I looked too helpless and in deep pain. Napaupo na lang ako sa sahig habang humahagulgol ng iyak. Tuluyan na nga akong iniwan ni Damien at hindi ko alam ang gagawin kung paano ako magpapaliwanag sa lalaking minamahal ko. Galit na si Damien sa akin dahil sa nalaman niya.
"Anak," sambit ng ama ko kaya naman ay biglang napakuyom ang mga kamao ko at pakiramdam ko din ay kumukulo ang dugo ko. Galit ako at nasasaktan dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ang mga ito sa buhay ko. "I'm really sorry." Sabi niya kaya naman ay napaiyak pa ako lalo. Bigla naman akong niyakap ng ama ko at hindi na ako pumalag pa.
Gusto kong sumbatan ang ama ko dahil sa ginawa nila pero hindi ko naman magawa. Tila ba walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko at parang gusto ko lang na umiyak.
"Iniwan niya na ako." Patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko habang ang ama ko
(Sabrina's POV)Nanginginig pa din hanggang ngayon ang paa ko habang patuloy pa din sa pagtulo ang luhang na sa mata ko. Hanggang ngayon ay masakit pa din ang dibdib ko dahil sa mga narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kay Damien dahil pilit niyang iniisip na niloloko ko lang siya pero ang totoo ay hindi.Iyong naramdaman ko para sa kaniya ay totoo at walang halong pagsisinungaling iyon. Masakit kasi kilala ko si Damien. At sobrang hirap na magpaliwanag sa kaniya."Sana naman Damien ay isipin mo na kahit ano pa man ang pagkatao mo ay tanggap ko, mahal natin ang isa't-isa at kahit na galing ako sa Williams ay sana hindi magbago ang pananaw mo sa akin." Umiiyak na sabi ko kaya naman ay lumapit siya sa direksiyon ko saka tinulak niya ako dahilan para mapasandal ako sa pader ng kuwarto.Napangiwi pa ako nang makaramdam ng sakit da
(Sabrina's POV)Hindi ako umimik sa sinabi ng mga kaibigan ko. Nandito pala sila sa ospital at naaalala ko na ang huling mga nangyari sa amin ni Damien. Sobrang sakit pa din ng puso ko hanggang ngayon. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito."Anak," napalingon naman ako nang marinig ko ang boses na iyon kaya walang gana akong tumingin sa pinto at nakita ang nag-aalalang mukha ng ama ko. "Kumusta na ang pakiramdam mo. Salamat naman at gising ka na." Sabi pa niya kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin."Sana nga ay hindi na lang ako nagising pa. Wala namang saysay na ang buhay ko dahil wala na kami ni Damien. Nagkasira kami dahil sa biglang pagsulpot niyo sa buhay ko. Sana lang talaga ay hindi ka na lang dumating." Umiiyak na naman ako kapag naalala ang mga nangyari noong nakaraan. Hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa din sa alaala ko ang mga m
(Sabrina's POV)Na sa ibang bahay na ako nang magising ako isang umaga. Hindi ko alam kung anong araw na ngayon at hindi ko na alam kung papaano ako nakarating dito.Pag-upo ko ay biglang umikot ang paningin ko. Siguro dahil ito sa pinagbubuntis ko. Nagdesisyon na akong tumayo at saka pilit na hinahanap ang banyo. Mabuti na lang ay kaagad ko itong nakita saka nagmadali akong pumasok sa loob and then I vomit.Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Wala na si Damien dahil tuluyan na nga niya akong iniwan. Hindi ko alam kung paano ko palalakihin ang anak namin ng mag-isa pero alam kong kakayanin ko naman ito.Pagkatapos no'n ay agad akong naghilamos sa mukha ko at nagdesisyon na lumabas ng kuwarto. Wala akong ideya kung sinong bahay ito. Mabuti na lang paglabas ko ay nakita ko ang ama ko na papunta ngayon sa kuwarto ko."Kumusta ang pakiramdam mo,
(Sabrina's POV)Malayo ang nararating ng dalawang pares ng mga mata ko habang tinatanaw ko ang babang bahagi ng gusali kung saan ako naroroon. Halos dalawang taon na ang nakalipas pero malinaw pa din sa isipan ko ang mga nangyari noon na halos dumurog sa puso ko.Pero sa loob ng dalawang taon ay nanatili pa din akong matatag at nalabanan ko ang hamon sa buhay ko kahit wala na si Damien. Wala na akong balita tungkol sa kaniya at wala na akong pakialam pa. Mahal ko pa din siya at hindi gano'n kadali ang makalimot."Sabrina," ani ng isang boses ng lalaki kaya naman ay napalingon ako dito. Napangiti pa ako nang makita ko si Cole, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Dad."Kanina ka pa ba, Cole?" Tanong ko sa kaniya na ngayon ay nagdesisyon na harapin siya."Just arrive a while ago." Sabi niya kaya naman ay napatango na lang ako sa ulo ko. Bumalik ako sa
