Abot hanggang langit ang ngiti ni Amara habang kasabay niya ang crush niya sa campus na maglakad sa pasilyo. Si Theon Willoughby. Graduating na ito sa kursong General Business Administration and Management at hindi hamak ang pamilyang pinagmulan ng binata. Family friend ito kaya kampante siyang lapitan ang binata na since grade 1, crush niya na pero hindi niya pinaalam sa lalaki kahit sa kuya niya. Alam niyang isusumbong lang siya ni Azael sa parents nila at malilintikan talaga siya lalo na't unica hija siya at prinsesa ang turing sa kaniya ng lahat.
Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. Kulutan ang buhok ng kaniyang kuya at subrang lambot nito sa kamay. Mas malambot pa yata iyon kesa sa buhok niya. Kung may pagkakatulad man sila, iyon ay ang kanilang buhok. Pareho silang kulot. Dahan-dahan niyang dinama ito, nakalimutan na rin niyang may assignments siya. Basta lang siyang nakatitig kay Azael habang ang daliri ay nasa buhok ng binata. Her kuya is so gwapo and she knows it! Sana hindi rin nito alam na crush niya kundi aasarin siya nito hanggang sa mapikon siya at iiyak na parang bata.
Sa nangyaring kahihiyan, wala na siyang mukhang ihaharap sa lalaki. At dahil galit din siya rito kaya iniwasan niya ito at pambihira na rin niyang makita ang kapatid. Halos hindi na nga niya nakita simula nang insidenteng nangyari sa kwarto niya pero nakadagdag tampo at inis iyon sa inosente niyang puso. Bwesit talaga ang kapatid niya!"Hey, Amara baby!"
Naghilamos siya nang matapos siyang gumamit ng banyo pero hindi sapat iyon para mawala ang hilo na nararamdaman niya. God! Ito na ba 'yun tipsy na sinasabi nila? Napahagikhik siya habang pinagmamasdan ang kaniyang hitsura sa malaking salamin na nakasabit sa dingding.Tiningnan niya ng maiigi ang sarili at pati ang kurba ng kaniyang katawan. Maganda naman pala siya, eh. Bakit ang nakuhang girlfriend ng kapatid niya ay... Hindi. Mas maganda siya period. Lamang lang ito dahil matured na sa edad samantalang siya ay nasa desi pa la
Pagkababa niya ng hagdanan, mismong nagtama ang mata nila ni Azael na siyang paalis na nang umagang iyon. Namula ang kaniyang buong mukha sa isipin ang sariling kuya ang hinalikan niya kagabi.'Shit ka Amara! Kasumpa-sumpa ka sa lahat ng babae sa balat ng lupa! But no, alam kong hindi siya ang lalaking hinalikan ko kagabi kahit pa sabihin na si kuya ang naghatid sa'kin.'
HINDI na umasa pa si Amara na bumalik pa ang dating closeness nila ni Azael. Hindi na rin niya ito nakita, last na 'yun nagkasabay sila sa hapagkainan at after no'n wala na siyang narinig na balita nito. Nagtatampo siya pero mas maigi na rin iyon kasi alam niyang hindi naman pwede na sa kaniya iikot ang mundo ng kapatid. May girlfriend ito at balang-araw magpapakasal na ito sa ayaw man niya o hindi.“My, please pumayag na kayo. Seventeen na po ako at si Theon naman ang sasamahan ko po, eh,” atungal niya sa ina nang
Masaya ang unang araw kahit panay sulyap sa kaniya si Azael pero hindi na siya nito pinipigilan. Mas mabuti iyon, no! Bakit kasi sumama pa ang mga ito? Siguro si Herrence nag-imbita rito pero like duh, who cares magsasaya siya.“Wohooo! Ang sarap dito. Ayuko na umuwi.”&l
Mabilis niyang tinulak si Azael at dumistansya. Masyado siyang nailang sa sitwasyon nila nang mga sandaling iyon. Isabay pa ang pag-unahan sa pagtibok ng puso niya, halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib."Ilalabas na kita." Akmang bubuhatin siya nito pero mabilis siyang umayaw.“Ka
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy