"Open your eyes, Madame." Utos ng nag-aayos sa akin. Ngayon naman ay dahan-dahan kung binuksan ang mga mata ko at parang hindi ako makapaniwala nang makita ko ang sariling repleksiyon sa salamin. Bigla kung hinawakan ang mukha ko at hindi pa din ako makapaniwala na nagmukha akong tao nang ayusan.
"You look so beautiful, Madame." Puri sa akin ng isa sa mga nag-aayos sa akin kanina. Tatlo sila at akala ko talaga noong una ay babae sila ngunit nalaman ko na beki pala ang mga ito.
"Sigurado akong mas mahuhumaling si Sir Damien sa beauty niyo lalo na at masusuot ninyo ang damit na binili niya." Sabi ng isa na mas kinagulat ko.
"Damit?" Tanong ko sa kanila. Bigla naman silang napangisi kaya't napalunok ako. Kinakabahan ako sa kung anong klaseng damit ang ipapasuot sa akin ni Damien.
Pinanood ko ang tatlo nang may inilabas silang isa
(Sabrina's POV)Walang humpay sa pagkabog ang puso ko habang tinatahak namin ni Damien ang daan sa pangyayarihan ng business party na tinutukoy niya. Kinabahan pa din ako hanggang ngayon at nag-aalangan na tumuloy."We're here," ani Damien kaya parang nabuhay ang buong kalamnan ko. Napaupo ako nang tuwid at napatingin sa paligid. Isang malaki at magarang hotel ang nakita ko. Sa labas nito ay maraming sasakyan na ang nakaparada. "Stay close with me, Sabrina." Dagdag na paalala ni Damien kaya tumango lang ako bilang tugon sa kaniya.Napatigil pa ako nang matulala ako sa kaguwapohan na taglay ng lalaking mahal ko. Hindi nakakasawang tignan. At parang gusto ko ata na batukan ang sarili dahil sa kakaisip no'n. May mas importante akong dapat unahin at hindi ang kung ano-ano."Bumaba na tayo Damien." Sabi ko at ang lakas pa ng loob kong mag-aya huh. Napangiti na l
(Sabrina's POV)Nanatili pa din akong nakatayo habang ang lakas nang kabog ng puso ko dahil sa sama nang loob ko sa tiyahin ko na hanggang ngayon ay wala pa din siyang balak ipaliwanag sa akin ang lahat."Hindi ko alam kung ano bang kulang sa akin tita, para iwanan mo ako at para tratuhin mo ako nang ganito. Pero ito tandaan mo, kahit naging parte ka sa buhay ko ay kapag nalaman ko ang totoo na nagsinunaling ka sa akin ay hindi ko alam kung anong magagawa ko sa iyo, tita." Sabi ko sa seryosong mukha. Hindo ko intensiyon na pagbantaan siya ngunit sobrang tigas ng puso niya.Hanggang ngayon ay galit pa din siya sa akin at hanggang ngayon ay clueless pa din ako kung anong dahilan nang galit niya. Naging mabuti naman ako sa kaniya pero bakit ganoon pa din niya ako tratuhin."Huwag mo akong pagsalitaan nang ganiyan, Sabrina. May utang na loob ka pa din s
(Sabrina's POV)Na sa kagitnaan pa din kami sa pagsasayaw nang biglang mamatay ang ilaw at kasama na doon ang tugtog. Bigla naman akong kinutuban dahil 'dito."Huwag kang lalayo sa akin, Sabrina." Nagtataka naman ako dahil sa sinabi ni Damien. Pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari ngayon at lalo na nang biglang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Damien."Boss," biglang sumulpot sina Neil sa tabi namin. "May hindi magandang mangyayari." Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni Neil. Tama nga talaga ang kutob ko sa biglang pagpatay sa ilaw."I know, kaya magsihanda kayo." Pagkasabi ni Damien no'n ay narinig ko na biglang binunot nila ang kanilang mga armas saka ito kinasa."Kanina pa kami handa at mukhang mapapalaban kami ngayon. Sabagay, matagal na din kaming hindi napapasabak sa gyera." Sabi ni Sean at napalunok ako
(Sabrina's POV) Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa ko. Nagawa kung barilin ang lalaki dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. "D*mn, ayos ka lang ba Sabrina?" Biglaang tanong ni Damien na agad akong niyakap. Nanginginig naman akong yumakap sa kaniya pabalik. "Hindi ko sinasadya iyon, Damien. Natakot lang ako na pinagtangkaan niya ang buhay mo." Paliwanag ko habang may mga luhang tumutulo sa mata ko. Biglang hinawakan ni Damien ang mukha ko saka tinitigan ako sa mga mata. Ngayon na nakapatay ako ng tao, ibig ba sabihin no'n ay mamamatay tao na ako? Pero hindi ko naman sinasadya iyon. Iniligtas ko lang naman si Damien sa kapahamakan. "Wala kang kasalanan, Sabrina. Hindi mo sinasadya ang nangyari kaya huwag mo nang sisihin pa ang iyong sarili. Nagpapasalamat pa din ako sa iyo