(Sabrina's POV)Ilang araw na naman ang lumipas na nakahanda na kaming lahat para sa pag-alis namin ngayong araw. Ayaw ko sanang umalis at mahiwalay sa anak ko kaso importante din ang business meetings namin abroad. At isa pa, hindi naman pababayaan ni dad ang kaniyang apo.He loves Elijah very much. At least kahit wala si Damien ay napaparamdam naman ni dad na magpakatatay kay Elijah."Handa ka na ba, Sab?" Bigla namang sumulpot ang mga kaibigan ko sa kuwarto kaya naman ay natawa ako. Handang-handa na kasi ang mga ito para sa lakad namin ngayon."Oo handa na po," ani ko kaya natawa silang tatlo."I can't wait to be in London." Natutuwang sabi ni Jessel kaya naman ay napangiti ako. Mabuti na lang at naisipan ni Cole na isama ang mga kaibigan ko."Pero sa tingin niyo, magkikita kaya kami ni Damien doon? Remember nando'n siya hindi
(Sabrina's POV)Ilang oras din ang biyahe namin bago kami makarating sa London. Na sa resort na kami at talagang ang ganda pala dito. I remember na nag resort din kami ni Damien noon. But, damn why am I still thinking about him?Magkahiwalay ang kuwarto ko at ng mga kaibigan ko. Pagpasok ko pa lang sa kuwarto ay napahiga na ako sa kama dahil sa pagod. Wala pang isang minuto akong nakahiga nang biglang tumunog ang telepono ko kaya naman ay napabuntong hininga ako saka pinulot ito."Sab, bumaba na kami. Gusto naming maglibot." Sabi kaagad ni Allysa sa kabilang linya kaya naman ay napaupo ako sa kama."Hindi ba kayo pagod sa biyahe?" Tanong ko sa kanila kaya naman ay natawa ang mga ito."Hindi, ikaw baka gusto mong bumaba dito. Nandito din si Cole. Maglilibot kami sa buong resort." Sabat naman ni Glaiza. Magkasama nga ang tatlo. Isang malakas na buntong
(Sabrina's POV)Napatakbo na ako paalis sa bar na iyon. Ayokong makita si Damien dahil masakit pa din ang puso ko hanggang ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon na magkita kami pero parang tadhana na nga ata ang nagbubuklod sa aming dalawa.Tadhana na din ang gumagawa ng paraan para saktan ako lalo. Akala ko hindi na masakit pero hindi ko aakalain na sobrang sakit pa pala talaga katulad pa din no'ng una.Agad naman akong pumasok sa kuwarto ko saka siniguro na nakasara ang pinto. Gusto ko munang mapag-isa at alam ko na nag-aalala na sa akin ang mga kasama ko."Tama na, pagod na akong umiyak. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak kapag nakita ko siya ulit pero hindi ko aakalain na magiging mahina pa din ako." Umiiyak na sabi ko habang nakaupo ako sa sahig at nakasandal ang likod sa pinto.Mas lalo ko lang talaga pinakita kay Dam
(Sabrina's POV)Inaya ko na kaagad ang mga kaibigan ko na bumaba na kami. Kailangan na din naming kumain at maya-maya lang ay magsisimula na ang business meeting ko. Nakatanggap na ako ng notice sa kung saan gaganapin ang business meeting at sana lang talaga ay hindi na ulit mag-cross ang landas namin ni Damien.Ayoko na siyang makita pa pero alam ko naman na magkikita at magkikita pa din kami. Pero isa lang ang tiyak ko, hindi na ako magiging mahina pa. Nagising na nga ako as what I have said from earlier. Tama na ang mga pasakit na binigay niya sa akin. Hindi ko na hahayaan pa na masaktan niya ako ulit.Sa paglalakad ko ay biglang tumabi si Cole sa akin kaya naman ay napangiti ako. Ang mga kaibigan ko naman ay nauunang maglakad kaya na sa likod lang kaming dalawa ni Cole."Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya sa akin at mabilis ko lang siyang sinulyapan. Nag-aa
