Kylie
Nagpatiuna na akong mag lakad dito pa puntang dinning area. Ramdam ko dito ang pananahimik nya. Akala ko ba ay matapang sya. At papalayasin nya ako dito sa resort ko. Wala pala ito eh. Husto lang sa paninindak.Kaya lang nagkamali sya doon. Buti nga at mabait pa ako at di ko pa sya pinapalayas eh.Tsaka di pa ako tapos sa kanya. May kasalanan pa siya sa akin. Ang sakit kaya ng sampal na ginawa nito. Akala ba niya. Pasalamat ito at mabait akong tao dahil kung hindi kanina pa ito wala dito sa resort ko.Nang makarating kami sa hapagkainan ay agad ko syang pinag hila ng upuan. Nasanay na kasi ako na laging pinag hihila ng upuan si Andrea noon eh.Tsaka likas na talaga sa akin ang pagiging gentlewoman. Kahit na may hindi maganda pa itong nagawa sa akin.Pansin ko naman dito na bahagya itong natigilan at nahihiyang tuluyan ng umupo. "Thanks" mahinang sabi nito sa akin na tinanguan ko na lang. Bago ako tumungo sa upuan ko."Kumain na muna tayo Ms. Francisco at maya na lang natin pag usapan ang tungkol sa Business, pwede ba iyon?" Sabi ko naman dito.Mas like ko kasi na nag uusap kami ng about sa business after kumain. Kahit sa mga nakaka business meeting ko ay ganun din ang ginagawa ko. Kaya nasanay na rin sila sa akin.Mas maganda naman kasi yun no. Baka mamaya ay hindi na ito maka kain pa kapag inuna namin ang sa negosyo.Pinag lagay ko rin sya ng pagkain sa plate nya at nag a ask din ako kung like nya ba yun o hindi.Kimi naman na nakikipag usap din lang ito sa akin. Mahahalata mo na ilang na ilangna ito ngayon.Hindi ko na kasalanan pa kung bakit ganyan angnl nararamdaman nito ngayon. Kagagawan nya rin lang kasi e.Mga ilang sandali lang ay patapos na rin kami kumain. Niyaya ko na sya sa may terrace at nag pa handa ng coffee kay manang."Ano nga pala ang Business proposal mo sa akin ngayon Miss Francisco?" Tanong ko kaagad dito at di na nag pa tumpik tumpik pa."Yun nga gusto sana kitang makausap dahil ang totoo nyan ay di talaga ako pumunta dito para sa pag invest ko sa company mo. Ang totoo nyan ay gusto ko sana na makiusap sa iyo na kung maaari ay mag invest ka sa company ko. Alam ko na masyado akong naging rude sa iyo kanina pero sana naman give us a chance na maka Business partner ka." Mababang sabi nito sa akin"Ha? Eh diba ang sabi mo kanina sa manager ko ay mag e invest kayo sa company ko kaya ako pumayag na mag meet tayo ngayon pero bakit ganyan na ang sinasabi mo sa akin ngayon Miss Francisco? Mukhang hindi naman yata maganda na dahilan yan para lang makausap ako. Hindi pa nga tayo mag business partner ay mukhang tina tarantado mo na ako kaagad." Medyo may inis ng sabi ko dito.Pinaka ayaw ko kasi ay iyong ganito na kung ano ano ang idadahilan para lang makausap ako.Pwede naman siyang mag set sa akin ng date ng meeting sa kanya na ganun ang pag uusapan namin at hindi ang ganito."Pasensya na kung iyon ang binigay kong dahilan kanina kay Mr Mendoza dahil desperada na talaga akong maka usap ka. Hindi naman sa tinatarantado kita pero wala na talaga akong maisip pa na dahilan e." Naka yuko ng sabi nito sa akin na parang hiyang hiya sya."Ganito na lang Miss Francisco. Bigay mo sa akin ang business proposal nyo saka ko pag iisipan kung mag i invest ba ako o