ISANG LINGGO na mula nang dalhin ako ni Ryland sa museum. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. He's really a busy person. Hindi pa rin siya pumapasok sa university and that makes everyone think that he's on a leave.Si Ms. Aisha naman, napapansin kong sinusubukan pumunta sa seventh floor but unfortunately, may harang sa hagdan at hindi rin gumagana ang elevator. Ano naman kaya ang kailangan niya roon? Is she even authorized before? Sa pagkakaalam ko ay si sir Chase pa lang ang nabibigyan ng pahintulot.And speaking of this crazy professor. Palagi ko siyang nakakasalubong o nakikita sa campus and he would always give me a derisive look and a playful smile. He's totally creeping the shit out of me sometimes when he do that. Tinutukso niya kasi ako sa pagpapakasal sa kaibigan niya at ang lakas pa ng boses. Nababahala ako palagi na baka may makarinig kagaya ngayon..."So ano meron na ba?" Tanong nito."Anong meron?""A baby! Ano na? Kailan ako magiging ninong!?"Umawang ang aking b
THE 30 minutes nap was a scam for the both of us. Nakatulog ako and now I am very late in our class."Ryle gising..." I tapped his cheek making him stirred on his sleep."Wake up please." He really needs to wake up dahil hindi ako makabangon dahil sa bigat niya."Ryle, come on!" Niyugyog ko ang braso niya at naramdaman ko naman ang pag-angat niya ng tingin sa akin with his eyes half-closed. I have to admit, ang gwapo niya kapag bagong gising."What?" He groaned. "I have to go, ang bigat mo!" Reklamo ko sa kanya na sinagot lamang niya ng mahinang tawa bago muling sinubsob ang muka sa aking leeg."Mamaya na,""Ang sabi mo 30 minutes lang, anong oras na!?" Inis kong wika.I felt him stiffened, then slowly, he put a little distance between us. Enough for me to finally sit on the bed."Are you mad?" Mahina niyang tanong nang makabangon. Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil sa kanyang tanong. There was sadness in his eyes making me feel guilty.I sigh as i brush his hair up. "I'm not,
I COULD feel the soft fabric pressing against my temple, down to my cheek, and neck. I got even sweater with his hot stares. I have to remind myself that he's just being a good friend. Friend?Friends don't kiss.But we're not lovers either. We're married, yes. That's all that really binds us together. Nothing else.I mentally slapped myself. I shouldn't be thinking any of these. Mahina kong tinabig ang kanyang kamay at nilabanan ang kanyang titig."Salamat, pero kaya ko na 'to," I smiled, trying to make the awkward feeling disappear. Kumuha ako ng sariling panyo sa aking bulsa at saka tumayo, iyon ang ginamit kong pampunas. I anticipated that I'd be bathing with sweat today kaya nagdala talaga ako. Tumayo na rin siya at nagpakawala ng buntong hininga. "Dad's inviting us for dinner later," he informed."A-ah, pupunta ka?" Tanong ko rito."If you're not busy," Umiling naman ako kaagad. "Hindi naman, pero ikaw ang bahala,""We're going then," he said muttered. I stayed inside his of
HE WAS hugging me softly. Ako naman ay natuod sa aking pwesto, contemplating if I should return his hug or just let him. But in the end, mas pinili kong kumawala."Come on, we're running late, I need to dress up," mahina kong bulong.Humiwalay naman siya. Mabuti at hindi pala ako ganoon karupok.Sa huli ay kumuha na lang ako ng beige na dress. Iyon na ata ang pinaka-conservative kong damit.I really don't have a problem wearing sexy dresses, I can wear whatever I want, pero depende lang talaga sa mood. HAWAK NI Ryland ang kamay ko habang papasok kami sa restaurant kung saan naghihintay ang ama at kapatid niya.Not long after, nakarating kaagad kami sa table. His brother, Renz, spotted us first. He smiled at me widely kaya ngumiti rin ako."Sa wakas nandito na kayo! Makakakain na ako!"Natawa ako sa naging turan nito. Si tito Miguel naman ay nabaling ang atensyon sa amin."Hey dad," bati ni Ryle sa ama."Good evening po tito," "Good evening, please sit down both of you." I could see
