Share

CHAPTER 39

Author: Paupau
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
TUMAKBO siya palabas ng mansiyon ng mga Oxford. Kahit na nanginginig ang mga tuhod niya. Kahit na panay ang tulo ng luha niya. At kahit na naninikip ang dibdib niya dahil sa mga nangyari, pinilit niyang makalayo roon.

Dinig na dinig niya pa ang malakas na sigaw ni Xander habang tinatawag ang pangalan niya. Ang paghihinagpis nito dahil sa mga sinabi niya rito. Lahat ng 'yon ay unti-unting sumisira sa kaniyang katinuan. Pakiramdam niya'y sasabog na ang ulo at dibdib niya dahil sa samut-saring kaisipan at pakiramdam.

"Sorry..." Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at pisngi saka muling lumingon sa bahay nila Xander. "Sorry my love... s-sorry."

Pagkalabas niya ng gate ay kaagad niyang tinawagan si Ace. Gabi na at madilim na sa paligid, hindi niya rin sigurado kung may masasakyan pa siya pagkalabas niya ng subdivision.

[Cher? San ka na?]

Mas lalo siyang naiyak at alam niyang narinig ni Ace ang paghikbi niya.

[Tangina, umiiyak ka?! Nasaan ka? Papunta na ako!]

"S-Seirra Vista Subdivision.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 40

    "ANO? Hindi ka pa rin titigil?" Naiiling na tanong sa kaniya ni Ace pagkahinto nito sa mismong gate ng bahay nila. "Ang pangit mo na! Basang-basa na rin ang damit ko kapapahid mo ng luha... tahan na."Ang kapal ng mukhan ng kalbong ito! Kung makapagsabi ng pangit akala mo ito na ang pinakaguwapong nilalang sa balat ng earth!"Puwede ba-""Puwede rin bang tumigil ka na?!" Agap nito sa kaniya sabay sumimangot. "Kung iiyak ka lang pala ng iiyak, 'di sana hindi mo na iniwan doon si Oxford! Tsaka, ano ba kasi ang nangyari? Bago kayo umalis ang sweet n'yo pa ah!" Ano nga ba kasi ang nangyari? 'Yon din ang nais niyang itanong. Kung ano ba ang nangyari at bakit mukhang matindi ang galit ng ama ni Xander sa katulad niya? Kung bakit hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon na ipaliwanang ang sarili nila? Hindi ba talaga sapat na mahal niya si Xander at mahal din siya nito para magtiwala ang mga magulang nito sa kanilang dalawa? Ganoon na lang ba 'yon?Napabuntong hininga siya saka inabot a

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 41

    "FUCK!" Namamalipit sa sakit ang tiyan ni Cherry pero nagawa niya pa ring idilat ang mga mata niya. Pamilyar sa kaniya ang puting kisame at ang kulay ng dingding ng lugar kung nasaan siya. Pati ang kama na kinahihigaan niya, gayon din ang kumot na nakapalupot sa katawan niya at ang unan na gamit niya. Nang bumaling siya sa gawi ng pinto, doon lang tuluyang nagising ang kaniyang diwa. Doon lang din luminaw ang kaniyang paningin at nakilala ang lalaking nagligtas sa kaniya."X-Xavier?" Lumingon sa kaniya si Xavier na mukhang kanina pa balisa. Ito ang lalaking nagligtas sa kaniya sa kalsada. Ito rin ang lalaking bumugbog sa lalaking nagtangkang gumahasa sa kaniya."You're not supposed to be here, Cherry. But-""S-Sorry sa abala. Dibali uuwi na rin naman ako." Agap niya saka dahan-dahang tumayo. Kaagad namang tumalikod si Xavier na mukha pa ring problemado. Doon niya lang din napansin na wasak pala ang t-shirt niya at nakahantad ang kulay itim niyang bra. Halos kalahati rin ng katawan

