Hindi na makilala si Melissa ng dahil sa binuhusan ito ng kumukulong tubig ni Chang Lu. Habang pinapanood lamang ito ni Cole, Finn, Hadues at Lucif. Halos nalapnos na ang kanyang balat at hindi na rin humihinga. Kaya naman tumalikod na ang apat na may sama ng loob sa dalaga. Hindi nila ito ginusto, kaso mali naman ito ng binunggo.
"Good job, Chang Lu," puri ni Lucif at kinabahan naman ito. Alam kasi niya na nakakatakot din ito bukod kay Hadues. Kaya naman agad itong tumungo at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso, "Welcome, boss Lucif." At saka tuluyan ng tumalikod ang mga ito at umalis.
Silang apat ay nagkanya-kanya na at patungo sila sa hospital. Gusto nilang makita ulit ang anghel ng demonyo at hindi nila maiwasan ang mag-alala, lalo na si Hadues at Lucif. Kanina ay talagang kinabahan sila ng makita nitong sinampal at sinapok ng kanilang ama't ina si Devon. Kaya naman hindi na nila naiwasan na awatin ito, kahit na wala lang ito sa kapatid.
Hindi nila
Lingid sa kaalaman ng lahat, masaya at walang problemang kinakaharap si Devon. Siya ay perpekto sa paningin ng lahat at sino nga naman ang magkakaroon ng problema kung ikaw ay sobrang yaman at dahil sa kayamanan na 'yon. Lahat ng gusto mo ay mabibili at hindi lang 'yon, imposible na hindi ko mahanap ang kasiyahan mo.Nang una ay akala ni Devon ay mahalaga sa kanya ang pera. Pero ng makilala niya si Seraphina ay hindi na niya ito napapansin. Tanging ito lamang ang nasa isipan niya at kahit na anong pera ay hindi nito matutumbasan ang asawa. Kaya naman ang diwa ni Devon ay gising na gising habang hinihintay niyang magising ang asawa. Pakiramdam niya ay ilang taon na ang lumipas ng dahil sa bagay ng oras.Gusto niyang maging mabilis ang oras ng sa gano'n ay magising na rin ang asawa. Tumungo muli si Devon at nagulat siya ng maramdaman na gumalaw ang daliri nito. Kaya naman siya ay napatayo at sabay pindot ng button sa gilid. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras n
Kanina pa naiinis ang mga magulang ni Melissa ng dahil sa kanina pa ito tinatawagan, pero hindi sumasagot. Iniisip tuloy nilang pinatayan sila ni Melissa, kahit hindi naman talaga. Tumawag kasi rito si Evel ay nagkakaroon sila ng meeting. Kaya kahit galit ang mag-asawa ng dahil sa nangyari noon, hindi nila ito naisip. Inisip nila na baka nagbago ang isip ng mga ito at itutuloy na ang kasal.Hindi tuloy mapakali ang dalawa at panay tawag sa numero ni Melissa. Napahawak na sila sa kanilang mga sintido ng dahil sa inis na nararamdaman, "Ano bang problema ng babaeng 'yon? Hindi man lang sinasagot ang tawag ko." Sabay tinawagan muli ng ama ni Melissa, pero wala pa rin talaga.Bigla nitong binato ang cellphone at kasunod no'n ang pagkagulat ni Mavi at Maru na kapapasok lang sa loob ng bahay. Silang dalawa ay napagingin sa cellphone at hindi naman ito totally nabasag. Medyo nagkaroon lang ito ng crack.Naglakad papalapit si Maru at kinuha ang cellphone at inilaga
Hindi pa sumisikat ang araw at ang mga magulang ni Melissa ay nakaupo na agad sa isang upuan at nakatali. Naguguluhan sila ng ito ay magising, pero walang makita ng dahil sa may takip ang kanilang mga mata. Ang ulo nila ay panay paling ng ito ay maalipungatan at isang tao ang nasa harapan nila at walang iba kung hindi ang dating mafia king na si Evel Donovan."Gising na ba kayo?" tanong ni Evel at kinuha nito ang kutsilyo na nakalagay sa kanyang tabi. Habang si Chang Lu at ang mga kasama nito ay tahimik lamang at ayaw makielam. Dahil ngayon na lang ulit nila nakita ang dating mafia king, dahil busy na ito at binitawan na ang posisyon."Who the hell are you?" Napasigaw bigla ang ama ni Melissa at napangisi lamang si Evel, bago tuluyang tinanggal ang mga takip nito sa mata. Kaya laking gulat ng mag-asawa ng makita nila si Evel na nakatingin sa kanila ng masama.Walang alam ang dalawa sa nangyayari at namumuo lamang ang takot sa kanilang katawan. Pero ng dahil sa k
Nagising na lamang kanina si Devon at wala na sa kama si Seraphina. Bigla itong napabalikwas ng bangon ng bigla itong nawala. Kaya naman tinungo nito ang first floor ng kanilang bahay at biglang nakita niya na nasa ito ng dalawang kambal."You need to rest," malamig na sabi ni Devon, pero nginitian lang ito ng asawa at saka nagtatatakbo nanaman. Kaya nagulantang ang lahat at kinabahan. Nagsimula silang harangin ang dalaga sa pagkakatakbo ng ito ay hindi makalayo."Don't you dare to run again!" may kalakasang sabi ni Devon at kinabahan na sila. Kaso wala talagang talab kay Seraphina ang pagbabanta nito kaya naman sumakit na ang ulo ni Devon."I'm fine. Malakas na ako," masayang sambit ni Seraphina at hinabol ito ni Devon. Silang dalawa ay parang bata at hindi makapaniwala si Mavi at Maru sa kanilang nakikita. Hindi nila alam na ganito pala ang kanilang boss."Gotcha!" Binuhat ni Devon si Seraphina at pumasok sa elevator. Panay ang palag nito, ngunit tumigi
