KylieNakasakay na kami ngayon sa kotse at pa punta na kami ngayon sa bayan kung saan ay balak namin na mag libot libot. Gusto ko din kasi na pumunta kami sa may plaza dahil sabi nila ay marami daw mga pwede na mabili na pagkain doon banda Yung mga tusok tusok ba. Parang masarap kasi yun. Nakikita ko kasi sa mga napapanood ko sa tv na parang ang sarap ng kanin nila maging sa tiktak at utube kapag wala ako masyadong ginagawa at ang hilig ko manood ng mukbang na mga ganyan. Kaya ngayon ay hahanapin ko kung may mabibili bang ganun dito. Para makapag mukbang din kami nitong si Ellen kaya lang ay inaalala ko dito ay yung tyan niya. Masilan nga pala ito. Baka mamaya ay bigla na lang ma ospital ito ng dahil sa gusto ko lang masubukan na kumain ng mga ganun. Hayst dapat pala ay bumili na lang ako ng available na pwede ng lutuin at yun na lang ang ipapa luto ko para alam ko na malinis yun. Tama ganun na nga lang ang gagawin ko. Maya siguro ay mag se search ako kung ano ang mga yun para mab
KylieHalos nalibot naman namin ang buong bayan ng mag pasya na kaming bumalik na sa hotel. Mag 3 na rin kasi ng hapon e. Kaya naman kahit na gusto pa sana namin na mag ikot pa ay hindi na pwede. Sinabi ko na lang na kapag may free time ulit siya ay babalik kami dito. Ang dami ko pa din naman na gustong puntahan na hindi pa namin napupuntahan nito. Naka bili na rin ako nung mga ipapaluto ko mamaya sa chief at balak ko na sa gilid ng dalampasigan kami kakain mamayang gabi. Balak ko din na ayain ito na doon na rin kami matulog. Sana naman ay pumayag siya. Ang sarap kaya matulog sa may cottage. Hindi naman masyado malakas ang hampas ng alon kapag nasa loob na ng room e. Nang makarating na kami sa hotel ay nag pahinga na muna ito. Alam ko naman na pagud din yun e. Kahit nga ako ay napagud din e. Hayst kung wala lang talaga na trabaho and ay malamang na enjoy na enjoy kami ngayon. Pero okay lang na e si singit din naman ang pamamasyal kahit paano e. Work with leisure na nga ang ginagaw
KylieMaya lang ay tumayo na ako at nag ayos na rin. Mag 8 na rin kasi ng gabi at pupuntahan ko pa si Ellen sa kanyang kwarto at kakain na rin kami. Mamaya ko na lang sa sabihin sa kanya na sa cottage na kami matulog nito. Total naman ay doon din naman kami kakain nito. Tamang tama na doon an rin kami matulog niya. Nang ma sure ko na okay na ako ay pinatay ko na rin ang tv at tuluyan ng lumabas sa aking kwarto. Sakto na palabas na rin pala ito ng room niya. Bagong paligo na ito kaya naman ang fresh fresh nitong tignan. Naka terno na pantulog na rin ito mukhang kakain lang talaga ito sa baba at matutulog na ulit. Tamang tama para Hindi na siya a akyat pa dito mamaya kapag inaya ko na siyang doon na lang matulog. Agad naman na ngumiti ito sa akin na ginantihan ko din naman kaagad. " tapos kana sa ginagawa mo?" tanong nito sa akin pagka lapit ko sa kanya. Nag lakad na rin kami pa punta sa may elevator nito habang nag kwentuhan. "Tapos ko na at kailangan na rin kasi yun ni Maryanne. M
