"Anong oras magsisimula ang meeting, Michael?" tanong ko sa lalaking kasabay ko ngayon kumain ng umagahan.
"Once you are done eating your breakfast. You really like skipping meals, tss," sabi niya sa akin bago pinitik ang aking ilong.
Napanguso naman ako.
"Nakakahiligan mo ng saktan ako. Baka magulat na lang ako makaya mo na akong saktan talaga," nakangusong sabi ko.
Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo.
"Tss. Stop thinking that nonsense," sabi naman niya bago ako tinignan ng masama.
"Anyway, how was your sleep. I intend not to wake you up. Alam ko napagod ka," may pilyong sabi ni Michael sa akin.
Halos masamid naman ako sa pagkaing kasalukuyang kinakain ko matapos ng aking narinig.
Tinignan ko naman siya ng masama.
"B-bastos! Kumakain ako rito ganyan sasabihin mo!" sabi ko bago ako uminom ng tubig at pinig
Tahimik akong nakaupo habang hinihintay si Michael na matapos sa kung sino mang kausap niya. Katatapos ko pa lang kumain nang bigla na lamang may tumawag sa kanya. "Mrs. Seth," pagkuha sa aking atensyon ni Michael. Mabilis namang kumabog ang dibdib ko bago ko siya nilingon. Nakangiti siyang nakatingin sa akin bago siya ngumiti kaya gano'n na rin ang aking ginawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Kinakabahan ako, natatakot ako. Oo, umamin na kami na gusto namin ang isa't isa pero wala pa rin 'yong kasiguraduhan. Hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Michael. Paano kapag bumalik 'yong ex girlfriend niya? Paano kung bumalik si Ylona? Walang wala ako sa babaeng 'yon. Walang wala ako sa unang babaeng unang niyang minahal. Wala ako, sa itsura, sa pera, lahat wala. Hindi ko makakayang makipag sabayan sa kanya kung 'yan ang mga kailangan. Napahinga ako ng m
Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang
Patuloy lamang sa paghalik sa akin si Michael habang papasok kami sa kanyang opisina. Mabuti na lang talaga at wala rito ang masungit niyang sekretarya kung hindi ay malamang nakita na niya ang kung ano mang aming ginagawa. "L-late na tayo sa meeting," sabi ko habang pilit na hinahabol ang aking paghinga. "F*ck meeting!" bulong naman niya bago ako muling hinalikan sa labi. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi hayaan siyang gawin ang gusto niyang mangyari. Palalim ng palalim ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa hanggang sa tuluyan na naming naabot ang kanyang opisina. Sa bilis nang naging pangyayari, heto na kami ngayon at magkatabi sa kama. Pareho kaming pagod at hinahabol ang paghinga. Marahan akong ngumiti, ngunit ang ngiting 'yon ay kaagad naawala nang isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Flashback Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa k
Redenn's POV "Where are they?" naiinis ng tanong ng isang board member dito sa loob. Napahinga naman ako ng malalim. Nasaan na nga ba ang dalawang 'yon? "Pst. Nag-text ba sa iyo si Michael? Missing in action na naman silang dalawa," bulong sa akin ni Tyron matapos niya akong kalabitin. Napakibit balikat naman ako. "Hindi, eh. Alam ko tuloy na ang meeting ngayon," sagot ko naman bago ako napatingin sa paligid. Kanina pa dapat nakapag simula ang meeting at introduction ni Michael kay Renice. Pero ni-isa sa kanilang dalawa ay walang sumasagot sa kahit anong tawag at messages namin ni Tyron. "Tsk. Pasaway rin talaga 'tong si Michael. Pero never niya naman ginawa ito before, right? Simula lang noong nakilala niya si Renice," sabi naman ni Tyron bago luminga sa paligid. Gano'n na rin naman ang ginawa ko. Taong mapagpahalaga sa oras si Michael, kaya hindi ko alam na magagawa niyang magsayang ng oras lalo na kapag involve ang S
Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko. "I am certain that they are. B
"AAAAAAHHHHH!" malakas na sigaw ko nang makapasok na kami ni Michael sa loob ng kanyang opisina. "Tss. You are being too loud again," sabi niya habang hawak ang dalawa niyang tenga at naglalakad papalapit sa kanyang lamesa. Napanguso naman ako bago ako nakangiting naglakad papunta sa gawi niya. Nakaupo na siya ngayon sa swivel chair niya habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Natutuwa ako sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko kasi kahit papaano ay maganda naman ang naiwan kong impression sa mga board members kanina. "Natutuwa ako kasi parang ang galing ko kanina," sabi ko habang nakangiti. Hindi ko alam kung tama ang mga pinagsasasabi ko kanina, pero pakiramdam ko naman naipakita ko ang gustong ipakita ni Michael sa mga board. Hindi naman kumibo si Michael. Bahagya niya lamang iminulat ang kanyang mga mata. "You did very well," biglang sabi nito sa akin bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Napa
Nakatayo ako ngayon dito sa sala ng bahay ng mga magulang ni Michael. Nandito pa rin kami at hindi pa umaalis. "Tuloy pa rin ba training ko? Bakit parang 'di naman tayo nag-ti-training?" sabi ko bago ako naupo sa sofa na nasa aking harapan. Hindi naman kumibo si Michael. Nanatili lang siyang nakatayo sa doorway habang sumisimsim sa hawak niyang baso na may lamang kape. Napanguso naman ako. Pansin ko kanina niya pa ako hindi pinapansin. Gusto ko ng malaman kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip niya. "Michael?" pagtawag ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kagabi pa siya ganito. Simula kasi nang sabihin ko sa kanya na sigurado akong nawawala ang folder, at naiwala ko 'yon no'ng araw na na-kidnap ako, hindi na siya kumikibo. Parang napakalalim ng kung ano mang iniisip niya. "Michael?" pagtawag ko muli bago ako naglakad papalapit sa kanya. Patuloy ako sa paglapit sa kanya. At nang tuluyan ko ng naisara ang pagitan naming dalawa
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Michael habang sabay kaming naglalakad. "You will going to know later. For now, shut your mouth, and stop blabbering," sagot naman niya bago ako mabilis na nilingon. Agad namang napakunot ang aking noo matapos nang aking narinig. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Minsan sweet siya, pero madalas hindi ko talaga maintindihan ang ugali. "Ewan ko sa iyo," sabi ko na lang bago ako napaismid. "Why are you so fussy?" nakakunot noong tanong naman niya sa akin. "Ayaw mo kasi sabihin kung saan tayo pupunta. Nakakabaliw kaya mag isip ng mag isip," sagot ko naman bago ko siya tinaasan ng kilay. Nakita ko naman ang lihim na pag ngiti niya sa akin. "Do you remember your first night on my house?" biglang tanong nito. Natigilan naman ako bago ko siya nilingon. "Alin doon?" nagtatakhang tanong ko. Natawa naman siya. "Lahat 'yon," biglang sabi naman niya.