ALANIS POV(Nasaan ka? Tell me.)Sabi nito sa seryosong tono. Kaagad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya."N-nandito ako ngayon sa ospital. Pinuntahan ko si Julian. Kinausap ko lang siya." Kinakabahan kong sabi.I heard him chuckle on the other line.(Woah! I didn't know that my girlfriend went to her blackmailer just to talk some monkey business?) he said sarcastically.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo, Russel? Nagpunta lang ako dito dahil hinahanap ako ni Julian dahil binugbog siya ng isang gang at para linawin na rin sa kanya ang tungkol sa ating dalawa!" Sabi ko.Hindi ko alam pero ilang araw pa lang ang relasyon namin ni Russel, pakiramdam ko ay sinasakal na niya ako sa mga ginagawa niya.(Ano namang sinabi niya sa'yo? Na ako ang may pakana kung bakit nabugbog siya? Malamang ay nabugbog siya dahil sa may nakaalitan siyang isang miyembro ng gang at pinagtulungan siyang saktan. You know how war freak he is! Bakit Alanis, naniniwala ka ba sa kany
JULIAN'S POVTuluyan na talagang nalason ni Russel ang utak ni Alanis. Kilala ko 'yong mga taong nambugbog sa akin kahapon at alam ko na ang leader ng gang na iyon ay ang kapatid ni Russel. Alam ko na pinautos ni Russel na bugbugin ako ng kapatid niya dahil ayaw niya na tuluyan na akong mapalapit pang lalo kay Alanis.Hindi alam ni Alanis na mapanganib at obsessed na sa kanya si Russel. Nalaman ko lang kay lolo Fiñero na may history talaga ng pagkabaliw ang pamilya nila Russel kaya hangga't maaga pa ay ilalayo ko na si Alanis sa lalakeng iyon.Handa akong magbago para kay Alanis dahil sa tingin ko ay.. mahal ko na siya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero alam ko ang sinasabi at nararamdaman ng puso ko.Simula ngayon ay poprotektahan ko na siya at gagawin ko ang lahat para lang paniwalaan niya ako. Hindi ako papayag na sa bandang huli ay masaktan ni Russel si Alanis nang dahil sa pagiging obsessed, desperado at sobrang possessive niya."Kuya, okay ka lang ba?" Puna sa akin ni
USTE'S POVLinggo ngayon at napagpasyahan ko na puntahan si Lara sa Masbate. Gamit ang helicopter na iniregalo sa akin nila Mom at Dad ay ginamit ko ito para bumiyahe papuntang Masbate. Kahit malayo sa akin si Lara ay ginagawa ko ang lahat para magtagal ang relasyon namin at hindi siya magsawa sa akin.Sa ginagawa kong ito ay alam ko na si Travis pa rin ang mahal niya. Dapat nga siguro ay pinakawalan ko na noon pa si Lara pero wala akong magawa dahil mahal na mahal ko siya kaya sapat na sa akin na alam kong mahal niya rin ako kahit pa na mas mahal niya si Travis.Nang makarating na ako sa Masbate ay nagbus na lang ako papunta sa eskwelahan nila Lara sa Masbate National High School. May pasok sila ngayon dahil may event na ginaganap ang buong MNHS.Pagkapasok ko sa loob ng school nila ay sakto namang nakasalubong ko sina Gio at Inah.Mukhang nagulat pa sila nang makita ako. "Uste! Nandito ka pala!" Gulat na tanong ni Inah.Ngumiti ako. "Siyempre, dinadalaw ko yung.. alam niyo na kung s
RUSSEL'S POVAng akala yata ni Julian ay paniniwalaan pa siya ni Alanis sa mga sinusumbong niyang mga plano ko para makuha si Alanis at tungkol sa tunay kong pagkatao.May pasumbong sumbong pa siyang nalalaman kahapon sa Cafeteria pero sa huli ay siya rin ang napahiya at nasaktan. Hindi na siya paniniwalaan pa ni Alanis dahil tuluyan ko nang namanipula ang utak ng babaeng iyon at pabor iyon sa akin para madali ko lang siyang paikutin at makuha.Nandito ako ngayon sa meeting ng buong Student Council members para sa gaganaping Annual Event ng YG Academy. Bilang ako ang Student Council School President ay maraming mga nakatalagang tasks para sa akin habang ang Vice President naman na si Mark ang gagawa ng iba ko pang mga gawain.Pagkatapos ng meeting namin ay lumabas na kami ng AVR at nilapitan naman ako ni Mark."Russel, saan tayo magme-meeting ulit ng buong SC?" Tanong niya."Sa bahay niyo na lang o 'di kaya kina Aimee o Eugene. Hindi naman pwede sa apartment ko dahil maliit lang 'yon