KylieNakita ko naman na excited ito na nag sawsaw na sa may suka na may sili. Naka tingin lang naman ako dito habang pinag mamasdan kung ano ang magugustuhan niya sa mga ito. Maya ay doon naman sa mga isang sawsawan ito nag sawsaw. Mukhang nagustuhan naman nito yun kasi nag sawsaw pa ulit siya doon e. Nang maubos nito yung isang stick ay nag try naman ito ng ibang pagkain. Ako naman ay nag simula na rin kumain. Ipinag lagay ko na rin ito ng kanin sa plato niya. Maya lang ay inilapag na rin yung bangus at pusit na ipina ihaw ko sa mga ito. Nang makapag lagay na ako ng kanin sa plato nito ay humingi naman ako ng tabo na may lamang tubig para doon na lang mag huhugas ng kamay kami ni Ellen kung gusto nitong mag kamay. Ako kasi mag kakamay na lang e. Ang sarap kaya kumain ng naka bare hands lang. Total kahit paano naman ay naturuan ko na ito kung paano mag kamay e. "Wow ang dami naman nito Kylie. Hindi natin mauubos lahat ng ito." nanlalaki ang mata na sabi nito sa akin. "Kaya natin
KylieFriday Sa wakas ay last day na ito ng pictorials nila Ellen at natapos na rin naman ang pag pili ko ng mga ilalagay sa magazine na ilalabas kasabay ng pag launch ng summer collection ko. Bali sa merkules naman na rin gaganapin ang launching kaya naman makakapg pahinga pa kami ng mga ilang araw bago ang madugo na launching nito. Nandito ako sa may isang upuan kung saan ay nanonood ako ng pictorials nila Ellen at Andrea. Mag kasama na ang mga ito ngayon kasi nga ay gor final touching na rin lahat kasi ng mga model ay ipag sa sama sama na ngayon na kukunan. Naka shades naman ako kaya hindi pansin na sa iisang tao lang ako naka tingin at naka tutok ang aking pansin. Kahit na Panay ang dada ng katabi ko at nag papaliwanag sa akin ng mga ginagawa nila ay hindi ko na rin naiinitindihan ang mga pinag sasabi nito. .Basta na kay Ellen lang ang attention ko. At saka kinakabahan na rin kasi ako. Dahil after nito ay aalis na rin kami ni Ellen at mauuna na kami sa kabilang Isla. Nakapag
KylieSakay na kami ng speed boat papunta sa kabilang isla. Kaming dalawa lang na pa punta doon. Kasi may pina una na akong tao na siyang mag ba bantay para sa seguridad namin ni Ellen. Syempre hindi ko naman basta basta na lang ilalagay ang buhay namin na dalawa sa alanganin nito. Kargo ko siya at maging sa parents nito. Kaya gagawin ko ang lahat maging ligtas lang siya. Maya lang ay naka rating na rin kami sa isla. Kaya naman bumaba na kami sa speed boat. Hinila ko naman na kaagad yun papuntang gilid at itinali na rin. Nang ma sure ko na okay naman na ang speed boat ay inaya ko na si Ellen na pumunta na kami sa may kubo. Kung saan ay iiwan na muna namin ang mga gamit namin. At balak din na doon na muna mag pahinga. Total naman ay maaga pa. Mag 11 pa lang kaya ng umaga. Dito na rin balak namin na kumain ng tanghalian at mga bandang 3 ng hapon na lang kami pu punta sa may falls. May mga stocks naman na dito at ang kailangan na lang namin na gawin ay mag luto. Kaya walang problema
KylieAgad na rin naman na akong sumunod sa kanya pa punta sa may kusina. Baka kasi mamaya ay magalit pa ito kapag nag pa bagal bagal pa ako. Nakita ko naman na naka hain na ang pagkain pagka pasok ko sa kusina. Napangiti naman ako dahil doon. Feeling ko tuloy mag asawa na kami ngayon ni Ellen at ipinag luto at handa na rin niya ako ng pagkain. Parang bigla naman na kinilig ang aking puso dahil doon Hayst ang lakad talaga ng tama ko dito e. Malaki ang ngiti na naupo na ako sa tabi nito banda. Syempre gusto ko tabi kami lagi nito no. Para naman naaasikaso ko ang pagkain niya. Hindi yung magkalayo kami. Ayaw ko nun. Para tuloy magkaaway kami kapag ganun. Maya lang ay tinikman ko naman kaagad ang kanyang nilutong adobong baboy. Napapikit naman ako kasi nahuli nito ang lasa na gusto ko sa adobo. Yung halos nag mamantika na lang ito at napa tuyuan na ang sabaw niya. Tapos hindi ganun masyado maalat na matamis yung sakto lang ba pati ang asim niya. Mukhang mapaparami ang kain ko nito a
