Binaba ni Lila ang tawag mula sa kanyang ama at ang mga salitang sinabi nito ay patuloy na umiikot sa kanyang isipan.“Laging may mga nagmamasid, lalo na ngayon na hawak mo ang kumpanya.” Ang babala ng kanyang ama ay parang isang anino na hindi matanggal-tanggal, sumasabay sa bawat hakbang na ginagawa niya.Naramdaman niyang tila may mabigat na pasanin na dumapo sa kanyang mga balikat—ang responsibilidad na hindi na lang bilang presidente ng kumpanya, kundi pati na rin sa mga personal niyang desisyon na patuloy na nagpapahirap sa kanya.Habang bumalik siya sa sala, hinapil niya ang mga bulaklak na iniwan sa kanya ni Daniel kanina, ngunit ang kagandahan ng mga ito ay hindi kayang pagaanin ang bigat ng nararamdaman niya.Nasa labas na si Daniel, nakatayo malapit sa bintana, ang kanyang mukha ay tanging ilaw mula sa mga streetlight na mula sa labas ng bahay ang nagbigay liwanag. Tinutok ni Lila ang kanyang mata sa kanya.Sa isang sulyap, nakita niyang ang mga mata ni Daniel ay malalim at
Ang eroplano ay dahan-dahang lumapag sa runway, ang mga gulong nito ay dumampi sa lupa na may malumanay na tunog. Ramdam ni Lila ang bahagyang ginhawa habang tumitigil ang eroplano. Palagi niyang nararamdaman ang katahimikan tuwing lumalapag sila, ang bigat ng pagiging nasa ere ay unti-unting nawawala. Ngunit ang mga iniisip niyang responsibilidad at ang mga bagay na kailangan niyang ayusin ay patuloy pa ring bumabagabag sa kanyang isipan. Habang naghahanda siyang bumangon mula sa kanyang upuan, narinig niyang bumuzz ang kanyang telepono sa kanyang bulsa. Isang mensahe mula kay Mia. Agad niyang binuksan ang phone at ngumiti nang makita ang mga video at larawan na ipinadala nito. Ang unang video ay nagpapakita kay Mia na tumatakbo sa parke, ang mga tawa nito ay umuukit sa hangin habang umiikot-ikot. Sa pangalawang video, makikita siya na nagbabasa ng libro at gumagawa ng nakakatawang mga ekspresyon sa camera, ang mga tawa niya ay maririnig sa buong video. Ang pangatlong larawan ay
Habang naglalakad sila sa lobby ng hotel, lumingon si Daniel kay Lila at ngumiti, may kahulugan sa kanyang mga mata. "Lila," sabi niya, ang tono ng kanyang boses ay puno ng kasiyahan, "how about we go somewhere relaxing? Somewhere peaceful and away from all the hustle and bustle. Magandang lugar kung saan tayo lang—no distractions." Nagulat si Lila at napatingin sa kanya. "Saan naman tayo pupunta?" tanong niya, may konting kabang nararamdaman. Ang ideya ng pagpunta sa ibang lugar ay tila isang magandang break, ngunit sa likod ng kanyang isipan, nandoon pa rin ang mga alalahanin na hindi kayang iwasan. "Don't worry," sabi ni Daniel, at tinitigan siya ng malumanay. "I promise, we'll be back to our hotel rooms after. Wala kang kailangang ikabahala. Gusto ko lang na maglaan tayo ng oras para sa sarili natin, walang ibang iniisip." Lila ay nag-isip sandali. Matapos ang ilang araw ng mga pag-aalala tungkol sa trabaho at ang mga kailangan niyang asikasuhin para kay Mia, tila isang magandan
