UNTIL now, Xander can't believe that for the past six long fucking years... He saw her again. And yes, he admits that Cherry still looks beautiful and seductive. She can still make his heart beat faster. He still drowns in her natural scent. She is still his favorite. His Cherry."Damn! I want to see her again." He whispered. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng muli silang magkita ni Cherry sa hindi inaasahang pagkakataon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin pinatatahimik ng dalaga ang isip niya. Nag overnight at over day na nga yata ang utak niya sa kaiisip dito. Kahit anong gawin niya at saan siya magpunta, parang nakikita niya pa rin ang mukha nito.Kahit nga narito siya sa mall, si Cherry pa rin ang laman ng isip niya. Langya, kailan ba mapapagod ang lintek na utak niya kaiisip sa dalaga?!He tried his hardest to keep calm and cool composure that night when she entered his house unexpectedly. But deep inside, his heart was beating wildly. Wala pa ring nagbago. Kung paanong m
THAT FUCKING h!ndot!Anong karapatan ng hayop na Xander na 'yon para magsinungaling sa kaniya? Anong karapatan nito para paulit-ulit na saktan siya? Tatlo na pala ang anak ng isang libo't isang daang gagong 'yon, tapos may gana pang magtanong sa kaniya kung hindi pa ba sapat ang sakit na ginawa niya rito noon?!"Tangina hindi! Unlimited na sakit ang pinaranas niya sa akin kaya naman in-unli ko na rin ang sarili ko para saktan siyang lintek siya!" Nagtatagis ang ngiping sambit niya.But the question is... Kaya niya ba? Kaya niya nga bang saktan ang lalaking walang ibang ginawa kun'di ang piliin siya ng paulit-ulit noon? Ang lalaking hindi nagsasawang sabihin sa kaniya kung gaano siya kahalaga at kung gaano siya nito kamahal?Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa mabilis na pagtahip niyon. Unti-unti ring naninikip at nahihirapan na rin siyang huminga. Kailangan niyang kumalma bago pa siya makapatay ng kung sino mang lalapit sa kaniya.Tunay ngang may hangganan ang lahat. Dahil kahi
MAKALIPAS ang halos apat na oras ay narating nila ang isang liblib na lugar sa Tarlac. Nagtataka man kung bakit hindi man lang siya pinagkaabalahang piringan ng mga lalaking dumukot sa kaniya ay hindi niya na pinansin pa. Malamang na may dahilan ang mga ito kung bakit tila kampante ang mga ito na hindi siya makakatakas o gagawa ng bagay na ikasasakit ng ulo at katawan ng mga ito.Pagkababa nila ng sasakyan ay walang pakialam na pabalya siyang tinulak ng isang lalaki sa isa pang lalaki na sa tingin niya kilala niya. Lumayo din ito sa kanila at may tinawagan habang naghihintay sila sa labas ng isang warehouse. Inilibot niya ang kaniyang piningin sa ligar upang pag-aralan 'yon. Madali lang sana nihang mayatakasan ang tatlo kung hindi lang siya nakaposas at medyo nahihilo. Alam niyang may halong pangpatulog ang kung ano mang itinurok sa kaniya bago siya dakpin ng tatlong lalaki kanina.Kung susuriing mabuti, hindi abandunado ang lugar. Bagama't may mga sirang sasakyan tulad ng backhoe, c
[[Trigger Warning. Read at your own risk.]]..Tila tulala pa rin siya habang naglalakad sa gitna ng daan papunta sa dati nilang tirahan. Tanging ang aandap-andap na ilaw sa poste lang ang nagbibigay liwanag sa daang tinatahak niya habang mag-isang naglalakad sa kalagitnaan ng gabi. Ganito rin dati...Noong panahong kailangan niyang kumayod para sa kanilang dalawa ng Mama niya. Noong kailangan niyang gumising sa gabi upang pumasok sa trabaho, at uuwi ng umaga upang kahit papaano ay makapag pahinga.Ganito rin ang oras noon tuwing ihahatid siya ni Xander sa kanila. Tuwing madadatnan niya si Ace na nakatayo sa gate ng bahay nila. Ganitong oras din noong tinapos ni Xander ang relasyon nila dahil na rin sa kaniya. At ganitong oras din noong nawala ang dalawang mahahalagang tao sa buhay niya.Tangina, parang kahapon lang nangyari ang lahat!And no matter how many years had passed, she could still remember everything."Everything!" She yelled while wiping the tears streaming down her face
