ZACHSinabi ko sa best friend ko na si Warren kung ano man ang kailangan niyang malaman lalo na tungkol sa aming dalawa ni Cassy. Nalaman na niya ang ginawa namin kagabi. He was so happy for me. Alam niya kung gaano ko ninais na maangkin siya at mangyari ang kung ano man na nangyayari sa aming dalawa ngayon. "Bro...""Ano 'yon, bro?" tanong ko sa best friend ko na si Warren."May isang tanong lang pala ako sa 'yo...""Ano 'yon, bro? Ano'ng tanong mo sa akin, huh?" tanong ko sa kanya.He took a deep breath first before he speaks to me. "May plano ka bang ligawan o kaya ay maging girlfriend si Cassy?" tanong nga niya sa akin.Hindi muna ako nakasagot sa tanong niyang 'yon sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya ngunit ibinalik ko naman kaagad 'yon sa kanya."Ba't mo ba ako tinatanong ng ganoong klaseng tanong, bro?" tanong ko sa kanya kung bakit niya ako tinatanong ng ganoong klaseng tanong.Bumuga siya ng hangin at nagsalita, "Bro, kaya kita tinatanong dahil gusto ko lang naman malaman
CASSYNagkasalubong kaming dalawa ni Sir Zach sa ikalawang palapag ng mansion nila. Pababa na ako samantalang siya ay kakaakyat pa lang. Nakabihis siya at mukhang kauuwi lang niya kung saan man nga siya pumunta. Tumigil kaming dalawa sa paglalakad. Nginitian niya ako at nginitian ko nga rin siya pabalik. Masama naman na nginitian niya ako tapos ako ay sisimangutan ko lang siya. Nagkatitigan kaming dalawa ni Sir Zach at bumilis muli ang tibok ng puso ko pagkakakita sa guwapong mukha niya. Hindi na naman mapakali ang puso ko sa harapan niya. "Kumusta ka sa pagtatrabaho mo maghapon, Cassy?" mahinang tanong niya sa akin."Okay naman po, Sir Zach..." sabi ko sa kanya."Talaga ba, huh?" tanong pa nga niya sa akin bilang paninigurado.Tinanguan ko naman nga siya at nagsalita, "Opo, Sir Zach. Okay lang po ako.""Wala ka bang nararamdaman na kung ano, huh?" tanong niya sa akin. Ano ba ang ibig sabihin niya sa tanong niyang 'yon sa akin na wala ba akong nararamdaman? Hindi ko maintidihan kung
CASSYLumabas nga muli si Sir Zach sa mansion nila para bilhan ako ng gamot na iinumin ko para mawala ang sakit o hapdi na nararamdaman ko sa aking pagkababae. Kahit gabi na ay lumabas pa rin siya may inumin ko. Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya 'yon. Akala ko nga ay bukas niya ako bibigyan ng gamot na iinumin ko ngunit mali ako sa inaakala ko. Inabot niya 'yon sa akin nang wala akong kasama. Tapos na rin sila kumain ng dinner. Ayaw niya na ibigay 'yon sa akin nang may kasama ako o tao sa paligid namin. Hindi kasi puwedeng makita 'yon na ibigay niya sa akin. Magtataka kapag nakita na ibinigay niya 'yon sa akin.Pagkabigay naman nga niya sa akin ay ipinasok ko kaagad 'yon sa loob ng bulsa ng uniporme ko. "You have to drink that, Cassy. It'll help you to ease the pain. Mawawala rin n'yan ang pamamaga," mahinang sabi niya sa akin. Binigyan ko naman kaagad siya ng mabilis na pagtango bago ako nagsalita sa harapan niya."Sige po, Sir Zach. Maraming salamat po sa bigay mong 'to sa
CASSYPinagpatuloy ko pa rin ang pag-inom ng gamot na bigay sa akin ni Sir Zach kagabi. Nawawala rin ang hapdi at pamamaga sa aking kaselanan dahil sa pag-inom ko nito. Nagpapasalamat naman ako kahit papaano na binigyan niya ako ng iinumin na gamot dahil kung hindi ay sigurado ako na baka mas namaga pa ang aking kaselanan at humapdi pa ito nang sobra. Nakakalakad na ako nang mabilis hindi kagaya kahapon na dahan-dahan lang talaga.Mabuti nga ay walang nakapansin sa akin kahapon na ganoon ang paglakad ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag may nakapansin sa akin na ganoon, eh. Salamat talaga sa Panginoon dahil walang nakapansin kahit ang kaibigan ko pa na si Izza.Wala ngayong araw na 'to si Sir Zach sa mansion nila dahil lumabas siya kasama ang best friend niya na si Warren patungo sa shop para bumili ng necklace na kagaya ng ninakaw ko kay Ma'am Rosaline na mommy niya.Gamit ang necklace na bibilhin niya ay gagamitin niya ito para pagtakpan ang ginawang pagnanakaw ko ng necklace ng