(Sabrina's POV)Mahigit dalawang buwan na ang lumipas nang ikasal kaming dalawa ni Damien at ngayon ay namumuhay kaming dalawa na masaya at kasama ang anak namin na si Elijah. Higit sa lahat ay may panibago na namang miyembro ng pamilya dahil nalaman ko ngayon lang na buntis ako.Damien was on the company dahil may meeting siya sa mga oras na ito pero mukhang hindi na ata ako makatiis at gustong-gusto ko nang ibalita sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Alam ko na sobrang matutuwa iyon kapag nalaman ang tungkol sa dinadala ko. Agad naman akong nagbihis at nagmamadali na lumabas sa kuwarto namin. Sa baba ay nadatnan ko ang mga kaibigan na nakikipaglaro kay Elijah."May lakad ka, Sab?" Nagtatakang tanong ni Glaiza kaya napangiti ako saka lumapit sa kanila at hinalikan ng mabilis si Elijah."Mamaya sasabihan ko kayo. Kailangan ko lang puntahan si Damien sa kompanya." Sabi ko na nakan
(Sabrina's POV)Nakalabas na kaming lahat sa loob ng bahay na iyon dala-dala ang bangkay na katawan nina Cole at Scarlet. Tuluyan na ngang binawian ng buhay si Cole dahil sa 'kin. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra sa lahat ng mga ginawa niya para sa 'kin.Madaming nawala, madami ang nagbuwis ng buhay dahil sa gulong ito. Pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ako at si Damien. Nawala man ang mga mahal ko sa buhay pero alam ko na masaya na sila kung na saan man sila ngayon.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa puntod ni Dad, ni Mom, ni Scarlet at maging sa puntod din ni Cole. Nagdesisyon ako na itabi na lang silang lahat. Nalaman ko na din kasi kung saan inilibing si Mommy at nagdesisyon na itabi sila ni dad."Baby, are you okay?" Napangiti naman ako nang may biglang yumakap sa 'kin sa likod ko."I'
(Sabrina's POV)Nagulat naman ako nang makarinig ako ng mga putukan sa labas kaya naman ay napahigpit ang paghawak ko sa baril. Ang lakas din nang kabog ng puso ko sa isiping baka nandito na sila Damien.Nagtago naman ako sa likod ng pinto dahil alam ko na papasok ang isa sa mga kalaban para kunin ako at ang hindi nila alam ay nakatakas na ako at hindi na ako papayag pa na makuha nila ako ulit.Lumakas na naman ang kabog ng puso ko nang may marinig akong kalabog ng paa papunta sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili hanggang sa pumasok na nga si tita Phoebe at hinanap ako."Huwag kang gagalaw." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan naman na napapaharap sa 'kin si tita Phoebe na ngayon ay gulat ang kaniyang reaksiyon ng makita ako."Nakatakas ka talaga, huh." Sabi niya kaya naman ay napangisi ako at tinutok sa kaniya ang baril ko."Hindi mo aakal
(Sabrina's POV)Napatingin naman ako sa mga lalaking nagbabantay sa akin at saktong-sakto naman na hindi sila nakatingin sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kanila at inatake ang mga ito patalikod. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Damien noon. Hindi ako puwedeng gumamit ng baril dahil baka maalarma ang mga kalaban.Tatlo lang naman ang nagbabantay na kapuwa ay na sa ibang direksiyon ang kanilang mga atensiyon. Hindi nila ako napansin."Hintayin mo ako, Phoebe tatapusin ko kayo ngayon." Nakangising sabi ko at kinuha ang mga baril ng lalaking napatay ko. Nilapitan ko naman ang katawan ni Scarlet at tinanggal ang pagkakadena. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari sa kaniya. Niyakap ko na lang si Scarlet at pinangako sa kaniya na matapos ang laban na ito ngayon ay bibigyan ko siya ng maayos na libing sa tabi ni dad.Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamily
(Sabrina's POV)Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung paano ako makakatakas dito. Kailangan kong iligtas silang lahat dahil nanganganib ang kanilang mga buhay.Hindi ako papayag na may isa pa na mawawala na naman sa mga mahal ko. Hindi ako papayag na sasaktan nila ni isa man sa mga taong naiwan sa 'kin.Umalis pansamantala sina Marra at Phoebe. Naiwan ako dito sa loob na ngayon ay binabantayan nang maigi ng kanilang mga tauhan.Napalingon naman ako sa gawi ni Scarlet at hindi maiwasang mapaluha. Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko. Alam ko na wala na siya at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam kami sa isa't-isa."I'm really sorry, Scarlet. Wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kanila. Hindi man lang kita naipaglaban. Pero isa lang ang pinapangako ko, bibigyan ko kayo ng hustisya ni dad. Hindi ako papayag n