KylieNag ha handa na kami ngayon pa punta sa may falls. Nandito kasi dinala yung mga damit namin at ibang gamit. Kaya naman hinahanda ko na sa isang bag lang para ako na ang mag dadala ng mga yun. Alangan naman na si Ellen pa ang pa dalhin ko diba? Nang ma sure ko na okay na ang lahat pati na rin siya at nasa bag na lahat ang mga yun ay lumakad na kami. Mga ilang sandali lang ay nasa may falls na kami. Agad naman na namilog ang mata nito ng makita nito ang naka set up ng tent na tutulugan namin ngayon. Kaya naman mabilis na nilingon ako nito. "Paano na na set up mo kaagad ang mga yan?" nag tataka na tanong nito sa akin. "Inutos ko lang yan sa mga crew kanina. Yung nasa pictorials pa kayo. Nauna na sila dito para mag dala na rin ng ibang mga gamit natin kaya wala na tayong problema sa pagkain at tutulugan natin." naka ngiti naman na sagot ko dito. "Ang galing naman. Mabuti na lang may utak ka din pala kahit papaano at naisip mo ang bagay na ito." nang iinis naman na sagot niya sa
EllenNandito ako sa veranda ng bahay namin ni Kylie, yap magkasama na kami sa iisang bubong nito. Bago ako umuwe dito sa Pilipinas ay kinasal na muna kami nito. Nung hapon din na yun na may nangyari sa amin nito at mag proposed siya ng kasal sa akin ay mabilis na pinag bihis na niya ako kasi ay mag papakasal na daw kami matapos kong umoo sa kanyang proposal. Kaya kahit sobrang nabibilisan sa mga nangyari ay pumayag na lang ako sa lahat ng gusto nito. After all ay doon din naman ang punta namin nito. Nabilisan nga lang ako masyado. Si Andrea nga pala ayon successful naman ang kanyang operation at nag paiwan na rin lang doon sa US at doon na lang daw ito maninirahan. Total ay wala na rin naman daw siyang babalikan pa dito sa Pilipinas. Nag divorce na rin pala sila ng kanyang asawa at wala ng nagawa pa doon ang kanyang mga magulang. Hinayaan na rin lang naman ni Kylie ang parents ni Andrea ang gusto nga sana nitong gawin noon ay ibagsak ang negosyo ng mga ito at mag hirap sila. Pero
KylieNag start na rin kaagad ako ng kotse at pina sibat na rin ito kaagad. Mag e stay na muna kami saglit sa bahay kahit ilang oras lang para naman makapag pahinga kahit paano si Ellen. Maya lang ay mabilis na inabot ko naman ang kamay nito habang nag da drive ako. Tangina mga ganitong scenario ang palagi kong naiisip noon kapag naka sakay siya sa kotse ko at ako ang nag da drive. Yung holding hands kami nito. Habang nag kwe kwentuhan kami. Wala na talaga akong mahihiling pang iba kung hindi ay ang tuluyan na lang na pag galing nitong si Andrea. Pero malakas naman ang pananalig ko na gagaling ito. Si Kaori kaya na siraulo din ang kanyang doctor. Alam ko na gagawin nitong lahat ang kanyang best upang ma e salba lang ang buhay nitong si Andrea. Nag kwentuhan kami nito habang pa uwe kami sa bahay at na kwento ko na nga sa kanya ang kalagayan ngayon ni Andrea. Laking pasalamat nga nito ng malaman niya na may pag asa pa itong gumaling. Mabuti na nga pang daw at nagka roon ako initiat