hindi." Final na sabi ko dito sabay tayo na upang tapusin na ang usapan naming ito.Akala nya ha sya lang ang marunong mag taray. Pwes makikilala nya na kung sino sa amin ngayon ang mas kailangan na mag pa kumbaba."Sige Ms. Fernandez ibibigay ko sa iyo bukas din ang hinihingi mo. Pero sana naman ay e consider mo ang aming company." Pakiusap nitong sabi sa akin."Titignan natin. Depende kung anong ma ga gain ko pag nakipag partnership ako sa inyo." Nasabi ko na lang sa kanya at tumayo na ng tuluyan.Inalalayan ko naman agad sya sa pag tayo at hinatid hanggang sa cottage nya."Maraming salamat sa pag bibigay ng oras na makausap ka Ms Fernandez. Pasensya na sa abala." Paumanhin naman nito agad sa akin na tinanguan ko lang. Nag alok pa nga ito na pumasok muna ako saglit pero tumangi na ako. Medyo malalim na rin kasi ang gabi at baka pagud na rin ito."Bukas nga pala ay sa bahay ka na lang mag breakfast habang pinag uusapan natin itong pagiging mag Business partner natin." Ngiti kong sabi dito.Agad naman nanlaki ang mata nito na parang di maka paniwalang binalingan ako ng tingin."Di pa ako pumapayag Ms. Francisco. Pag uusapan pa lang natin iyan bukas kaya huwag kang masyadong excited." Nakangiting dagdag ko pa dito."Maraming salamat pa rin dahil kahit paano ay binigyan mo ako ng pag asa. Di mo lang alam kung gaano kalaki ang maitutulong mo sa company ko." Naluluha nya ng sabi sa akin."Sige na alis na ako at masyado na akong nakaka isturbo. Tsaka masyado ng malalim ang gabi. Punta ka na lang sa bahay bukas ha. Goodnight Miss Francisco." Sabi ko dito bago tumalikod na at naglakad na papunta sa bahay ko.Gusto ko na rin mag pahinga at inaantok na rin kasi ako.May naiisip ako na pwede kong ipagawa dito kay Ms Francisco na pareho kaming mag be benefits pag pumayag sya. Basta bukas ko na lang sasabihin sa kanya ang proposal ko dito. Kapalit ang pakikipag sosyo ko sa kanila.Nang makarating sa bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto. Nag shower na muna ako at kanina pa nanlalagkit ang aking katawan dala na rin siguro ng pag ikot ko kanina kaya pinag pawisan ako.Di ko naman maiwasang mapangiti sa naging reaction nito kanina ng makilala nya ako.Bigla tuloy parang nawaglit pansamantala sa isip ko si Andrea pag nag kikita kaming dalawa ni Ms. Francisco.Hay naisip ko na naman sya. Paano ba kita makakalimutan ng ganun lang kadali iyong di ako masasaktan pag naiisip kita?Sobrang minahal kasi kita eh. Yung halos di na ako nag tira para sa sarili ko. Pero pinapangako ko na kakalimutan na kita ng tuluyan.Iyong pag nagkita tayong dalawa ay ngingiti ako sa iyo ng wala ng sakit dito sa puso. Yung para ka na lang isang kakilala sa akin.KylieNandito kami ngayon ni Ellen sa party ng ka business partner ko. Siya ang date ko ngayong gabi. Tapos na rin na magka sundo kami nito na kapalit ang pag invest ko sa business niya ay ang pag payag nito na maging model ko sa aking bagong ilalabas na summer outfit collection. Bagay na bagay kasi sa kanya na maging bagong model ng mga collection ko na yun. Unang kita ko pa lang dito ay alam ko na ito ang perfect na mag model para doon. Tsaka medyo okay na kami nito. Subukan lang naman niya na sungitan pa ako baka nabibigla na siya nyan. May tatlong buwan na rin pala na hiwalay na kami ni Andrea. Hindi ako nag paramdam dito kahit minsan. Para saan pa e naka pili na ito kung sino talaga ang mas mahal niya at mas gusto niyang makasama habang buhay. Sabagay bakit ko nga naman ipipilit pa ang sarili ko sa isang tao na hindi man lang ako kayang panindigan. Puro mga pangako na ngayon nga ay napako na lang. Natatawa na lang ako sa aking sarili kapag naiisip ko ang kagagahan na pinag g
