Kylie
Magmamadaling araw na, pero nandito pa rin ako sa isang bar at halos di na maka gulapay sa sobrang kalasingan.Kanina pa rin may lumalapit sa aking mga babae man o lalaki na gustong makipag kilala.Pero wala man lang akong pinansin sa kanila kahit isa. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na wala na talaga kami ni Andrea. Tuluyan nya nang tinapos ang anumang ugnayan namin sa isat-isa.Wala naman akong magagawa doon. Isa lang naman akong dakilang kabit nito. Kung kailan kailangan niya ako saka pupuntahan. Kung kailan nangangati ito at kailangan na may kumamot sa kanya nasa akin siya. Pero after nun wala na ulit hindi na ulit niya ako kailangan.Siguro nga tama ito na hindi talaga kami para sa isat-isa, kahit na mahal na mahal ko sya ay hindi na ako mag hahabol pa dito. Dahil kahit anong gawin ko ay di talaga pwede kasi nga may asawa na ito.Tsaka pagod na rin ako. Pagod na ako kaka hintay dito sa mga pangako niya na kailanman ay walang natupad. Dahil sa huli ang asawa pa rin ang pinili nito kaysa sa akin.Mag po focus na lang muna ako sa company at mag mo move on na ng tuluyan.Maya lang ay tumayo na rin ako sa counter at nag iwan na lang doon ng ilang lilibuhin.Mabuti na lang at may driver ako. Kaya kahit mag paka lasing ako ay ok lang din.Agad na kaming umalis sa bar at nag pahatid na lang ako dito sa isang resorts ko sa Batangas. Doon muna ako pansamantala habang nag papagaling pa ang aking sugatang puso.Nang makarating na kami sa resort ay agad na nagising naman ang aking katiwala dito at inasikaso nito ang tutulugan ko."Pasensya na po Ma'am at di po nalinis agad iyong kwarto nyo. Di po kasi namin alam na bibisita po kayo dito eh." Nakayukong hingi ng pasenya ni manang."Ok lang po. Sa isang mga kwartong available na lang po muna siguro ako matutulog dito. Saka na lang ako lilipat sa kwarto ko pag ok na." Inaantok na sabi ko naman kay manang."Sige po Ma'am, saglit lang po at e handa lang po muna."Tumango na lang ako at naupo muna dito sa may couch ng receiving area.Maliban kasi sa clothing lines ay ang pag tayo ng mga resorts and hotel ang isa pa sa mga business ko.Maya lang ay bumalik na si manang at ok na daw ang tutulugan ko.Sinamahan naman ako nito pa punta sa kwarto. "Ma'am Kylie bukas na bukas po at ipa lilinis ko po agad ang inyong kwarto sa bahay." Nahihiyang sabi nito sa akin."Ano ka ba manang ok lang po. Sige na po at masyadong gabi na. Matulog na rin po kayo." Pag tataboy ko na lang dito.Pumasok naman na ako sa room at agad ng nahiga at kanina pa ako antok na antok. Isama nyo pa na lasing ako.Dala na rin ng pagud at kalasingan ay naka tulog ako agad ng di nakakapag palit ng damit.Mataas na ang araw ng ako ay magising dahil sa walang tigil na pag ring ng aking cellphone.Tinignan ko naman kong sino itong tumatawag. Si Maryanne pala ang aking secretary na madalas noon pag selosan ni Andrea."Hello Maryanne, bakit ka napa tawag?" Sagot kong tanong dito sa inaantok pang boses."Ma'am Kylie asan na po kayo? Kanina pa po dito sa office ang mga investors na gustong makipag usap sa inyo." Paliwanag nito sa akin."Pabalikin mo na lang sila next week at di ko sila mahaharap ngayon. May importante akong ginagawa. Paki adjust na rin ang aking schedule ngayong week na ito." Bilin ko naman dito."Ganun po ba Ma'am? Sige po ako na po munang bahala dito." Sagot nito sa akin. Maasahan ko talaga itong si Maryanne sa halos lahat ng bagay.Kaya nga ang laking tulong nito sa akin nang maging secretary ko sya mag dadalawang taon na ang nakakaraan.Mas matanda lang ito sa akin ng dalawang taon. Kaya tuloy mas madalas pa itong pag selosan ni Andrea noon.Madalas pa nitong sabihin sa akin na bakit daw lagi kong kasama ito. Natural kako na kasama ko