KylieNgayon ang naka schedule na operation ni Andrea. Mabuti na lang talaga at dinala ko siya dito dahil sa mga mkabago nilang technology ay kaya pa itong operahan kaya naman ang laking pasalamat ko ng malaman ko ang bagay na yun. Maging itong si Andrea ay sobrang natuwa din sa kanyang nalaman. Kaya nga ng malaman namin na ganun ay agad na nag schedule itong kaibigan kong doctor upang ma operahan siya kaagad para naman daw hindi na mas lalo pang kumalat ang cancer cells nito. Kaya naman Hindi ko na pinauwe pa itong si Andrea at pinaiwan ko na dito sa ospital. Napag alaman ko din na sobrang crush pala nitong si Kaori si Andrea at kaya gusto na rin nito kaagad na ma operahan itong si Andrea ay upang ma e ligtas na rin ang buhay nito. Panay nga ang pa cute nito dito kay Andrea at ako na lang ang nahihiya sa kanyang pinag gagawa. Napaka layo ng personality nito sa kanyang mga na achieve na sa buhay. Ito naman si Andrea ay hindi pinapansin yung isa. Hindi nga lang nito masungitan kasi
Kylie"Mahal naman please makinig ka naman muna sa akin oh please lang." pakiusap ko sa kanya. ."Hayst sige mag salita kana. Pero dapat katanggap tanggap ang mga dahilan mo at kung hindi humanda ka talaga sa akin dahil su sundan kita dyan para lang sapakin at pag sa sampalin ang babae na malandi na yan. Malaki na ang atraso sa akin nyan kaya namumuro na sa akin ang bwisit na yan!!" napipilitan na sagot naman nito sa akin. Hayst ang mahal ko talaga o. Pwede naman na pumunta siya dito baka ipa sundo ko pa siya sa private plane ko e. Para naman kahit paano ay makasama ko siya. Miss na miss ko na kaya ito sa totoo lang. ",Ganito nga kasi yan. Kasama ko si Andrea dito sa US kasi ako ang nakiusap sa kanya na pumayag siya na dalhin ko siya dito. Mahal ko may sakit si Andrea, cancer at nasa stage 4 na ito. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging findings ng mga doctor dito kung kaya pa ba nila gamutin siya. Wala akong intention na iba sa kanya kung hindi ang gumaling siya. Kaya sana ay main
KylieNandito na kami ngayon sa US ni Andrea at tumuloy na kami sa bahay ko dito. Yap may bahay ako dito. Madalas kasi na panay din ang byahe ko dito lalo pa nga at may mga store na rin naman ako dito sa US. Kaya bumili na lang ako. Kaysa ang mag e stay pa ako sa hotel tuwing pu punta ako dito. Tsaka mas maganda na may ganito na ako dito incase na mga ganitong bagay ay may tutuluyan ako. Pinag pahinga ko na muna ito sa isang kwarto mabuti na nga lang at may nag lilinis dito na at least once a week kaya naman kahit paano ay malinis dito pag dating namin. Mamaya pa ang schedule nito sa kilala kong doctor. Pina singit ko talaga ito kasi nga ay kailangan ko ng malaman kung ano ang gagawin ko sa susunod. Naka depends kasi yun sa magiging results nito kung mag tatagal ba kami dito o hindi. Ako naman ay mag go grocery na muna kasi kailangan namin ng mga gagamitin at kakainin sa pag stay namin dito. Matapos kong makapamili na ay inayos ko na rin ang mga gamit namin. Para mabilis lang kam
KylieNandito na kami sa bahay nilang mag asawa ni Andrea. Umalis na kami kaagad sa bahay ng parents nito kanina at baka hindi pa ako maka gawa doon ng hindi maganda sa mga magulang nito. Tangina lang yan. Anong klase ng magulang ang meron ito na mas mahalaga pa sa kanila ang pagka bagsak ng negosyo nila kaysa sa Karamdaman ng anak nila. Kanina bago kami umalis doon ay nag makaawa pa ang mga ito sa akin na ibalik ko na muli ang shares ko dahil babagsak daw ang company nila pag full out ko ito. Mas yun ang pinangambahan at inuna nilang inisip kaysa kay Andrea. Mga walang kwentang magulang ang mga ito. Pero pinabalik ko din naman kaagad dahil ayaw ko na mag isip pa ito g si Andrea about sa parents niya. Gusto ko pag nasa US na kami nito ay wala itong ibang iisipin pa. Hinayaan ko ito na kunin na nito ang mga gamit niya sa kwarto nito habang nag hi hintay dito sa may sala nila. Maya lang ay bigla na lang tumunog ang aking phone at nagulat na lang ako na si Ellen ang tumatawag. Mukhan