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 42

    "Papa!" Napalakas na ang iyak niya dahil sa pinaghalo-halong takot; pagod; at pag-aalala para sa ama at kapatid niya. "Pa, gising! 'Wag kang pipikit, kailangan nating makaalis dito. S-Si Ate Rose, nasa labas. May tama siya ng baril-""Halughugin n'yo ang mansiyon at hanapin ang babaeng tumakbo kanina! Tandaan n'yo, walang dapat na matira! 'Yon ang utos ni supremo!"Pinanginigan siya ng katawan saka dahan-dahang tumayo. Labag man sa loob niya ay kailangan niyang lumayo sa ama niya upang mag tago."R-Run, Cherry. Iligtas mo ang sarili mo... anak."Tinakpan niya ang sarili niyang bibig upang hindi mapahikbi ng malakas saka nag tago sa likod ng pinto. Sigurado siyang hindi na maiisip ng mga armadong lalaki na doon lang siya nagtatago lalo na't malapit lang din 'yon sa ama niya na nakahandusay sa lapag ng sala."Long time no see, Christian. How are you?!"Dinig niyang bati ng isang lalaki. Mula sa maliit na siwang ng pinto ay sinilip niya ito. Nakatalikod ito sa kaniya at nakaharap naman s

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 43

    STA. MARIANang maiabot niya ang bayad sa tsuper ng jeep ay kaagad siyang naglagay ng wireless earpods sa kaniyang tenga. Nababagot siya sa araw na 'yon dahil sa totoo lang, wala naman na siyang babalikan sa lugar na 'yon.Sa San Antonio na nakatira ang Mama niya kasama ang Tito Roger niya. Ilang buwan na lang din ang bibilangin, lalabas na ang kapatid niya. Magkakaroon na ng buo at masayang pamilya ang Mama niya, tulad ng matagal niya ng hinahangad para rito. Tiyak niyang magiging maganda rin ang buhay ng magiging kapatid niya, dahil may kikilalanin itong ama at sigurado siyang mamahalin naman ito ng Mama niya."Miss, Sta Maria na."Hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng babaeng katabi niya dahil sa lakas ng music na pinapakinggan niya. Pinatay na muna niya ang cellphone niya saka sumilip sa bintana. Lumampas siya ng kaunti pero keri niya namang maglakad pabalik. Pumara siya at nagpasalamat sa babaeng kumalabit sa kaniya, saka tuluyan ng bumaba. Isang kanto ang layo mula sa arko

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 44

    Inabot siya hanggang alas singko kina Ace. Wala silang ibang ginawa kun'di maggaguhan, hanggang sa dumating na rin ang mga magulang nito galing sa kompanya ng mga ito. Sadyang may tagas lang kasi ang utak ni Ace na imbes na sa kompanya ng mga Ferrer ito mag banat ng buto, mas pinili nito ang komplikadong trabaho. Pagsapit naman ng alas sais ay niyaya siya ni Ace sa Club-V. Ang club na dati niyang pinapasukan. Pero 'di tulad ng dati, maganda at maayos na ngayon ang naturang club. Pag-aari na rin 'yon ng isa pa niyang barkada na si Alexis o mas kilala bilang X Montemayor. Hindi na siya nagulat pa ng malaman niyang ang malanding si X ang bumili ng Club-V at ngayon nga ay may branches na sa limang piling bansa ng Asya, at halos pitong branches naman sa loob ng bansa. Sa landi ba naman ni X at kahiligan nitong pumarty noon, bagay na bagay dito ang Club-V na pag-aari na nito ngayon."Wow, Cher!" Hindi makapaniwalang bulalas ni X ng makita siya nito sa club. "Langya, ganda mo na ngayon ah!

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 45

    "ONE BAD MOVE, and I'll pull the trigger..." Xander knew that his unexpected intruder was a woman. He can smell her natural scent. He can feel her tensed body. But still... she seemed dangerous."Who are you?" Tanong niya sa salat sa emosyong tono. "Hands up, and turn around." Giit niya pa.Ngunit hindi niya inaasahan ang gagawin ng babae. Maliksi itong umikot paharap sa kaniya saka malakas na tinabig ang kamay niya dahilan upang mabitawan niya ang baril na nahulog sa kung saan. Kaagad din itong dumistansiya at sinipa siya sa dibdib na nagpaatras sa kaniya ng bahagya.Damn, that was a roundhouse kick!Mabilis at naging sunud-sunod pa ang pag-atake nito sa kaniya. Ang ibang pinakakawalan nitong pag sipa ay bahagyang tumatama sa kaniya, pero kalimitan ay naiiwasan niya.Ayaw niya sana itong patulan dahil bukod sa babae ito, gusto niya itong mahuli ng hindi nasasaktan. Gusto niya itong kausapin at tanungin kung bakit ito nangloloob. Kung ano ang intensiyon nito, at kung may nag-utos ba

