"Kilala niyo po ba ang lalaking 'yon, Miss Lucky?" curious na tanong ni Maya nang makabalik na sila ng kanyang silid. Hindi pa tapos ang salo-salo sa ibaba, pero pinili ni Lucky na magpaalam na sa mga kasama upang maagang makapag pahinga. Na-sense rin niya ang pagbigat ng atmospera dahil sa lalaking bagong dating. Sino kaya ang lalaking iyon? Hawig talaga ni Genesis ang binatang tinawag nilang Apo. "Hindi, Maya," maikling sagot ni Lucky. "Grabe! Miss Lucky, hawig niya talaga si Sir Genesis, ano? Tingin niyo kakambal 'yon ni Sir?" Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucky, pagkatapos ay umiling. "Hindi ko alam..." "Wala bang nabanggit sa inyo si Sir? Baka may kapatid siya o 'di kaya'y kakambal? Imposible namang pinsan niya iyon, ang laki talaga ng pagkakahawig nila." Hindi talaga makapaniwala si Maya, hindi 100% na magkamukha ang dalawang lalaki, may mga features lang ni Genesis na makikita kay Apo, pero sa isang tingin aakalain mong kakambal ni Genesis ang lalaki. "Ang alam
"Anong ibig mong sabihin? May balak kang umurong sa kasal natin bukas?" Wait. Naguguluhan siya. Bakit naman sisirain ni Genesis ang kasal gayong ito ang nag-decide na magpakasal sila. Is he toying her? "Genesis, ano bang tingin mo sa kasal natin? Tingin mo ba naglalaro lang tayo na kahit anong oras o araw pwede kang umatras? Hindi kita maintindihan, hindi ka naman ganyan. Kung hindi ka pala sigurado, dapat hindi ka na lang pumayag sa kasalang ito sa umpisa pa lang-" "Just answer my God d*am question! Ano ang naaalala mo nang gabing iyon?" seryoso nang tanong ni Genesis. Puno ng awtoridad ang boses nito. "No. Wala akong sasabihin sayo! Ayokong sagutin ang tanong mo, mabuti pa umalis ka na lang sa silid ko." Tumayo si Lucky mula sa kama para ihatid ang binata palabas ng kanyang silid, ngunit bago pa siya makahakbang napigilan na siya ni Genesis sa braso. Tulad niya nakatayo na rin ito. "H'wag mo akong talikuran kapag kinakausap pa kita!" Umigting ang bagang ng binata, ang mata nito
"Apocalipsis! What is going on? Bakit galit na galit ang kuya mo sayo? Ano na naman ba ang ginawa mo?" kastigo ni Beth sa bunsong anak. Sinusundan ng ginang si Apo na naunang naglalakad patungo sa silid nito, sapo ng binata ang panga; na siyang pinaka napuruhan ni Genesis. "What? I didn't do anything? I just helped Lucky remember who her r*pist was. Is it now wrong to help people?" asik naman ni Apocalipsis sa ina. Sa banyo agad nagtungo ang lalaki nang makapasok ito ng silid. Naghilamos ito ng mukha nabalot sa sarili nitong dugo, tinanggal ang suot na contact lense sabay mura dahil kumirot ang nasagi nitong sugat sa gilid ng mata. "I wish your son would go to hell, and I hope Lucky will abandon him!" dagdag pa ni Apo na ikinabahala ng ina. "What are you saying? Lucky will never leave your brother, she loves him!" "Well, not after she remembered how evil your son was. I'm not going to let him have his happy ending, Beth. Ruining your son is the best retaliation for Malachi." Hi