ALANIS POV"Baby, hindi ganyan ang pagmimix ng harina." Sabi ni Russel habang nasa likod ko siya at tinutulungan akong maghalo ng mga ingredients para sa cake na i-bebake namin."Eh? Paano ba kasi?" Sabi ko at nagpout na lang.Hinarap naman niya ako sa kanya at tinaasan ng kilay. "Pout or else I kiss you?"Bigla akong napatahimik at namula dahil sa sinabi niya.He chuckled. "Oh sige, ako na lang ang magtutuloy nitong ginagawa mo. Malulukot na kasi 'yang mukha mo sa kakasimangot." Natatawa nitong sabi kaya sinapak ko siya sa braso niya na ikinatawa pa niyang lalo."Huwag mo akong tinatawanan diyan, Mr. Madrid kundi makakatikim ka pa ng maraming sapak sa akin." Banta ko."Okay, hindi na po, Mada'am." asar niya. Inirapan ko na lang siya ng pabiro saka bumalik na sa upuan na nasa kitchen area. He was smiling at my attitude to him at itinuloy na ang pagbe-bake na hindi ko pa natatapos.Ano bang hindi pa kayang gawin ng lalakeng 'to? He can be a good leader. He can sing and dance. He's so
NEIL'S POVNandito ako ngayon sa isang bar na pagmamay-ari ng pinsan ko. Naglalasing lang naman at baka sakaling mawala na 'tong sakit sa pesteng puso ko sa kakaisip at kakahangad ko sa kanya!Ang tanga ko rin naman kasi, alam ko na noong una pa lang ay talo na ako pero sumugal pa rin ako. Wala ring nangyari at nasaktan lang ako.Mabuti pa 'tong si Marinel, simula nung naging close kami ay palagi na siyang nasa tabi ko. Alam kong may gusto sa kanya si Denver at kapag nakita niya kami ni Marinel na magkasama ay siguradong magseselos iyon pero ang hirap kasing iwasan si Marinel lalo na't ang bait niya at maalaga pa sa akin na pinangarap kong maranasan man lang kay Chloe.Hindi rin naman ako tanga at matagal ko ng alam na gusto ako ni Marinel pero ayoko lang na masaktan si Denver kung makikipaglapit ako sa babaeng matagal na niyang gusto.Pero ngayon, kailangan ko si Marinel."Neil!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It's Marinel. Tinawagan ko kasi siya at sinabi kong samahan niy
ALANIS POVMasaya ako at nagkabati na kami ni Russel after nung nangyari sa apartment niya. Naiintindihan naman niya ako at sa point ko na 'Wedding Before Ehem' muna. Kahit mahirap intindihin si Russel at iba pa ang ugali nito ay kinakaya ko na lang dahil alam ko ang mga nangyari sa buhay niya.Ni hindi man lang siya nakaranas ng pagmamahal sa tunay niyang pamilya. He's born as independent person. Marunong pa siyang maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, maglinis ng bahay at kung anu-ano pang gawain na hindi ko man lang kayang gawin.Nagtatrabaho rin siyang waiter tuwing gabi para may pambayad siya sa tuition niya at pambili ng pagkain niya. Matatag siyang tao. Naiintindihan ko rin kung bakit napaka possessive niya pagdating sa akin. Takot siyang iwanan ko katulad ng ginawa ng mga magulang niya sa kanya that's why I will never leave him.Annual event ngayon ng YGA at ang na-assign na booth sa aming klase ay ang Milktea booth. Pwede ring makapasok sa YGA ang mga taga ibang schools para
ALANIS POVNapapikit ako at napaluha na ng tuluyan. Posible kayang tama si Julian sa sinasabi niyang mapanganib talaga si Russel?"Iiyakan mo lang ba ako, Alanis? Bakit? May gusto ka ba sa gagong 'yon? Iiwan mo na ba ako?!" Sigaw na naman niya sa akin at sinuntok ang pader sa likuran ko dahilan ng pagdugo ang kamao niya.Umiling lang ako ng paulit-ulit at nanginginig na hinawakan siya sa balikat niya."H-hindi.. 'wag ka nang magalit, please.." Pakiusap ko.Unti-unting namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at binitiwan na ako."Sorry. I just can't control my anger. Ayoko lang na nilalapitan at binabastos ka ng ibang lalake, and this jealousy inside of me, nasasaktan ako sa tuwing may kausap kang iba. Pakiramdam ko ay.. iiwan mo na rin ako at aagawin ka nila sa akin. Takot na takot na akong maiwanan sa ere. Ikaw na lang ang meron ako, Alanis kaya sana kahit ganito ako ay matanggap mo ako."Nagulat na lang ako nang b
KALE'S POINT OF VIEWI didn't even know that my life would changed because of her. My life before was like an awful and sad story from a mysterious and silent type of boy who suddenly went to a school for commoners.When I met her at first, she was kind of annoying to me. She's always following and chasing me and that's the reason why I hate her.No one wants to befriend me because everyone in my previous school was blaming me for the death of my father. They are scared and hate me for that reason that's why my life was always in the dark.But when the time that I threw the food that she gave to me, I realized that I'd already love her.Sino bang lalakeng hindi magugustuhan ang isang babaeng katulad niya? She's pretty, happy-go-lucky, very intelligent and kind girl.I was so damned lucky because I'm the one who she likes at first at maling-mali na pinagtabuyan ko siya noon nang dahil lang sa hindi ako sanay na may taong nandiyan para sa akin na mamahalin ako sa kung sino o ano ako.Je