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 46

    PARA SAAN ang ngiti niyang 'yon?Dalawang araw na ang nakalipas simula ng gabing iyon, pero hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin kay Cherry ang tila nakakalokong ngiti ni Xander sa kaniya noong gabing iyon.Wala rin siyang choice kun'di ang umuwi sa San Antonio ng gabing iyon, dahil wala naman siyang uuwian. Balak niya sanang makitulog kila Ace, kaya lang ay lasing ang talipandas niyang kaibigan. Baka mamaya ay ma-tempt ang hudyo sa alindog niya. Napurnada rin ang plano niyang pakiusapan ang nakabili sana ng dati nilang tirahan. Lalo na at ang humorless at heartless na si Xander Oxford pala ang nakabili niyon."Cherry dear!" Sunud-sunod na katok sa pinto ang bahagyang nagpagising sa kaniya. Kanina niya pa rin nauulinagan ang pagtawag ng Mama niya sa kaniyang pangalan mula sa labas, pero tinatamad pa siyang tumayo. Inaantok pa siya, at wala pa siya sa tamang huwisyo. Kakat'wa na noon ay hirap na hirap siyang matulog. Ultimo pag pikit ng mata ay halos hindi niya na magawa. Kailangan

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 47

    UNTIL now, Xander can't believe that for the past six long fucking years... He saw her again. And yes, he admits that Cherry still looks beautiful and seductive. She can still make his heart beat faster. He still drowns in her natural scent. She is still his favorite. His Cherry."Damn! I want to see her again." He whispered. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng muli silang magkita ni Cherry sa hindi inaasahang pagkakataon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin pinatatahimik ng dalaga ang isip niya. Nag overnight at over day na nga yata ang utak niya sa kaiisip dito. Kahit anong gawin niya at saan siya magpunta, parang nakikita niya pa rin ang mukha nito.Kahit nga narito siya sa mall, si Cherry pa rin ang laman ng isip niya. Langya, kailan ba mapapagod ang lintek na utak niya kaiisip sa dalaga?!He tried his hardest to keep calm and cool composure that night when she entered his house unexpectedly. But deep inside, his heart was beating wildly. Wala pa ring nagbago. Kung paanong m

Latest chapter

  • The Mafia's Prized Possession    EPILOGUE

    NAKANGITING lumabas si Cherry mula sa kuwarto nila. Nang bumaling ang paningin nito sa kaniya ay mas tumingkad pa ang ngiti nitong nakapaskil sa mapupula nitong labi."How are you my sweet?" Malambing niyang tanong kay Cherry. Limang buwan na simula ng mag undergo ito ng counseling para sa depression nito. Maganda naman ang resulta dahil sa unang tatlong buwan ay ito mismo ang nagkukusang pumunta sa clinic ni Mrs. Angelin Perez; ang nirefer ng Mama niya na therapist para kay Cherry. Sa sumunod na buwan ay si Mrs. Perez naman ang dumadalaw kay Cherry dalawang beses sa isang linggo dahil malapit na ang kabuwanan nito para sa ikalawang anak nila.Tatlong buwan bago manganak si Cherry sa una nilang anak ay muli nga silang ikinasal sa simbahan. Simple at piling mga kamag-anak at kaibigan lang ang inimbitahan nila dahil gusto nilang mapanatili ang pribadong buhay ng pamilya ni Cherry. Pagkapanganak naman nito ay lumipat na rin sila sa Sta Maria na dating bahay nila Cherry. Minadali niya a

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 77

    BAGOT NA BAGOT si Cherry habang nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Dalawang buwan na halos ang matuling lumipas simula noong nagpulit siyang umuwi na muna sa San Antonio. Wala na rin namang nagawa pa si Xander dahil siya na mismo ang nagpasundo sa Mama niya at kasama pa talaga nito ang echoserong si Ace.Sukat na nagpumilit daw sumama dahil gusto nitong makita ang mansyon ng mga Oxford na talaga namang pinag-uusapan ng halos lahat. Hindi niya rin naman ito masisisi, ganoon din kasi siya dati."Ate, nasa baba po si Kuya Ace." Napairap siya ng marinig ang pangalan ni Ace sa batang kasambahay na si Simang. "May dala po siyang kwek-kwek at singkamas," giit pa niti kaya napabalikwas siya ng bangon.Mag aapat na buwan na ng tiyan niya pero marami pa rin siyang cravings. Mga pagkain na hinahanap-hanap niya, pero mas madalas na si Xander ang gusto niyang makita. Simula kasi ng malaman ng Mama niya at ng Tito Roger niya na buntis siya'y pinagbawalan na muna silang magkitang dalawa.