Nagising si Lucky na iniinda ang masakit na ulo. Ngunit sa kabila ng nararamdaman pilit siyang bumangon at lumabas ng silid para lang batiin ni Psalm. "Ma'am, gising na pala kayo! Gusto niyo bang mag-agahan muna? Ipapatawag ko si Maya, busy kasi ang lahat para kasal-" "Please take me to my room, Psalm." "Oh-okay, Ma'am." Ang ibig sabihin ni Lucky ay samahan siya ni Psalm papunta sa sarili niyang silid, kaya nang buhatin siya bigla ng lalaki nanigas ang katawan niya sa biglang pagdikit ng mga balat nila ni Psalm. "May problema ba, Ma'am?" nababahala na tanong ni Psalm. Napansin ng lalaki ang paninigas ng katawan ng amo. Para itong naging bato sa mga bisig niya. "W-wala... J-just take me to my room... Please..." "Yes, ma'am! Dadalhin ko po kayo kaya huwag na kayong umiyak." Doon lang napansin ni Lucky na nawalan na pala siya ng control sa mga luha niya. Bumuhos na lang ang mga ito ng walang paalam. Dahil sa emotional na kondisyon ng amo, minadali ni Psalm ang paglalakad. Wala p
Nanatili ng tatlong araw ang pamilya sa isla para sa funeral. Nagkasundo ang parehong panig na doon na lang din sa isla ilibing ang anghel ng pamilya. Pagkatapos ayusin ang lahat, dinaluhan ng ilang bisita dapat sa kasal ang burial. Sa ilang araw na nagdaan hindi nakita ng pamilya na umiyak si Lucky. Kahit noong magising ang dalaga at nalaman ang pagkawala ng baby, walang kahit isang patak ng luha ang itinangis nito. Hindi nila makausap ang dalaga dahil lagi itong tulala, at hindi nagsasalita sa kahit na sinong kumausap dito. "Napag-usapan na namin ito ni Gary, at sa tingin namin ng asawa ko ay hindi na dapat na ituloy pa ang kasal ng mga anak natin," malungkot na turan ng ina ni Lucky kay Beth. Kaharap ng ginang si Genesis at ang magulang ng lalaki. Mag-isang kinausap ni Carol ang pamilya ng groom dahil sinamahan ng asawa niya ang anak, na hindi nila magawang iwan. Natatakot silang bigla na lamang itong magkaroon ng emotional breakdown dahil sa pagkawala ng baby nito. "I totally
Tumigil ang van sa harap ng bahay ni Genesis. Agad na bumaba ang lalaki at umikot sa kabilang panig ng sasakyan upang pagbuksan ng pinto si Lucky at alalayan na bumaba ng sasakyan. Ngunit hindi nito tinanggap ang inilahad niyang kamay, bumaba ito ng mag-isa sa van. "Please assist me, Psalm." Natigilan si Genesis sa narinig. Tiim ang bagang na nilingon niya si Lucky na ngayon ay nakahawak sa braso ng bodyguard nito. Inaalalayan ito ni Psalm na maglakad papasok ng gate ng bahay niya. Tulad ng napagkasunduan ng parehong pamilya, sa bahay muna niya mananatili si Lucky. Aalagaan niya ang dalaga hanggang sa tuluyan itong maka-recover. "Ayos ka lang?" tanong ni Nathaniel nang makalapit sa kababata. "Mukhang mas naging malapit pa sa isa't-isa ang dalawa, ah? Ano kaya pa?" Tumaas ang kilay ni Genesis. "Mukhang hinawaan ka na ni Maya sa pagiging madaldal. Ano? Akala mo hindi ko napapansin sa isla? Tch. Baka naman mamaya gawin mo pang mistress ang assistant ni Lucky." Sa mga araw na nanana
"Ano, kaya pa?" Umikot ang mata ni Genesis sa ere nang marinig ang mapang-asar na tanong ni Nathaniel sa kanya. Bigla na lang itong sumulpot sa tabi niya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto at tinatanaw si Lucky na nakaupo sa gazebo at masayang nakikipag-usap sa bodyguard nito. "Hindi ko alam kung bakit lagi ka nalang narito sa pamamahay ko. Wala ka naman ambag dito, at dagdag palamunin lang," asik ni Genesis. Naiirita na siya sa madalas na pagpunta ni Nathaniel, ginawa na nitong tambayan ang