(Sabrina's POV)Pakiramdam ko biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa nangyari. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malalakas na kabog ng puso ko. Habang ang buong mukha ko ay nakatitig kay Damien. Akala ko talaga ay mahahalikan ko na naman ang sahig pero sinalo niya ako."Ayos ka lang ba, Sabrina?" Nag-aalalang tanong ni Damien kaya mabilis pa sa alas kuwatro akong tumayo. Namumula na naman ang pisngi ko dahil nakahubad pala ako."Hindi ko napansin na madulas pala ang sahig." Sabi ko habang nakatalikod sa kaniya. Pilit ko kasi na pinipigilan ang sarili. Nagsimula nang uminit ang katawan ko doon. Pakiramdam ko, gusto kung may mangyari sa amin ni Damien.Napapikit pa ako nang bigla niya akong yakapin sa likuran. Ngayon ramdam ko ang pagdampi nang mainit niyang balat sa hubad kung katawan.Napakagat ako sa pang-ibabang labi n
(Sabrina's POV)Kasalukuyan akong na sa kotse ni Damien sa mga oras na ito. Inihatid niya ako sa lugar kung saan kami magtatagpo ng tatlo kong kaibigan. Na sa Mall na sila ngayon at ako na lang ang hinihintay nila."Mabilis lang ako Damien, kaya huwag kang mag-alala." Sabi ko sa kaniya. Ayaw niya din kasi buksan ang pinto at kanina pa kami nakaupo 'dito sa loob."Why not allowed me to go with you." At kanina pa siya nagpupumilit na sumama. Paano ko mae-enjoy ang pamamasyal namin kung nandiyan siya at sigurado ako na maiilang lang ang tatlo."Kung nag-aalala ka tungkol sa akin Damien, huwag kang mag-alala kasi ayos lang ako. Hindi ako mapapahamak dahil may mga kasama naman ako." Sambit ko sa kaniya kaya nagbuntong-hininga lang ito saka hinawakan ang kamay ko."Tumawag ka sa akin kagaad kapag may mangyaring masama, okay? Bakit ba kasi ayaw mo is
(Sabrina's POV)Nanatili lang akong nakatitig sa screen ng telepono ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito o hindi. Madami nang missed calls sa akin si Damien kaya kinakabahan ako. Huminga muna ako nang malalim saka nagdesisyon na pindutin ang answer button kahit kinakabahan."Hello, Damien," ani ko sa kabilang linya. Walang humpay din sa pagkabog ang puso ko dahil sa kaba."Where are you? I've been calling you ten times." Cold nitong sabi kaya napalunok ako. Medyo kinakabahan ako dahil iba ang tunog ng kaniyang pananalita."Nandito pa kami sa Mall, Damien. Sorry hindi ko napansin ang tawag mo." Sabi ko at narinig ko na lang na nagbuntong ito ng kaniyang hininga."Huwag kang aalis diyan, papunta na ako." Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang binaba ang telepono kaya napailing na lang ako saka hinarap ang tatlong bruha na ngayon ay nakan
(Sabrina's POV)Mukhang mainit talaga ang ulo ni Damien. Nakaalis na kami ng Mall ay hindi niya pa din ako kinakausap at tinitignan. Na sa labas ang kaniyang paningin at hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin mismo o doon sa mga babaeng staffs na nambastos sa amin. Kanina pa siya tahimik at nagiging masama na ang kutob ko 'dito."Damien, can we talk?" Pilit ko kinukuha nag atensiyon niya pero ayaw pa din niyang magsalita kaya sumuko na lang ako. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating na kami ng kaniyang mansion. Hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pinto at padabog pa talagang sinara ang pinto.Hindi ko naman maiwasang mainis doon pero pinagsawalang bahala ko na lang. Ayokong uminit ang ulo ko dahil supposedly, dapat masaya ako sa araw na ito."If you want to eat, your free. I don't want to shar
(Sabrina's POV)Mahigit dalawang buwan na ang lumipas nang ikasal kaming dalawa ni Damien at ngayon ay namumuhay kaming dalawa na masaya at kasama ang anak namin na si Elijah. Higit sa lahat ay may panibago na namang miyembro ng pamilya dahil nalaman ko ngayon lang na buntis ako.Damien was on the company dahil may meeting siya sa mga oras na ito pero mukhang hindi na ata ako makatiis at gustong-gusto ko nang ibalita sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Alam ko na sobrang matutuwa iyon kapag nalaman ang tungkol sa dinadala ko. Agad naman akong nagbihis at nagmamadali na lumabas sa kuwarto namin. Sa baba ay nadatnan ko ang mga kaibigan na nakikipaglaro kay Elijah."May lakad ka, Sab?" Nagtatakang tanong ni Glaiza kaya napangiti ako saka lumapit sa kanila at hinalikan ng mabilis si Elijah."Mamaya sasabihan ko kayo. Kailangan ko lang puntahan si Damien sa kompanya." Sabi ko na nakan
(Sabrina's POV)Nakalabas na kaming lahat sa loob ng bahay na iyon dala-dala ang bangkay na katawan nina Cole at Scarlet. Tuluyan na ngang binawian ng buhay si Cole dahil sa 'kin. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra sa lahat ng mga ginawa niya para sa 'kin.Madaming nawala, madami ang nagbuwis ng buhay dahil sa gulong ito. Pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ako at si Damien. Nawala man ang mga mahal ko sa buhay pero alam ko na masaya na sila kung na saan man sila ngayon.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa puntod ni Dad, ni Mom, ni Scarlet at maging sa puntod din ni Cole. Nagdesisyon ako na itabi na lang silang lahat. Nalaman ko na din kasi kung saan inilibing si Mommy at nagdesisyon na itabi sila ni dad."Baby, are you okay?" Napangiti naman ako nang may biglang yumakap sa 'kin sa likod ko."I'
(Sabrina's POV)Nagulat naman ako nang makarinig ako ng mga putukan sa labas kaya naman ay napahigpit ang paghawak ko sa baril. Ang lakas din nang kabog ng puso ko sa isiping baka nandito na sila Damien.Nagtago naman ako sa likod ng pinto dahil alam ko na papasok ang isa sa mga kalaban para kunin ako at ang hindi nila alam ay nakatakas na ako at hindi na ako papayag pa na makuha nila ako ulit.Lumakas na naman ang kabog ng puso ko nang may marinig akong kalabog ng paa papunta sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili hanggang sa pumasok na nga si tita Phoebe at hinanap ako."Huwag kang gagalaw." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan naman na napapaharap sa 'kin si tita Phoebe na ngayon ay gulat ang kaniyang reaksiyon ng makita ako."Nakatakas ka talaga, huh." Sabi niya kaya naman ay napangisi ako at tinutok sa kaniya ang baril ko."Hindi mo aakal
(Sabrina's POV)Napatingin naman ako sa mga lalaking nagbabantay sa akin at saktong-sakto naman na hindi sila nakatingin sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kanila at inatake ang mga ito patalikod. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Damien noon. Hindi ako puwedeng gumamit ng baril dahil baka maalarma ang mga kalaban.Tatlo lang naman ang nagbabantay na kapuwa ay na sa ibang direksiyon ang kanilang mga atensiyon. Hindi nila ako napansin."Hintayin mo ako, Phoebe tatapusin ko kayo ngayon." Nakangising sabi ko at kinuha ang mga baril ng lalaking napatay ko. Nilapitan ko naman ang katawan ni Scarlet at tinanggal ang pagkakadena. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari sa kaniya. Niyakap ko na lang si Scarlet at pinangako sa kaniya na matapos ang laban na ito ngayon ay bibigyan ko siya ng maayos na libing sa tabi ni dad.Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamily
(Sabrina's POV)Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung paano ako makakatakas dito. Kailangan kong iligtas silang lahat dahil nanganganib ang kanilang mga buhay.Hindi ako papayag na may isa pa na mawawala na naman sa mga mahal ko. Hindi ako papayag na sasaktan nila ni isa man sa mga taong naiwan sa 'kin.Umalis pansamantala sina Marra at Phoebe. Naiwan ako dito sa loob na ngayon ay binabantayan nang maigi ng kanilang mga tauhan.Napalingon naman ako sa gawi ni Scarlet at hindi maiwasang mapaluha. Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko. Alam ko na wala na siya at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam kami sa isa't-isa."I'm really sorry, Scarlet. Wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kanila. Hindi man lang kita naipaglaban. Pero isa lang ang pinapangako ko, bibigyan ko kayo ng hustisya ni dad. Hindi ako papayag n