Nag-iimpake ako ng ilang mga gamit para sa pagpunta namin ni Kale sa Bangladesh dahil doon raw kami ikakasal. Isa iyon sa mga bansa kung saan legal ang minor age wedding. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari ngayon pero siguro ay dahil marami lang akong iniisip nitong mga nakaraang-araw.Masyado nang pagod ang puso ko para isipin pa ang mga pinagdadaanan ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko at siguro ay kailangan ko nalang itong harapin."Christian, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik dyan, ah?" Tanong ko kay Christian na kasama ko dito sa loob ng kwarto ko.Napansin ko kasi na kanina pa siya tahimik. Sasama rin siya sa Bangladesh sa kasal na gaganapin sa amin ni Kale.Tumingin naman sa akin si Christian. "Bliss, sigurado ka na bang pakakasalan mo si Kale? Hindi ba't hindi mo naman siya mahal at si Ash ang mahal mo? Papayag ka nalang bang matali sa isang relasyon na alam mong hindi ka magiging masaya?" Nag-aalala
Sa sinabi sa akin ni Kale ay pinag-isipan ko iyon nang buong araw. Pinunasan ko ang mga luha ko habang tinitignan ang apat na pregnancy kit na hawak ko.I'm pregnant.Mahal ko si Ash pero.. magkakaanak na ako at ang ama nun ay si Kale. I'm too young to get pregnant pero nangyari na ito at kailangan ko na sigurong tanggapin ang kapalaran ko.Maybe the destiny was not meant for me at kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan sa huli.Ang pagmamahal nga ay pagsasakripisyo at ngayong alam kong buntis na ako ay hindi deserve ni Ash ang isang katulad ko na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya.Tinignan ko si Kale na nakangiti habang nakatingin sa mga hawak kong pregnancy kit. He hugged me at nakikita kong masaya siya na magkakaanak na kami."I'm so happy, Bliss. I'm going to make sure na aalagaan at mamahalin ko kayo ng magiging baby natin. You know how much this means to me." Sabi niya nang kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin.Wala akon
Pagkapasok namin ni Ash sa loob ng Southern Academy ay kaagad naming natanaw sila Kevin, Yesha at Lucas na naglalakad papalapit sa amin.Kaagad naman akong niyakap ni Yesha pagkakita niya sa akin."Are you okay, cous? Nabalitaan namin 'yung ginawa nung Kale na 'yon sa'yo. How dare he is to abduct you? He's such a crazy man to do that!" May pag-aalala niyang sabi habang naiiling ito.Nginitian ko naman si Yesha at kumalas na mula sa pagkakayakap niya."I'm now okay. Mabuti nalang at may tumulong sa akin noong tumakas ako kay Kale." I said and sighed after.Yesha just nodded."Pero parang mas lalo ka yatang gumanda after two weeks, Bliss? Hmm.. dahil ba sa inspired ka sa lalakeng katabi mo?" Nakangisi namang tanong ni Kevin at inginuso nito si Ash na namulang bigla sa sinabi niya."Can you stop that, Kevin? Nakakahiya kay Bliss!" Mahinang sabi ni Ash na narinig naman namin.Kevin just laughed. "Sus! Nahiya ka pa but we're already know na mahal ka rin pala ni Bliss so you don't need to b
Marahang hinahagod ni Christian ang likod ko habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak ko. Nang kumalma na ako ay binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko naman iyon.It's already 11pm in the evening at nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko kasama si Christian. Sinasamahan niya ako sa matinding pag-iyak ko magmula pa kanina.Kanina pa nakauwi sina Kale at si Tita Josephine. Sina Mama at Papa naman ay nasa trabaho na nila sa kompanya namin at overnight sila doon habang si Kuya Andrei ay bigla nalang umalis at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta.Alam kong maging pati siya ay tutol rin sa desisyon ni Papa na ipakasal ako kay Kale at masama ang loob niya doon."Christian, bakit ganon si Papa? Bakit pinagtutulakan niya akong pakasalan si Kale? Hindi ba niya naiisip 'yung nararamdaman ko?" Puno ng hinanakit kong sabi.Inakbayan naman ako ni Christian at pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam mo Bliss, naiintindihan ko 'yung Papa mo kung bakit naging ganoon ang desisyon ni
