Makalipas ang apat na araw, halos hindi pa rin makapaniwala si Kryzell na kasama n'ya na ulit ang kinilala n'yang pamilya. Masaya siyang gumigising at natutulog sa gabi kahit na sa kan'yang puso ay naroon pa rin ang matinding kagustuhan na mabawi mula kay Hilda ang kayamanan ng Torquero.
Si Kaizer naman ay tila alanganin sa sitwasyon niya at ng pamilya ni Kryzell. Kahit siya ang may-ari ng isla ay hindi siya makakilos ngayon na tulad ng dati. Hindi n'ya maipakita ang tapang na meron siya dahil gusto n'yang makuha rin ang puso ng pamilya ng asawa n'ya.
"Mafia boss pala ang asawa mo." Natatakot na sabi ng ina ni Kryzell.
"Opo, 'nay. Pero mabait po siya. Mukha lang siyang nakakatakot sa paningin ng iba pero kapag nakilala n'yo na po siya, gugustuhin n'yo na siyang maging manugang," wika ni Kryzell.
"Wala akong pakialam kung boss pa siya ng kumpanya. Ang akin lang, ayaw kong sasaktan n'
Parang alimango ang tingin ni Kryzell sa alaga ng asawa n'ya. Sa sobrang kalikutan ng isip n'ya ay bigla n'yang dinakma iyon.Napaupo naman ang nabiglang si Kaizer. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng kan'yang asawa. Muntik n'ya pang matuhod ito.Dahil sa labis na pagkapahiya ay mabilis na nag-isip si Kryzell. Ang kan'yang mukha ay nag-iinit na daig pa ang nakatapat sa nag-aapoy na kalan. Nilagay n'ya ang mga kamay sa baywang at saka itinaas ang kilay."Ano'ng problema mo?" Nagtatakang tanong ni Kaizer."Ikaw. Gusto kong… Gusto kong, ano…" Nagpalakad-lakad si Kryzell."Gusto mo ako." Dugtong ni Kaizer sa hindi matapos-tapos na sasabihin ni Kryzell."Hindi, ah. Oo pala, gusto nga kita. Oh no, hindi pala."Hiniling ni Kryzell na sana ay magising na siya kung nananaginip
Habang inaasikaso ni Isabel ang ate n'ya ay hindi mapigilan ni Kryzell na panoorin sila. Muntik n'ya na kasing mapatay kanina ang stepmom n'ya kung hindi lang pumasok ang kapatid nito sa silid ni Hilda. "Lumabas ka na roon, Kryzell. Oh, I hate calling you by that name. I hate that name!" sabi ni Hilda. Yumuko si Kryzell ngunit seryoso ang mukha n'ya. "Magiging multo mo ang pangalan kong ito," bulong ni Kryzell habang humahakbang palabas ng silid. "Kryzell, bukas ay pumunta ka ng Maynila. Gusto kong ayusin mo roon ang problema na nilikha ng mga hampas-lupang miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization," wika ni Hilda. Natigilan si Kryzell sa pagbukas ng pintuan. Napaharap siya bigla kina Hilda at Isabel. "Ma-mafia po?" Kunwari ay hindi n'ya alam ang sinasabi ni Hilda. Kailangan n'yang sakyan ang lahat ng kalokoh
Kahit nakapikit ay dama ni Kryzell ang kakaibang sensasyon na si Kaizer lang ang unang nagparamdam sa kan'ya. Halos mapugto ang kan'yang hininga ng unti-unting tanggalin ng kaniyang asawa ang suot niyang pulang lace panty."You're so beautiful," turan ni Kaizer habang pinagmamasdan ang harapan ng asawa.Nahihiya na pilit pinagdidikit ni Kryzell ang kan'yang mga hita subalit pinipigilan siya ni Kaizer. Nagsimulang maging malikot ang dila ng huli sa hinaharap ng asawa n'ya."Kaizer, please. Stop it. Ayaw ko rito," nasabi ni Kryzell kahit darang na darang na siya."Really?" Panunudyo ni Kaizer sabay gapang ng mga kamay n'ya sa dibdib ng asawa."Shit! Naiihi na talaga ako." Hindi na napigilan ni Kryzell ang paglabas ng likido na halos nagpanginig sa buo niyang katawan. Humigpit din ang hawak n'ya sa ulo ng asawa kaya mas lalong napasubsob ito sa kan'yang harap
Walang kahit isang miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization ang nasaktan o nasugatan man lang sa naganap na engkwentro sa pagitan nila ng Triangulo. Ngingiti-ngiti pa nga sila nang lumabas sa telebisyon na marami ang nasugatan sa grupo ni Hilda. Ngunit sa balita ay mga simpleng mamamayan diumano ang mga biktima at away sa sugal ang dahilan ng lahat.Si Kryzell ay wala namang pakialam sa nangyari. Ang isip n'ya ay nakatuon lang sa isang bagay, ang makita at makausap ang natitirang abogado na may hawak ng last will and testament ni Don Matias Torquero.Pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Kaizer nang makita ang asawa na nakabihis na naman. Kahit gabi na ay paalis ito upang makipagkita sa abogado ng daddy nito."You're so busy. Hayaan mo na sina Mer at Tamara na lumakad muna niyan. Gusto ko lang talagang masolo ka," wika ni Kaizer habang nakayakap sa asawa n'ya."Kating-kati