ito palagi at secretary ko sya.Alangan naman kung sino lang ang kasama ko lalo na pag may mga ka Business meeting kami sa labas.Gusto pa nga nito na palitan ko na lang daw ito at mag hanap ng iba. At ang gusto nya ay sya ang pipili. Pero di ako pumayag. Bakit pa ako mag papalit eh napaka ayos ng trabaho nito.Ilang araw din na nag tampo ito sa akin at di nag paramdam. Pero di rin naka tiis at pinuntahan din ako sa condo ko.Buti na nga lang at di ko ito sinunod noon eh. Di sana wala akong mapag kakatiwalaang tao sa office ko ngayon.Tuluyan na rin akong bumangon sa aking kama pagkaraan ng ilang pag mumuni muni pa. Kailangan ko maging busy ngayon at ng di na maka singit pa sa utak ko at maalala na naman si Andrea.Masakit ang ulong tumayo na ako sa kama at nag tuloy sa cr upang gawin ang aking daily routine.After that ay lumabas na ako ng kwarto at nag lakad lakad dito sa palibot ng aking resort.Mukhang madami dami ang bisita namin ngayon ah. May mga grupo ng kabataan at mga pami pamilya akong nakikita na nag lalakad din dito sa may dalampasigan.Maya lang sa sobrang pag iisip ko ay may nabangga ako bigla. Sa sobrang lakas non ay pareho kaming natumba sa buhanginan.Sapo ang ulong nasaktan ay dahan dahan akong nag angat ng tingin upang tignan kung ok lang yung naka banggaan ko.Isang nag liliyab na mga mata ng magandang nilalang ang aking nasilayang naka tingin sa akin ngayon."Tanga ka ba ha!!? Ang luwang luwang ng pwede mong lakaran eh dito ka pa talaga dumaan at binangga mo pa talaga ako.!!" Sigaw nitong galit na galit sa akin.Sayang maganda sana ito. Kaya lang eh parang tigre kung magalit. KainisKylieKahit na bwi bwisit dito ay dali dali akong tumayo at balak ko pa sana itong tulungan ng bigla na lang nitong tabigin ang in offer ko na kamay sa kanya. "Huwag na. Kaya ko naman. Baka mahawaan pa ako ng katangahan mo." Inis pa ring sabi nito sa akin at padabog na tumayo na rin ito sabay pagpag ng na dumihan nitong damit."Sa susunod huwag kang ta tanga tanga at ng di ka maka perwesyo ng iba. Sarilinin mo na lang yang katangahan mo ha. Parang awa mo na, huwag ka ng man damay pa ng iba." Maldita na litanya nito sa akin. Mabilis naman na iniwan na ako nito. Hindi ko man lang naipag tanggol ang aking sarili sa mga panlalait na pinag sasabi nito sa akin.Napapantastikuhang tinignan ko na lang ang papalayo nitong likod. Ibang klase din ang isang iyon ah. Sayang ang ganda pa naman sana nya. Kaya lang na sobrahan ng kasungitan sa katawan. Pero infairness ang ganda nya ha. Kahit naman na ganito na broken ako ay nakaka appreciate pa rin naman ako ng ganda no. Nang magsawa na ako sa ak
KylieNandito ako sa sala habang nag hihintay na dumating ang mga kakausapin kong investors. Need ko rin ang mga iyon sa balak kong pag papalawak at pag pa paganda nitong resort at ng iba pang hawak kong negosyo.Sa ngayon ay mag papaka busy na muna ako at ayaw ko na makipag one on one na naman sa alak. Tama na ang pag inum ko. Siguro naman ay naipag luksa ko na kagabi ang pagka sawi ng puso ko. Pumunta muna ako saglit sa kwarto ko dito sa bahay at naka limutan kong kunin ang cellphone ko. Need ko pa naman lagi na nasa tabi ko iyon lalo na wala ako sa Manila at palagi pa akong nag bibigay ng instructions kay Maryanne. Hindi rin ako naka suot ng pang formal kong damit at ang balak ko lang sana eh mag bakasyon lang dito kaya wala akong mga pang formal na damit na nadala. Lumabas muna ako ng bahay at mag papa hangin na lang dito sa labas. Habang nag hihintay ng bisita. Maya lang ay may natanaw na akong nag lalakad mag isa na naka dress na babae. Base sa hubog ng katawan nito ay masasa