(Sabrina's POV)Bigla akong nagising dahil sa may biglang nagbuhos sa akin ng isang malamig na tubig kaya naman ay napaubo-ubo pa ako. Pagdilat ng mata ko ay na sa ibang lugar na ako particularly, na sa isang malawak na kuwarto. Ginalaw ko ang kamay ko ngunit hindi ko magalaw dahil nakagapos na ang mga kamay ko, mas lalo na din ang mga paa ko."Saan niyo dinala si Scarlet!?" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking ngayon ay na sa harapan ko. Sila ang nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Pero ang siste, ay napangisi lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin."Na sa tabi mo lang siya." Sabi ng isa sa kanila kaya naman ay kaagad akong napalingon sa tabi ko at nakita si Scarlet na ngayon ay nakagapos ang mga kamay ng kadena at pati na din ang kaniyang mga paa.Wala na siyang malay at parang pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko makita ang ayos niya. Sobrang nakakaawang tignan si Scarlet.
(Sabrina's POV)Dahan-dahan lang akong umalis ng bahay na hindi napapansin ng mga kasama ko. Hindi nila dapat na malaman na umalis ako. Walang sino man ang dapat makakaalam sa sinabi ng caller kanina dahil kapag isang maling galaw ko lang ay mamamatay ang mga mahal ko sa buhay na ayaw kong mangyari.Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito at malalagay kaming lahat sa peligro. Kailangan kong iligtas si Scarlet dahil ayokong mawala siya. Wala na nga ang mga magulang ko at hindi ko hahayaan na pati din siya.Kaagad naman akong sumakay ng taxi at pumunta sa lugar kung saan dapat kami magkita ng taong tumawag sa akin kanina lang. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga oras na ito pero para sa mga taong mahal ko at para kay Scarlet nakahanda akong gawin lahat maligtas lang sila.Nakarating naman kaagad ako sa lugar at nagpalinga-linga pa ako da
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwing mansion at nakarating naman kami kaagad. Na sa pinto pa lang kami ng bahay ay napansin ko na si Damien na ngayon ay nakasandal sa pinto habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya.Napalunok naman ako dahil sa masamang tingin niya at alam ko na wala sa mood ito."Where did you go, Sabrina?" Tanong niya sa akin habang nag-aabot naman ang kaniyang dalawang kilay."Mr. Cullen, pasensiya na po kung umalis kami ni Sabrina, nagpasama kasi ako sa mall at may binili lang ako." Si Allysa na ang nagsalita at nakatitig lamang ako kay Damien. Napakunot naman ang kaniyang noo kaya napahinga ako ng malalim. Biglang nagbago ang expression niya at akala ko talaga ay magagalit siya sa akin."Okay, it's okay I understood. Mabuti naman at sinama niyo si Scott." Sabi niya kaya naman ay napangiti ako. Tama lang talaga na dinala ko si
(Sabrina's POV)Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng bahay pero wala pa si Damien. Hindi pa siya nakakauwi at kanina pang umaga wala. Anong oras na ngayon. Napalingon na lang ako sa pinto ng kuwarto ko ng magbukas ito at iniluwa si Allysa."Sab, puwede mo ba akong samahan ngayon?" Tanong niya kaya naman ay napataas ang kilay ko."Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya kaya naman ay napapakamot siya sa batok niya at tila ba ay hindi niya kayang sabihin sa akin kung saan man ang kaniyang lakad."Magpapasama lang sana ako sa mall dahil may bibilhin ako. Huwag kang mag-alala dahil sina Glaiza at Jessel naman ang magbabantay muna sa anak mo." Sabi niya kaya naman ay nagbuntong hininga ako.Total wala pa naman si Damien kaya sasama na lang muna ako sa kaniya. Babalik naman siguro kami kaagad at isa pa, parang may gusto din akong bilhin para kay Damien at baby Elijah."Sig