Agata Faye Basta huwag lang daw akong sa saktan ng tao na mamahalin ko dahil pag nangyari daw yun ay sila na ang makakaharap nito. Pero sa isip ko ay lahat naman tayo ay nasa saktan at dumadaan sa part na may hindi pag kakaintindihan pero ang point doon ay pinipili pa rin ang isat isa. "Huwag kang matakot kila Mommy Mahal ko. Dahil alam naman nila na nanliligaw na ako sa iyo at mahal kita. Matagal ko ng nasabi sa kanila ang bagay na ito at hindi naman sila against sa atin. Kaya huwag mo ng isipin pa sila ha. Ang gawin natin ay kung paano ma convince ang Daddy mo tanggapin niya ako para sa iyo. Yung kay Marco ay ako na ang bahala sa kanya. Hindi ako papayag na umiksina pa siya sa ating dalawa." sabi ko naman sa kanya. Nakita ko na bahagya na nag liwanag ang mukha nito. "Talaga Faye di galit sa akin ang parents mo? tanggap nila ako para sa iyo?" hindi maka paniwala na pag uulit pa nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya at naka ngiti na rin ng todo dito. "Pero yung kay Ma
Kourtney Hindi lumipas ang araw na yun ng hindi kinausap ni Faye si Dad. As in pinuntahan talaga niya ito sa bahay at doon kinausap ng masinsinan. Sabi ni Faye sa akin ay hindi daw siya papayag na maging hadlang sa pagmamahalan namin ang parents ko kaya gagawin daw nito ang lahat upang magustuhan siya ng mga ito. Ipapakita daw niya na hindi porket bata pa siya ay hindi niya ako kayang panindigan at kayang buhayin dahil ipapakita niya sa mga ito na nag kakamali ang mga ito ng akala sa kanya. Kaya nga ng matapos namin na kumain ay agad na itong nag bihis at pumunta siyang mag isa sa bahay at matapang na hinarap nito ang magulang ko ng araw na yun ay galit na galit sa akin dahil tinakasan ko ang mga ito. Nag bilin pa ito na huwag akong aalis o lalabas man lang sa unit ko hanggang hindi siya dumarating at pina bantayan pa talaga ako sa mga hired nitong body guard kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumang ayon sa gusto nitong mangyari. Basta sa kondisyon na mag sa s
Kourtney "Ang lakas naman ng loob mo bata para mag salita sa akin ng ganyan. Alalahanin mo nasa tiritoryo kita at kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko sayo. Huwag mong sabihin sa akin na anak ka ng isang Montemayor dahil wala akong pakialam. Nasa loob ka ng pamamahay ko at gagawin ko ang gusto ko. Huwag mo akong pangunahan. Ang bata mo pa ganyan ka na kung kausapin ako. Ang lakas ng loob mo ha. Halatang halata naman na hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin sa magulang mo. Ano ang gusto mo anak ko ang mag papalamon sa iyo? Aba mahiya ka naman. At hindi ang katulad mo lang ang gu gustuhin ko na maging asawa ng anak ko. Mas nanaisin ko pang ipakasal siya kay Marco at least yun kaya niya akong bigyan ng apo. E ikaw? Mabibigyan ba ako ng apo ng daliri mo lang na yan ha?? Kaya habang iniisip ko pa ang parents mo ay umalis kana habang kaya ko pang mag timpi dahil kapag di ka pa umalis ay baka di kana maka labas pa dito ng buhay." galit na sabi ni Dad kay Faye. Bigla naman akong kinabaha
Kourtney Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa pinag sa sabi na naman ni Faye ngayon. My god Faye please umalis ka na dyan dahil parang ngayon pa lang ay nakikinita ko na ang itsura ng aking ama na galit na galit ito ngayon at baka bigla na lang yun sumabog sa galit at kung ano ang magawa nitong masama kay Faye. "Wala.kang karapatan na sitahin ako sa gusto kong gawin sa anak ko. Ikaw na bata ka talagabg sinasagad mo ang pasensya ko ha.!!" galit na sigaw dito ni Dad at naka rinig na lang ako ng biglang pag putok ng baril dahil doon ay bigla na lang akong na mutla dahil biglang pumasok sa utak ko ang duguan na katawan ni Faye at halos wala na itong buhay. at dahil doon ay hindi ko namalayan na nahimatay na pala ako at hindi ko na namalayan pa at narinig ang mga sumunod na nangyari. Kung paano ay si Faye pala ang nag pa putok ng baril upang takutin ang aking Ama habang ang aking ina naman ay nag hi hysterical na pala dahil sa takot nito at ang aking Ama naman ay namutla na lang s