Lila tightened her grip on her phone as Ethan’s voice filled her ears. She hadn’t heard it in so long, yet it still sent an unsettling feeling down her spine.“Lila… where are you now?”Her forehead creased. "Bakit mo tinatanong?" she asked, her voice laced with irritation."I just… I just wanted to talk to you. Sino'ng kasama mo?"Lila rolled her eyes, her patience wearing thin. What right did he have to ask her that? After all these years, after all the things he did, he suddenly wanted to know where I was and who she was with?"I don’t owe you any explanation, Ethan," she replied coldly. "Wala kang karapatan na tanungin ‘yan.""Lila—"She ended the call before he could say another word.Napabuntong-hininga siya at binalik ang cellphone sa bag. She rolled her eyes, forcing herself to brush off the irritation bubbling inside her.What was his problem? Bigla na lang siyang tatawag out of nowhere? It didn’t make sense, and she wasn’t about to let him ruin her night.Daniel, who had bee
"Let’s go back," suhestiyon ni Daniel, ang boses niya ay kalmado at puno ng init.Tumango si Lila, isang pakiramdam ng katahimikan ang dumapo sa kanya. Hindi niya kayang pabayaan na hilahin siya pabalik sa gulo.Lalaban siya sa buhay niya, at ipinaglaban niya iyon ng matagal. At dahil nandiyan si Daniel, hindi na siya nag-iisa sa laban na iyon.Naglakad sila pabalik patungo sa hotel, ang malamig na hangin ng gabi ay dumampi sa balat ni Lila.Tahimik ang paligid, ang mga ilaw sa labas ay nagpapakita ng mahahabang anino sa daan. Pagdating nila sa pintuan ng hotel, binuksan ni Daniel ang pinto para sa kanya, isang maliit na ngiti ang sumilip sa kanyang mga labi."Goodnight, Lila," aniya, ang tono ng boses niya ay kasing lambing gaya ng dati. Lumapit siya at hinalikan ang likod ng kamay ni Lila, ang kilos na simple ngunit puno ng init.Ngumiti si Lila, naramdaman ang isang init sa kanyang dibdib. Isang uri ng malasakit na matagal na niyang hindi nararanasan. Alam niyang hindi na niya kail
Dahan-dahang pumasok ang mga sinag ng araw sa mga kurtina, na nagising si Lila mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ipinagpag niya ang kanyang mga braso, nararamdaman ang mga natirang epekto ng antok sa kanyang katawan, at dahan-dahang kinuha ang kanyang cellphone mula sa nightstand.Nakabukas pa ito, at may bagong notification. Tiningnan ni Lila ang text mula kay Mia. Ang pamilyar na init sa kanyang dibdib ay kumalat habang binuksan niya ang mensahe.Mama, good night. I love you! I hope you have a nice day tomorrow. Don’t forget to rest. I can’t wait for you to come home!Naramdaman ni Lila ang pagkipot ng kanyang puso. Ang mga simpleng salita mula kay Mia ay nagdulot ng init sa kanyang dibdib.Hindi niya akalain na mamimiss niya ang anak ng ganito kalaki. Hindi niya namalayan kung gaano siya ka-miss ng anak hangga’t hindi siya nakatanggap ng mensaheng iyon.Agad niyang tinawagan ang nanny ni Mia. Tumunog ang telepono, at ilang segundo pa ay nasagot ito.“Hello, Miss Lila? Kaka
ang mga mata ni Daniel ay agad na nagbago ng direksyon, tila naramdaman ang kaba ni Lila. Nakita niya si Ethan mula sa malayo, at isang hindi maipaliwanag na rason, parang may kakaiba sa tao na ito. Hindi ito si Ethan."Wait... hindi siya si Ethan," bulong ni Daniel, sabay hila kay Lila upang magpatuloy sa paglakad.Tinutok ni Lila ang mga mata kay Ethan... o sa lalaking kahawig ni Ethan. Ang hitsura nito ay kamangha-mangha, halos magkapareho, maliban sa ilan lamang na maliliit na detalye. Ang kalituhan ni Lila ay kitang-kita. Lumingon siya kay Daniel."Ano'ng nangyayari? Ba't siya nandiyan? Hindi ko alam... Mukhang siya, pero hindi siya," sabi ni Lila, ang boses ay nanginginig na natatawa.Hinawakan ni Daniel ang braso ni Lila upang paluin siya ng mahina. "Okay, relax lang. Masyado tayonmg kinabahan besides bakit tayo kakabahan sa kaniya, hindi ba?"Tumawa na lang sila sa nangyari at nagpatuloy sa pamimili ng iuuwi ni Lila.Habang naglalakad sila palabas ng mall, si Lila at Daniel la