Napatingin siya sa kaniyang palad na hindi pa rin tumitigil sa pangangatog. Doon niya lang din napansin ang halos isang pulgadang hiwa na sariwa pa at may tahi sa taas lang halos ng wristband na suot niya. Hindi niya na maramdaman ang hapdi niyon. Wala na siyang maramdaman maliban sa sakit sa dibdib niya. Hindi 'yon maaari. Kailangan niyang makaramdam...Walang pakialam na isinampal niya ang kaniyang isang palad sa kaniyang pisngi. Hanggang sa ang isang palad ay naging dalawa na. Paulit-ulit at salitan sa mukha at ulo niya. Kailangan matalo ng sakit ng katawan ang hapdi sa dibdib niya.Ilang minuto na ba ang lumipas? Bakit parang hindi umaandar ang kamay ng orasan? Bakit parang ang tagal ng oras? Pinagkakalmot niya na ang kaniyang braso at leeg. Nang hindi pa nakuntento ay inuntog niya na rin ang ulo niya sa sahig."Fuck! It hurts!" Malakas niyang sigaw, wala pa ring patid na sinasaktan niya ang kaniyang sarili habang impit na lumuluha. "It fucking hurt! Make this pain stop! Make it
PAYAPA na ang paghinga ni Cherry na sa tingin ni Xander ay nahihimbing na sa pagtulog. Hindi man bukas ang ilaw sa kaniyang silid, bahagya niya pa ring naaaninag ang maamo nitong mukha dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana. Nasanay na siya sa dilim, ngunit sa gabing iyon, gusto niyang matulog ng maliwanag.Gusto niyang pakatitigan ang maamong mukha ni Cherry habang natutulog. Gusto niyang muling kabisaduhin ang bawat anggulo nito na baka sa tagal ng panahon na nawala ito sa piling niya'y baka may nakaligtaan na siya.Ginawaran niya na muna ito ng magaang na halik sa noo saka siya pumunta sa malapit sa pinto upang buksan ang ilaw. Binuksan niya na rin ang split-type air condition na una niyang ipinalagay sa kuwarto upang komportable ang kanilang pagtulog. Nang muli siyang bumalik sa kama kung saan nakahiga si Cherry ay bahagya siyang napailing. Maliit kasi ang dati nitong kama na hindi niya naman pinalitan. Pang-isahan lang 'yon at kung tatabi siya kay Cherry, baka masiks
DAHIL MADILIM pa at papalabas pa lang ang bukang-liwayway, tumambay na muna si Cherry sa bakery malapit sa simbahan. Doon siya madalas bumibili ng tinapay na babaunin o kaya ay kakainin niya dati. Minsan kasi ay pumapasok siya sa Club-V ng walang laman ang tiyan, at uuwi naman sa bahay nila ng walang pagkain na madadatnan. Wala kasing ibang ginagawa ang Mama niya noon kun'di ang tumulala at mag kulong sa dati nitong silid. Ni hindi niya man lang naranasan na pagsilbihan ng Mama niya.Nasanay siyang pumasok sa eskuwela noon ng gutom. Palagi rin siyang inaasar ng mga kaklase niya na mabaho at kutuhin, hindi naman kasi niya kayang paliguan ang sarili niya dati. Muntik din niyang masunog ang bahay nila dahil sa pagsusubok na magluto upang makakain. Kung wala ng ayudang padala ang Papa niya, hindi na sila kakain ng Mama niya.Ganoon ang laging senaryo noong bata siya. Hanggang sa tumuntong na siya ng high school, doon pa lang siya natutong tumayo sa sarili niyang mga paa. Kailangan niyan
KINAUMAGAHAN wala na si Cherry sa tabi ni Xander ng tuluyan siyang magising. Pilit niyang inaalala kung panaginip lang ba ang nangyari na nakatulog siya at ang maamong mukha ni Cherry ang huli niyang nasilayan? O baka naman nag-iilusyon lang siya?But how come he can still feel Cherry's embrace? He can still smell her natural scent? Her soft body? And her beautiful face? That wasn't a dream! Totoong nakatulog siya at muli niyang nakatabi si Cherry. Nang mapansing tirik na tirik na ang sikat ng araw ay saka pa lang nahimasmasan si Xander. Kaagad siyang tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo. Mayroong magaganap na meeting ngayong araw sa OGC at hindi siya dapat ma-late. May malalaking investors ang gustong pumasok sa kanilang kompanya at pati na rin sa Alfonzo Tech na ngayon ay pag-aari na rin nila. Kailangan niyang mapag-aralan ang galaw ng mga investors na 'yon at kung ano ba ang layunin ng mga ito kung kaya't sa kompanya nila gustong mag invest.Pagkatapos niyang maligo ay nagsu
NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a
BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.
UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my
TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok
Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn
DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M
"I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun
PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi
"BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok