"I'll miss you, Gin." Hindi nagsalita si Genesis, niyakap lang niya ng mahigpit si Lucky at nilapatan ng magaan na halik sa ulo ang dalaga. "Mag-ingat ka," dagdag pa ng dalaga. "Ako dapat ang nagsasabi sa 'yo niyan." Maingat na hinaplos ni Genesis ang pisngi ng kaibigan. Nanalangin na siya sa lahat ng santo para pigilan ang sarili na halikan sa labi si Lucky. Sa tuwing gustong hangkan ng labi niya ang labi ng kaibigan, pinagkakasya na lang niya ang kagustuhan sa paghalik sa ulo o noo nito. Pinapaalala sa sarili na wala siyang karapatan para maghangad ng higit pa mula kay Lucky. "Maya, please take care of her. . ." Itinulak siya ni Lucky kaya humiwalay si Genesis sa dalaga. "Why?" "Si Maya pa talaga ang binilinan mo? Alam mo namang mas matanda ako sa assistant ko, right?" simangot ni Lucky. "It doesn't matter if you're older or younger than her, you're pregnant, and I want her to look after you because I can't do that." "Whatever. . ." Napailing si Genesis. Hindi niya alam kung
"Hold up? Seryoso ka Manong? Alam mo bang buntis ang kasama ko? Makonsensya ka naman!" Gulat na nilingon ni Lucky si Maya. Hindi siya lubos na makapaniwala sa sinabi nito, hindi ba ito natatakot? Nasa panganib ang buhay nila pero parang wala lang sa assistant at nagawa pang sigawan ang holdaper nila. "Huwag kami Manong, ah? Marami din kaming problema, alam mo ba itong kasama ko? Iniwan siya ng tatay ng baby niya. Next time mo na lang kami holdapin, pwede ba?" "Maya!" pabulong na sita ni Lucky. Pambihira baka mapatay pa sila ng holdaper dahil sa kadaldalan ng assistant niya. Ang matandang driver naman ay nakamot ang ulo. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng isa sa mga babaeng pasahero niya. "Ma'am, relax lang. Nagbibiro lang ako..." Wala ng nagawa ang driver kundi ang umamin. "Hindi talaga ako driver ng booking app. Personal driver ako ni Mrs. Gevorgian at pinasusundo niya sa airport si Miss Lucky." Nagkatinginan si Lucky at Maya. "Si Tita Beth?" hindi makapani
"As what I'm saying... My son is in love with you and to look at it closely mukhang ganun ka rin sa anak ko, so marriage will not be a problem." Nakuyom ni Lucky ang mga kamao. Marriage is not a problem? Paano naman hindi naging problem iyon sa sitwasyon niya ni Genesis. He's in love with her? But Genesis never mentioned it to her. Ilang beses na niyang sinabi kay Genesis ang salitang 'i love you' pero kahit na isang beses hindi niya iyon narinig mula sa lalaki. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa mga sinasabi ng ina ni Genesis, at kung totoo man na mahal siya ng kaibigan, bakit iba ang nakikita niya? Hindi ba't dapat na nanatili ito sa piling niya at hindi piniling iwan siya at ang anak nila? "I don't know, Tita. It's not were talking marriage here because we are in love but because of the baby. Hindi ba pwedeng hayaan niyo na lang kami ni Genesis na mag-decide para sa aming relasyon?" "Genesis will marry her..." Sabay na napalingon ang tatlong babae sa lalaking bigla na l
"You'll be sleeping in Genesis room," ani ng ina ni Genesis habang nagpupunas ng bibig. They're now sitting at the dining table eating their dinner. "Po? Isn't it too much, tita? Marami namang kwarto dito sa mansion bakit hindi na lang isa sa mga guestroom ako matulog?" tanggi agad ni Lucky. Hindi naman pwedeng basta na lang siyang matulog sa kwarto ni Genesis. Invading her friends privacy na iyon. "You'll getting married anyway... After the wedding hindi lang kwarto ang pagsasaluhan niyo ni Enes. You'll also share in bed, sweetheart." Nag-init ang magkabilang pisngi ni Lucky. Alam niya iyon, but it's too early to talk about it now. Ang awkward lang kasi na matutulog siya sa kwarto ni Genesis nang hindi nagpapaalam sa kaibigan niya. Hindi naman siya takot na maki-share ng kama sa lalaki, in fact, ilang beses nang natulog sa silid niya si Genesis, although ito ang unang beses na matutulog siya sa kwarto ng lalaki. Si Genesis lang naman kasi ang laging dumadayo ng kwarto at never niy