Pagdating nila sa hotel room ni Daniel, agad nilang inilapag ang mga pinamili sa maliit na kusina sa loob ng kwarto. Natawa si Lila nang makita ang excitement sa mukha ni Daniel habang inaayos ang mga sangkap sa countertop."Grabe ka, chef ka ba talaga?" biro ni Lila habang pinapanood siyang nag-aayos ng apron na hiniram pa mula sa hotel."Siyempre naman," sagot ni Daniel na may kumpiyansa. "Sa tagal kong nakatira mag-isa, natutunan ko nang magluto. Kaya ikaw, relax ka lang diyan at ako na ang bahala.""Wow ha, parang ang yabang mo naman?" natatawang sabi ni Lila. "Eh paano kung masunog mo 'yan? Gusto mo ba ng ready na fire extinguisher?"Napataas ng kilay si Daniel. "Excuse me, ako pa? Ang galing ko kaya sa kusina! Hindi ko papayagan na masunog ang shrimp natin!" Seryoso ang mukha niya pero napangiti nang lumapit si Lila at inamoy ang hangin."Hmmm… amoy sunog na ah?" pang-aasar ni Lila."Uy hindi ah! Saka amoy mo lang 'yan, hindi totoo!" natatawang sagot ni Daniel.Napaupo si Lila s
Habang nakahiga pa rin si Lila sa kama ng ospital, nanatiling tahimik si Geo sa tabi niya. Alam niyang may bumabagabag sa anak niya. Hindi lang ito tungkol sa aksidente o sa trabaho. May mas malalim pang dahilan kung bakit tila pasan ni Lila ang mundo."Papa..." Mahinang tawag ni Lila sa kanya.Lumingon si Geo at hinawakan ang kamay ng anak. "Ano iyon, anak?"Napabuntong-hininga si Lila bago nagsimulang magsalita. "Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang oras ko. Parang hindi ko na kaya."Muling hinigpitan ni Geo ang hawak sa kamay niya. "Anak, sabihin mo sa akin ang totoo. Ano ba ang bumabagabag sa iyo?"Napakagat-labi si Lila, pilit na pinipigil ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata. "Papa, hindi ko na alam kung paano ko ibabalanse ang lahat. Ang trabaho ko, ang buhay ko, si Mia... Lahat parang sabay-sabay na bumabagsak sa akin. Pakiramdam ko hindi ko na nagagampanan nang maayos ang pagiging ina ko kay Mia."Napuno ng sakit ang mga mata ni Geo n
Habang nakahiga pa rin si Lila sa kama ng ospital, lumapit si Geo at maingat na hinawakan ang kamay niya."Lila, hindi ka maaaring bumalik sa trabaho sa loob ng isang buwan, o mas matagal kung kinakailangan. Kailangan mong magpahinga at alagaan ang sarili mo."Napakurap si Lila at agad na umiling. "Papa, hindi puwede! Kailangan kong bumalik sa trabaho. Marami pa akong kailangang gawin—""Anak, hindi mo kailangang magmadali. Ang kumpanya ay hindi kasing-importante ng kalusugan mo," putol ni Geo sa kanya, halatang hindi siya papayag sa pagtutol ng anak. "Mas mahalaga ka kaysa sa kahit anong negosyo."Napabuntong-hininga si Lila. "Papa, hindi lang naman tungkol sa kumpanya ito. Kailangan kong kumita. Hindi ko kayang umasa lang—""Kung pera ang iniisip mo, kaya kitang bigyan ng kahit ilang milyon sa isang araw, anak. Hindi mo kailangang magtrabaho ng ganito." Malumanay ngunit seryoso ang tono ni Geo.Umiling si Lila, kita sa kanyang mukha ang pagtutol. "Ayoko, Papa. Hindi ko gusto na kumi