KylieLumalalim na ang gabi pero hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang na parang ang bigat ng paligid o pakiramdam ko lang yun. Alam mo yung parang may naka tingin sayo at parang galit ito. Ah basta ganun ang nararamdaman ko. Gusto ko na nga sana na umuwe na e. Kaya lang ay busy pa itong si Ellen na makipag kwentuhan sa mga negosyante na nandito. Ako naman ay pangiti ngiti lang habang naka hawak sa bewang nito. Alangan naman na hayaan ko lang itong mag isa na makipag usap sa mga ito. Ano na lang ako at masabi ng iba sa akin kapag pinabayaan ko siya. Hindi pwede yun no. Maya lang ay nag paalam muna ako dito na mag cr lang ako saglit. Kanina pa rin kasi ako tinatawag ng kalikasan e. Nahihiya lang ako na mag paalam. Pero ngayon ay di ko na kaya pang pigilan at baka bigla na lang ako maihi dito. Nakakahiya naman. Baka maging trending pa ako ng wala sa oras. Trending na mga ako malamang ngayon tapos da dagdagan ko pa. Agad naman na tumango sa akin si Ellen ng bumulong ako d
Kylie"Yuck ka naman Kylie. Kagagaling mo lang nag cr tapos ihahawak mo sa akin yang kamay mo. Kadiri ka talaga." nandidiri na sabi nito sa akin.Potek na yan. Akala siguro talaga niya ay tumae ako. Natatawa na sinabi ko na lang dito na nag alcohol at nag sabon naman ako. "Nag sabon at alcohol naman ako ah. Ang arti mo talaga kahit kailan" natatawa na sagot ko naman dito. "Ah basta nakaka diri ka. Lumayo ka nga muna sa akin. Amoy tae ka pa e." pag tataboy pa nito. Maya nga ay lumayo pa ito ng saglit sa akin kaya natatawa na lang na napa iling ako sa mga pinag gagawa niya. Nakalimutan ko na rin ang nangyari sa cr dahil sa pagka aliw ko dito. Basta kapag kasama ko talaga ito ay nakakalimutan ko ang nangyayari dahil sa pag ka aliw sa kanya. Nag aya na rin ito na umuwe na sinang ayunan ko naman kaagad. Sa totoo lang naman kasi ay kanina ko pa talaga gusto ng umuwe. Wala nga lang akong magawa at may mga kausap pa kasi ito kanina e. "Tara na uwe na tayo. Baka mamaya ay kung sino sino
KylieNakarating na rin kami sa wakas sa bahay nito. Inaaya pa nga ako na tumuloy na muna pero tumanggi na lang ako. Mas gusto ko na umuwe at matulog na lang kaysa ang marinig na naman ang walang katapusan nitong pag se sermon sa akin. Ang sakit kaya sa tenga ng panay ang busa nito. Hindi pa naman mapigilan ito kapag naka simula na siyang manermon. Kaya mas maganda na umuwe na lang ako kasi sa totoo lang ay gusto ko na lang itong halikan ng matigil na siya sa kaka busa niya. Tignan lang natin kung hindi ito biglang tumahimik kapag ginawa ko ang bagay na yun. Pero mahal ko pa naman ang aking buhay kaya hinding hindi ko gagawin yun no. Mabuti na nga lang at hindi na ako nito pinilit pa. Mukhang napagod at medyo naka inum na rin kasi ito. Halata naman na antok na ito e. Humalik na muna ito sa aking pisngi bago bumaba na ng kotse ko. Bumaba na rin muna ako upang ihatid muna ito hanggang sa makapasok siya sa bahay niya. Nang makapasok na ito ay bumalik na rin naman ako sa kotse ko at p
