Kourtney Hindi ako matatahimik talaga dito hanggang hindi ko nakikita mismo ng mga mata ko si Faye. My god kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paano pinalo ito ng baseball bat sa ulo si Faye ng ilang ulit tapos sa sabihin sa akin na okay lang ito? Ano yung ulo nito gawa sa bakal? Tsaka nahimatay lang ako wala naman akong sakit bakit need ko pang mag pahinga e ang tagal na nga ng pahinga na aking ginawa. Mag pipilit pa sana ako sa mga magulang ko pero bago pa ako naka pag salita ay bigla na lang pumasok sa loob ng room ang parents ni Faye na sina Alex at Agata na ngayon ay seryoso na naka tingin sa akin . Pero pansin ko kaagad ang pagka mugto ng mata ni Agata na tanda na umiyak ito ng todo habang si Alex naman ay pulang pula naman yun. Halata na umiyak din ito kaya naman mas lalo lang akong kinabahan dahil doon. Agad naman na lumapit sa akin si Alex at Faye pero seryoso pa rin ang mga mukha ng mga ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong kaagad sa akin ni Alex
Kourtney Hindi ko naman alam kung paano sa sagutin ang tanong sa akin ni Agata. Alam ko na hindi ito pabor sa akin na maging manugang nito sa totoo lang. Tapos ngayon ay buntis pa pala ako at si Faye ang isa ding ina ng dinadala ko. Pero sinagot ko pa rin ang tanong nito sa akin. Karapatan naman nila na malaman ang bagay na yun e. "Oo Agata kay Faye itong dinadala ko at siya lang naman ang pina hintulutan ko na gumalaw sa akin no at wala ng iba." sagot ko sa tanong nito sa akin habang naka tingin ng diritso sa mga mata nito. . Kita ko naman kung paano nangislap ang mga mata nito sa tuwa dahil sa sinabi ko na yun sa kanya. "Narinig mo yun Alex? Magiging Lola na tayo. My god dapat maging okay na kaagad itong si Faye natin upang malaman na nito na mag kaka anak na siya." tuwang tuwa na sabi nito kay Alex. Mabilis naman na lumapit sa akin si Agata. "Kourtney alam ko na alam na alam mo na kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko sana na maging manugang kita. Alam na alam mo naman
Kourtney Pagka alis la lang nila Agata sa room na kinaroroonan ko ay mabilis na lumapit sa akin ang mga magulang ko. Bakas sa Mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan at may pag tataka na rin na naka badya sa mga Mukha nila. Nag tataka siguro ang mga ito kung paano ako na buntis ni Faye. Oo nga pala hindi nga pala nila alam na isa itong intersex kaya mag tataka talaga ang mga ito kung paano nangyari yin. Unless na nagpa IVF ako. Hanggang sa hindi na naka tiis si Mommy at nag tanong na ito sa akin. "Kourtney anak. Paano na na buntis ka ni Faye e both naman kayong babae? Nag undergo ka ba ng IVF?" tanong nito kaagad sa akin. Kaya naman napa buntong hininga na lang ako. Wala sana akong balak na sabihin pa kung ano ang meron si Faye para wala ng marami pang tanong ang mga ito at tuluyan na lang na maging sa amin ng pamilya nito ang kalagayan niya. Pero ayaw ko naman na mag isip ng iba ang mga magulang ko. Tsaka wala din naman siguro masama kung malaman nila ang bagay na yun.