ZACH Sa sinabing 'yon ni Cassy sa akin ay alam ko na ang tamang gagawin ko. Ilalagay ko sa kuwarto nina mommy ang necklace na binili ko na kagaya ng ninakaw ni Cassy para 'yon ang paniwalaan nila na hindi ito ninakaw at nandoon lang talaga ito sa kuwarto nilang mag-asawa. Mabuti talaga ay naisip 'yon ni Cassy kaya sinabi nga niya sa akin. Bago ako matulog ay pinuntahan ko si mommy sa kuwarto nilang dalawa ni daddy. Wala doon si daddy kaya hindi naman niya malaman kung ano ang pag-uusapan naming dalawa ni mommy."Why are you here, son?" tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko sa kuwarto nilang dalawa ni daddy.Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Gusto ko lang po ikaw tanungin about sa paghahanap mo sa nawawalang necklace mo po, mom," mahinang sagot ko sa kanya."Oh, really? Iyon lang ba ang rason kaya ka pumunta dito sa kuwarto namin ng daddy mo? I thought you're sleeping in your room but you're still awake, Zach. I never expected that you would come here tonight. M
ZACHMaaga akong gumising kinabukasan. Inabangan ko na bumaba si mommy para kumain ng breakfast sa dining room. 'Pag nakababa na siya ay saka ako papasok sa kuwarto niya para ilagay itong necklace na binili namin ng best friend ko na si Warren sa kahit saan sa loob ng kuwarto nila ni daddy. Nagtago ako doon malapit sa kuwarto nila ni daddy para bantayan siya na lumabas at tumungo sa dining room para kumain ng breakfast. Ilang minuto akong naghintay doon sa pinagtataguan ko bago ko nakita ko si mommy na lumabas ng kuwarto nilang dalawa ni daddy. Hindi niya ni-lock ang pinto ng kuwarto nila. Makapasok talaga ako doon sa loob. Pagkalabas nga niya ay bumaba kaagad siya para kumain sila ng breakfast kasama ang kapatid ko na si Martin. After a few seconds, naglakad na ako patungo sa kuwarto nilang dalawa ni daddy. Dahan-dahan ko na binuksan ang pinto ng kuwarto nila hanggang sa makapasok ako sa loob nito. Iginala ko ang buong paningin ko sa loob ng kuwarto nila. Ang tahi-tahimik sa loob
ZACHMakalipas ang tatlong araw ay nakita na nga ni mommy ang necklace na nilagay ko sa ilalim ng kama nilang dalawa ni daddy. Kung ano ang inaasahan ko na mangyayari ay 'yon nga talaga ang nangyari. Pagkakita niya sa necklace na 'yon na iniligay ko sa ilalim ng kama nilang dalawa ni daddy ay natuwa nga siya. Nagpatulong siya sa dalawang kasambahay namin na hanapin 'yon muli sa loob ng kuwarto nila ni daddy. Sa wakas ay nakita na nga nila 'yon.Tuwang-tuwa si mommy pagkakita nito. Naniniwala naman nga siya na 'yon talaga ang necklace na nawawala niya. Dahil hindi pa naman umuuwi si daddy dito sa Pinas kaya ako kaagad ang pinagsabihan niya tungkol sa bagay na 'yon na inaasahan ko naman ngang gagawin niya. "I have a good news to tell you, son," nakangising sabi ni mommy sa akin. Pinuntahan pa talaga niya ako sa kuwarto ko. Kaagad ko naman nga siyang pinapasok sa loob."What is it, mom?" tanong ko sa kanya. Nagkunwari akong walang alam sa sasabihin niya sa akin. Nalaman ko na sa mga kas
CASSYNahanap na nga ni Ma'am Rosaline ang necklace na iniligay ni Sir Zach sa ilalim ng kama nila ni Sir Antonio bilang palit sa ninakaw ko ngang necklace sa kanya. Nalaman ko 'yon sa mga kasamahan ko na kasambahay dahil 'yon ang usap-usapan nila. Hindi naman ako nagulat pa nang malaman ko 'yon dahil expected ko na 'yon. Expected na naming dalawa ni Sir Zach 'yon dahil plano niya 'yon, eh. Naniwala naman nga si Ma'am Rosaline na 'yon talaga ang hinahanap niyang necklace na akala niya ay ninakaw. Hindi ko pa nga nakakausap si Sir Zach tungkol sa bagay na 'yon. "Paanong mahahanap ni Ma'am Rosaline ang necklace na 'yon, huh? 'Di ba ninakaw mo at naiwala 'yon?" nagtatakang tanong ni Izza na kaibigan ko sa akin matapos niyang malaman 'yon dahil sa mga kasamahan namin na kasambahay.Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaibigan ko ngunit kailangan ko na may maisagot sa kanya. Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Iyon ang hindi ko talaga napaghandaan—ang isasagot ko kay Izza na kaib