KyliePag pasok ko sa loob ng aking kwarto ay bigla na lang ako napa upo sa sahig at nag unahan na lang sa pag patak ang aking luha. Masakit sa akin ang nga pinag sa sabi ko dito sa totoo lang. Pero kailangan na gawin ko ang bagay na yun para din naman sa aming dalawa. Alam ko na mahal ako nito. Pero hindi sapat ang mahal ka lang ng tao. Paano kami sa saya na dalawa nito kung puro na lang pag tatago ng relasyon namin ang gagawin naming dalawa. Kung puro takot na lang na sa tuwing mag kasama kami ay yun ang nararamdaman namin yung Hindi kami comfortable na baka may maka kita ng ginagawa namin. Baka may maka huli sa amin. Ano na lang ang sa sabihin ng iba. Sa akin walang problema yun. Ang inaalala ko ay ito. lalo pa nga at may asawa na ito at kilala ang pamilya nito sa lipunan kaya mas maganda na rin ito na tapusin na talaga ang lahat. Kung para sa akin talaga ito ay hahayaan ko na ang tadhana na siyang bahala na sa aming dalawa. Tsaka gusto ko na tumayo na rin ito sa sarili niyang
KylieNang makarating kami sa company ay agad na akong nag park ng kotse ko at inalalayan si Ellen na bumaba ng kotse. Panay naman ang great sa amin ng mga empleyado na nakakasalubong namin na binabati ko din naman pabalik. Hindi naman ako yung katulad ng ibang mga boss dyan na ang cold nila sa mga empleyado nila. Ako kasi ay gusto ko yung walang ilangan ba. Panay din ang tingin nila kay Ellen na naka kapit sa braso ko ngayon. Kung ti tignan kami ay parang mag couple lang kami nito. Na hindi naman namin e kino correct sa mga hinala nila. Bahala sila dyan. Hindi ko naman obligation na sabihin ang relasyon namin sa mga ito. Tsaka wala din lang naman kay Ellen kung ano man ang isipin ng tao sa kanya. Kaya nga Hindi ko maiwasan na hindi humanga sa kanya sa totoo lang. Hindi man lang nito inisip na baka kung ano ang isipin sa kanya ng ibang tao. Ang sabi niya ay wala daw siyang paki at hindi naman daw yun makaka apekto sa pagkatao niya. Kung kaya ko nga lang na pilitin ang aking saril
KylieNatapos lang ang pag tatawa nito sa akin ng tawagin na ito ng photographer upang mag start na sila ng shoot. Inis naman na hinamig ko ang aking sarili. Anong kabalbalan ang pinag gagawa ko kanina. Nakakahiya na talaga ako. Mabuti sana kung kaming dalawa lang ang nandito pero shit lang kasi ang daming tao e. At alam ko na narinig nila at nakita ang mga nangyari kanina. Nang mag taas na ako ng tingjn ay nasalubongko ang masama na tingin naman sa akin ni Andrea. Yun bang parangnakita din nito ang nangyari kanina. Alam ko na bad trip na ito. Base pa lang sa itsura nito ngayon. Agad naman na nag iwas ako dito ng tingin. Mas maganda na ngayon ay umalis na ako dito. Baka mamaya ay kung ano na naman na kabalbalan ang magawa ko at baka pati ito. Iiwas na muna ako habang wala pang nangyayari. Bahala na muna sila dyan ah. Tuluyan na akong tumayo at nag lakad na palapit sa mga ito. Mag papalaam na muna ako. Napag usapan na rin naman namin ni Ellen ito. Agad na akong lumapit sa mga ito.