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 76

    UUWI NA AKO...Paulit-ulit niyang isinisigaw 'yon kay Xander habang walang kasawaan naman na hinihila siya nito palapit sa lalaki.Tatlong araw na siya sa mansyon ng mga Oxford at tatlong araw na rin siyang nabubusit sa pagmumukha ni Xander. Sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nababanas siya. Pikon na pikon siya sa mukha nito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya."I told you, kung nasaan ako... Doon ka rin," baliwalang sabi nito bago humilata sa sofa. Hanggat maaari ay ayaw niya na munang mag lagi sa kuwarto. Dahil automatic na pagkaraan ng ilang oras ay mananakit lang ang katawan niya. Napairap siya ng tignan si Xander na prenteng nakahiga sa sofa. Napakaamo ng mukha nito na akala mo'y walang masamang ginagawa. Pero brutal pagdating sa kama. Walang kapaguran ang hudyo at hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi nanginginig ang mga hita mo!"Ayaw kitang makita... You look so ugly!" Singhal niya rito saka tinakpan ng unan ang mukha nito."If you don't want to see my

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 75

    TULOG pa si Cherry ng magising si Xander dahil sa liwanag na lumalagos sa bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya ng tignan niya ang dalaga na nahihimbing pa habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.Maingat at dahan-dahan siyang tumayo upang hindi ito magising bago nagtungo sa closet. Kumuha lang siya roon ng puting t-shirt saka isinuot kay Cherry. Malamang na sasabunin na naman siya nito pagkagising dahil sa nasira na naman nitong underwear. Well, hindi niya naman sinasadya. Isa pa, napakanipis naman kasi ng tela ng pangloob nito kaya madaling nasisira kahit hindi niya naman higpitan ang pagkakahawak.Nang maisuot niya kay Cherry ang t-shirt ay ginawaran niya ito ng halik sa noo saka kinumutan. Saglit niya pa rin itong tinitigan, at halos sauluhin ang napakaganda nitong katawan. Binibilang ang mga markang ginawa niya sa makinis nitong balat. Hindi man ito aware sa pagbabagong nagaganap sa katawan nito'y kitang-kita niya naman. Ang bahagyang paglaki ng hinaharap nito, ang pag-umbok

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 74

    Hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung paano siya nahikayat ni Xander na sumama sa mansyon ng mga Oxford. Kaya naman hanggang ngayon habang prenteng nakaupo ang mga magulang nito at nakatitig ang kapatid nitong si Xavier sa kaniya ay tulala pa rin siya."Are you okay? Gusto mo pa ng cookies?" Sunud-sunod na tanong ni Xander sa kaniya na mukhang nag-aalala na rin sa inaakto niya. Ikaw ba naman kasi ang tila lutang at hindi makapag-isip ng maayos, ewan na lang niya kung hindi pa talaga magtaka ang mga taong nasa paligid niya."Juice?" Muling tanong ni Xander na inilingan niya lang ulit.Naramdaman niya ang kamay nitong umakbay sa balikat niya saka marahang hinilot iyon. Parang sa pamamagitan niyon ay ipinararating nitong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat na alalahanin pa."Anyway Cherry, kailan kaya kami puwedeng magkita ng Mama mo?" Kusang umangat ang mukha niya at kunot noong napatingin sa ina ni Xander na nakangiti sa kaniya. "I want her to be my cooking partner, you kn