"SAAN KA?" "Kahit saan basta wala ka," sagot ko sa tanong ni Kevin.Tapos na ang dalawang subject namin at lunch break na. Kagaya ng gusto ni Ryland ay doon ako dumediretso sa opisina niya para mananghalian. Isang linggo na rin ang lumipas simula noong gabing iyon. Nahimasmasan din naman siya sa inis niya at pinili na lang matulog habang yakap ako ng mahigpit."Ikaw ah! Iniiwasan mo ako noh?" Sumunod pa rin ito sa akin."Pasensya na kung masyadong halata, nasusuka lang talaga ako sa muka mo," "Hala, ang sama ng ugali nito. Nagbago ka na nga..." I can't help but roll my eyes dahil sa kadramahan niya.Pinanlakihan ko ito ng mata dahil talagang may panguso-nguso pa. Akala niya talaga bagay sa kanya."May pupuntahan pa nga kasi ako,""Saan nga kasi? Sama ako, sige na!" Pangungulit pa nito. Kaunti na lang ay masasapak ko na ito.Ito ang dahilan kong bakit ako nahihirapang um-oo kay Ryland. Sobrang hirap kasi makawala sa radar ng bwisit na ito. Si Sean pa lang kasi ang nakakaalam pero w
I NEVER thought that such story could really happen in real life. I was left dumbfounded. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin.Growing up, I always do my best to satisfy my parents. Pero kahit kailan ay hindi magagawa ang ginawa ni Beatriz. Everyone thought that she's an angel sent from above. She has this charming personality when she faces someone. However, I always knew that there was something behind it but I didn't know that it could be this dark.Maybe she loved his father so much that she couldn't endure seeing him behind bars. But he was a murderer. He killed life. What he did was unjustifiable and neither Beatriz nor anyone can ever bail him out of his offense.Her, doing anything to get her father out of his mess— is something that binds her with depravities. She's no different from him. Samantalang ang ama ni Kev, he couldn't uphold what once called his "honor". Nagpa-uto rin siya, at ngayon ay imposible nang makamit ang hustisya."Kev... sino ang pinatay ng a
ILING-ILING akong tinignan ni Ryland habang kumakain. He is slouching in the chair in front of me. Kanina pa rin siya pangiti-ngiti na parang nasisiraan ng ulo kaya tinignan ko ito ng masama. Sa huli ay isang mahinang tawa lang ang natanggap ko.Inaya ko siyang pumunta rito sa 7/11 nang makaramdam ng gutom kanina. Actually, nag-volunteer siya na magluluto na lang o magpapa-deliver dahil gabi na pero ako itong nagpumilit lumabas.Pareho pa kaming nakapantulog na damit."Why are you smiling? Kanina ka pa ah!" Naiinis kong daing dito."Nothing, I just find you really cute," nakangiti pa nitong sagot.My face heated. Bahagya pa akong nagulat sa sagot na iyon. He could really pull such words."Ang lakas mong umayaw kanina nung pinapakain kita. Gugutumin din naman pala," dagdag nito na siyang nagpa-ikot sa aking mga mata."Ayaw mo ba kumain? Ang dami mong sinasabi d'yan,""Nope, just finish your food so we could go home after, kailangan mo nang matulog,"Saglit akong tumingin dito bago nagp
IN MY 23 years of existence, I've only fell once with someone. After my first heartbreak, I swore to myself that I will never love someone again. Mag-isa kong hinarap lahat ng sakit. Mag-isa akong naghilom.It has been 2 years since my ex-boyfriend left me and it so hard for me to let him go. Pero ayaw kong maging selfish. I don't want to put us in a situation where we call our relationship an illicit affair. Alam niyang ipapakasal ako ni lolo sa iba. Sinabi ko kaagad ang bagay na iyon nang umamin siya sa akin. Despite the fact that I'll get engaged with someone else, hindi pa rin siya tumigil. He made me feel special, he gave me the love I never had. I've always known that we won't last, pero minahal ko pa rin. Hanggang sa dumating na nga iyong panahon na kailangan na naming kalimutan ang isa't isa. After going through the pain, my wounds finally closed in conjunction of loosing my hope of finding love once again. But look where it lead me. Right now, I am revolving in an ironic s
I HAVE been receiving punishments for three days straight now. Tatlong araw na niya akong hindi tinitigilan. Pinagpapasalamat ko na lang na nakakalakad pa ako.Kahit saan ako tumingin ay naaalala ko kaagad ang pinanggagawa namin. Lahat na ata ng parte ng penthouse ay nabinyagan na namin."You still can walk, huh?" Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ang kanyang boses. Ayan na naman siya. Ang aga naman niyang umuwi, hindi ko na kaya. Tatlong araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho, ngayon lang siya umalis dahil importante talaga yung pipirmahan niyang files sa opisina. "H-hi! Haha ang aga mo naman umuwi, ayaw mo ba gumala? Alis ka muna ulit." Tumawa ako nang pilit. There is no doubt that I look stupid right now but I really have to save my self, especially my precious pearl down there and my ability to walk.He continue walking towards me at natawa pa nang pinilit kong umatras. "Relax, baby. I just want my kiss," Tuluyan na itong nakalapit sa akin at kaagad a
