mr. Robi Cruz, yung anak po ng isa sa mga investor . . . Nag-lunch po sla ni Ma’am Calista,” pagre-report sa kaniya ng sekretarya ni Amante.
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito ngunit napangiti rin, hindi kalaunan.
“Thanks for the update, Min,” aniya bago ibinaba ang tawag.
Binilinan niya ang sekretarya na mag-report sa kaniya ng mga ginagawa ni Calista sa opisina. Hindi naman lahat, pero yung mga kakaiba lang sa madalas na ginagawa ng kaniyang anak.
Nag-send sa kaniya ng picture si Min pagkatapos ng tawag. Sa picture ay magkasama sa iisang table sa restaurant sa ground floor ng kompanya nila ang dalawa.
They look good together!
She thought Robi could be a better match for Calista than Dravis.
Nakangiti niyang ibinaba ang pinakabagong modelo ng mamahaling smartphone brand na kaniyang hawak.
Mas gusto niyang magkatuluyan sina Robi at Calista. Galing din sa mayamang pamilya si Robi at kilala niya ang mga magulang nito—kasosyo pa nila sa negosyo. They could build stronger connections by marrying off her daughter to the Cruz family’s eldest son.
Iyon naman talaga ang goal kung bakit niya ipapakasal si Calista, kaso nagkamali sila ng pamimili sa mapapangasawa nito. Hindi naman sa dahil naghihirap na ang pamilya ng mga Gomez. They were still one of the most powerful clans in San Simon. Pero naniniwala siyang ang mga mayayaman ay para lang sa mayayaman.
Dravis was out of the game, she said in the back of her mind.
Ngayon ay ayaw nang humiwalay ng anak niya sa pathetic na ikatlong apo ni Don Silvestre Salazar. Mayaman naman ang pamilya ng mga Salazar, iyon nga lang, itinakwil na ng pinakamatandang Salazar ang pamilyang kinabibilangan ni Dravis.
She must do everything to break the engagement. She was just buying some time so she could make Dravis’ life a living hell. Hanggang sa ito na ang mismong mang-iwan sa anak niya. Mas mainam nang ganiyon ang mangyari dahil ayaw makinig sa kaniya ni Calista na hiwalayan na ang lalaki.
***
“DO THAT then I’ll let your company suffer. Lunch date lang naman ang hinihingi ko sa ‘yo, hindi mo pa mapagbigyan. Kakain lang naman tayo tapos idi-discuss ko kung paano maso-solve ang problema n’yo na iyang magaling mong fiancé rin naman ang may kasalanan”
Paulit-ulit na naglaro sa isipan ni Dravis ang sinabing iyon ni Robi kanina habang nasa daan siya pabalik sa mansyon ng mga Gomez.
A part of him was frustrated and angry at Robi for using that dirty tactic just so he could have lunch with Calista. Pakiramdam niya ay hindi niya maprotektahan nang tama ang babaeng mahal niya.
I need to do something . . . Hindi dapat ganito, he thought.
Pagbalik ni Dravis sa mansyon ay sinalubong siya ni Celestina sa entrada pa lang.
“Oh, look who’s here?” mapanuyang saad ng ginang.
“G-good a-after . . . n-noon p-po . . .”
Celestina chuckled. “Pasalamat ka, maganda ang naging tanghali ko,” makahulugang saad nito saka umayos ng pagkakatayo. “It’s past lunch. Go back to work. Marumi ang swimming pool. Tanggalan mo ng mga dahon.”
Nalinis naman na kaninang umaga ang swimming pool ngunit dahil mahangin ngayong buwan ay naisip ng binatang normal lang na maging marumi agad ang pool at malagyan ng mga dahon.
Kahit pagod at nagugutom ay wala siyang nagawa kung hindi ang tumango na lang. Akmang tatalikod na siya para magtungo sa gilid ng hardin kung saan may daan papunta sa swimming pool sa likod ng mansyon, nang tumikhim ulit si Celestina.
“Pagkatapos mo sa pool, ayusin mo rin ang mga libro sa library. I-arrange mo alphabetically. Ikaw lang at ‘wag kang magpapatulong sa mga kasambahay.”
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Minsan na siyang nakapasok sa library ng mansyon. Malaki iyon at sobrang daming libro. Kulang ang kalahating araw para i-alphabetically arrange ang mga iyon.
Good mood na siya sa lagay na ‘to? Parang gusto ko na lang siyang ma-bad trip, side comment ng isang parte ng kaniyang isipan.