Dahan-dahang iminulat ni Lila ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin, at tila mabigat ang kanyang buong katawan. May naririnig siyang mahihinang tunog ng kutsilyo at plato na nagbabanggaan. Pumikit siya sandali bago muling dumilat."Gising na siya!" Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Napatingin siya sa paligid—nasa loob siya ng kanilang bahay. Sa tabi niya, nakaupo si Daniel na may hinihiwang prutas sa maliit na lamesa. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama, si Geo."Anak... Salamat sa Diyos!" Napalapit agad si Geo sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay."Saan ako...?" mahinang tanong ni Lila habang iniikot ang paningin sa paligid.Agad na sumagot si Daniel, "Nasa bahay mo. Ligtas ka na."Napasinghap si Lila. "Bahay...?" Biglang bumalik sa kanya ang mga alaala—ang aksidente, ang pagsabog, at ang pakiramdam na parang mamamatay na siya. Nanginginig ang kanyang kamay habang mahigpit na hinawakan ang kumot.Napansin iyon ng kanyang ama at agad siy
Lumalakas ang kabog ng dibdib ni Lila habang pilit niyang inaabot ang kanyang cellphone. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang sinusubukang tanggalin ang seatbelt na tila mas lalong humihigpit sa kanya. Ang amoy ng gasolina ay lalong sumisidhi, sumasakal sa kanyang lalamunan."Tulong! May tao ba diyan?" Pilit niyang isinigaw, pero sa gitna ng dilim at katahimikan ng lugar, tila wala siyang naririnig na ibang tunog maliban sa sariling hingal.Nagpapanic na siyang hanapin ang kanyang cellphone, iniikot ang kanyang tingin sa loob ng sirang sasakyan. Hanggang sa, sa wakas, natagpuan niya ito—nakaipit sa pagitan ng upuan at ng dashboard. Halos mapaiyak siya sa pag-asa habang mabilis itong kinuha.Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nanginig ang kanyang kamay nang makita ang pangalan sa screen—Ethan.Mabilis niyang sinagot ang tawag. "E-Ethan...!" nanghihinang sambit niya, habang may kasamang luha ang kanyang boses."Lila? Nakauwi ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan," nag-aalalang
Habang binabaybay ni Lila ang madilim na kalsada pauwi, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari kanina sa bahay ni Ethan. Ang tawa, ang kasiyahan, at ang mga saglit na parang bumalik sila sa dati. Ngunit sa kabila nito, may bumabagabag pa rin sa kanya.Alam niyang hindi niya maitatago nang matagal ang lihim na hawak niya.Bigla siyang napapitik sa manibela nang may isang pigura na lumitaw sa harapan ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang inapakan ang preno, at ang matinis na tunog nito ay bumasag sa katahimikan ng gabi. Kasabay ng paghinga niya ng malalim, nakita niya kung sino ang biglang sumulpot—si Sophia.Wasak ang itsura ni Sophia—gusot ang damit, magulo ang buhok, at nangingisay ang kamay habang mahigpit na hawak ang isang bote ng alak. Halata sa kanyang mga mata ang sobrang kalasingan at galit."Sophia?!" gulat na sigaw ni Lila habang mabilis na lumabas ng sasakyan. "Anong ginagawa mo rito?!"Halos hindi makatayo si Sophia. Hindi niya sinagot ang tanong ni Lila at sa halip a
Habang papalapit si Lila sa bahay ni Ethan, napansin niya ang isang tindahan sa gilid ng kalsada. Sa labas nito, may nakapatong na mga bilog at makinis na prutas—mga pakwan. Napahinto siya at napangiti nang maalala ang isang bagay mula sa kanilang nakaraan.Naalala niya kung paano sila madalas kumain ng pakwan noon, lalo na sa maiinit na hapon. Si Ethan ang madalas na naghiwa nito, at palaging may natatapon na katas sa kanyang mga daliri, na palagi nilang pinagtatawanan.Napabuntong-hininga si Lila. Bago pa siya makapag-isip ng kung ano pang dahilan para hindi bilhin iyon, lumapit siya sa tindahan at pumili ng isa. Maganda ang balat nito, tanda ng tamang pagkahinog. Matapos bayaran, nagpatuloy siya sa pagmamaneho patungo kay Ethan.Pagdating niya sa bahay nito, lumabas si Ethan para salubungin siya. Ngunit bago pa siya makapagsalita, napansin niyang may hawak din itong pakwan.Nagkatinginan sila, at ilang segundo lang ang lumipas bago sila parehong matawa."Hindi ka pa rin nagbabago,