"Good morning! Kumusta naman ang tulog ng aking prinsesa? Tinanghali ka na ng gising ah?" bugad ni Maya kay Lucky nang pumasok siya sa kusina. Ang sarap ng tulog niya at tinanghali na siya ng gising. "Pasensya na... Ang sarap kasing matulog." Naupo si Lucky sa dining table at agad naman siyang pinagsilbihan ng katulong. "Okay lang. Understable naman ang situation mo Madam. Sina Mr. and Mrs. Gevorgian pala maagang umalis since may maagang meeting si Mr. Gevorgian at meron namang mahalagang aasikasuhin si Mrs. Gevorgian." Tumango si Lucky. "Si Genesis? Anong oras daw ba darating?" "Ay, dumating na Miss Lucky. Nagulat nga ako kaninang paggising ko nasa may pool area nagsu-swimming. Ngayon ko lang nalaman, ang ganda pala ng katawan ni Sir Genesis, ano? Now I know kung bakit andaming babae ang naghahabol sa future husband mo," Maya started giggling. Napailing si Lucky. "Ngayon nga pala namin kakausapin ang parents ko." Napabuntong-hininga siya, hindi pinansin ang mga papuri ni Maya s
"Is it true that you're pregnant with Genesis child?" Tiim bagang na tanong ng ama ni Lucky. Ang dalaga naman ay hindi makatingin ng direkta sa mata ng ama, nang tumango bilang kompermasyon. Nasa harap nila ngayon ni Genesis ang mga magulang ni Lucky. Tulad ng napagkasunduan nila ng kaibigan aaminin nila ang tungkol sa pinagbubuntis niya. "I'm sorry if I have disappointed you, Pa." "You also let your grandfather down and betrayed yourself, Lucky." Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng ama ni Lucky. "Kung gusto niyo palang mag-anak, bakit hindi niyo na lang inuna ang kasal kesa ang gumawa ng imoral? Alam mong mariin na tinututulan ng pamilya natin ang premarital s*x. Wala ka na ba sa tamang pag-iisip para gawin ang bagay na 'yon kasama ang lalaking hindi mo naman asawa? Para mo naring binastos ang Diyos sa ginawa ninyo, sagrado ang kasal, maging ang pakikipagtalik-" "Dear. . ." Umiling ang ina ni Lucky. Pinatitigil ang asawa sa pangangastigo kay Lucky. "Mawalan
"That boy fell in love with you the first time you two met. I consider Genesis to be my son..." Naging seryoso ang tono ni Carol. "Kilala ko ang batang iyon. It's not that I don't believe you two, it's just I knew that he would never take advantage of you, hija. Kung may nililihim kayo sa amin, hindi ko kayo pipilitin na magsalita, you can tell us whenever you're both ready. Huwag lang sana ninyong hayaan na makagawa kayo ng maling mga desisyon para lang pagtakpan ang totoo. Living in lies will only bring you pain..." Kinagat ni Lucky ang ibabang labi. Dapat na ba niyang sabihin? Would she tell her that it was all her fault? Ililigtas ba niya si Genesis sa galit ng ama o hahayaan na lang ang kaibigan na akuin ang kanyang kasalanan? Natatakot siya... Her plan is to tell her parents the procedure she underwent and that she is sick Hindi kasama ang pag-amin niya sa ginawa niya kay Genesis. Ano na lang ang sasabihin ng magulang niya kapag nalaman ng mga ito ang totoo? "I-" Bumuka ang
"Careful..." Binuksan ni Genesis ang pinto ng passenger seat para kay Lucky. "Thanks!" ani Lucky at tinanggap ang kamay ng kaibigan na nakalahad sa harap niya. Inalalayan siya ni Genesis na pumasok ng sasakyan at ito na rin ang nagsara ng pinto nang maupo na sa loob ang dalaga. Sinundo ni Genesis ang dalaga sa bahay nito, ngayon araw kasi sila magpapasukat para sa susuotin nila para sa kasal. Hindi sila kumuha ni Lucky ng entourage, simple lang kasi ang kasal na gusto ni Lucky. Dalawang witness, bestman at maid of honor lang ang pinunan nila. "Hindi ba sasabay sa atin si Maya?" tanong ni Genesis nang makapasok ng drivers seat. Akala niya ay kasama ang assistant ni Lucky, ito kasi ang napili ng dalaga na maging maid of honor nito. "Susunod na lang siya sa store. Ang alam ko may importante siyang inaasikaso ngayon." "Mhmm..." Tango ni Genesis at binuhay ang sasakyan. Sa wedding boutique ng kaibigan ng ina ni Genesis ang punta nila ngayon. Kukunan lang naman sila ng sukat para sa m
"It was me tito... I was the one who assaulted your daughter. I'm very so--" Isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap ni Genesis mula sa ama ni Lucky. "Pinagkatiwalaan ka namin, Genesis! Paano mo ito nagawa sa kababata mo? Matalik kayong magkaibigan kaya bakit? She's my only child, why did you have to ruin her?" Hinaklit si Genesis ng ama ni Lucky sa kwelyo. "Nakita mo na ba siya? Nakita mo na ba kung anong nangyari sa kanya? Lucky is slowly losing her mind. Araw-araw na lang niyang iniiyakan ang nangyari, hindi niya matanggap na basta mo na lang kinuha sa kanya ang pinakaiingatan niyang puri! She made a promise to her grandfather, but you just took everything just because of that f*cking lust!" "I'm very sorry, tito. Alam kung napakasama ng ginawa ko, and I'm the only responsible, pero gusto ko pong sabihin sa inyo ang totoong nangyari. Gusto kong ipaalam sa inyo hindi para maghugas ng kamay, but to explain why and how it happened." "Para saan pa? Kung malalaman ko ba ang det