“Nagkakaintindihan ba tayo?”
Gusto niyang humindi pero ano bang choice ang mayroon siya?
“O-opo.”
“Good! Start doing your work! Chop-chop!”
Pagdating niya sa poolside ay napabuntonghininga na lang siya sa dami ng mga dahong naroon.
Parang hindi naman dinala ng hangin. Parang sinadya.
Lahat talaga ay gagawin ng biyanan niyang hilaw para pahirapan siya.
Tirik na tirik na ang sikat ng araw. Wala na ang mga ulap na kanina ay tumatakip sa haraing araw kaya mainit na sa balat ang sinag niyon at maging ang ihip ng hangin ay mainit na rin. Nagsimula nang tumagaktak ang pawis ng binata, hindi pa man siya nagsisimulang magtrabaho.
Kumuha siya ng leaf skimmer net at sinimulang tanggalin ang mga kumpol ng dahon na nagkalat sa pool.
Halos isang oras din siyang nasa ilalim ng initan para linisin ang buong pool. Namumula na ang kaniyang maputing balat nang pumasok siya sa loob ng mansyon. Nalipasan na siya ng gutom kanina kaya naman nagsisimula na siyang makaramdam ng panghihina.
Uminom lang siya ng tubig at nagpalit ng t-shirt bago pumunta sa library. Nakasalubong niya pa si Sally sa hagdan. Pababa na ito habang siya naman ay paakyat pa lang.
“’Di pa po tapos trabaho n’yo, ser?”
Ngumiti siya ng tipid saka umiling bilang sagot.
“Kapag kailangan n’yo po ng tulong, ser, magsabi lang po kayo para makatulong po kami . . .”
Alanganin niyang nginitian at tinanguan si Sally bago siya nagpatuloy sa pag-akyat, kahit pa wala siyang balak magpatulong.
Alam niyang kapag nagpatulong siya sa kahit sinong kasambahay sa pag-aayos ng library ay mawawalan iyon ng trabaho.
The things that you will do for love, Dravis. Congratulations, martyr kang tunay, sarkastikong anang isang parte ng kaniyang isipan pagkapasok niya sa loob ng library.
Sobrang nakakalula ang nagtataasang mga bookshelf at dami ng mga libro. May mga nakakalat sa coffee table, sa couch, sa work desk, sa carpeted na lapag at sa kung saan-saan pa. Parang sinadya na naman ang pagkakakalat ng mga iyon sa paligid tulad ng mga dahon sa pool.
Good mood talaga siya nito? Parang mas gusto ko pa yung palagi siyang nakasigaw.
Ibinaba niya ang mga panlinis na hawak saka nagsimulang pulutin ang mga librong nagkalat sa sahig.
Inabot na siya ng pasado ika-lima ng hapon ng ngunit hindi pa rin niya tapos ang pag-aayos ng lahat ng librong nagsisimula sa letrang “B”. Higit tatlong oras na siyang naroon ngunit marami pa ang trabahong kailangan niyang tapusin.
Hinang-hina na siya dahil sa gutom. Dinalhan naman siya ni Dina ng miryenda at tubig ngunit hindi pa rin iyon naging sapat dahil hindi naman siya nakapagtanghalian kanina.
SA KABILANG banda ay dumating naman si Calista mula sa opisina at ang agad na hinanap si Dravis.
“Mam, nasa library po si ser. Kanina niya pa po siya roon nag-aayos ng mga libro . . .” ani Sally.
“Nag-aayos ng libro? Maayos naman ang mga libro sa library, a?”
Tumingin muna sa paligid si Sally bago lumapit sa kaniya at bumulong.
“E, ipinagulo po kanina ni madam para may ayusin po si ser . . . Huwag n’yo na lang pong sabihin sa ibang ako nagsabi. Malalagot po ako kay madam.” Kahit takot masisante ay naglakas loob si Sally magsumbong dahil sa awa para kay Dravis.
Nag-init agad ang ulo ni Calista sa narinig.
Tumango siya. “Ako ang bahala. Thank you, Sally,” aniya saka nagmamadaling umakyat sa second floor.
Eksaktong nakasalubong niya ang ina sa hallway sa ikalawang palapag.
“Calista, anak. Nandito ka na pala.” Sinalubong siya nito ng yakap ngunit hindi siya yumakap pabalik.
“Hi, Mom! Yes, kararating ko lang. I’m in a hurry. I left something important in the library. Can you help me find it?” aniya na tila ba may naiwan talaga siya sa library.