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 73

    DALAWANG araw simula ng mag trigger ulit ang panic attack ni Cherry ay nagdesisyon siyang hindi na muna umalis sa San Antonio. Gusto niya na munang pakalmahin ang kaniyang isipan at bawasan ang pangungunsume sa lahat."Cherry, my dear kumain ka na," malambing na aya sa kaniya ng Mama niya na naiilang na sumilip sa kaniyang silid. Bagama't nakangiti ang Mama niya sa kaniya ay nararamdaman niya naman na naiilang o kinakabahan ito. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at nilapitan ang Mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka binati. "Morning, Ma... sorry I'm late." Aniya saka nahihikab na bumalik sa kama.Nagtataka naman ang Mama niya na nakamata lang sa kaniya. Ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naka-ilang beses pa muna itong tumikhim habang nagtataka pa ring nakatitig sa kaniya bago nagsalita."Hindi ka ba kakain? Tanghali na anak... alas tres na nga ng hapon kung tutuusin. Hindi ka ba nagugutom?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng M

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 72

    "I... I'M SORRY."Kaagad na tinulak ni Cherry si Xander ng akma siya nitong kakabigin upang yakapin. Hindi niya gusto ang amoy ng lalaki kahit na nga ba namiss niya ito. Hindi niya rin alam kung paano siya aakto sa harap nito matapos ang nangyari sa Baguio.Nang maalala ang tama nito sa tagiliran ay kaagad siyang pinanlamigan ng katawan. At bago pa siya atakihin sa harap no Xander au dali-dali na siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto at kaagad na hinanap ang kaniyang gamot sa closet ngunit wala iyon sa pinaglalagyan niya. Bumagsak na ang lahat ng damit niya sa lapag sa kahahanap ng gamot niya ngunit hindi niya makita. Unti-unti niya na namang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibdib niya dahil sa kasalanang hindi siya ang gumawa."I didn't pull the trigger..." Naluluhang bulong niya sa kaniyang sarili saka yumukyok sa gilid ng kama.Ilang katok sa pinto ng kuwarto ang naririnig niya ngunit hindi niya iyon pinapansin. Nahahati ang isip niya sa kun

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 71

    PAGKARATING nila sa bahay nila Cherry ay pinagbuksan sila ni Simang ng pinto. Bahagya pa itong natigilan ng makita sila at tila lutang na natulala."Hala! Nasa langit na ba ako?!" Anito na ikinangiwi ni Ace at kinakunot naman ng noo ni Xander."Nandiyan ba si Tita Charice?" Tanong ni Ace saka walang pakialam na dumiretso na sa loob.Sumunod naman siya at pumasok na rin sa loob. Saktong pababa ang Mama ni Cherry habang may karga-kargang baby. Mula naman sa kusina ay bumungad sa kanila ang matangkad na lalaki na kung titignan ay mas bata lang ng kaunti sa ama niya. Kaagad niya itong nilapitan at nakipag kamay dahil mas malapit siya rito."Good afternoon, Sir." Aniya. "I'm Xander Oxford-""I remember you, young man." Agap nito saka tinapik ang kaniyang balikat. "Kumusta ka?""Still the same, Sir.""Just call me Tito Roger." Ngumiti ito sa kaniya na ikinapanatag ng loob niya.Pagkababa ng Mama ni Cherry ay kaagad na kinuha ni Simang ang baby na karga-karga nito saka lumapit sa kaniya. Ngi

  • The Mafia's Prized Possession    CHAPTER 70

    "BILISAN MO!"Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay pilit na naglakad si Cherry hanggang sa makalabas sa warehouse kung saan siya dinala. Katabi lang halos iyon ng Shangrila Hotel sa Baguio City na pinagganapan ng ilegal na subastahan.Tinulungan siya ni Goyong na isa pala sa tatlong naka-suit kanina na mag-oopera sana sa kaniya. Tinarakan nito ng pampatulog ang dalawa kung kaya't agad-agad na bumagsak at nakatulog ang mga ito.Hawak siya nito sa kamay habang mabilis silang naglalakad. Nang makarating sila sa bandang likod ay nakita niya ang kulay itim na kotse. May kalumaan na pero mukhang puwede pa naman.Binuksan kaagad ni Goyong ang pinto sa likod at doon siya pinaupo. Kulang na lang ay itulak siya nito sa pagmamadali. "S-Sorry medyo natagalan." Dinig niyang sabi ni Goyong sa driver na hindi niya kaagad napansin.Pilit niyang inaaninag ang driver ngunit gawa ng hilo, pagod at antok ay hindi niya talaga ito maaninag ng maayos. Hanggang sa tuluyan na siyang ginapo ng antok

DMCA.com Protection Status