TINALIKURAN KO ulit siya. I don't want to argue with her. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang kanyang mga mata dahil bukod sa nasasaktan din ako ay, umaasa rin ako... I am hoping na may ibig sabihin ang sakit sa kanyang mga mata.What I didn't expect was the next thing she said. "I love you, Ryle. I love you so much. Matagal ko nang nakalimutan si Tyson. Pero ikaw, mahal na mahal kita... so please... don't turn your back on me... ayusin na natin to please... miss na miss na kita, mahal ko,"Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. I've only seen this in movies. Hindi ko akalaing titigil talaga ang mundo ko, kabaliktaran sa pagbilis ng tibok ng aking puso.I have been waiting for this. This is all I wanted to hear. Natakot ako na anytime ay babalikan niya ang kanyang dating nobyo dahil inakala kong wala siyang nararamdaman para sa akin. But now... I finally heard her say those words.Hindi ko mapigilang maluha. My wife loves me...She l
Ryland MorrisonI HAVE never been so scared before. Until the fierce and independent Heira Levesque came into my life. We didn't started really well but the moment I saw her, I knew she's going to be my downfall someday. At muntik ko na nga iyung malasahan nang bumalik ang kanyang ex. Jealousy immediately consumed like fire spreading in the wild. My mind was definitely in chaos. I coud not think straight. And the only thing that comes into my mind is her, leaving me for good.Just thinking about it makes me so scared already. So when I saw her bastard ex boyfriend kissing her in the hotel, I have lost my mind.Right at that moment. I didn't care if he will die in my hands or not. I was so fucking mad. Who the hell does he think he is to kiss my wife like that. My wife is mine and mine alone. No one can steal her from me. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na nandoon si Heira para pigilan ako o hindi. Because right after I satisfied myself beating that punk... my wife suffere
AKALA KO okay kami. Or at least, maaayos namin ang problema pagkatapos ng insidente roon sa kompanya niya. He seems normal to me that time. I mean... bumalik yung pagiging sweet at maaalalahanin niya. But I was wrong. He became distant again after that day. He just made sure na hindi talaga ako nasaktan ang I feel happy about it, but at the same time ay hindi.Isang linggo na ang lumipas. Mas lalo siyang naging busy sa kompanya at ako naman ay naging abala sa finals. Natapos ko rin naman yung mga dawat pag-aralan at gwin and I was really thankful that it turned out well. Huling araw namin ngayon sa Laurent bago ang semestral break. Hindi na rin pumasok si Ryland pagkatapos ng trip namin."Hey..." Itinaas ko ang paningin ko sa bagong dating na si Sean. Medyo matagal-tagal ko na rin itong hindi nakikita pero hindi ko naman siya nami-miss. Mas mabuti nga iyon dahil nababawasan ang gulo sa buhay ko."Ayos ah, tinatawagan mo na lang ako kapag problemado ka pero kapag masasayang bagay yu
BALAK KO na sanang umalis doon at i-text na lang si Ryland nang maagaw ng isang matangkad na babae ang pansin ko. She's wearing a red dress na hapit na hapit sa kanyang katawan at sobrang ikli. Nakasuot din ito ng itim na heels habang tila isang modelo na rumarampa papalapit dito."Is he here?" Ito kaagad ang kanyang bungad sa front desk. Tumabi naman ako ng kaunti."Si Sir Morrison po ba?" Tanong ng babaeng staff."Obviously, who else would I want to visit here?" Maarte nitong tugon.Is he one of those women the staff mentioned earlier? Her face is familiar and I think I've seen her in television. Is she a model or something? Pero kahit ano pa siya, wala akong pakialam. Ang gusto kong malaman ay kung bakit binibisita niya ang asawa ko."May appointment na po ba kayo?" "Pwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko!? Why are you asking unnecessary things!?" She shouted. Napataas naman ang aking isang kilay sa kanyang inakto. The staff is asking her politely yet she's acting that way