KylieHinayaan ko naman ito na mag wala. Mahirap naman kasi pigilan kapag ganito ito. Hindi pwede ang gusto nitong mangyari na hindi ako pwede makipag relasyon dahil kanya lang ako. Ano na yan gusto niyang gawing kabit na lang ako habang buhay? Hindi pwede yun. May balak naman ako na magkaroon ng pamilya no. Hindi pwede ang gusto nito. Tsaka hello wala na kami nito. Tinapos na niya ang lahat sa amin matagal na. Kung talagang gusto nito na maging kanya lang ako pwes gumawa siya ng paraan upang maging kanya ako pero legal at ayaw ko na itatago lang ako nito. Alam ko naman na hindi nito magagawa yung gusto ko na mangyari e. "Hindi ka pwede makipag relasyon sa iba. Tandaan mo Kylie akin ka lang akin lang. At walang pwede na mag may ari sayo kung hindi ako lang. Kaya ngayon pa lang ay tapusin mo na kung ano man ang relasyon nyo ng malanding babae na yun. Dahil binabawi na kita. Binabawi ko na ang pakikipag hiwalay sayo. kaya akin kana muli. Nag kakaintindihan ba tayo ha Kylie!!!?" siga
EllenNandito ako sa veranda ng bahay namin ni Kylie, yap magkasama na kami sa iisang bubong nito. Bago ako umuwe dito sa Pilipinas ay kinasal na muna kami nito. Nung hapon din na yun na may nangyari sa amin nito at mag proposed siya ng kasal sa akin ay mabilis na pinag bihis na niya ako kasi ay mag papakasal na daw kami matapos kong umoo sa kanyang proposal. Kaya kahit sobrang nabibilisan sa mga nangyari ay pumayag na lang ako sa lahat ng gusto nito. After all ay doon din naman ang punta namin nito. Nabilisan nga lang ako masyado. Si Andrea nga pala ayon successful naman ang kanyang operation at nag paiwan na rin lang doon sa US at doon na lang daw ito maninirahan. Total ay wala na rin naman daw siyang babalikan pa dito sa Pilipinas. Nag divorce na rin pala sila ng kanyang asawa at wala ng nagawa pa doon ang kanyang mga magulang. Hinayaan na rin lang naman ni Kylie ang parents ni Andrea ang gusto nga sana nitong gawin noon ay ibagsak ang negosyo ng mga ito at mag hirap sila. Pero
KylieNag start na rin kaagad ako ng kotse at pina sibat na rin ito kaagad. Mag e stay na muna kami saglit sa bahay kahit ilang oras lang para naman makapag pahinga kahit paano si Ellen. Maya lang ay mabilis na inabot ko naman ang kamay nito habang nag da drive ako. Tangina mga ganitong scenario ang palagi kong naiisip noon kapag naka sakay siya sa kotse ko at ako ang nag da drive. Yung holding hands kami nito. Habang nag kwe kwentuhan kami. Wala na talaga akong mahihiling pang iba kung hindi ay ang tuluyan na lang na pag galing nitong si Andrea. Pero malakas naman ang pananalig ko na gagaling ito. Si Kaori kaya na siraulo din ang kanyang doctor. Alam ko na gagawin nitong lahat ang kanyang best upang ma e salba lang ang buhay nitong si Andrea. Nag kwentuhan kami nito habang pa uwe kami sa bahay at na kwento ko na nga sa kanya ang kalagayan ngayon ni Andrea. Laking pasalamat nga nito ng malaman niya na may pag asa pa itong gumaling. Mabuti na nga pang daw at nagka roon ako initiat