bahay niya. "Eh, sa gustong-gusto kong pinanunood ang paghihirap mo. Ano, kaya pa? Bakit kasi hindi ka nalang lumuhod at magmakaawa kay Lucky. Tingin ko kasi hirap na hirap ka na, mukhang iiiyak ka na sa pagdidedma sayo ni Lucky," kutya pa ni Nathaniel. "Tigilan mo ako, Niel. Ang sabihin mo, narito ka dahil sa assistant ng fiancee ko." "Fiancee? Talaga lang? Akala ko ba titigil ka na sa kahibangan mo kay Lucky?" Hindi talaga maintindihan ni Nathaniel ang kababata sa mga paurong-sulong nitong
Hawak ang peppermint scented massage oil, lakas loob na lumapit si Genesis sa nakaupo na si Lucky sa mahabang couch ng sala. Hindi siya lumikha ng kahit katiting na ingay, marinig pa lang kasi ni Lucky ang boses niya ay lalayo na agad ang dalaga. Tila ba allergic ito sa buong pagkatao niya. Though, he can't blame her, it was his doing why Lucky was acting this way. Naupo si Genesis sa carpeted floor ng salas at maingat na hinawakan ang binti ng natutulog na dalaga upang ilapit sa kanya. Naglagay siya ng oil sa isang palad at sinimulang bigyan ng massage ang paa ni Lucky. "Mhmm...," tipid na ungol nito. Hindi kumilos si Genesis. Kinabahan siya na baka magising ang dalaga at magalit sa kanya. Tatlong araw na si Lucky sa bahay niya pero hindi pa rin nakakalapit si Genesis sa dalaga kahit na gustuhin niya, kung hindi kasi ito lalayo ay tinataboy naman siya. Nang masiguro na nahihimbing na naman ang tulog ni Lucky, muli niyang minasahe ang binti ng dalaga. Kung hindi niya na alagaan si
"It was me tito... I was the one who assaulted your daughter. I'm very so--" Isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap ni Genesis mula sa ama ni Lucky. "Pinagkatiwalaan ka namin, Genesis! Paano mo ito nagawa sa kababata mo? Matalik kayong magkaibigan kaya bakit? She's my only child, why did you have to ruin her?" Hinaklit si Genesis ng ama ni Lucky sa kwelyo. "Nakita mo na ba siya? Nakita mo na ba kung anong nangyari sa kanya? Lucky is slowly losing her mind. Araw-araw na lang niyang iniiyakan ang nangyari, hindi niya matanggap na basta mo na lang kinuha sa kanya ang pinakaiingatan niyang puri! She made a promise to her grandfather, but you just took everything just because of that f*cking lust!" "I'm very sorry, tito. Alam kung napakasama ng ginawa ko, and I'm the only responsible, pero gusto ko pong sabihin sa inyo ang totoong nangyari. Gusto kong ipaalam sa inyo hindi para maghugas ng kamay, but to explain why and how it happened." "Para saan pa? Kung malalaman ko ba ang det
"Genesis," tawang ng anim na taong gulang na si Lucky sa kaibigan. Busy ito sa pagkalikot ng toy car. "Genesis, I think there's a ghost in that room." "Huh? What are you talking about?" Nag-angat si Genesis ng tingin sa batang babae. "There… I keep seeing a silhouette or something." Nag-angat ng tingin si Genesis sa bintana ng pangalawang palapag ng kanilang mansion. Sumimangot agad siya nang makita ang bulto ng bata na nakasilip sa manipis na kurtina ng bintana. "Idiot," bulong niya at tumayo. "Let's go, Lucky! I wanna play with you in some other place." "Huh? But I thought you wanted to play sand castle here?" the little girl pouted. Nagbuntonghininga si Genesis. "I'm not comfortable here." Nag-angat siya ng tingin sa bintana. "That shadow over there is bothering me," malungkot pa nitong sabi. "Fine. I don't want to upset my friend." Kinuha ni Lucky ang kamay ni Genesis. "Let's go?" Sunod-sunod na tumango si Genesis at ngumiti sa batang babae, hinayaan niyang hilain siya nito
