"Uminom ka na ba ng gamot?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Maya kay Psalm. Kababalik lang ng bodyguard sa salas mula sa comfort room. "Oo, pero wala yatang talab!" Nakangiwi namang sagot ni Psalm. "Tsh! Sinabi ko naman kasing hindi mo pwedeng kainin ang niluto ko nagpumilit ka pa rin," angil ni Lucky na nakatutok ang mata sa screen ng laptop, nagsusulat siya ngayon ng bagong kabanata ng nobela niya. "Ano ba naman kasi ang hinalo mo sa pagkain nila kagabi Miss Lucky? Ikaw Miss, ah? Baka naman nilagyan mo ng gayuma!" "Some of my blood, sweat, and tears..." "Kanta naman 'yan ng BTS, eh! Si Miss Lucky talaga lowkey fan ng Kpop. Sabihin mo na kasi kung anong nilagay mo. Oh, my God! Don't tell me nilagyan mo ng laxative ang food nila?” Nanlaki ang mata ni Psalm sa narinig mula sa assistant ng babaeng amo. Hindi makapaniwala na tumingin siya kay Lucky. May diarrhea siya? Talaga bang may hinalo sa pagkain nila kagabi ang among babae? "Why are you looking at me like that? I told y
"I'm sorry, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari 'di na sana kita pinilit na kumain ng dinner." Nakalabing saad ni Lucky at yumakap kay Genesis. "Hey, it's not your fault. Cheer up! Hindi lang talaga sanay ang t'yan ko sa mala Fiesta na dinner. Don't worry, I'll prepare my stomach so that I can eat more of your cooking in the future," pag-aalo naman ni Genesis, at masuyong hinalikan sa noo ang kaibigan. Tumikhim si Psalm na nakatayo sa gilid ng couch kung saan nakaupo ang dalawa. Bigla na lang kinilabutan ang bodyguard. Hindi niya alam na ganito pala ang ugali ng among babae kapag naka-war mode. Umiling si Psalm. Dapat talaga hindi na niya hinayaan si Talia na magsabi ng kung anu-ano sa kanyang amo, tuloy nabuhay ang halimaw sa loob nito. "Psalm, hindi ka pa ba uuwi?" Pinanliitan ng mata ni Lucky ang bodyguard. Kailangan na niyang paalisin si Psalm upang magawa na ang plano niya. "Ah, hindi pa tapos ang oras—" "Hindi na kailangan, narito
"I'm sorry, but I can't answer your questions. It's a family affair, and—" “And I’m not yet part of your family?” putol ni Lucky sa kaibigan. “No. I’m not implying anything. It's just that this matter is so private that only my family is aware of it," paliwanag ni Genesis. Hindi niya pwedeng sabihin kay Lucky kung bakit sa tatlong magkapatid, siya lang ang kinilalang anak ng kanyang mga magulang. “Family, huh? Kung talagang family member lang ang nakakaalam, paano nalaman si Nathaniel at Psalam? Mukha kasing kilala nila kung sino si Apocalipsis, hindi man lang sila nagulat nang magpakita sa Palawan ang kapatid mo.” “Luck-” “All right… I understand, hindi mo kailangang magpaliwang sa ‘kin. Sino ba naman ako kundi ang hamak na bestfriend lang.” Tipid na ngumiti si Lucky sa kaibigan at tumayo mula sa kandungan nito. “Mauna na ‘ko sa itaas, oras na pala para sa skincare routine ko,” pagsisinungaling ni Lucky. Mabuti pang umalis na mu