Nawala ang ngiti ni Celestina dahil doon.
“Ay naku! Hija, mamaya mo na lang kunin. Ipinapalinis ko pa ang library. Maalikabok doon.” Nag-iwas ng tingin ang ginang mula sa kaniya.
“Kanino mo ipinapalinis, Mom? Maybe I can ask her if nakita niya yung gamit kong naiwan sa library . . .” panghuhuli niya kay Celestina na nagsimula nang maglikot ang mga mata.
Nang hindi ito sumagot ay bumuntonghininga siya.
“Is Dravis the only one inside and cleaning the library, Mom? Masyadong malaki ang library, Mom. Hindi ‘yon kaya ng isang tao lang. Pinahihirapan mo na naman siya?” mapang-akusa niyang tanong.
“Pinahihirapan? How dare you to accuse your own mother for such thing?” Tumaas ang tono ng boses nito. Masyadong defensive.
“You always make him do the hard chores. Hindi siya kasambahay dito, Mom! He’s my fiance!” Tumaas na rin ang boses ni Calista. Hindi na niya napigilan.
“I’m just training him. Paano ‘pag kinasal na kayo? I can’t let you do all the chores!”
“Mom, are we poor? We can afford to pay housekeepers to do the chores while we work!”
Nagsisigawan na silang mag-ina sa hallway at naririnig iyon ng mga kasambahay na nasa ibaba. Walang naglakas loob na umawat sa kanila dahil sa takot na mapagbuntunan ni Celestina.
“Hija, if you’ll marry him, you’ll become poor! Anak, si Robi na lang ang pakasalan mo . . . hindi ka maghihirap sa kaniya!”
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Calista ang ina.
“So, this is all about that, Mom?“ You’re so unbelievable!” Namaywang siya. “Am I a toy? Pagpapasa-pasahan na lang, gan’on? I agreed when you arranged my marriage to Dravis. Then now that our relationship became real, do you want me to marry Robi? Are you for real, Mom?”
“I just want the best for you, anak. Dravis is no good for you.”
“Do you really know what’s good for me, Mom?” Nagsimula nang magtubig ang mga mata ng dalaga.
Nasasakal na siya sa ugali ni Celestina. Hindi naman dating ganiyon ang kaniyang ina.
NANG hindi na makatiis si Dravis sa sigawan ay lumabas na siya mula sa library para awatin ang dalawa.Narinig niya lahat. Narinig niya kung paano siya pag-awayan ng dalawa.
Nasa malayo pa lang ay nilingon na ni Celestina ang direksyon nh binata. Galit na galit siya nitong dinuro.
“Ikaw! Kasalanan mo ‘to!” Sinugod siya ng ginang at pinagsasampal. “We’re fighting because of you! Simula nang dumating ka rito, nagkandaletse-letse na ang lahat! Wala kang kuwenta!” galit na anito.
“Mom, stop it! You’re hurting him!” Pilit na inilayo ni Calista ang ina kay Dravis na hindi pa rin nagpapaawat. “Mom! I said stop it!” malakas na sigaw ng dalaga kaya napatigil si Celestina.
“Kailan ka pa naging brutal, Mom? Hindi na kita kilala . . .” naiiling ngunit hinihingal na saad ni Calista.
Inayos ng ginang ang sarili saka muling binalingan si Dravis na pulang-pula ang magkabilang pisngi, may iilang mahahabang kalmot doon at maging sa leeg na dulot ng mahahabang kuko at singsing na may malalaking bato ni Celestina. Pumutok din ang gilid ng labi ng binata dahil sa bigat ng kamay ng ginang.
“This is because of you!” nanggigigil na saad nito habang dinuduro ang binata. Mas kinakampihan ka ng sarili kong anak dahil nilason mo ang isip niya!”
“Really, Mom? You’re gonna blame this man who never complained to whatever you told him to do, no matter hard it was?” Hindi makapaniwalang napailing si Calista saka tinangay paalis si Dravis.
“Sally, bring me a first aid kit. ASAP!” utos ng dalaga habang pababa sila ng hagdan.
Si Sally na nasa salas lang at lihim na nakikinig ng away sa taas kanina ay agad na tumalima. Ang ibang mga kasambahay naman na nakikinig din kanina ay parang mga langgam na nagpulasan at naghanap ng kaniya-kaniyang gagawin.