"Genesis," tawang ng anim na taong gulang na si Lucky sa kaibigan. Busy ito sa pagkalikot ng toy car. "Genesis, I think there's a ghost in that room." "Huh? What are you talking about?" Nag-angat si Genesis ng tingin sa batang babae. "There… I keep seeing a silhouette or something." Nag-angat ng tingin si Genesis sa bintana ng pangalawang palapag ng kanilang mansion. Sumimangot agad siya nang makita ang bulto ng bata na nakasilip sa manipis na kurtina ng bintana. "Idiot," bulong niya at tumayo. "Let's go, Lucky! I wanna play with you in some other place." "Huh? But I thought you wanted to play sand castle here?" the little girl pouted. Nagbuntonghininga si Genesis. "I'm not comfortable here." Nag-angat siya ng tingin sa bintana. "That shadow over there is bothering me," malungkot pa nitong sabi. "Fine. I don't want to upset my friend." Kinuha ni Lucky ang kamay ni Genesis. "Let's go?" Sunod-sunod na tumango si Genesis at ngumiti sa batang babae, hinayaan niyang hilain siya nito
10 years later…Pinarada ni Malachi ang pulang sports car sa harap ng isang kilalang nightclub, bumaba siya ng driver' seat na nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ang phone."I'm outside. Get your f*cking ass here," malamig niyang sabi at ibinaba ang tawag. Binulsa niya ang cellphone at naka-cross ang mga brasong sumandal sa gilid ng kanyang sasakyan.Ilang babae ang napapalingon sa gawi niya, presko naman iyong nginingitian ni Malachi, halatang curious at interesado sa kanya. Kilig na kilig pa ang mga ito kapag kinakawayan niya. Ang mga lalaki namang napapadaan ay sa kanyang sports car nakatingin, inggit at pagkamangha sa sasakyan niya ang nasasalamin sa mga mata nito."Looks like you're enjoying the attention people are giving to you. Ang babaw ng kaligayahan mo," sabi ni Lucy nang makalapit sa nakababatang kapatid."And looks like inggit ka big sis! Where's your f*cking boyfriend though, why call me instead your boyfriend," iritadong hanas ni Malachi at binuksan ang shotgun sea
"Congratulations! You are now officially the head of the Gevorgian Mafia. Are you feeling great? You finally got the throne that was meant for you, Gin. I'm so happy for you." Masayang niyakap ni Lucky ang kasintahan."Come on, Luck! Don't act like I'm the real heir when I'm just a substitute," pa-humble kunwari na saad nito kay Lucky, ang dalaga naman ay natatawang humiwalay dito ng yakap.“Don’t be so hard on yourself, deserve mo rin ng recognition. Kahit pa sabihin na substitute ka, ikaw na ang tunay at nag-iisang Genesis ngayon.”“Hey, lover birds… It’s almost a year since you’ve been together. Wala pa rin ba kayong balak magpakasal?” Sabay na napalingon ang dalawa sa bagong dating na si Apocalipsis.“Epsis! You’re here. Kailan ka dumating ng Philipinas?” Sinalubong ni Lucky ng yakap si Apocalipsis at nakipagbeso dito. “Are you staying here for good?”“Nah~ I just came here to attend Wregan's wedding and was hoping to hear some good news from you two. So kailan ang kasal niyo?”“H
“Now, let’s hear from Genesis,” baling ni Beth sa pangalawang anak. “What about me?” “What are your plans? May plano ka bang pakasalan si Lucky?” walang paliguy-ligoy na tanong ni Beth. Ito ang pinaka gusto niyang malaman, ang plano ni Genesis para sa sariling pamilya. Well, matagal na niyang ship ang dalawa, mula noon at boto na siya kay Lucky para kay Genesis, ngunit itong anak naman niya ang napakahirap tansyahin. Alam niyang may nararamdaman si Genesis para sa dalaga pero kakaiba itong mag-isip, iba ang mga pamamaraan nito para ipakita ang affection kay Lucky. Hindi niya alam kong paano ipaliwanag pero, medyo weird magmahal ang middle child niya. Tumikhim si Genesis, naiilang sa tanong ng ina. Ang atensyon naman ng lahat ay natuon sa kanya, lalo tuloy siyang nailang. "It's not that I don't want to get married, but how can I ask for her hand in marriage if she isn't even my girlfriend? That's probably not right." “Tch! Is that even a problem? Edi, manligaw ka!” singit ni Lucky.
