Galit ako kay Gabriel pero, galit rin ako kay Kuya Achilles.Galit na galit ito habang nakikipagpalitan ng maanghang na salita kay Gabriel, at ang asawa ko naman ay tila chill lang.Nawindang ako sa dalawang ito na parehong matigas ang mga ulo.Hindi ko alam kung paano nangyari na sila na ang magkaaway ngayon ng asawa ko.Isang isla na pagmamay-ari ng mga San Gabriel ang lugar na pinagdalhan sa amin ni Gabriel.Hindi ito pumayag na bumalik kami ng Romania, si Kyros ay walang nagawa kundi ang sumama sa amin.Ito pa nga ang nag-report kay kuya na hindi kami matutuloy sa makalawa sa flight namin ng mga kapatid ko.May mga passport na ang mga ito na mabilis lang nagawa ni Kyros.Pero nalaman ni Gabriel na uuwi na kami sa Romania at nag-away kami at ito napilitan ako na sumama dito at ang mga bata.“I know you have all day to mad at me my wife, pero hindi ako papayag na umuwi kayo sa inyo ng ganon lang.“ Sabi nito kaya tinignan ko ito ng masama.“Nakapag-usap naman tayo tungkol dito diba?“
Impit na iyakan ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon kung na saan ang ama ni Sonata na nag-aagaw buhay.Napakasakit para sa kanya ang unti-unti nitong pagkawala at wala siyang magawa kundi ang yumakap ng mahigpit sa pinakamamahal na ama."Sonata anak ko..." Pilit na nagsalita ang kanyang ama kahit hirap na hirap na ito pinilit niyang tumingin sa ama, ang kanyang ina at mga kapatid ay iyak rin ng iyak at nakayakap ng mahigpit sa aming ama."Tay..." Nakita niya ang ama na itinaas ang kamay nito kaya agad niya itong inabot at hinalikan ng mahigpit at impit na umiyak."I-kaw...na ba-hala sa mga...ka-patid mo...at sa na-nay mo." Napatango siya habang pinipilit na sumagot sa ama."Ma-hal na ma-hal...ko kayo..." Mahinang muling sabi ng ama niya."Mahal na mahal rin kita tatay, mahal na mahal kita..." Bulong ko at kahit hirap ako na magsalita ay nagawa niyang magsabi sa tatay niya kung gaano niya ito kamahal.Ang mga sumunod na sandali ay ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso n
Magtatlong linggo na ako dito sa mansion ng mga San Diego at lahat ng kasama ko rito ay mababait at kasundo ko na.Madalas tumawag si nanay para kumustahin ako kaya hindi na ako nalukungkot, nandito naman si Tiya Pining kaya hindi na ako umiiyak sa gabi.Miss na miss ko na kase si tatay at sariwa pa sa akin ang pagkamatay nito, pero dahil sa tulong ng mga kasamahan ko dito ay nababawasan na ang lungkot ko.Bukas ay darating na ang anak ng amo namin at hindi ko maiwasan na hindi kabahan lalo na at sabi ni Carla ay masusungit ang mga ito.Sampung taong gulang na ang kambal pero hindi naman ito ganun kasungit hindi tulad ng kanilang ama na lahing pasan ang mundo dahil ni minsan ay hindi raw nila ito nakitang ngumiti man lang, at ang mas hindi nila nagustuhan ay kasama ng mga ito na uuwi dito ay ang asawa ng ama ng amo namin.Step-mother raw pala dahil pangalawang asawa na ng ama ng amo namin ang babaeng iyon at nag-aastang may-ari ng bahay na ito.Mukhang may problema ako kaagad kapag na
Napamulat ako ng mga mata ng tumunog ang alarm clock ko kaya napakamot ako ng ulo at nagtalukbong ng kumot ko."Ano ba Sonata yang alarm mo." Narinig ko na reklamo ni Carla kaya napilitan ko itong kinuha at pinatay.Napamulat ako at napakamot na lang ng ulo, antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog marahil ay alas-tres na ng madaling araw ay gising pa ako."Maliligo ka na ba?" Tanong ni Carla na may hawak na tuwalya kaya inaantok ko siyang tinitigan."Sige na ikaw na muna." Sabi ko sa kanya kaya pumasok na ito sa banyo kaya napakamot ulit ako at muling pumikit.Panay ang hikab ko habang inaayos ko ang mga plato dito sa mahabang lamesa."Grabe ang antok mo Sonata." Napatignin ako kay Ate Yoly na inilapag sa gitna ang umuusok na sabaw.Naamoy ko ito at pakiramdam ko ay gutom na gutom ako."Ate may sabaw ka pa na natira?" Bulong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nakangiti na tumango."Opo meron pa tinirhan kita." Sagot niya kaya napangiti na rin ako at inayos ng mabuti