Malamyos na musika at amoy ng mga bulaklak ang gumising kay Kryzell. Masakit ang katawan n'ya lalo na sa bandang ibaba. Hindi n'ya halos maimulat ang kan'yang mga mata ngunit ang mabangong amoy ng silid ay nagpapalala ng kan'yang kuryusidad na tingnan kung ano ang mga naaamoy n'ya."Good morning, honeypie," masayang wika ni Kaizer.Napabalikwas ng bangon si Kryzell. Tirik na ang araw at kailangan n'ya pang pumasok ng opisina. Nakalimutan n'yang wala siyang kahit anong saplot sa katawan at tanging kumot lamang ang nakatakip sa kan'ya."Bakit hindi mo ako ginising agad?" tanong ni Kryzell. Galit ito at nanlilisik ang mga mata sa asawa n'ya.Napakamot ng batok n'ya ang mafia boss. Gusto n'yang matawa sa sarili. Hindi pa rin n'ya kasi alam kung bakit siya naduduwag sa asawa n'ya gayong wala naman talaga siyang kinatatakutan."Eh, kasi… ano…" nauu
Malakas na sigaw ni Kaizer ang naging dahilan para maapakan kaagad ni Mer ang preno ng sasakyan. Ang kotse na minamaneho ni Sean ay sumalpok sa barrier pagkakatapos nitong magpaikot-ikot sa kalsada.Wala sa sarili na bumaba si Kaizer sa van na kinalululanan n'ya at parang kidlat na lumapit agad sa bahagi ng sasakyan kung nasaan ang asawa n'ya. Ang mga tauhan na kasamahan ni Kaizer ay hinabol naman ang dalawang lalaki na bumaril sa gulong at katawan ng sinasakyan nina Sean at Kryzell. Nakasakay ang mga ito sa motorsiklo."Honeypie, wake up," malakas na turan ni Kaizer.Subalit walang malay na nakasubsob lamang si Kryzell sa dashboard ng sasakyan. Duguan ang ulo nito at ganoon din ang braso na tinamaan ng basag na salamin ng kotse.Mabilis na binuhat ni Kaizer ang asawa n'ya at isinakay ito sa sasakyan na dala nila. Ang ibang mga tauhan naman ng Devil's Angel Mafia Organization
Napabalikwas si Kryzell ng makita n'yang nagtatakbuhan ang mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization. Kinakabahan na inabot n'ya ang swero at tumayo siya kahit nahihilo siya."Ano'ng nangyayari? Bakit nagkakagulo kayo?" tanong niya sa isang miyembro ng grupo na nananatili lang nakatayo sa may pintuan."Ma'am, bumalik po kayo sa higaan. Baka kung mapano po kayo," sabi ng lalaki.Napasulyap si Kryzell sa 'di kalayuan. Nakita n'ya ang isang ginang na tinututukan ni Kaizer. Hindi n'ya alam kung ano ang dahilan ng kaguluhan pero batid n'yang matindi ang galit ni Kaizer."Alalayan mo ako palapit sa kanila," utos ni Kryzell sa lalaking kausap n'ya."Ma'am, baka magalit po lalo si boss," nag-aalalang sabi ng lalaki.Lumakad na si Kryzell kaya napilitan ang lalaki na sumunod at alalayan na lang siya. Nagtatakbuhan ang mga nars at maging
Panay ang tawa ni Kaizer habang kinukulit siya ni Kryzell. May kasunduan ang mag-asawa na dapat malaman daw ni Kryzell ang totoong pangalan ng asawa n'ya sa loob ng isang buwan kung hindi ay bubuntisin n'ya ito. "Gusto mo na ba talagang magkaanak?" tanong ni Kryzell sa asawa n'ya habang kumakain sila ng almusal sa ibabaw ng kama. Kapwa walang saplot ang mga katawan nila at malayang gumagalaw sa loob ng silid. "Bakit mo naman naitanong?" Nakatitig si Kaizer sa mukha ng kabiyak dahl gusto n'yang malaman ang sagot nito. "Medyo hindi pa ako ready na magkaroon ng anak kasi marami pa tayong problema. Natatakot akong baka mawala rin siya agad sa akin," pag-amin ni Kryzell. "Tingin ko kasi ay hindi pa safe ang environment na mabubungaran n'ya." Nawalan ng kibo si Kaizer. Wala itong nagawa kun'di ang yakapin ang asawang bahagyang nagpunas ng luha sa kan'yang pisngi. Napapaisip
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.
Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n
Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p
Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p