Pagkatapos ng kumosyon, nagpasya ang mga Gevorgian na magkaroon ng masinsinang pag-uusap ukol sa nakaraang pangyayari sa HQ at sa bigla pagsulpot ng tunay na Genesis, kasama ang lahat ng membro ng pamilya, nagharap-harap ang mga ito sa mansion ng mga Gevorgian."Stop staring at me like that, brat.""I'm not staring at you old-man," ganti naman ni Chii sa matandang Gevorgian."Chii, ano ba. You're being disrespectful to your grandpa," saway ni Lucky na nakaupo sa tabi ni Chii sa mahabang sofa ng study room."It's because he's annoying! He kept on glaring at me. I didn't do anything wrong!""Paanong hindi iinit ang ulo ng lolo mo sa 'yo? Eh, muntik nang atakihin sa puso dahil sa kalokohan mo," singit naman Genesis. Nasa kabilang gilid ito ni Chii, pinagigitnaan nila ni Lucky ang makulet at supladong bata.“Papa, he’s hurting you kasi, and that old-man never say his sorry,” nakasimangot nitong sabi. Si Genesis naman ay napapailing nalang, kahit siya ay hindi maawat ang pagiging brat ng a
“How have you been, Genesis?” tanong ni Sauron. Hindi nito napigilan ang tumayo at lapitan ang apo na matagal na nilang hinahanap.Napatingin si Ephraim kay Wregan na nagdala sa kanya sa lugar. Nguniti ito at tumango sa kanya, sumimangot si Ephraim. Nakakainis ang lalaking ito, kung umasta ay magkaibigan sila, at sino naman ang mga taong ito sa harap niya?“Ah… Ephraim ang pangalan ko. Pasensya na, hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng boss ko, pero sino ba kayo lolo?” Kamot ulong tanong nito kay Sauron.Ang matanda naman ay nakunot ang noo. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kaharap, nilingon niya si Wregan at nagtataka itong tinignan.“Ephraim here doesn’t remember his passed.”“What? Then, how did you find him?”“It’s all just luck. Fortunately, this guy is working under my command. I don’t know how he manages to enter this world and work for me, but I guess it’s faith, after all this is his world.” Nilingon ni Wregan si Ephraim at inakbayan. “This dude told me that he gre
Malakas na tawa ni Dean Leath ang pumailanlan sa buong conference room, walang halong pangungutya ang pagtawa nito, ngunit puno ng pagkamangha. Pagkamangha kay Apocalipsis na walang takot na nagdeklara ng gyera laban sa samahan ng sarili nitong lolo. Minsan lang siya makaharap ng ganitong tao sa buong buhay niya; isang taong walang takot at puno ng kompyansa sa sarili.“At paano ka naman nakakasiguro na papayag kaming humalili sa iyong lolo?”“I don’t care about the elders opinion. Sinabi ko na ang gusto ko, at iyon ay ang pinaka mataas na posisyon sa pamilya namin. You required a heir to accept me as the new mafia leader? Fine, I’ll f*ck this b*tch right away and make her pregnat—”“What the f*ck are you talking about, Apo?” putol ni Genesis. Mabigat ang bawat hakbang na lumapit ito sa nakababatang kapatid. “H’wag kang makialam sa issue na ito. Bakit ba pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa lugar na hindi ka nababagay?”“Ang duwag na tulad mo ang hindi nababagay sa mundong ito, Gene
Huminto si Genesis sa harap ng double wooden door, isang malalim ng buntonghininga ang pinakawalan niya, pagkatapos ay tinanguan niya si Nathaniel na agad namang tumalima at pinunch ang hawak na keycard sa isang key card door lock system. Tumunog iyon sinyales ng pag-unlock ng pinto, at saka ito kusang bumukas. Agad na pumasok si Genesis, si Nathaniel ay nakasunod lang sa kanya habang binagtas nila ang may kadiliman ng hallway, at nang makarating sa dulo bumungad sa kanila ang malawak na meeting hall. Nakapalibot sa buong silid ang bleacher style ngunit mamahaling mga upuan, at sa gitna ang napakahabang oblong wooden table, sa dulo niyon nakaupo ang lalaking nasa kanyang Seventies, sa tabi nitong siliya nakaupo ang matandang matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Genesis, at sa likod ng matanda nakatayo ang butler nito. “Genesis of the Gevorgian Mafia, my King,” pagbibigay galang ni Genesis sa lalaking may hawak ng pinakamataas na titulo sa kinasasakupan na organisasyon ng kanilang