Nagising ako bigla at napaunat at napamulat bigla ng maalala ko na nandito pala ako sa opisina ng boss ko.Napatingin ako sa paligid at nagulat ako na kama na ang kinahihigaan ko kaya napabangon ako.Anong ginagawa ko dito? Ito agad ang tanong ko sa sarili ko at napatingin ako sa paligid ulit.Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko agad si Sir Gabriel na nakatingin sa akin."Gising ka na pala." Sambit niya kaya napatingin ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama ko."Pasensya na po at nakatulog ako." Bulong ko agad at napahawak ako ng mahigpit sa kama."Bumangon ka na para makakain na tayo ng tanghalian." Sabi niya kaya napatingala ako sa kanya at tumango na lang kahit nagtataka pa rin ako.Lumabas na siya ng silid at bumangon na malamig kaya napahawak ako sa braso ko.Isang pinto ang nakita ko at marahil ay ito ang banyo kaya lumapit ako dito at binuksan ko.Banyo nga ito kaya pumasok ako at napakabango amoy lalake, amoy ng gwapo kong amo kaya napangiti ako.Umihi lang ako at na
Hindi talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko dahil lang sa isang halik ay nawalan na akong makatakas sa ganitong sitwasyon. Napahawak pa ako sa labi ko na pakiramdam ko ay namamaga na dahil hindi ito tinigilan na halikan ni sir ay mali pala Gabriel ito ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Hindi na sir o boss basta tawagin ko na lang raw siya sa pangalan niya na kahit malaki ang tanda niya sa akin ay gora lang. Oo nga pala thirty years old na pala ang amo ko at ako ay nineteen pero okay lang raw iyon sabi niya. Sampung taon lang naman ang tanda niya sa akin pero sa probinsya namin ay napakalaking agwat na iyon dahil hindi iyon normal. Hays napatayo ako dito sa sofa at napatingin sa paligid saka ko kimuha ang ballpen at notebook ni Gabriel dito sa ibabaw ng lamesa niya. May pilyo akong naisip kaya umupo ako dito sa upuan niya napatawa ako dahil wala naman akong naramdaman ng umupo ako dito. Upuan raw ito ng CEO at naalala ko ang sabi ni Carla na trono raw
Nakangiti ako habang tinatanaw ko na naglalaro ng badminton ang kambal dito sa garahe.Hawak ko ang dalawang towel nila dahil pinupunasan ko ang mga pawis nila kapag nagpapahinga.Dalawang araw na rin mula ng makasama ko si Gabriel napakalambing nito kapag kaming dalawa lang, pero kapag may ibang kasama na kami ay malamig na ulit siya.Naalala ko ang sagot niya sa tanong ko at napahinga ako ng malalim.Bakit niya kailangan na protektahan ang sarili niya laban sa ibang tao? Ito ang hindi ko makalimutan dahil palaisipan pa rin ito sa akin."Sonata!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Madam Cynthia kaya napatingin ako dito."Yes po ma'am?" Tanong ko dito at humarap sa kanya bigla niyang tinapon sa akin ang isang blouse kaya nagulat ako."Anong ginawa mo diyan? Bakit may mantsa at mabaho!" Sigaw nito kaya natakot ako sa ginawa niya."Ma'am hindi naman po ito ganito nong nilabhan ko." Katwiran ko sa kanya kaya lumapit siya sa akin at bigla akong tinulak kaya napaupo ako."Boba ikaw ang naglalab
Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.Naabutan ko si tiya at Carla na naglulu