Sa kuwarto ng binata sa ibaba dumiretso ang dalawa at inignora ang mga kasambahay.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Calista habang sinisipat ang mukha ni Dravis.
“I-I’m f-fine . . .”
“No, you’re not!”
Napailing ang binata saka inabot ang pisngi ni Calista. Pinunasan niya ang mga luha nito. Hindi rin namalayan ng dalaga na walang humpay pala ang pagtulo ng mga luha sa mga pisngi nito. Kung hindi pa iyon pinunasan ni Dravis ay hindi magiging aware si Calista na umiiyak pa pala siya.
“D-don’t w-worry a-about m-me . . .”
“But it pains me to see you being abused by other people, most especially by my mother.”
Ngumiti lang ang binata ngunit agad iyong nauwi sa pagngiwi dahil sa hapdi ng sugat nito sa gilid ng labi.
“Sally, pakibilis yung kit!” sigaw ni Calista.
Hindi naman sound proof ang kuwarto kaya alam niyang narinig siya ng kung sino mang nasa labas—kung mayroon man.
“I-I k-know a-a w-way t-to s-solve y-your c-com . . . p-pany p-problem . . . I-I c-can h-help y-you. I-I w-will h-help y-you.”
Nakaramdam ng pagbigat ng dibdib si Calista. Hindi naman sa minamaliit ni si Dravis. Alam niyang gusto nitong makatulong pero alam niya rin ang kasalukuyang kalagayan ng pamilya nito.
She felt a little disappointed. Hindi naman kasi nito kailangang magyabang, magsinungaling, o magsabi ng mga bagay na alam niyang imposible. Kailangan lang nitong mag-stay sa tabi niya para yakapin siya sa mga panahong kailangan niya ng mahigpit na yakap.
***To be continued***
KINABUKASAN ay maaga pa lang ay sobrang abala na ng mga kasambahay sa manson ng mga Gomez. Nagtataka man ay ginawa na lang ni Dravis ang mga gawaing nakatoka sa kaniya.Nakasalubong niya si Celestina nang mapadaan siya sa salas bandang alas sais ng umaga. As usual, hindi niya pa man ito binabati ay nakaismid na ito sa kaniya. Akmang magsasalita siya nang unahan siya nito sa pagtikhim.“Pagkatapos mong maglinis, pupuwede ka nang maglamiyerda sa kung saan mo man gustong pumunta. ‘Wag kang uuwi mamayang gabi. Ayaw kong makita ang pagmumukha mong pakalat-kalat dito,” anito saka siya tinalikuran.Napakunot ang kaniyang noo dahil sa tinuran ng ginang ngunit hindi kalaunan ay nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.She’s still mad at me because of last night, he thought.He shrugged off the heavy feeling and continued doing his remaining tasks.Pagkatapos ng mga gawain ay lumabas si Dravis para makipagkita sa isang lalaki. Kahit naman kasi hindi siya sabihan ni Celestina na umalis ay
NANG magsabi ang isang kasambahay na handa na ang kanilang hapunan ay nagkaniya-kaniyang nagsipuntahan ang mga miyembro ng pamilya ng mga Gomez sa dining hall. Kasabay maglakad ni Dravis si Calista habang magkahawak sila ng kamay.Rinig na rinig ni Dravis na pinagbubulungan siya ng mga pinsan ng dalaga ngunit inignora niya lang ang mga iyon. Ang mahalaga ay katabi at kasama niya si Calista.Pagkarating sa hapag ay ipinaghila niya ng upuan ang fiancee bago siya naupo ngunit hindi pa man nakalalapat ang kaniyang pang-upo sa malambot na cusion ng upuan ay nakarinig na siya ng hindi magandang salita.“Hindi ka ba marunong mahiya? Bakit kakain ka kasama namin? Doon ka sa kabilang table, kasabay ng mga kasambahay,” ani Celestina.“A loser like you can’t join us for dinner . . . Saka hindi ka naman Gomez. May mga pag-uusapan kaming hindi mo dapat marinig. Umalis ka na.”“I don’t understand why you are still staying here, Dravis. Aunt Celestina, dapat inihahanap mo na si Calista ng mas mayama
KASALUKUYANG nasa loob sina Dravis at Calista ng kuwarto ng dalaga. Tapos na ang reunion na nauwi lang sa iringan ng magkakamag-anak.Palakad-lakad ang dalaga habang si Dravis naman ay nakaupo sa upuan sa tapat ng tukador. Nakaharap siya sa kaniyang fiancee.“I”m so sorry that you had to witness and hear those . . .” paumanhin kay Dravis ng fiancee.Masyadong maraming nangyari sa gabing iyon ngunit dahil immune na si Dravis sa mga pinagsasabi ng mga Gomez ay ang kaniya na lang inaalala ay si Calista. Naisip niyang hindi deserve ng dalaga na tratuhin sa ganoong paraan ng mga kamag-anak nito.Tumayo si Dravis at nilapitan si Calista. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat ng dalaga para saglit itong mapatigil sa paglalakad.“A-ayos l-lang a-ako . . . I-ikaw, y-you o-okay?” he asked in a concerned tone.Matagal siyang pinagkatitigan ng fiancee. Makikita sa mga mata nito ang pagod, lungkot, at pag-aalala.Sa huli ay naluluhang umiling ang dalaga saka yumakap nang mahigpit kay Dravis.