EllenNag patuloy pa rin ako sa panonood ng cctv na send sa akin ni Kylie. Maya lang ay nilagyan muli nito ng alak ang baso ni Kylie at uminom na naman ang mga ito. Mukhang hindi pa yata tumatalab ang nainum ni Kylie kaya ayos pa sila sa pag iinum nitong si Andrea. Maya lang ay bigla na lang naka sapo na sa kanyang ulo itong si Kylie at bigla na lang tumayo si Andrea at lumapit kay Kylie na ngayon nga ay parang nanghihina pa ito. Nakita ko naman na agad nag hubad ng kanyang damit itong si Andrea at saka bigla na lang itong pumatong kay Kylie na pilit siyang inilalayo ngayon. Nakita ko kung paano nilabanan ni Kylie itong si Andrea upang huwag nitong ma e tuloy ang kanyang balak. Halos manikip naman ang dibdib ko ng maalala ko ang mga masasakit na pinag sa sabi ko dito kay Kylie. Maya lang ay tuluyan na nitong nahalikan si Kylie at nahubaran na rin nito ang pang itaas ni Kylie. Nag tagumpay na itong tuluyan ng mahalikan si Kylie at dahil wala na rin talaga itong lakas pa. Halos hind
EllenPatulog na sana ako ng bigla tumunog ang phone ko. Mukhang may nag email sa akin a. Sa isip isip ko. Alam ko naman na mga important message ang mga pinapadala sa email ko kaya naman kahit inaantok na ako ay tinignan ko pa rin iyon. .Napa kunot noo ako ng makita ko na si Kylie pala ang nag email nun. Kahit na ayaw ko sana na basahin ay binasa ko na lang may attachment pa ito. Nabasa ko na yun daw yung CCTV footage nung araw na nagalit ako sa kanya. Parang bigla naman akong nag da dalawang isip kung bu buksan ko ba yun o hindi. Pero bakit pa nga ba bu buksan ko pa at panonoorin pa ito? Wala na din naman na mababago ang lahat. Nangyari na. Kaya ibinaba ko na lang ang phone at hindi na pinanood pa iyon. Malamang na puro cut na ang. ginawa nito at baka in edit pa niya. Hayst bahala na nga siya dyan. Tsaka kapal niya na ngayon lang siya mag send sa akin ng ganyan. Matapos ang ginawa niya sa akin sa restaurant at hindi man lang pag pansin sa akin tapos mag send na lang siya basta b
KyliePapunta na kami ngayon sa bahay nila Andrea. Mabuti nga at napilit ko ito na ipaalam pa sa parents niya ang kalagayan niya. Gusto ko din na malaman ng mga ito ang nangyayari na sa anak nila. Mawawala na lang at lahat ito sa mundo ay wala pa silang ka alam alam at puro ang pag papayaman na lang ang nasa isip ng mga ito. Kahit na ang kaligayahan nang kanilang nag iisang anak ay wala silang pakialam basta maka gain sila. Kaya hindi ko ito masisi king bakit halos ayaw na nitong makita ang mga magulang niya. Pag dating namin sa mansion ng mga ito ay mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila ng makita nito si Andrea ang sakay ko. Hindi ko naman na pinasok pa ang kotse ko at iniwan na lang yun sa labas ng gate. Sandali lang naman kami dito e. Dahil pu puntahan pa namin ang bahay nila ng asawa niya o kaya sa condo nito upang kumuha ng kanyang mga gamit. Saktong pag pasok namin sa loob ay kabababa lang ng parents nito na naka bihis na at mukhang pa pasok na sa office ang mga ito.