Galit ako kay Gabriel pero, galit rin ako kay Kuya Achilles.Galit na galit ito habang nakikipagpalitan ng maanghang na salita kay Gabriel, at ang asawa ko naman ay tila chill lang.Nawindang ako sa dalawang ito na parehong matigas ang mga ulo.Hindi ko alam kung paano nangyari na sila na ang magkaaway ngayon ng asawa ko.Isang isla na pagmamay-ari ng mga San Gabriel ang lugar na pinagdalhan sa amin ni Gabriel.Hindi ito pumayag na bumalik kami ng Romania, si Kyros ay walang nagawa kundi ang sumama sa amin.Ito pa nga ang nag-report kay kuya na hindi kami matutuloy sa makalawa sa flight namin ng mga kapatid ko.May mga passport na ang mga ito na mabilis lang nagawa ni Kyros.Pero nalaman ni Gabriel na uuwi na kami sa Romania at nag-away kami at ito napilitan ako na sumama dito at ang mga bata.“I know you have all day to mad at me my wife, pero hindi ako papayag na umuwi kayo sa inyo ng ganon lang.“ Sabi nito kaya tinignan ko ito ng masama.“Nakapag-usap naman tayo tungkol dito diba?“
I saw how Xanty satisfied face, while puting Gustavo in elictric chair.Nanonood lang ako habang humihiyaw ang matandang ito, hindi pa ako nasisiyahan sa nangyayari dahil kulang pa ito sa mga kasamaan na ginawa nito.While Crisanta is in isolation room, pinalagyan ni Xanty ng mga ahas at daga ang kwarto na malayang gumagapang sa loob.This is what they do to my wife before, ang lagyan ng mga hayop sa silid na pinagkulungan nito sa asawa ko.I remember how my wife is trembling while shouting, sinabi nitong lahat ang mga ginawa ng babaeng ito sa kay Sonata.Kung paanong sa loob ng dalawang buwan ay ginawa nilang impyerno ang buhay ng asawa ko.They killed our son too, at wala akong ibang hinangad kundi ang iparamdam rin sa kanila ang ginawa ng mga ito kay Sonata.“It's been a while since i torture human being.“ Nakangisi na turan ni Xerxes na nasa tabi ko.Napailing lang ako dito at napaupo na lang, hinilot ko ang kaliwa kong binti dahil nakaramdam ito ng pamamanhid.“Do you think na ma
Kinabukasan ay kasama na namin si Sirone na umuwi, malungkot ito dahil naghiwalay sila ng mga naging kaibigan na nito.Ang ilan sa mga ito ay kinuha na ng mga pamilya ng mga ito na matagal na silang hinahanap, including Lian na ayaw sumama sa ama nito.I saw how she struggle in his fathers grip, binantaan ko pa nga ito na kapag may nangyaring masama ulit sa anak nito ay ako na ang kukuha dito.Nakita ko kung paano ito mapakunot ng noo at matapang na nagtanong kung sino ako.When Xanty told the man who am i, bigla itong natigilan.Sinabi ba naman ni Xanty dito ang buong kong pangalan, it was Sonata Ryme Cortessi Rosenthal San Diego.“Nakakatawa yong mukha kanina nong Seymore, maging ako ay hindi makapaniwala na ikaw ang nag-iisang prinsesa ng mga Cortessi.“ Narinig ko sa headphone ang boses ni Leon.“Kahit ako rin nagulat sa sinabi ni Xanty.“ Wala sa loob ko na sabi dito kaya tumawa lang si Xanty na nasa kabilang linya rin.“Kung hindi kita pinakilala sa taong iyon ay baka, pinaglalama
Agad kaming pumunta sa hospital kung nasaan si Sirone, at nakaabang na sa amin si Xanty at isa pa na lalaki na nakasalamin.“Where is he?“ Tanong ko dito kaya inalalayan ako ni Xanty na makapasok sa loob.Naiwan namin sa bahay sina Gabriel, at si Kyros lang ang kasama ko.Ayaw pumayag kanina ni Gabriel pero nakiusap ako dito na kami na lang ang babyahe ni Kyros.Isang pribadong kwarto ang pinasukan namin at agad akong napalapit sa isang batang lalaki na nakahiga dito at walang malay.“Sirone, ang kapatid ko.“ Bulong ko sabay yakap dito.“Buti na lang naabutan namin yong barko na magdadala sa kanila sa Davao, diretso sila ng Sulu at papunta ng Malaysia.“ Kwento ng lalaki na nagpakilala na si Leon at kaibigan rin nina Gabriel.“Kung nahuli pa kami ng ilang minuto ay baka hindi na namin sila naabutan, pero pwede kaming mauna sa Davao para mag-abang doon pero hindi namin alam kung idadaong pa sila doon.“ Sabi naman ni Xanty na nakaupo sa sofa na nandito sa kwarto kaya napatingin ako dito.