KINABUKASAN ay nagmamadaling bumangon si Calista dahil sa pakiramdam na parang may mali. Pagkadilat ay doon niya lang na-realize na nakatulugan niya pala kagabi ang paggawa ng presentation.Ganoon na lang ang gulat ng dalaga nang makitang sumisilip na ang liwanag mula sa labas sa siwang ng kurtina ng binata sa kaniyang silid.Hindi siya nagising sa tunog ng alarm clock kaninang alas singko. Masyadong malalim ang kaniyang tuog para hindi magising sa dalawang alarn na s-in-et niya ngayong umaga.I’m so dead!Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo patungo sa kaniyang desk. Pagkarating niya sa harapan ng desk ay saglit siyang natigilan.Wait . . . How did I end up sleeping on my bed? Nandito ako kagabi sa desk kagabi, e.Napakunot ang noo ng dalaga nang makitang nakasarado na rin ang kaniyang laptop.Did I close the laptop before I went to sleep? Nalilito siya. Ang huli niyang naaalala ay sa desk talaga siya nakatulog.Did I sleepwalk from here to my bed? Pero bakit nakapatay na yung lapto
DRAVIS went to Wood Works Enterprises. Hindi naman siya totally nagsinungaling kay Calista kanina. Makikipagkita siya kay Sheldon ngayong araw ngunit hindi ngayong umaga. Mamayang hapon pa sila magkikita ng kaniyang matalik na kaibigan. May mga importanteng bagay muna siyang kailangang gawin sa umagang ito.Sa secret way dumaan ang binata para walang makakita sa kaniya. Siya lang ang tangin may access sa daanang iyon kaya tiwala siyang walang ibang makakaalam sa kaniyang pagpunta roon maliban na lang sa bantay na security guard na naka-duty roon.Pagkaakyat niya sa top floor ay agad siyang sinalubong ni Harold. Nakita kasi nito na papaakyat ang VIP elevator na ito at siya lang ang may access.Nahahati sa dalawang parte ang top floor ng building. Pinasadya ni Dravis na hatiin iyon sa dalawa. Ang kabilang wing ay para sa mga empleyado at ang wing naman na kinaroroonan nila ay para lang sa CEO. May pader na harang sa pagitan at magkabukod ang daan.Walang ni isang empleyado ang pupuweden
NAPIGILAN ng lahat ang paghinga dahil panandaliang tumigil si Susana sa pagsasalita na tila pa sinadya ng ginang para magbigay ng suspense feeling.“Congratulations and thank you for the hard work . . . Calista.” She had closed eight deals in three days. Sumunod si Enrico na mayr’ong anim na deal na naisara, habang parehas na apat naman ang naisara nina Audrey at Franco. Thank you so much for trying my dearest son and grandchildren . . .”“What? No! That’s impossible! Eight deals in three days? Imposibleng walang dayang naganap d’yan!” protesta ni Enrico na hindi matanggap ang pagkatalo.Tulala si Calista sa tabi ni Dravis. Hindi pa nagsi-sink sa dalaga ang mga nangyayari habang si Dravis naman ay lihim na napangiti. Inasahan na niyang malaki ang tiyansang manalo ng kaniyang fiancee.But it was a close fight. Hindi niya rin magawang maliitin ang kakayahan ni Enrico dahil magaling naman talaga ito. Sadyang mas marami lang siyang koneksyon. Hindi niya pababayaan si Calista na matalo.N
PAGKAALIS na pagkaalis pa lang nina Calista at Dravis ay kaagad na nagtingin ang mag-asawang sin Sheryl at Enrico. Nagngingitngit ang huli dahil sa kinalabasan ng kompetisyon. Hindi nito matanggap na matatalo ito ng isang bata lang at babae pa. His male ego could not accept the result.Kung alam lang ni Enrico ang kalalabasan, sana ay hindi na ito nagpakampante at pumirma sa pinapirmahang agreement ng ina nito. Magre-request sana si Enrico na ulitin ang kompetisyon ngunit wala na. Tapos na. Nakapirma na ang lahat ng mga kasali.I’m sure that Mom helped Calista. Paborito niyang apo si Calista kaya hindi malabong mangyari ‘yon, Enrico said at the back of his mind.Naisip ni Enrico ay hindi magkakaroon ng pirmahan ng kasunduan kung hindi si Calista ang nanalo dahil alam nito na maraming magrereklamo, lalong-lalo na ang lalaki.May araw ka rin sa ‘kin, my dearest niece. Isama mo pa ‘yang loser mong fiancé na wala namang pakinabang.Habang nasa hapag kainan ay kapansin-pansin pa rin ang te