“Si Sir Enes, Ma’am?” nagtatakang tanong ni Psalm nang makitang lumabas mula sa pinto ng private gym ng among lalaki ang among babae. “Umuwi na tayo Psalm,” sahalip ay tugon ni Lucky. Hindi na nagtanong pa si Psalm ng karagdagang impormasyon, agad niyang giniya palabas ng gusali ang amo at inalalayan itong sumakay ng SUV, ang dalawang guard na kasama ni Psalm ay nagpaiwan upang hintayin si Genesis na mukhang walang balak sundan si Lucky. Tulad ng sinabi ni Lucky, umuwi sila ng bahay, at buong araw na nagkulong sa silid nito si Lucky. Si Genesis naman magmamadaling araw na nang umuwi ng bahay, lasing ang lalaki. Si Psalm at ang katulong ang umalalay dito patungo ng silid, hindi na rin nakauwi si Psalm, inako na niya ang paglilinis sa katawan ng amo bago tinungo ang salas at doon natulog. ‘Pambihirang buhay to… magkaaway o magkabati… ako ang naiipit, ako ang nahihirapan. Guard lang naman ako hindi third-party,’ reklamo ni Psalm sa isipan bago tuluyang m
"Are you sure you don't want to join us?" tanong ni Genesis pagkatapos lapatan ng magaan na halik sa pisngi si Lucky. “I don’t want to meddle in your Uncle and Niece's moment. Just have fun, you two." “Okay, but will you be fine alone here?” Ilang beses na niyang inimbita si Lucky na sumama sa kanila ni Lucy. Pero ilang ulit din siyang tinanggihan ng kaibigan. Nag-aalala kasi siyang ma-bore si Lucky sa bahay, lalo na’t buong araw silang mag-liliwaliw ng pamangkin niya. “I’ll be fine. Balak ko rin bisitahin sa kompanya niya ang nakababatang kapatid ni Daddy,” imporma ni Lucky. Ito talaga ang plano niya ngayon araw at nagkataon naman na dumating ang pamangkin ni Genesis. “Your Uncle?” “Mhm! Hindi kayo nagkakalayo ng idad, nasa thirties narin siya.” “Bakit mo naman siya bibisitahin?” Nakasimangot na ang mukha na tanong ni Genesis. Kaidad lang niya ang Uncle ni Lucky? He doesn't want to be jealous, but he can't help himself. What the hell?
“Naging maayos po ba ang pag-uusap niyo?” chismosong tanong ni Pslam. Sinamaan ni Lucky ng tingin ang bodyguard. “Pasensya na, Ma’am. Curious lang. Saan pala ang sunod nating destinasyon? Uuwi na ba kayo?” “Dalhin mo ako sa clinic ni Dra. Caladeae,” sagot ni Lucky. Ang tingin ay nasa hawak na cellphone. Wala pa siyang natatanggap na message mula kay Genesis marahil ay enjoy na enjoy ang magtiyuhin sa bonding ng mga ito. “May appointment kayo sa OB niyo, Ma’am?” “Nagiging madaldal ka na, Psalm.” Nahihiyang nagkamot ng batok niya ang bodyguard. “Pasensya na Ma’am… Curious lang ako.” “Let’s go, Psalm! We need to go. I need to talk to Dra. Caladeae.” “Yes, Ma’am!” masuring tugon ni Psalm. Ayaw man ni Lucky na umastang cold and distant sa kanyang bodyguard, but she needs to refrain herself from giving him too much information. Psalm is working under her fiance who is a mafia heir, at may kutob si Lucky na bukod sa pagsiguro sa kanya
Mabilis na tumayo si Lucky mula sa couch ng sala nang marinig ang pagbukas ng pinto, pumasok doon si Genesis. Seven na ng gabi at ngayon lang nakabalik ang kaibigan niya mula sa bondate nito kasama si Lucy. "Kumusta ang lakad mo? Nag-enjoy ba kayo ni Lucy sa pamamasyal?" Napalunok ng malaki si Lucky sa sariling tanong. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman niya kanina, kaya pala ayaw nitong magkaanak sa kanya, may anak pala itong matagal na nitong itinatago. "Yeah...," pagod na tugon ni Genesis. "Naubos ang energy ko sa kakasakay sa mga rides na gusto niya," dagdag ng lalaki at binuksan ang dalawang butones ng suot na long sleeve upang mas makahinga ng maayos. "Ikaw, kumusta ang lakad mo? Nakausap mo ba ang uncle mo?" "Mhmm... Marami nga akong nalaman tungkol sa nobela ko." "That's good. Pinuri ba niya ang naisip mong plot?" Ang butones naman ng sleeve nito ang tinanggal ng lalaki, saka iyon tinupi hanggang siko. "Actually, hindi niya