KylieNagpatiuna na akong mag lakad dito pa puntang dinning area. Ramdam ko dito ang pananahimik nya. Akala ko ba ay matapang sya. At papalayasin nya ako dito sa resort ko. Wala pala ito eh. Husto lang sa paninindak. Kaya lang nagkamali sya doon. Buti nga at mabait pa ako at di ko pa sya pinapalayas eh. Tsaka di pa ako tapos sa kanya. May kasalanan pa siya sa akin. Ang sakit kaya ng sampal na ginawa nito. Akala ba niya. Pasalamat ito at mabait akong tao dahil kung hindi kanina pa ito wala dito sa resort ko. Nang makarating kami sa hapagkainan ay agad ko syang pinag hila ng upuan. Nasanay na kasi ako na laging pinag hihila ng upuan si Andrea noon eh. Tsaka likas na talaga sa akin ang pagiging gentlewoman. Kahit na may hindi maganda pa itong nagawa sa akin. Pansin ko naman dito na bahagya itong natigilan at nahihiyang tuluyan ng umupo. "Thanks" mahinang sabi nito sa akin na tinanguan ko na lang. Bago ako tumungo sa upuan ko."Kumain na muna tayo Ms. Francisco at maya na lang natin
KylieNandito kami ngayon ni Ellen sa party ng ka business partner ko. Siya ang date ko ngayong gabi. Tapos na rin na magka sundo kami nito na kapalit ang pag invest ko sa business niya ay ang pag payag nito na maging model ko sa aking bagong ilalabas na summer outfit collection. Bagay na bagay kasi sa kanya na maging bagong model ng mga collection ko na yun. Unang kita ko pa lang dito ay alam ko na ito ang perfect na mag model para doon. Tsaka medyo okay na kami nito. Subukan lang naman niya na sungitan pa ako baka nabibigla na siya nyan. May tatlong buwan na rin pala na hiwalay na kami ni Andrea. Hindi ako nag paramdam dito kahit minsan. Para saan pa e naka pili na ito kung sino talaga ang mas mahal niya at mas gusto niyang makasama habang buhay. Sabagay bakit ko nga naman ipipilit pa ang sarili ko sa isang tao na hindi man lang ako kayang panindigan. Puro mga pangako na ngayon nga ay napako na lang. Natatawa na lang ako sa aking sarili kapag naiisip ko ang kagagahan na pinag g
KylieLumalalim na ang gabi pero hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang na parang ang bigat ng paligid o pakiramdam ko lang yun. Alam mo yung parang may naka tingin sayo at parang galit ito. Ah basta ganun ang nararamdaman ko. Gusto ko na nga sana na umuwe na e. Kaya lang ay busy pa itong si Ellen na makipag kwentuhan sa mga negosyante na nandito. Ako naman ay pangiti ngiti lang habang naka hawak sa bewang nito. Alangan naman na hayaan ko lang itong mag isa na makipag usap sa mga ito. Ano na lang ako at masabi ng iba sa akin kapag pinabayaan ko siya. Hindi pwede yun no. Maya lang ay nag paalam muna ako dito na mag cr lang ako saglit. Kanina pa rin kasi ako tinatawag ng kalikasan e. Nahihiya lang ako na mag paalam. Pero ngayon ay di ko na kaya pang pigilan at baka bigla na lang ako maihi dito. Nakakahiya naman. Baka maging trending pa ako ng wala sa oras. Trending na mga ako malamang ngayon tapos da dagdagan ko pa. Agad naman na tumango sa akin si Ellen ng bumulong ako d
Kylie"Yuck ka naman Kylie. Kagagaling mo lang nag cr tapos ihahawak mo sa akin yang kamay mo. Kadiri ka talaga." nandidiri na sabi nito sa akin.Potek na yan. Akala siguro talaga niya ay tumae ako. Natatawa na sinabi ko na lang dito na nag alcohol at nag sabon naman ako. "Nag sabon at alcohol naman ako ah. Ang arti mo talaga kahit kailan" natatawa na sagot ko naman dito. "Ah basta nakaka diri ka. Lumayo ka nga muna sa akin. Amoy tae ka pa e." pag tataboy pa nito. Maya nga ay lumayo pa ito ng saglit sa akin kaya natatawa na lang na napa iling ako sa mga pinag gagawa niya. Nakalimutan ko na rin ang nangyari sa cr dahil sa pagka aliw ko dito. Basta kapag kasama ko talaga ito ay nakakalimutan ko ang nangyayari dahil sa pag ka aliw sa kanya. Nag aya na rin ito na umuwe na sinang ayunan ko naman kaagad. Sa totoo lang naman kasi ay kanina ko pa talaga gusto ng umuwe. Wala nga lang akong magawa at may mga kausap pa kasi ito kanina e. "Tara na uwe na tayo. Baka mamaya ay kung sino sino