(Sabrina's POV)Bigla akong nagising dahil sa may biglang nagbuhos sa akin ng isang malamig na tubig kaya naman ay napaubo-ubo pa ako. Pagdilat ng mata ko ay na sa ibang lugar na ako particularly, na sa isang malawak na kuwarto. Ginalaw ko ang kamay ko ngunit hindi ko magalaw dahil nakagapos na ang mga kamay ko, mas lalo na din ang mga paa ko."Saan niyo dinala si Scarlet!?" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking ngayon ay na sa harapan ko. Sila ang nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Pero ang siste, ay napangisi lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin."Na sa tabi mo lang siya." Sabi ng isa sa kanila kaya naman ay kaagad akong napalingon sa tabi ko at nakita si Scarlet na ngayon ay nakagapos ang mga kamay ng kadena at pati na din ang kaniyang mga paa.Wala na siyang malay at parang pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko makita ang ayos niya. Sobrang nakakaawang tignan si Scarlet.
(Sabrina's POV)Dahan-dahan lang akong umalis ng bahay na hindi napapansin ng mga kasama ko. Hindi nila dapat na malaman na umalis ako. Walang sino man ang dapat makakaalam sa sinabi ng caller kanina dahil kapag isang maling galaw ko lang ay mamamatay ang mga mahal ko sa buhay na ayaw kong mangyari.Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito at malalagay kaming lahat sa peligro. Kailangan kong iligtas si Scarlet dahil ayokong mawala siya. Wala na nga ang mga magulang ko at hindi ko hahayaan na pati din siya.Kaagad naman akong sumakay ng taxi at pumunta sa lugar kung saan dapat kami magkita ng taong tumawag sa akin kanina lang. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga oras na ito pero para sa mga taong mahal ko at para kay Scarlet nakahanda akong gawin lahat maligtas lang sila.Nakarating naman kaagad ako sa lugar at nagpalinga-linga pa ako da
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwing mansion at nakarating naman kami kaagad. Na sa pinto pa lang kami ng bahay ay napansin ko na si Damien na ngayon ay nakasandal sa pinto habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya.Napalunok naman ako dahil sa masamang tingin niya at alam ko na wala sa mood ito."Where did you go, Sabrina?" Tanong niya sa akin habang nag-aabot naman ang kaniyang dalawang kilay."Mr. Cullen, pasensiya na po kung umalis kami ni Sabrina, nagpasama kasi ako sa mall at may binili lang ako." Si Allysa na ang nagsalita at nakatitig lamang ako kay Damien. Napakunot naman ang kaniyang noo kaya napahinga ako ng malalim. Biglang nagbago ang expression niya at akala ko talaga ay magagalit siya sa akin."Okay, it's okay I understood. Mabuti naman at sinama niyo si Scott." Sabi niya kaya naman ay napangiti ako. Tama lang talaga na dinala ko si
(Sabrina's POV)Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng bahay pero wala pa si Damien. Hindi pa siya nakakauwi at kanina pang umaga wala. Anong oras na ngayon. Napalingon na lang ako sa pinto ng kuwarto ko ng magbukas ito at iniluwa si Allysa."Sab, puwede mo ba akong samahan ngayon?" Tanong niya kaya naman ay napataas ang kilay ko."Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya kaya naman ay napapakamot siya sa batok niya at tila ba ay hindi niya kayang sabihin sa akin kung saan man ang kaniyang lakad."Magpapasama lang sana ako sa mall dahil may bibilhin ako. Huwag kang mag-alala dahil sina Glaiza at Jessel naman ang magbabantay muna sa anak mo." Sabi niya kaya naman ay nagbuntong hininga ako.Total wala pa naman si Damien kaya sasama na lang muna ako sa kaniya. Babalik naman siguro kami kaagad at isa pa, parang may gusto din akong bilhin para kay Damien at baby Elijah."Sig