"Are you sure?"Nagulat si Lucky sa naging tugon ni Genesis. Ang buong akala niya ay walang pag-aalinlangan nitong tatanggihan ang alok niya."Yes, I'm certain."Nag-abot ang tingin nilang dalawa, at matagal silang tumitig sa mata ng isa't-isa. Sinusukat kung gaano katotoo ang kanilang mga sinabi."Gustong makasiguro, Luck. Gusto kong siguruhin na pagkatapos ng gabing ito, hindi mo pagsisisihan ang lahat katulad ng nangyari noon." Inabot ni Genesis ang kanang pisngi niya."Mahalaga sa akin ang bawat sandali na kasama ka, at kung sa pagkakataong ito muli mong isusuko sa akin ang sarili mo gusto kong tanggapin at maramdaman ka ng buo. Hindi sapat sa akin maging kaisa ng katawan mo, ang gusto ko'y maging isa ang katawan, puso at isip natin ngayong gabi."Dinama ni Lucky ang mainit na palad ni Genesis. Para siyang maliit na pusa na nanghihingi ng atensyon sa kanyang amo. "I love you, Gin. I'll never forget. I'd rather treasure these moments with
"It was me tito... I was the one who assaulted your daughter. I'm very so--" Isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap ni Genesis mula sa ama ni Lucky. "Pinagkatiwalaan ka namin, Genesis! Paano mo ito nagawa sa kababata mo? Matalik kayong magkaibigan kaya bakit? She's my only child, why did you have to ruin her?" Hinaklit si Genesis ng ama ni Lucky sa kwelyo. "Nakita mo na ba siya? Nakita mo na ba kung anong nangyari sa kanya? Lucky is slowly losing her mind. Araw-araw na lang niyang iniiyakan ang nangyari, hindi niya matanggap na basta mo na lang kinuha sa kanya ang pinakaiingatan niyang puri! She made a promise to her grandfather, but you just took everything just because of that f*cking lust!" "I'm very sorry, tito. Alam kung napakasama ng ginawa ko, and I'm the only responsible, pero gusto ko pong sabihin sa inyo ang totoong nangyari. Gusto kong ipaalam sa inyo hindi para maghugas ng kamay, but to explain why and how it happened." "Para saan pa? Kung malalaman ko ba ang det
"Genesis," tawang ng anim na taong gulang na si Lucky sa kaibigan. Busy ito sa pagkalikot ng toy car. "Genesis, I think there's a ghost in that room." "Huh? What are you talking about?" Nag-angat si Genesis ng tingin sa batang babae. "There… I keep seeing a silhouette or something." Nag-angat ng tingin si Genesis sa bintana ng pangalawang palapag ng kanilang mansion. Sumimangot agad siya nang makita ang bulto ng bata na nakasilip sa manipis na kurtina ng bintana. "Idiot," bulong niya at tumayo. "Let's go, Lucky! I wanna play with you in some other place." "Huh? But I thought you wanted to play sand castle here?" the little girl pouted. Nagbuntonghininga si Genesis. "I'm not comfortable here." Nag-angat siya ng tingin sa bintana. "That shadow over there is bothering me," malungkot pa nitong sabi. "Fine. I don't want to upset my friend." Kinuha ni Lucky ang kamay ni Genesis. "Let's go?" Sunod-sunod na tumango si Genesis at ngumiti sa batang babae, hinayaan niyang hilain siya nito