KylieNakarating na rin kami sa wakas sa bahay nito. Inaaya pa nga ako na tumuloy na muna pero tumanggi na lang ako. Mas gusto ko na umuwe at matulog na lang kaysa ang marinig na naman ang walang katapusan nitong pag se sermon sa akin. Ang sakit kaya sa tenga ng panay ang busa nito. Hindi pa naman mapigilan ito kapag naka simula na siyang manermon. Kaya mas maganda na umuwe na lang ako kasi sa totoo lang ay gusto ko na lang itong halikan ng matigil na siya sa kaka busa niya. Tignan lang natin kung hindi ito biglang tumahimik kapag ginawa ko ang bagay na yun. Pero mahal ko pa naman ang aking buhay kaya hinding hindi ko gagawin yun no. Mabuti na nga lang at hindi na ako nito pinilit pa. Mukhang napagod at medyo naka inum na rin kasi ito. Halata naman na antok na ito e. Humalik na muna ito sa aking pisngi bago bumaba na ng kotse ko. Bumaba na rin muna ako upang ihatid muna ito hanggang sa makapasok siya sa bahay niya. Nang makapasok na ito ay bumalik na rin naman ako sa kotse ko at p
KyliePag pasok ko sa loob ng aking kwarto ay bigla na lang ako napa upo sa sahig at nag unahan na lang sa pag patak ang aking luha. Masakit sa akin ang nga pinag sa sabi ko dito sa totoo lang. Pero kailangan na gawin ko ang bagay na yun para din naman sa aming dalawa. Alam ko na mahal ako nito. Pero hindi sapat ang mahal ka lang ng tao. Paano kami sa saya na dalawa nito kung puro na lang pag tatago ng relasyon namin ang gagawin naming dalawa. Kung puro takot na lang na sa tuwing mag kasama kami ay yun ang nararamdaman namin yung Hindi kami comfortable na baka may maka kita ng ginagawa namin. Baka may maka huli sa amin. Ano na lang ang sa sabihin ng iba. Sa akin walang problema yun. Ang inaalala ko ay ito. lalo pa nga at may asawa na ito at kilala ang pamilya nito sa lipunan kaya mas maganda na rin ito na tapusin na talaga ang lahat. Kung para sa akin talaga ito ay hahayaan ko na ang tadhana na siyang bahala na sa aming dalawa. Tsaka gusto ko na tumayo na rin ito sa sarili niyang
EllenNandito ako sa veranda ng bahay namin ni Kylie, yap magkasama na kami sa iisang bubong nito. Bago ako umuwe dito sa Pilipinas ay kinasal na muna kami nito. Nung hapon din na yun na may nangyari sa amin nito at mag proposed siya ng kasal sa akin ay mabilis na pinag bihis na niya ako kasi ay mag papakasal na daw kami matapos kong umoo sa kanyang proposal. Kaya kahit sobrang nabibilisan sa mga nangyari ay pumayag na lang ako sa lahat ng gusto nito. After all ay doon din naman ang punta namin nito. Nabilisan nga lang ako masyado. Si Andrea nga pala ayon successful naman ang kanyang operation at nag paiwan na rin lang doon sa US at doon na lang daw ito maninirahan. Total ay wala na rin naman daw siyang babalikan pa dito sa Pilipinas. Nag divorce na rin pala sila ng kanyang asawa at wala ng nagawa pa doon ang kanyang mga magulang. Hinayaan na rin lang naman ni Kylie ang parents ni Andrea ang gusto nga sana nitong gawin noon ay ibagsak ang negosyo ng mga ito at mag hirap sila. Pero
KylieNag start na rin kaagad ako ng kotse at pina sibat na rin ito kaagad. Mag e stay na muna kami saglit sa bahay kahit ilang oras lang para naman makapag pahinga kahit paano si Ellen. Maya lang ay mabilis na inabot ko naman ang kamay nito habang nag da drive ako. Tangina mga ganitong scenario ang palagi kong naiisip noon kapag naka sakay siya sa kotse ko at ako ang nag da drive. Yung holding hands kami nito. Habang nag kwe kwentuhan kami. Wala na talaga akong mahihiling pang iba kung hindi ay ang tuluyan na lang na pag galing nitong si Andrea. Pero malakas naman ang pananalig ko na gagaling ito. Si Kaori kaya na siraulo din ang kanyang doctor. Alam ko na gagawin nitong lahat ang kanyang best upang ma e salba lang ang buhay nitong si Andrea. Nag kwentuhan kami nito habang pa uwe kami sa bahay at na kwento ko na nga sa kanya ang kalagayan ngayon ni Andrea. Laking pasalamat nga nito ng malaman niya na may pag asa pa itong gumaling. Mabuti na nga pang daw at nagka roon ako initiat
KylieNgayon ang naka schedule na operation ni Andrea. Mabuti na lang talaga at dinala ko siya dito dahil sa mga mkabago nilang technology ay kaya pa itong operahan kaya naman ang laking pasalamat ko ng malaman ko ang bagay na yun. Maging itong si Andrea ay sobrang natuwa din sa kanyang nalaman. Kaya nga ng malaman namin na ganun ay agad na nag schedule itong kaibigan kong doctor upang ma operahan siya kaagad para naman daw hindi na mas lalo pang kumalat ang cancer cells nito. Kaya naman Hindi ko na pinauwe pa itong si Andrea at pinaiwan ko na dito sa ospital. Napag alaman ko din na sobrang crush pala nitong si Kaori si Andrea at kaya gusto na rin nito kaagad na ma operahan itong si Andrea ay upang ma e ligtas na rin ang buhay nito. Panay nga ang pa cute nito dito kay Andrea at ako na lang ang nahihiya sa kanyang pinag gagawa. Napaka layo ng personality nito sa kanyang mga na achieve na sa buhay. Ito naman si Andrea ay hindi pinapansin yung isa. Hindi nga lang nito masungitan kasi
Kylie"Mahal naman please makinig ka naman muna sa akin oh please lang." pakiusap ko sa kanya. ."Hayst sige mag salita kana. Pero dapat katanggap tanggap ang mga dahilan mo at kung hindi humanda ka talaga sa akin dahil su sundan kita dyan para lang sapakin at pag sa sampalin ang babae na malandi na yan. Malaki na ang atraso sa akin nyan kaya namumuro na sa akin ang bwisit na yan!!" napipilitan na sagot naman nito sa akin. Hayst ang mahal ko talaga o. Pwede naman na pumunta siya dito baka ipa sundo ko pa siya sa private plane ko e. Para naman kahit paano ay makasama ko siya. Miss na miss ko na kaya ito sa totoo lang. ",Ganito nga kasi yan. Kasama ko si Andrea dito sa US kasi ako ang nakiusap sa kanya na pumayag siya na dalhin ko siya dito. Mahal ko may sakit si Andrea, cancer at nasa stage 4 na ito. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging findings ng mga doctor dito kung kaya pa ba nila gamutin siya. Wala akong intention na iba sa kanya kung hindi ang gumaling siya. Kaya sana ay main
KylieNandito na kami ngayon sa US ni Andrea at tumuloy na kami sa bahay ko dito. Yap may bahay ako dito. Madalas kasi na panay din ang byahe ko dito lalo pa nga at may mga store na rin naman ako dito sa US. Kaya bumili na lang ako. Kaysa ang mag e stay pa ako sa hotel tuwing pu punta ako dito. Tsaka mas maganda na may ganito na ako dito incase na mga ganitong bagay ay may tutuluyan ako. Pinag pahinga ko na muna ito sa isang kwarto mabuti na nga lang at may nag lilinis dito na at least once a week kaya naman kahit paano ay malinis dito pag dating namin. Mamaya pa ang schedule nito sa kilala kong doctor. Pina singit ko talaga ito kasi nga ay kailangan ko ng malaman kung ano ang gagawin ko sa susunod. Naka depends kasi yun sa magiging results nito kung mag tatagal ba kami dito o hindi. Ako naman ay mag go grocery na muna kasi kailangan namin ng mga gagamitin at kakainin sa pag stay namin dito. Matapos kong makapamili na ay inayos ko na rin ang mga gamit namin. Para mabilis lang kam
KylieNandito na kami sa bahay nilang mag asawa ni Andrea. Umalis na kami kaagad sa bahay ng parents nito kanina at baka hindi pa ako maka gawa doon ng hindi maganda sa mga magulang nito. Tangina lang yan. Anong klase ng magulang ang meron ito na mas mahalaga pa sa kanila ang pagka bagsak ng negosyo nila kaysa sa Karamdaman ng anak nila. Kanina bago kami umalis doon ay nag makaawa pa ang mga ito sa akin na ibalik ko na muli ang shares ko dahil babagsak daw ang company nila pag full out ko ito. Mas yun ang pinangambahan at inuna nilang inisip kaysa kay Andrea. Mga walang kwentang magulang ang mga ito. Pero pinabalik ko din naman kaagad dahil ayaw ko na mag isip pa ito g si Andrea about sa parents niya. Gusto ko pag nasa US na kami nito ay wala itong ibang iisipin pa. Hinayaan ko ito na kunin na nito ang mga gamit niya sa kwarto nito habang nag hi hintay dito sa may sala nila. Maya lang ay bigla na lang tumunog ang aking phone at nagulat na lang ako na si Ellen ang tumatawag. Mukhan
EllenNag patuloy pa rin ako sa panonood ng cctv na send sa akin ni Kylie. Maya lang ay nilagyan muli nito ng alak ang baso ni Kylie at uminom na naman ang mga ito. Mukhang hindi pa yata tumatalab ang nainum ni Kylie kaya ayos pa sila sa pag iinum nitong si Andrea. Maya lang ay bigla na lang naka sapo na sa kanyang ulo itong si Kylie at bigla na lang tumayo si Andrea at lumapit kay Kylie na ngayon nga ay parang nanghihina pa ito. Nakita ko naman na agad nag hubad ng kanyang damit itong si Andrea at saka bigla na lang itong pumatong kay Kylie na pilit siyang inilalayo ngayon. Nakita ko kung paano nilabanan ni Kylie itong si Andrea upang huwag nitong ma e tuloy ang kanyang balak. Halos manikip naman ang dibdib ko ng maalala ko ang mga masasakit na pinag sa sabi ko dito kay Kylie. Maya lang ay tuluyan na nitong nahalikan si Kylie at nahubaran na rin nito ang pang itaas ni Kylie. Nag tagumpay na itong tuluyan ng mahalikan si Kylie at dahil wala na rin talaga itong lakas pa. Halos hind
EllenPatulog na sana ako ng bigla tumunog ang phone ko. Mukhang may nag email sa akin a. Sa isip isip ko. Alam ko naman na mga important message ang mga pinapadala sa email ko kaya naman kahit inaantok na ako ay tinignan ko pa rin iyon. .Napa kunot noo ako ng makita ko na si Kylie pala ang nag email nun. Kahit na ayaw ko sana na basahin ay binasa ko na lang may attachment pa ito. Nabasa ko na yun daw yung CCTV footage nung araw na nagalit ako sa kanya. Parang bigla naman akong nag da dalawang isip kung bu buksan ko ba yun o hindi. Pero bakit pa nga ba bu buksan ko pa at panonoorin pa ito? Wala na din naman na mababago ang lahat. Nangyari na. Kaya ibinaba ko na lang ang phone at hindi na pinanood pa iyon. Malamang na puro cut na ang. ginawa nito at baka in edit pa niya. Hayst bahala na nga siya dyan. Tsaka kapal niya na ngayon lang siya mag send sa akin ng ganyan. Matapos ang ginawa niya sa akin sa restaurant at hindi man lang pag pansin sa akin tapos mag send na lang siya basta b
KyliePapunta na kami ngayon sa bahay nila Andrea. Mabuti nga at napilit ko ito na ipaalam pa sa parents niya ang kalagayan niya. Gusto ko din na malaman ng mga ito ang nangyayari na sa anak nila. Mawawala na lang at lahat ito sa mundo ay wala pa silang ka alam alam at puro ang pag papayaman na lang ang nasa isip ng mga ito. Kahit na ang kaligayahan nang kanilang nag iisang anak ay wala silang pakialam basta maka gain sila. Kaya hindi ko ito masisi king bakit halos ayaw na nitong makita ang mga magulang niya. Pag dating namin sa mansion ng mga ito ay mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila ng makita nito si Andrea ang sakay ko. Hindi ko naman na pinasok pa ang kotse ko at iniwan na lang yun sa labas ng gate. Sandali lang naman kami dito e. Dahil pu puntahan pa namin ang bahay nila ng asawa niya o kaya sa condo nito upang kumuha ng kanyang mga gamit. Saktong pag pasok namin sa loob ay kabababa lang ng parents nito na naka bihis na at mukhang pa pasok na sa office ang mga ito.