Kourtney Mahigit isang taon na rin mula ng mangyari ang tragic incident na yun sa pamilya namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Faye. Naka panganak na ako at lahat ay hindi pa rin ito nagiging at hanggang ngayon ay wala pa rin improvement ang kalagayan nito. Tanging ang mga machine na lang ang bumubuhay sa kanya pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag asa na gagaling at magigising pa ito. Kahit na ilang beses na kaming tinapat ng doctor na wala ng pag asa pa na magising ito ay hindi pa rin kami naniniwala. Dahil hanggang humihinga pa ito ay may pag asa pa. Ilang balde balde na rin ng luha ang aking na e luha para dito at walang araw na hindi ko ipinag dasal ito sa kanya na sana ay ibalik na niya si Faye namin. Hindi lang para sa akin kung hindi para na rin sa mga anak namin na ngayon nga ay ilang buwan na rin ang mga ito. Yap mga anak namin kasi naman hindi ko talaga inaasahan na makaka buo kami kaagad nito as in quadruplets lang naman ang naging mga an
Kourtney Busy kami ngayon sa pag a asikaso dahil kaarawan lang naman ngayon ng mga anak namin ni Faye. May kunting celebration lang naman sana. Pero hindi pumayag sila Alex na di ma e celebrate ng bongga ang birthday ng kanyang mga Apo kaya ayon busy halos ang lahat ng tao dito sa bahay nila sa pag aasikaso. Habang ako nandito sa kwarto ni Faye at binibihisan ito. Mamaya kasi ay may pictorials ng mga bata at syempre kasama ito doon. Kinakausap ko naman ito habang binibihisan. "Mahal birthday day ngayon ng mga bata, miss na miss kana namin ng mga anak mo Faye. Kailan ka ba gigising dyan. Halos 2 years ka na naman ng naka pahinga baka naman gusto mo ng gumising at makilala mo na ang mga anak natin. Diba yun naman ang gusto mo ang magkaroon na tayo ng maraming anak. Yun o binigay ko na sa iyo. Tinupad ko na ang pangarap mo na yun. Pero bakit hindi ka pa rin nagigising dyan? Ayaw mo ba kaming maka sama ng mga anak mo? Ayaw mo na ba akong makita kaya mas pinili mo na lang na mag s
Kourtney Ilang linggo ng tapos ang birthday ng mga bata at ngayon nga ay nandito kami sa bahay ng parents ko at binibisita ko naman sila. Nag chat kasi sa akin si Mommy at ipunta ko naman daw sa bahay ang kanyang mga apo at miss na miss na daw niya ang mga ito. Tsaka naiinis din kasi yun kay Dad dahil mas busy pa daw ito sa business namin kaysa sa kanya. Nag se selos pa sa business si Mommy e. Para din naman sa kanila yun. Sabagay nga ay talagang magiging busy si Dad sa company kasi naman ako ay tuluyan ng nag resigned sa company at tinutukan ko na lang ang pag aalaga sa mga bata at pati na rin kay Faye Mas gusto ko kasi na naka tutok ako sa mga ito dahil kahit na may yayaang mga bata ay iba pa rin kapag nandoon ako. At saka gusto ko na ako din ang nag aasikaso kay Faye kahit na may sariling nurse naman ito. Ah basta ayaw ko na may ibang nakakakita sa katawan nito ang gusto ko ay ako lang. Mabuti na nga lang at pumayag si Dad nung mag resigned ako at sabihin ko dito ang
Kourtney Masaya naman na nag lalaro ang mga bata dito sa sala habang pinapanood lang namin sila ni Mom na tuwang tuwa ngayon sa kanyang mga apo. "Hindi ko alam na mag kaka anak ka pa ng ganyan kadami Kourtney. Ang nasa isip ko lang noon ay baka mga isa o hanggang dalawa na lang ang ma e anak mo kasi naman anak anong edad mo na e wala ka pa rin pinapakilala noon sa amin ng Dad mo na boyfriend mo. Tapos bigla na lang namin malalaman na yung si Alex ang gusto mo noon. Mas lalo lang akong nawalan na ng pag asa na magkaka apo pa ako kasi syempre babae yung gusto mo e. Tapos akala ko nung hindi naging kayo ng gusto mo ay sa lalaki kana mapupunta at natuwa pa ako noon nung nag da date na kayo nung Marco na yun kasi sa wakas ay sa lalaki na ang gusto mo. Pero nawala din ng malaman ko na lang na yung inaanak mo pala ang gusto mo at babae din tapos ang bata pa. Tanggap ko na ng mga panahon na yun na wala na talaga akong magiging apo pero nagulat na lang ako nung malaman ko na bun
Agata Faye Nandito pa rin ako sa madilim na bahaging ito at hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito. Lahat naman ng paraan ay ginagawa ko upang maka alis sa lugar na ito pero hanggang ngayon ay wala pa rin nangyayari. Umaasa na lang ako sa tuwing maririnig ko ang tinig na yun. Ang isang napaka lambing na tinig na siyang nag papa kalma sa akin at nag bibigay sa akin ng lakas upang umalis sa madilim na lugar na ito. Kung saan ay palagi kong sinusundan ang naririnig kong tinig niya na sa tuwing alam ko na malapit na ako sa liwanag ay saka naman muli itong mawawala at mag hi hintay na naman ako na muling bumalik ang napaka lambing na tinig na yun. Hindi ko siya kilala pero parang nasa saktan ako kapag naririnig ko ang mga sinasabi nito sa akin na miss na miss na daw niya ako at pati na rin ng mga anak namin. Hindi ko alam na may anak pala ako. At dahil ayaw ko na maririnig ang pag iyak nito minsan na hindi niya maiwasan kapag kinakausap niya ako ay ginagawa ko ang lahat upan