10 years later…Pinarada ni Malachi ang pulang sports car sa harap ng isang kilalang nightclub, bumaba siya ng driver' seat na nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ang phone."I'm outside. Get your f*cking ass here," malamig niyang sabi at ibinaba ang tawag. Binulsa niya ang cellphone at naka-cross ang mga brasong sumandal sa gilid ng kanyang sasakyan.Ilang babae ang napapalingon sa gawi niya, presko naman iyong nginingitian ni Malachi, halatang curious at interesado sa kanya. Kilig na kilig pa ang mga ito kapag kinakawayan niya. Ang mga lalaki namang napapadaan ay sa kanyang sports car nakatingin, inggit at pagkamangha sa sasakyan niya ang nasasalamin sa mga mata nito."Looks like you're enjoying the attention people are giving to you. Ang babaw ng kaligayahan mo," sabi ni Lucy nang makalapit sa nakababatang kapatid."And looks like inggit ka big sis! Where's your f*cking boyfriend though, why call me instead your boyfriend," iritadong hanas ni Malachi at binuksan ang shotgun sea
"Congratulations! You are now officially the head of the Gevorgian Mafia. Are you feeling great? You finally got the throne that was meant for you, Gin. I'm so happy for you." Masayang niyakap ni Lucky ang kasintahan."Come on, Luck! Don't act like I'm the real heir when I'm just a substitute," pa-humble kunwari na saad nito kay Lucky, ang dalaga naman ay natatawang humiwalay dito ng yakap.“Don’t be so hard on yourself, deserve mo rin ng recognition. Kahit pa sabihin na substitute ka, ikaw na ang tunay at nag-iisang Genesis ngayon.”“Hey, lover birds… It’s almost a year since you’ve been together. Wala pa rin ba kayong balak magpakasal?” Sabay na napalingon ang dalawa sa bagong dating na si Apocalipsis.“Epsis! You’re here. Kailan ka dumating ng Philipinas?” Sinalubong ni Lucky ng yakap si Apocalipsis at nakipagbeso dito. “Are you staying here for good?”“Nah~ I just came here to attend Wregan's wedding and was hoping to hear some good news from you two. So kailan ang kasal niyo?”“H
“Now, let’s hear from Genesis,” baling ni Beth sa pangalawang anak. “What about me?” “What are your plans? May plano ka bang pakasalan si Lucky?” walang paliguy-ligoy na tanong ni Beth. Ito ang pinaka gusto niyang malaman, ang plano ni Genesis para sa sariling pamilya. Well, matagal na niyang ship ang dalawa, mula noon at boto na siya kay Lucky para kay Genesis, ngunit itong anak naman niya ang napakahirap tansyahin. Alam niyang may nararamdaman si Genesis para sa dalaga pero kakaiba itong mag-isip, iba ang mga pamamaraan nito para ipakita ang affection kay Lucky. Hindi niya alam kong paano ipaliwanag pero, medyo weird magmahal ang middle child niya. Tumikhim si Genesis, naiilang sa tanong ng ina. Ang atensyon naman ng lahat ay natuon sa kanya, lalo tuloy siyang nailang. "It's not that I don't want to get married, but how can I ask for her hand in marriage if she isn't even my girlfriend? That's probably not right." “Tch! Is that even a problem? Edi, manligaw ka!” singit ni Lucky.