10 years later…Pinarada ni Malachi ang pulang sports car sa harap ng isang kilalang nightclub, bumaba siya ng driver' seat na nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ang phone."I'm outside. Get your f*cking ass here," malamig niyang sabi at ibinaba ang tawag. Binulsa niya ang cellphone at naka-cross ang mga brasong sumandal sa gilid ng kanyang sasakyan.Ilang babae ang napapalingon sa gawi niya, presko naman iyong nginingitian ni Malachi, halatang curious at interesado sa kanya. Kilig na kilig pa ang mga ito kapag kinakawayan niya. Ang mga lalaki namang napapadaan ay sa kanyang sports car nakatingin, inggit at pagkamangha sa sasakyan niya ang nasasalamin sa mga mata nito."Looks like you're enjoying the attention people are giving to you. Ang babaw ng kaligayahan mo," sabi ni Lucy nang makalapit sa nakababatang kapatid."And looks like inggit ka big sis! Where's your f*cking boyfriend though, why call me instead your boyfriend," iritadong hanas ni Malachi at binuksan ang shotgun sea
"Congratulations! You are now officially the head of the Gevorgian Mafia. Are you feeling great? You finally got the throne that was meant for you, Gin. I'm so happy for you." Masayang niyakap ni Lucky ang kasintahan."Come on, Luck! Don't act like I'm the real heir when I'm just a substitute," pa-humble kunwari na saad nito kay Lucky, ang dalaga naman ay natatawang humiwalay dito ng yakap.“Don’t be so hard on yourself, deserve mo rin ng recognition. Kahit pa sabihin na substitute ka, ikaw na ang tunay at nag-iisang Genesis ngayon.”“Hey, lover birds… It’s almost a year since you’ve been together. Wala pa rin ba kayong balak magpakasal?” Sabay na napalingon ang dalawa sa bagong dating na si Apocalipsis.“Epsis! You’re here. Kailan ka dumating ng Philipinas?” Sinalubong ni Lucky ng yakap si Apocalipsis at nakipagbeso dito. “Are you staying here for good?”“Nah~ I just came here to attend Wregan's wedding and was hoping to hear some good news from you two. So kailan ang kasal niyo?”“H
“Now, let’s hear from Genesis,” baling ni Beth sa pangalawang anak. “What about me?” “What are your plans? May plano ka bang pakasalan si Lucky?” walang paliguy-ligoy na tanong ni Beth. Ito ang pinaka gusto niyang malaman, ang plano ni Genesis para sa sariling pamilya. Well, matagal na niyang ship ang dalawa, mula noon at boto na siya kay Lucky para kay Genesis, ngunit itong anak naman niya ang napakahirap tansyahin. Alam niyang may nararamdaman si Genesis para sa dalaga pero kakaiba itong mag-isip, iba ang mga pamamaraan nito para ipakita ang affection kay Lucky. Hindi niya alam kong paano ipaliwanag pero, medyo weird magmahal ang middle child niya. Tumikhim si Genesis, naiilang sa tanong ng ina. Ang atensyon naman ng lahat ay natuon sa kanya, lalo tuloy siyang nailang. "It's not that I don't want to get married, but how can I ask for her hand in marriage if she isn't even my girlfriend? That's probably not right." “Tch! Is that even a problem? Edi, manligaw ka!” singit ni Lucky.