KylieNgayon ang naka schedule na operation ni Andrea. Mabuti na lang talaga at dinala ko siya dito dahil sa mga mkabago nilang technology ay kaya pa itong operahan kaya naman ang laking pasalamat ko ng malaman ko ang bagay na yun. Maging itong si Andrea ay sobrang natuwa din sa kanyang nalaman. Kaya nga ng malaman namin na ganun ay agad na nag schedule itong kaibigan kong doctor upang ma operahan siya kaagad para naman daw hindi na mas lalo pang kumalat ang cancer cells nito. Kaya naman Hindi ko na pinauwe pa itong si Andrea at pinaiwan ko na dito sa ospital. Napag alaman ko din na sobrang crush pala nitong si Kaori si Andrea at kaya gusto na rin nito kaagad na ma operahan itong si Andrea ay upang ma e ligtas na rin ang buhay nito. Panay nga ang pa cute nito dito kay Andrea at ako na lang ang nahihiya sa kanyang pinag gagawa. Napaka layo ng personality nito sa kanyang mga na achieve na sa buhay. Ito naman si Andrea ay hindi pinapansin yung isa. Hindi nga lang nito masungitan kasi
Kylie"Mahal naman please makinig ka naman muna sa akin oh please lang." pakiusap ko sa kanya. ."Hayst sige mag salita kana. Pero dapat katanggap tanggap ang mga dahilan mo at kung hindi humanda ka talaga sa akin dahil su sundan kita dyan para lang sapakin at pag sa sampalin ang babae na malandi na yan. Malaki na ang atraso sa akin nyan kaya namumuro na sa akin ang bwisit na yan!!" napipilitan na sagot naman nito sa akin. Hayst ang mahal ko talaga o. Pwede naman na pumunta siya dito baka ipa sundo ko pa siya sa private plane ko e. Para naman kahit paano ay makasama ko siya. Miss na miss ko na kaya ito sa totoo lang. ",Ganito nga kasi yan. Kasama ko si Andrea dito sa US kasi ako ang nakiusap sa kanya na pumayag siya na dalhin ko siya dito. Mahal ko may sakit si Andrea, cancer at nasa stage 4 na ito. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging findings ng mga doctor dito kung kaya pa ba nila gamutin siya. Wala akong intention na iba sa kanya kung hindi ang gumaling siya. Kaya sana ay main
KylieNandito na kami ngayon sa US ni Andrea at tumuloy na kami sa bahay ko dito. Yap may bahay ako dito. Madalas kasi na panay din ang byahe ko dito lalo pa nga at may mga store na rin naman ako dito sa US. Kaya bumili na lang ako. Kaysa ang mag e stay pa ako sa hotel tuwing pu punta ako dito. Tsaka mas maganda na may ganito na ako dito incase na mga ganitong bagay ay may tutuluyan ako. Pinag pahinga ko na muna ito sa isang kwarto mabuti na nga lang at may nag lilinis dito na at least once a week kaya naman kahit paano ay malinis dito pag dating namin. Mamaya pa ang schedule nito sa kilala kong doctor. Pina singit ko talaga ito kasi nga ay kailangan ko ng malaman kung ano ang gagawin ko sa susunod. Naka depends kasi yun sa magiging results nito kung mag tatagal ba kami dito o hindi. Ako naman ay mag go grocery na muna kasi kailangan namin ng mga gagamitin at kakainin sa pag stay namin dito. Matapos kong makapamili na ay inayos ko na rin ang mga gamit namin. Para mabilis lang kam
KylieNandito na kami sa bahay nilang mag asawa ni Andrea. Umalis na kami kaagad sa bahay ng parents nito kanina at baka hindi pa ako maka gawa doon ng hindi maganda sa mga magulang nito. Tangina lang yan. Anong klase ng magulang ang meron ito na mas mahalaga pa sa kanila ang pagka bagsak ng negosyo nila kaysa sa Karamdaman ng anak nila. Kanina bago kami umalis doon ay nag makaawa pa ang mga ito sa akin na ibalik ko na muli ang shares ko dahil babagsak daw ang company nila pag full out ko ito. Mas yun ang pinangambahan at inuna nilang inisip kaysa kay Andrea. Mga walang kwentang magulang ang mga ito. Pero pinabalik ko din naman kaagad dahil ayaw ko na mag isip pa ito g si Andrea about sa parents niya. Gusto ko pag nasa US na kami nito ay wala itong ibang iisipin pa. Hinayaan ko ito na kunin na nito ang mga gamit niya sa kwarto nito habang nag hi hintay dito sa may sala nila. Maya lang ay bigla na lang tumunog ang aking phone at nagulat na lang ako na si Ellen ang tumatawag. Mukhan