Pagkatapos ng kumosyon, nagpasya ang mga Gevorgian na magkaroon ng masinsinang pag-uusap ukol sa nakaraang pangyayari sa HQ at sa bigla pagsulpot ng tunay na Genesis, kasama ang lahat ng membro ng pamilya, nagharap-harap ang mga ito sa mansion ng mga Gevorgian."Stop staring at me like that, brat.""I'm not staring at you old-man," ganti naman ni Chii sa matandang Gevorgian."Chii, ano ba. You're being disrespectful to your grandpa," saway ni Lucky na nakaupo sa tabi ni Chii sa mahabang sofa ng study room."It's because he's annoying! He kept on glaring at me. I didn't do anything wrong!""Paanong hindi iinit ang ulo ng lolo mo sa 'yo? Eh, muntik nang atakihin sa puso dahil sa kalokohan mo," singit naman Genesis. Nasa kabilang gilid ito ni Chii, pinagigitnaan nila ni Lucky ang makulet at supladong bata.“Papa, he’s hurting you kasi, and that old-man never say his sorry,” nakasimangot nitong sabi. Si Genesis naman ay napapailing nalang, kahit siya ay hindi maawat ang pagiging brat ng a
“How have you been, Genesis?” tanong ni Sauron. Hindi nito napigilan ang tumayo at lapitan ang apo na matagal na nilang hinahanap.Napatingin si Ephraim kay Wregan na nagdala sa kanya sa lugar. Nguniti ito at tumango sa kanya, sumimangot si Ephraim. Nakakainis ang lalaking ito, kung umasta ay magkaibigan sila, at sino naman ang mga taong ito sa harap niya?“Ah… Ephraim ang pangalan ko. Pasensya na, hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng boss ko, pero sino ba kayo lolo?” Kamot ulong tanong nito kay Sauron.Ang matanda naman ay nakunot ang noo. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kaharap, nilingon niya si Wregan at nagtataka itong tinignan.“Ephraim here doesn’t remember his passed.”“What? Then, how did you find him?”“It’s all just luck. Fortunately, this guy is working under my command. I don’t know how he manages to enter this world and work for me, but I guess it’s faith, after all this is his world.” Nilingon ni Wregan si Ephraim at inakbayan. “This dude told me that he gre
Malakas na tawa ni Dean Leath ang pumailanlan sa buong conference room, walang halong pangungutya ang pagtawa nito, ngunit puno ng pagkamangha. Pagkamangha kay Apocalipsis na walang takot na nagdeklara ng gyera laban sa samahan ng sarili nitong lolo. Minsan lang siya makaharap ng ganitong tao sa buong buhay niya; isang taong walang takot at puno ng kompyansa sa sarili.“At paano ka naman nakakasiguro na papayag kaming humalili sa iyong lolo?”“I don’t care about the elders opinion. Sinabi ko na ang gusto ko, at iyon ay ang pinaka mataas na posisyon sa pamilya namin. You required a heir to accept me as the new mafia leader? Fine, I’ll f*ck this b*tch right away and make her pregnat—”“What the f*ck are you talking about, Apo?” putol ni Genesis. Mabigat ang bawat hakbang na lumapit ito sa nakababatang kapatid. “H’wag kang makialam sa issue na ito. Bakit ba pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa lugar na hindi ka nababagay?”“Ang duwag na tulad mo ang hindi nababagay sa mundong ito, Gene
Huminto si Genesis sa harap ng double wooden door, isang malalim ng buntonghininga ang pinakawalan niya, pagkatapos ay tinanguan niya si Nathaniel na agad namang tumalima at pinunch ang hawak na keycard sa isang key card door lock system. Tumunog iyon sinyales ng pag-unlock ng pinto, at saka ito kusang bumukas. Agad na pumasok si Genesis, si Nathaniel ay nakasunod lang sa kanya habang binagtas nila ang may kadiliman ng hallway, at nang makarating sa dulo bumungad sa kanila ang malawak na meeting hall. Nakapalibot sa buong silid ang bleacher style ngunit mamahaling mga upuan, at sa gitna ang napakahabang oblong wooden table, sa dulo niyon nakaupo ang lalaking nasa kanyang Seventies, sa tabi nitong siliya nakaupo ang matandang matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Genesis, at sa likod ng matanda nakatayo ang butler nito. “Genesis of the Gevorgian Mafia, my King,” pagbibigay galang ni Genesis sa lalaking may hawak ng pinakamataas na titulo sa kinasasakupan na organisasyon ng kanilang