Kabado ako dahil ngayong araw darating ang kambal na dito na rin pala pina-diretso ni Gabriel.Sinabi na rin namin kina Samuel na uuwi na rin ang kambal, si Selia ay agad na naalala si Anthony at Angelo at umiyak pa ito kanina.Naalala ko ang sinabi ko kay Gabriel kasama sa mga sinabi sa akin noon ni Alina.Ang kambal ay hindi totoo ang edad na binigay niya kay Gabriel noon.Bago pala gawin ni Crisanta at Rhodora ang pag-setup noon kay Gabriel at Alina ay buntis na ito.So ang totoong edad at birth certificate ng kambal ay mas matanda sila ng isang taon kaysa sa oras na akala ni Gabriel ay nabuntis niya ang babae.Wala talagang nangyari sa dalawa noon nakatulog si Gabriel at hindi ginawa ni Alina ang utos ni Crisanta noon.Isang taon ang tanda ng kambal kay Selia, at hindi ang kapatid ko ang mas matanda sa kambal.Peke rin ang pinagawang birth certificate ni Gustavo noon sa kambal, basically ginawan nila ng pekeng pagkakakilanlan ang kambal para accurate ito kay Gabriel.“Excited ka n
Bigong mahanap nina Xanty si Sirone, ang mga taong may hawak o umampon raw dito ay wala na sa lugar na sinabi ng impormant nila.Sa ngayon ay hinahanap pa rin nila kung na saan ang pamilyang may hawak sa kapatid ko.Naging maayos ang mga nakaraan namin na araw, hindi na awkward sa isa't isa si Olivia at ang asawa ko.Magaan na rin ang pakikitungo nila sa isa't isa, yon nga lang ay si Kyros ang problema.Talaga ngang may gusto ang lalaki dito pero harapan itong sinabihan ni Olivia na wala itong panahon sa pakikipag-boyfriend.Abala ito sa trabaho nito at sa mga kapatid ko, napapatawa pa rin ako dahil alam ko na nasaktan si Kyros sa sinabi nito.But that man is serious of courting Olivia kaya napailing na lang ako.While preparing our dinner tonight, tumawag si Kuya Achiles kaya kinabahan ako.Hindi ito basta tatawag ng walang magandang balita, almost one week since we found Samuel and Siena.Bukas ay pwede na namin dalhin sa ospital si Siena para ipatingin sa ophthalmologis ang mga mat
Pinapanood ko lang si Via habang kinakausap si Selia at Siena, she's starting now to talk to my sister.Nakaabang lang ako at mukhang maganda ang nagiging progreso ng dalawa.Dalawang araw na rin mula nong makilala ko ito at napakabait nito, yon nga lang medyo reserve pa rin.Xanty said that Olivia is working in navy seal before, nang maaga raw itong nagretire nag-aral ulit ito bilang child therapist.Para sa akin ay nakaka-proud and pinili nitong larangan.Kaya pala kilala ito ni Kyros dahil minsan na pala nitong nakasama ang babae sa misyon nito sa Iraq.“I see their little progress, by the way i want you to know that Siena has past trauma that i need to know so bad.“ Simula nito na napatitig sa akin kaya napatango ako.“Yeah, Samuel told us about it.“ Bulong ko kaya napatango ito at napatanaw kina Siena.“Don't worrt to much unti-unti ay gagaling rin sila, Selia will talk again.“ Nakangiti nitong turan at nakita ko ang pagtingin nito sa asawa ko na tinabihan ako dito sa sofa.May i
Naghihintay ako kay Gabriel na medyo natagalan ang pagbabalik.Its been three hours now since he left, and i am kinda nervous now.Nakaupo ako dito sa sala at maya't maya ang tingin ko sa orasan, nakailang lipat na rin ako ng palabas sa telebisyon pero wala pa rin sina Gabriel.I don't want to call him, because i don't have his number yet.Dito naman lumabas sa kwarto nito si Kyros na naka-pajama na at naka-t shirt na itim.Napatingin ito sa akin at tinignan ang orasan saka ito pumunta sa kusina, napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Kyros.Pero pagbalik nito ay may dala na itong isang tasa ng tsaa at nilapag sa mesa ko.“Nakatulog na si Samuel, ikaw bakit hindi ka pa natutulog?“ Tanong nito kaya napatingin ako dito at napatitig sa tasa na nasa harap ko.“I am waiting for him.“ Bulong ko kaya napahinga ito ng malalim at napailing.“Makikipagbalikan ka na ba sa asawa mo?“ Tanong nito kaya napatitig ako dito at dahan-dahang tumango.“I found something ab
Habang nakatitig ako sa asawa ko at sa mga kapatid nito ay hindi ko mapigilan ang galit ko.Anong karapatan ng mga taong iyon para saktan ang mga batang inosente na ito.Selia, has a trauma, she cannot speak kaunting kalabog lang ay nagpa-panic na ito.Si Siena ay tuluyan nang nabulag, dahil sa isang aksidente ay naapektuhan ang mga mata nito.While Samuel who did everything to protect his siblings, he work day and night para makakain silang magkapatid.“Hindi ako makapaniwala na ganito ang naging buhay ng mga kapatid ni Sonata, ginawa nilang miserable ang buhay ng mga inosenteng bata na ito.“ Turan ni Ken habang nakakuyom ang kamao.“Your father is evil Gabriel, how can he did this!?“ Gigil na turan naman ni Pierre, alam ko na sinisisi rin nito ang sarili dahil hindi nito inisip noon ang mga kapatid ni Sonata.Pero buhay rin ni Carla at ng ina nito ang nanganib noon kaya dinala niya ang mga ito sa New Zealand.Tulad ng sinabi ni Sonata kanina ay walang may kasalanan sa lahat ng bagay