Habang nagmamaneho si Lila, pilit niyang iniwasan ang gumugulo sa kanyang isipan. Ngunit ilang minuto pa lang ang lumipas, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Napatingin siya sa screen at agad na nanlaki ang kanyang mga mata.Si Ethan ulit.Napalunok siya at mabilis na hinanap ang earphones sa kanyang bag upang sagutin ito nang hindi kailanganing hawakan ang cellphone. Hindi siya pwedeng magpanggap na hindi niya nakita ang tawag. Huminga siya ng malalim bago pinindot ang sagot."Lila," agad na sabi ni Ethan sa kabilang linya. "Bakit mo binaba kanina?"Nanigas siya sa upuan. Hindi niya alam kung anong isasagot."Ah... pasensya na, Ethan," mahina niyang tugon. "Nagmamaneho kasi ako at bawal gumamit ng cellphone habang nasa daan."Tahimik sa kabilang linya, tila iniisip ni Ethan kung paniniwalaan ba ang kanyang dahilan."Ganun ba? Pasensya ka na kung bigla akong tumawag," sagot nito sa malumanay na tinig. "Hindi kita gustong abalahin."Napakagat-labi si Lila. May kung anong bumiga
Nanigas si Lila sa kanyang kinauupuan, mahigpit na hawak ang manibela. Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan na maririnig muli ang boses ni Ethan, at sa hindi inaasahang pagkakataon."Lila?" muling tawag ni Ethan mula sa kabilang linya.Dali-dali siyang nag-isip ng dahilan upang tapusin agad ang tawag. Ngunit bago pa siya makasagot, biglang sumilip si Mia mula sa kanyang upuan at nakisilip sa cellphone ng kanyang ina."Mama, sino ‘yan?" inosenteng tanong ni Mia, ang kanyang munting boses puno ng kuryusidad.Lalong kinabahan si Lila. Hindi niya maaaring ipaalam kay Ethan ang tungkol kay Mia—hindi ngayon, hindi pa siya handa."Ah... wala, baby. May nagtatanong lang," mabilis niyang sagot bago agad bumalik sa tawag. "Ethan, pasensya na, nagmamaneho ako ngayon. Hindi ako makapagsalita nang matagal."Alam niyang hindi iyon kapani-paniwala, pero wala na siyang ibang naisip na dahilan."Lila, saglit lang..." marahang sabi ni Ethan, tila may gustong itanong.Ngunit
Nanlaki ang mata ni Mia sa labis na tuwa. "Talaga po, Mama? Saan po tayo pupunta? Kailan po? Ano pong gagawin natin doon?" Sunod-sunod ang tanong ng bata habang excited na tumatalon-talon sa kanyang upuan.Ngumiti si Lila at umiling. "Secret muna, baby. Pero siguradong mag-e-enjoy ka.""Ay! Mama naman! Sabihin mo na po!" Umarteng nagtatampo si Mia habang nangingiti, sabay hilig sa balikat ng ina at kunwaring nagmamaktol."Nope! Surprise nga, di ba?" sagot ni Lila habang humahagikgik.Napabuntong-hininga si Mia ngunit hindi na maitago ang saya sa kanyang mukha. "Sige na nga! Pero..." Huminto siya sandali at nag-isip. Maya-maya, bumaling ito kay Lila na may matalim na titig, kunwari'y interrogating. "Mama, ang tanong ng bayan! Sasama po ba si Tito Daniel?"Napatingin si Lila sa anak habang nagmamaneho. Hindi na siya nagulat sa tanong nito dahil alam niyang malapit na ang bata kay Daniel. Ngumiti siya at tumango. "Oo naman, baby. Sasama si Tito Daniel."Muling nagningning ang mga mata ni