Sobrang sama ng titig ni Kuya Andrei kay Kale habang kaharap namin siya kasama si Tita Josephine. Pinatawag sila ng pamilya ko para komprontahin tungkol sa ginawa ni Kale sa akin.Hindi ko na muna binanggit na may nangyari na sa amin dahil panigurado na mas lalo lang madadagdagan ang galit nila lalo na si Ash. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanya at kung pwede nga lang ay itatago ko nalang ang pagkakamali kong iyon."Ang kapal naman ng mukha mo para kidnappin ang kapatid ko at itago siya sa amin. Sino ka ba para gawin 'yon, ha?" Sigaw ni Kuya Andrei at dinuro niya si Kale na kanina pa tahimik at walang halos imik.Pilit namang pinapakalma ni Mama si kuya at si Papa naman ay tahimik lang habang pinagmamasdan kami. Si Ash ay katabi ko habang nakahawak siya sa isang kamay ko at si Christian naman ay nasa tabi lang namin.Hindi pa rin sumasagot si Kale sa sinabi ni Kuya Andrei kaya mas lalo lang nadagdagan ang galit ng kapatid ko sa kanya.I've never seen my brother would be so mad
Mahigit isang linggo na akong nandito sa probinsya ng San Alfonso kasama sina Christian at Inay Felicia. Sa loob ng mga panahong iyon ay mas lalo ko pa silang nakilalang dalawa lalo na si Christian. Sinabi niya kay Inay Felicia ang tungkol sa scholarship program na inaalok ni Papa para sa mga teenagers na gustong makapag-aral at pumayag naman si Inay Felicia doon basta ay pagbutihin lang ni Christian ang pag-aaral niya.Sinabi naman ni Christian na dadalawin niya every weekends si Inay Felicia dito sa San Alfonso kung sakali mang sa Maynila na siya mag-aaral ng kolehiyo.Sinabi ko na rin sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit ako napadpad dito sa San Alfonso. Naawa sila sa sinapit ko at dapat raw ay hindi ko dinanas iyon. Nakikita ko ang sobrang pag-aalala ni Christian doon at natuwa naman ako dahil concern siya sa akin.He's really my true friend.Naisipan ko nang i-contact sina Ash at ang pamilya ko sa Maynila at natuwa sila nang malaman na maayos lang ang kalagayan ko. Nang sin
Nagising ako at kaagad kong tinignan ang nakasabit na wall clock sa kwartong tinutulugan ko. It's already 6am in the morning. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas sa loob ng kwarto.Nakita ko kaagad si Christian na nakaupo sa sala at umiinom ito ng kape. Ngumiti naman siya nang makita niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya at umupo sa upuang nasa tabi niya."Good morning, Bliss." Bati niya sa akin."Good morning din, Christian." Bati ko."Gusto mo ba ng kape o gatas? Ipagtitimpla kita. May pandesal din dito, kumain ka na." Pag-aalok niya."Thank you. Nasaan na pala si Inay Felicia?" Tanong ko."Nauna na siya sa bukid. Ako naman ay pupunta sa kabilang bukid para magbuhat ng mga troso. Sayang rin ang kikitain ko doon kaya tutulong ako." Sabi niya pagkatapos niyang humigop ng kape."Hmm.. pwede ba akong tumulong sa'yo sa bukid?" Nakangiting tanong ko na ikinagulat niya."Sigurado ka ba? Mainit doon at baka masunog lang 'yang balat mo. Napakaputi mo pa naman at hindi maganda
Nang iminulat ko ang mga mata ko ay kaagad bumungad sa akin ang isang matandang babae at isang lalake na mukhang kaedad ko lang. Napangiti sila nang makita nilang nagising na ako."Salamat sa Panginoon at nagising ka na rin, hija." Sabi nung matandang babae at hinaplos niya ang mukha ko.Inilibot ko ng tingin ang paligid ko at nakahiga ako sa isang kama at ang paligid naman ng bahay ay gawa sa kahoy.Nagpapasalamat ako at nakaligtas ako mula sa mga kamay ni Kale nang dahil sa pagtakas ko. Kung magtatagal pa ako sa poder niya ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin.Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at humarap ako sa mga taong nagligtas sa akin."Maraming salamat po at iniligtas niyo ako." Sabi ko at napayuko nalang."Wala iyon, hija. Hindi ka muna namin tatanungin sa kung anuman ang dahilan kung bakit napadpad ka dito sa lugar namin. Ang kailangan mo lang muna ay ang magpahinga." Nakangiting sabi naman ng matandang babae.Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat po tal