RINIG KO ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kinaumagahan. Kung hindi ako nagkakamali ay kasalukuyang naliligo si Ryland doon. Mabilis naman akong bumangon at inayos ang aking sarili bago bumaba sa kusina. Malinis na ang island counter. Wala na rin yung mga pagkain na inihain ko rito kagabi. Nag dinner na siya kaya baka itinapon na lang niya. Para namang kinurot ang dibdib ko nang maisip iyon.Binilisan ko ang kilos at nagsaing ng kanin. Nagprito rin ako ng itlog, bacon, at saka manok. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Hanggang ngayon hindi ko alam ang gusto niyang timpla ng kape, ang sabi lang niya noon ay iinumin niya kahit ano, kaya iyung gusto kong timpla na lang ulit.Tinapos ko na agad ang paghahain nang marinig ang kanyang mga yapak. Pinagmasdan ko siyang bumaba sa hagdanan hanggang sa dumapo ang tingin niya sa kusina.His eyes were still cold and empty. Nginitian ko siya nang lumapit siya sa aking direksyon pero hindi niya ako pinansin. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng ma
AFFECTION IS one of the things I've been avoiding. I never felt it from my parents. But when Tyson came, panandalian kong naramdaman iyon. Hindi ko alam na babalik pa ang pakiramdam na iyon. After years of waiting, I never thought I'd be able to feel it for someone again.Hindi ako sigurado kung paano magmahal. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. But I'll try my best to make my husband feel my affection towards him. I just hope it's not yet too late."I love her and I'll take the risks of it... even if it includes not getting the same affection from her..."Bigla siyang tumayo at umalis pagkatapos iyung sabihin. Kumuyom ang kamao ko. Now that I heard him say those words clearly, ayaw kong palampasin ang pagkakataon. Tumayo ako para sundan siya. Hindi man lang sumagi sa isip ko ang magpaalam kaya nasita ako ni Prof Alvarez. "Ms. Levesque, where are you going?" Lumingon ako sa kanila. My mouth opened to tell them my reason pero hindi naman gumana ang utak ko kaya natikom ko
I KNOW he couldn't believe what he just heard from me. Bakas iyon sa ekspresyon sa kanyang muka. I may look insensitive for telling him that straight to the point but I must tell him right away. Ayaw kong umasa pa siya. "W-What? H-How?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. Inilabas ko ang aking kwintas na tintago ko sa aking damit. I showed him its pendant... my wedding ring."It's been a few months already, Ty. I got married... I married the man my grandfather wanted to." Mahina kong sagot dito.Napaatras siya kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. He gulped. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero tila hindi niya mabuo ang kanyang salita."I'm sorry..." iyon na lang ang nasabi ko. I feel sorry for the pain I've caused him."P-Pero nandito na ako... I promised your grandfather. I promised to work hard to be deserving of you... para ako na lang ang piliin niyang ipakasal sa 'yo," garalgal nitong wika."Ikaw lang palagi ang nasa isip ko habang nagsisikap... Ito na ako,
GAYA NG anunsyo ni prof Alvarez kahapon ay maaga nga kaming pinaghanda. 30 minutes before the time ay dumating na iyong bus na sasakyan. Ngunit hindi gaya noong unang araw, dalawang bus na lang ang ipinadala ngayon. Kaya ang mangyayari ay punuan na ng sakay.Sobrang tagal kong nakatulog kagabi kahit na pagod na pagod ako. Maybe because my brain can't stop thinking a lot of things. Kaya ang nangyari ay nahuli akong gumising. Mabuti na lang at naisipang dumalaw ni Kevin at binulabog ang umaga ko. Huli pa rin akong nakapaghanda pero umabot din naman kahit papaano. Iyon nga lang ay isa ako sa huling sasakay ng bus. Ibig sabihin ay pahirapan na sa paghahanap ng upuan lalo na at maraming dalang gamit ang iba. Napabuntong hininga na lang ako. Ngunit akmang aakyat na ako sa bus nang may tumawag sa pangalan ko. Boses pa lang ay alam kong si Tyson iyon. What the hell is he doing here again? Kasama pa rin ba sa susunod na site?"Heira, I think the bus is already full, sa akin ka na sumabay par