EllenNag patuloy pa rin ako sa panonood ng cctv na send sa akin ni Kylie. Maya lang ay nilagyan muli nito ng alak ang baso ni Kylie at uminom na naman ang mga ito. Mukhang hindi pa yata tumatalab ang nainum ni Kylie kaya ayos pa sila sa pag iinum nitong si Andrea. Maya lang ay bigla na lang naka sapo na sa kanyang ulo itong si Kylie at bigla na lang tumayo si Andrea at lumapit kay Kylie na ngayon nga ay parang nanghihina pa ito. Nakita ko naman na agad nag hubad ng kanyang damit itong si Andrea at saka bigla na lang itong pumatong kay Kylie na pilit siyang inilalayo ngayon. Nakita ko kung paano nilabanan ni Kylie itong si Andrea upang huwag nitong ma e tuloy ang kanyang balak. Halos manikip naman ang dibdib ko ng maalala ko ang mga masasakit na pinag sa sabi ko dito kay Kylie. Maya lang ay tuluyan na nitong nahalikan si Kylie at nahubaran na rin nito ang pang itaas ni Kylie. Nag tagumpay na itong tuluyan ng mahalikan si Kylie at dahil wala na rin talaga itong lakas pa. Halos hind
EllenPatulog na sana ako ng bigla tumunog ang phone ko. Mukhang may nag email sa akin a. Sa isip isip ko. Alam ko naman na mga important message ang mga pinapadala sa email ko kaya naman kahit inaantok na ako ay tinignan ko pa rin iyon. .Napa kunot noo ako ng makita ko na si Kylie pala ang nag email nun. Kahit na ayaw ko sana na basahin ay binasa ko na lang may attachment pa ito. Nabasa ko na yun daw yung CCTV footage nung araw na nagalit ako sa kanya. Parang bigla naman akong nag da dalawang isip kung bu buksan ko ba yun o hindi. Pero bakit pa nga ba bu buksan ko pa at panonoorin pa ito? Wala na din naman na mababago ang lahat. Nangyari na. Kaya ibinaba ko na lang ang phone at hindi na pinanood pa iyon. Malamang na puro cut na ang. ginawa nito at baka in edit pa niya. Hayst bahala na nga siya dyan. Tsaka kapal niya na ngayon lang siya mag send sa akin ng ganyan. Matapos ang ginawa niya sa akin sa restaurant at hindi man lang pag pansin sa akin tapos mag send na lang siya basta b
KyliePapunta na kami ngayon sa bahay nila Andrea. Mabuti nga at napilit ko ito na ipaalam pa sa parents niya ang kalagayan niya. Gusto ko din na malaman ng mga ito ang nangyayari na sa anak nila. Mawawala na lang at lahat ito sa mundo ay wala pa silang ka alam alam at puro ang pag papayaman na lang ang nasa isip ng mga ito. Kahit na ang kaligayahan nang kanilang nag iisang anak ay wala silang pakialam basta maka gain sila. Kaya hindi ko ito masisi king bakit halos ayaw na nitong makita ang mga magulang niya. Pag dating namin sa mansion ng mga ito ay mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila ng makita nito si Andrea ang sakay ko. Hindi ko naman na pinasok pa ang kotse ko at iniwan na lang yun sa labas ng gate. Sandali lang naman kami dito e. Dahil pu puntahan pa namin ang bahay nila ng asawa niya o kaya sa condo nito upang kumuha ng kanyang mga gamit. Saktong pag pasok namin sa loob ay kabababa lang ng parents nito na naka bihis na at mukhang pa pasok na sa office ang mga ito.