Sa loob ng mahigit isang buwan, napakarami ng nangyari. Marami rin akong nalaman hindi lang sa buhay ng iba, kung hindi sa sarili ko na rin.
Malalim akong napabuntong hininga nang maalala ko ang araw na dinala ako ni Michael sa hideout nila.
Flashback
"Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito.
"Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay.
Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya.
"Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan.
"Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay.
"Hindi ko talaga kaya," reklamo ko.
Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa akin
Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa bahay ni Michael. Sa ilang araw na hindi ko siya nakikita matapos nang huling pagkikita namin noong nag-training ako mag isa, aaminin ko na lalo ko siyang na-miss. Malalim naman akong napabuntong hininga. Ang bigat na naman ng d*bdib ko. Ang bigat na naman. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi nang bigla na namang may pumasok sa isip ko. Flashback Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hindi nam
Malalim akong napahinga. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mumultuhin ng mga nangyari nitong nakaraan. Tanging iniisip ko na lang na baka kaya nangyayari ito ay dahil may magandang mangyayari. Marahan kong itinango ang aking ulo ngunit agad akong napahinto nang makita ko ang isang pangalan na nakasulat ngayon sa isang libro. Libro na kanina ay hawak ko. Agad akong natigilan. "Francesca? Saan ko nga narinig 'yon?" tanong ko sa aking sarili bago ako napalingon sa paligid. Patuloy ako sa pag-iisip nang bigla ko na lamang naalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon. Flashback Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay na pinuntahan namin ngayon ni Michael. Ngayon na nandito ako, ngayon ko lang nalaman na nasa isang liblib na lugar kami. Puno rito ng mga tanim na puno, halaman, at mga bulaklak. "Why are you here?" narinig kong tanong ng isang boses mula sa kung saan. Agad akong napalingon sa aking likuran at doo
"Saan tayo pupunta, Redenn?" tanong ko sa lalaking ngayon ay katabi ko at kasalukuyang nagmamaneho nitong sasakyan na lulan ko. "D'yan lang, magliliwaliw. At saka susunod sa utos pfft," sagot naman niya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Hindi naman na ako kumibo matapos nang kanyang sinabi. "Renice," biglang pagtawag niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa daan habang nagsasalita. "Kumusta na pala kayo ni Michael? Nag-usap na ba kayong dalawa tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa?" tanong nito bigla sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Kahit hindi banggitin ni Redenn ang pangalan ng tinutukoy niya, alam ko sa sarili ko na 'yong babaeng 'yon ang tinutukoy niya. "Wala," simple at mabilis na sagot ko. "Wala?" tanong pabalik naman nito sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Na-da-drain ako. Feeling ko pagod na pagod na ako. "Ayaw ko munang ma-involve sa pa
Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang napatingin siya sa kanyang plato bago napailing. Napanguso naman ako. "Galit ka ba?" biglang tanong ko. Mabilis naman niya akong tinignan. "Is there someth
Mabagal kong iminulat ang aking mga mata. Wala akong ibang makita kung hindi ang maliwanag na ilaw. Inilibot ko ang aking paningin bago ako mabagal na umupo. Nandito pala ako ngayon sa kwarto ni mommy. "Mommy?" marahang pagtawag ko sa kanya bago ko sinapo ang aking ulo. Hindi ko maalala kung anong nangyari bago ako mapunta rito. Basta alam ko yu kausap ko lang si mommy kanina habang kami ay nasa kusina. Napahinga naman ako ng malalim nang bigla kong naalala ang isang pangyayari noon sa kusina sa bahay ni Michael. Flashback Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klase
Nanatili akong nakahiga sa kama ng kwarto ni Ranie. Ito 'yong kwarto naming dalawa noon na sa kanya na lamang ngayon. Malaki na ang pinagkaiba nito kesa sa huling beses na rito ako tumira at natulog. Nakakatuwa. Halos mag-ta-tatlong taon pa lamang ang nakakaraan pero ang dami ng nagbago hindi lamang sa akin, pati na rin sa pamilya ko. Akala ko imposible ng maibigay ko ang ganitong buhay sa kanila pero nagkamali ako. Ngayon ito na, nandito na. Marahan akong napangiti. Ngayong maayos na ang pamumuhay nila mommy, tingin ko panahon naman na sarili ko naman ang pagtuunan ko ng pansin. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa phone kong nakapatong din dito sa kamang kinauupuan ko. Kagat labi kong mabagal na inabot 'yon upang makita kung may text, o missed call lamang akong nakuha kay Michael, ngunit wala. Bagsak ang mga balikat akong sumandal ulit sa head rest nitong kama. Ang bigat sa d*bdib lalo na matapos ng mga nalaman ko. Ang bigat dahil
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng pinto ng opisina ni Michael. Kanina pa ako rito at halos wala man lang pumasok sa isip ko na kailangan ko ng pumasok sa loob o magkatok man lang. Malalim ang hiningang binitawan ko bago ko hinawakan ang doorknob ng pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak ito. "A-ano bang mahirap sa gagawin ko? Kailangan ko lang pumasok at paniguradong ayos lang ang lahat," sabi ko bago ako tumango tango bago ko tuluyang pinihit na ang doorknob at pumasok sa loob. "Finally," narinig kong sabi ni Michael bago ako nilingon. Napalunok naman ako. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya habang magkapatong ang dalawa niyang paa. May hawak din siyang ballpen na ngayon ay nilalaro niya gamit ang kanan niyang kamay. "You've been standing there for almost two hours. Aren't your feet swollen?" tanong pa nito. Hindi naman ako kumibo. Mabilis ko lang ulit na iniiwas ang aking paningin. Hindi dapat ganito ang narar
Mabagal kaming naglakad papunta sa secret room habang patuloy kami sa aming ginagawa. Habol ko na ang aking paghinga dahil sa lalim ng halik na ibinibigay namin sa isa't isa. Nararamdaman ko ang malikot na kamay ni Michael na pumipisil sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Hindi ko alam pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay mas lalo kong nararamdaman ang l*bog na siyang bumabaliw sa akin sa mga oras na ito. "F*ck," narinig kong untag niya matapos kong haplusin ang ibabang bahagi ng parte niya. "Keep doing that," pagpapatuloy pa niya bago hinawakan ang aking batok at mas pinalalim ang halik na pinagsasaluhan namin ngayon. Hindi ko alam. Nalalasing ako, gusto ko pa. Kailangan ko pa. Patuloy lang kami sa aming ginagawa nang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Michael sa loob ng suot kong dress. Agad akong napasinghap kaya panandaliang nahinto ang aming halikan. Ngunit hindi hinayaan ni Michael na tuluyang maputol 'yon, agad niya