DRAVIS went out to meet his best friend, Sheldon. Si Sheldon ang kaniyang business partner at ang co-developer ng advanced technology na gagamitin sa kanilang itatayong business. Isa itong software engineer at talagang technology genius.Malapit na ang launching ng company nila kaya naman masyado nang abala ang lahat. Kahit pa nasolusyunan na ang krisis sa kompanya ng mga Gomez ay hindi pa rin iyon sapat dahil ang talagang problema ng kompanya ay ang kawalan nito ng advanced technology.Dahil sa pagdami ng mga investor ay posible pa rin namang magkaroon ng fund para maka-avail ang mga Gomez ng bagong technology na katulad ng ginagamit ng kakompetensya nitong kompanya ngunit magiging mahirap para sa mga Gomez ang magkaroon ng advantage dahil parehas na technology lang ang gagamitin.Ang layunin nila ni Sheldon ay higitan ang technology na kasalukuyang ginagamit ng mga kompanya na mayroon sa bansa. They wanted to build a world class advanced technology. Kahit local made lang iyon ay dap
“Taray! May pa-engrave . . .” panunudyo ni Krisha habang hinihintay nilang matapos na pa-engrave-an ang fountain pen na napili ni Calista.“Para personalized. Kung mayr’on na kasi siyang fountain pen, edi maiiba ‘yan kasi may engraving ng pangalan niya.”Napatangu-tango naman ang kaniyang kaibigan.“Sabagay, pero ‘yon ay kung wala pa siyang fountain pen na may engraving ng pangalan niya . . .”Napaisip nang sandali si Calista. May punto ang sinabi ni Krisha ngunit wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay may maibigay siyang regalo kay Mr. Das bilang tanda ng kaniyang pasasalamat.“Ayos lang ‘yon. It’s the thought that counts. Ang mahalaga naman ay may naibigay ako sa kaniya as token of gratitude sa naging tulong niya sa kompanya namin.”Napatangu-tango naman si Krisha.Hindi nagtagal ay bumalik na ang babaeng staff na nag-assist sa kaniya sa pagbili ng fountain pen.“Tapos na po, ma’am. Sa counter na lang po,” anito kaya tumayo siya.“Sige, thank you,” aniya sa staff bago nilingo
“Oh my! You mean Mr. Das of Wood Works Enterprises?” hindi makapaniwala na tanong ni Krisha na ikintango naman ni Calista.Akmang magpapaliwanag pa si Calista nang sunod-sunod na bumusina ang mga mga sasakyang kasunod nila.“Tss . . . Oo na nga. Ito na!” ani Krisha na para bang maririnig nga ito ng mga driver ng sasakyang bumubusina sa kanilang likuran.Natawa si Calista nang umirap at bumulong-bulong ang kaniyang kaibigan habang nagmi-make face. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho kaya naman tumikhim na siya para ituloy ang dapat na sasabihin kanina.“Yes, si Mr. Das ng Wood Works Enterprises nga. I want to give him something as a thank you gift. Ang laking help kasi ng investment niya sa kompanya namin. And his influence brought a lot of investors in our company. Matagal kong pinag-isipan kung bakit biglang dumami ang mga investor . . . Then I heard from one si ni Mr. Das daw ang nag-recommend sa kanila na mag-invest sa ‘min.”“Wow!” Krisha’s eyes twinkled. “Grabe naman pala si Mr. Das. N