Kourtney "Hindi naman kita tinatakot e. Dahil wala sa vocabulary ko ang bagay na yun. Kasi ako ginagawa ko pag sinabi ko kaya mag hintay ka lang dyan hanggang sampong minuto dahil pag katapos nun ay isa ka na lang dakilang si Don Conrado na mahirap pa sa daga. Pero kung hahayaan mo kami ni Kourtney at hindi ka na mangingialam pa sa aming relasyon ay ibabalik ko sa dati ang negosyo mo at baka nga mag dagdag pa ako ng mga investment para mas lalo pang lumago yun. Pero kung mag mamatigas ka talaga ay hindi ko na kasalanan pa yun. Dahil pino protektahan ko lang ang mahal ko sa buhay at wala akong pakialam kahit ama ka pa niya." mariin at seryoso na sabi ni Faye kay Dad. "Napaka lakas talaga ng loob mo e ano. Anong magagawa ng isang uhugin na batang katulad mo ha? Mag laro ng emel? Mag paka sasa sa yaman ng pamilya mo? Huwag kang mag malaki sa akin kung alam mo na ang perang ginagastos mo pa rin sa iyong sarili ay galing pa rin sa kanila. Huwag mo akong pag malakihan dahil ako nag sumi
Kourtney Mabilis naman na tinawagan ni Dad si Marco at gaya nga ng sinabi ni Faye ay hindi na ito ma contact pa kahit na ilang beses na niyang sinubukan na tawagan ito. Maging ang number ng mga ito sa company ay tinawagan din niya pero Hindi na rin talaga ma contact pa ang mga ito at mukhang totoo nga ang sinabi ni Faye na di na matatawagan pa talaga itong si Marco dahil nag tatago na ito kung gayon ay pati ang kanyang na invest dito ay nag laho na rin na parang bula? Tangina lang talaga dahil hindi pwede na basta na lang mawala yun dahil yung pera na pinag invest niya dito ay saving niya yun mula sa kanyang pag ta trabaho sa company at balak niya na ipatayong bahay niya yun dahil hindi sa lahat ng panahon ay dito siya mag e stay sa condo niya. Ayaw din naman niya na sa bahay nila siya mag e stay dahil ayaw niya na maka sama ang Dad niya kasi nga ay masyado itong diktador na lahat na lang ng bagay ay gusto nito siya ang masusunod. Palagi lang silang mag aaway nito lalo na
Kourtney Hindi naman ako maka paniwala sa aking narinig mula sa aking Ama. Ngayon ay nalaman ko na kung ano ba ang dahilan nito kung bakit ganito ito sa akin. Parang medyo nawala na ang tampo ko sa kanya dahil sa nalaman ko mula dito. Sabagay ay wala naman magulang na gustong mapa hamak ang kanilang mga anak. Sadyang sa bagay na yun ay doon siguro niya nakikita na makaka buti sa akin kapag ganito ang kanyang ginawa. Pero ngayon ay alam ko na kaya naiinitindihan ko na ito. At masaya din ako kasi sa wakas ay nag bigay na ito ng basbas para sa aming dalawa ni Faye. Pero sana lang ay ibalik na ni Faye ang na bankrupt na negosyo ni Dad. Dahil alam ko na dugo at pawis niya ang naging puhunan nito bago niya napa lago ang negosyo nito. "Huwag po kayong mag alala Mr. Bautista dahil gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maibigay kay Kourtney ang pinaka the best para dito at maging sa mga magiging anak din po namin. Hayaan po ninyo na patunayan ko sa inyo kung gaano ka wagas ang n
Agata Faye Matapos kong masabi yun sa mga magulang ni Kourtney ay agad na lumapit sa akin ang Daddy nito na ngayon ay hindi na kababakasan pa ng galit mula dito bagkos ay mahinahon na ito kaya naman nag instruction na ako sa mga guard na kasama ko na ibaba na nila ang kanilang mga hawak na baril na agad naman ay sinunod ng mga ito . "Salamat iha sa pagmamahal mo sa aming anak ngayon ko napa tunayan na mahal mo nga si Kourtney namin. Ngayon ay nahihiya ako sa nagawa kong pagkakamali sa inyong dalawa. Kaya sana ay mapa tawad nyo ako sa mga ginawa ko." mababa ang tono na sabi sa akin ng Dad nito . Kaya naman mabilis na hinawakan ko ang kamay ni Sir Conrado sabay pisil dito. "Sa akin po ay walang problema dahil yun po ang sa tingin nyo ay tamang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak. Dahil wala naman magulang na gusto mapa hamak ang kanilang anak. Pero si Kourtney po ay hindi ko alam kung mapapatawad nya kayo kaagad pero ang masasabi ko sa inyo ay gagawa ako ng paraan upang m