Pagkatapos ng kumosyon, nagpasya ang mga Gevorgian na magkaroon ng masinsinang pag-uusap ukol sa nakaraang pangyayari sa HQ at sa bigla pagsulpot ng tunay na Genesis, kasama ang lahat ng membro ng pamilya, nagharap-harap ang mga ito sa mansion ng mga Gevorgian."Stop staring at me like that, brat.""I'm not staring at you old-man," ganti naman ni Chii sa matandang Gevorgian."Chii, ano ba. You're being disrespectful to your grandpa," saway ni Lucky na nakaupo sa tabi ni Chii sa mahabang sofa ng study room."It's because he's annoying! He kept on glaring at me. I didn't do anything wrong!""Paanong hindi iinit ang ulo ng lolo mo sa 'yo? Eh, muntik nang atakihin sa puso dahil sa kalokohan mo," singit naman Genesis. Nasa kabilang gilid ito ni Chii, pinagigitnaan nila ni Lucky ang makulet at supladong bata.“Papa, he’s hurting you kasi, and that old-man never say his sorry,” nakasimangot nitong sabi. Si Genesis naman ay napapailing nalang, kahit siya ay hindi maawat ang pagiging brat ng a
“How have you been, Genesis?” tanong ni Sauron. Hindi nito napigilan ang tumayo at lapitan ang apo na matagal na nilang hinahanap.Napatingin si Ephraim kay Wregan na nagdala sa kanya sa lugar. Nguniti ito at tumango sa kanya, sumimangot si Ephraim. Nakakainis ang lalaking ito, kung umasta ay magkaibigan sila, at sino naman ang mga taong ito sa harap niya?“Ah… Ephraim ang pangalan ko. Pasensya na, hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng boss ko, pero sino ba kayo lolo?” Kamot ulong tanong nito kay Sauron.Ang matanda naman ay nakunot ang noo. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kaharap, nilingon niya si Wregan at nagtataka itong tinignan.“Ephraim here doesn’t remember his passed.”“What? Then, how did you find him?”“It’s all just luck. Fortunately, this guy is working under my command. I don’t know how he manages to enter this world and work for me, but I guess it’s faith, after all this is his world.” Nilingon ni Wregan si Ephraim at inakbayan. “This dude told me that he gre
Malakas na tawa ni Dean Leath ang pumailanlan sa buong conference room, walang halong pangungutya ang pagtawa nito, ngunit puno ng pagkamangha. Pagkamangha kay Apocalipsis na walang takot na nagdeklara ng gyera laban sa samahan ng sarili nitong lolo. Minsan lang siya makaharap ng ganitong tao sa buong buhay niya; isang taong walang takot at puno ng kompyansa sa sarili.“At paano ka naman nakakasiguro na papayag kaming humalili sa iyong lolo?”“I don’t care about the elders opinion. Sinabi ko na ang gusto ko, at iyon ay ang pinaka mataas na posisyon sa pamilya namin. You required a heir to accept me as the new mafia leader? Fine, I’ll f*ck this b*tch right away and make her pregnat—”“What the f*ck are you talking about, Apo?” putol ni Genesis. Mabigat ang bawat hakbang na lumapit ito sa nakababatang kapatid. “H’wag kang makialam sa issue na ito. Bakit ba pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa lugar na hindi ka nababagay?”“Ang duwag na tulad mo ang hindi nababagay sa mundong ito, Gene
Huminto si Genesis sa harap ng double wooden door, isang malalim ng buntonghininga ang pinakawalan niya, pagkatapos ay tinanguan niya si Nathaniel na agad namang tumalima at pinunch ang hawak na keycard sa isang key card door lock system. Tumunog iyon sinyales ng pag-unlock ng pinto, at saka ito kusang bumukas. Agad na pumasok si Genesis, si Nathaniel ay nakasunod lang sa kanya habang binagtas nila ang may kadiliman ng hallway, at nang makarating sa dulo bumungad sa kanila ang malawak na meeting hall. Nakapalibot sa buong silid ang bleacher style ngunit mamahaling mga upuan, at sa gitna ang napakahabang oblong wooden table, sa dulo niyon nakaupo ang lalaking nasa kanyang Seventies, sa tabi nitong siliya nakaupo ang matandang matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Genesis, at sa likod ng matanda nakatayo ang butler nito. “Genesis of the Gevorgian Mafia, my King,” pagbibigay galang ni Genesis sa lalaking may hawak ng pinakamataas na titulo sa kinasasakupan na organisasyon ng kanilang