Isang lalaking matipuno ang nasa harapan ni Seraphina. Ito ay halatang kasing edaran lamang ng asawa niyang si Devon. Ang mukha nito ay napakagwapo rin at halatang mayaman. Ang kanyang suot ay katulad na katulad ng kasuotan ni Devon. Kaya naman hindi na naiwasan ni Seraphina na tanungin ito, "Bisita ka ba ni Devon? Ako nga pala si Seraphina." Sabay lahad ng kamay nito at kinuha naman ito ng lalaki."Zeke Kohan. Nice too meet you, Seraphina." Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Seraphina at bigla itong napakali dahil ngayon lang niya naisip na siya ay nasa banyo ng mga lalaki."Hala! Kaya pala nandito ka, kasi ako 'yong nasa banyo ng mga lalaki." Napakamot si Seraphina ng maisip niya, pero hindi nito alam na ang lalaking nasa harapan niya ang taong hinahanap ni Devon. Dahil ito ay may dalang gulo sa kanila, lalo na kay Seraphina.Ang mga mata ni Zeke Kohan ay nakamasid lamang sa dalaga. Hanggang sa napatingin ito sa tyan ni Seraphina. Wala naman itong balak na s
Kahit nahihiya ang lalaki sa unahan nila. Hindi nito maiwasan na aminin ang kanyang sitwasyon. Hindi siya makakaalis dito at mabubuhay kung magsisinungaling siya kaya lakas loob itong humarap kay Seraphina at ngumiti ng tipid."Pasensya na po kayo ma'am. Pero sa ngayon po ay hindi ako magsisinungaling sa inyo. Nawalan lang po ako ng preno ng dahil sa pagmamadali. Ihahatid ko po sana ito sa anak ko, kaso natapon na po." Sabay pakita ng lunch box at natapon na nga ang pagkain sa loob nito. Kaya naman tumayo si Seraphina at ginulo ang buhok ng lalaki na may katandaan na."Nako wala 'yon! May rason naman po kayo at isa pa hindi n'yo naman po sinasadya." Nang marinig nila ang sinabi ni Seraphina. Halos lahat sila ay namangha, lalo na ang dalawang kambal na bago pa lamang sa pamilya.Muntik na siyang mapahamak, pero okay lang sa kanya. Kaya naman doon nila napagtanto na ito ay parang anghel talaga. Tumayo naman si Seraphina at nilapitan ang asawa. Nagawa nitong
Bumaba sila sa isang restaurant at namangha naman si Seraphina. Napakaganda ng design ng paligid at wala pang katao-tao. Tinignan nito si Zeke at saka kumunot ang noo. Sabay ginulo lamang ni Zeke ang buhok ni Seraphina at inaalalayan niya ito dahil napansin niya ang tyan nito."Don't worry, sadyang naka off lang sila. Kaya walang tao ngayon at iilan lamang." Sabay inalalayan nilang umupo ang kasama nilang dalawang babae.Sumenyas naman si Zeke at alam na ni Kairo ang kanyang gagawin. Medyo nag-aalinlangan pa nga ito at kinakabahan. Baka mamaya kasi ay mabisto sila agad at magulat na lang na nandito na ang mafia king. Kapag naiisip 'yon ni Kairo, siya ay talaga namang kinikilabutan. Sa tuwing maiisip niya kung paano ito makipag-away at kung paano ito pumatay, siya ay nangangatog sa takot. Sabay tingin nito sa anghel ng demonyo. Hindi maipagkakaila ni Kairo na ang asawa ng mafia king ay talaga namang napakalayo sa ugali ng mga Donovan. Ito ay halatang inosente at p
Natapos ang trabaho ni Devon ng wala siyang nasisimulan. Matapos kasi nitong makita ang asawa, sila ay nagyakapan na lamang. Hanggang sa hindi na nakapagsimula si Devon na gawin ang kanyang mga gawain. Sila ay nakauwi rin sa hacienda ng ligtas at bumalik na sa dating sigla ang asawa nito. Nawala na ang pagiging iyakin nito at panay na rin ang ngiti at tawa. Medyo hirap ngayon si Devon at hindi niya inaasahan na siya ay makakaranas ng ganito.Samantalang nagulat na lamang sila ng makita ang isang tao na nandito kahapon. Napatingin din sila sa kasama nito at hindi maiwasan ni Seraphina ang matuwa at nilapitan ang bisita."Tatay Juanito," tawag ni Seraphina at hindi na ito umiiyak. Parang bula lamang ng ito ay nawala ng dahil sa asawa. Pero napadako ang tingin nila ng makita nila si Lori at may kasama itong bata. Hindi tuloy maiwasan ni Lori na tumakbo at yakapin sa hita si Seraphina."Tita Era!" sigaw nito at ngayon n'ya na lamang nakita si Seraphina. Palagi kasi
Ang simoy ng hangin ay sobrang lakas at panay ang dapo nito sa balak ni Devon. Nakatingin ito sa kalangitan at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinitigan niya ito at saka ngumiti ng bahagya. Bawat katulong na makakakita kay Devon ay hindi maiwasan na malungkot.Nagbago kasi ito matapos na mawalan ng mahal sa buhay at palagi na rin nila nakikita na ngumingiti ito paminsan-minsan. Sa paglalakad ni Devon, natigilan ito ng marinig ang ni boses ni Hadues."Brother let's go! Mom is waiting for us." Sabay sakay ni Hadues sa kanyang kotse at naiwan si Devon. Halos lahat din ng katulong nila ay nandoon sa paroroonan na pupuntahan niya. Pero napangiti si Devon ng marinig nito ang isang boses na katulad na katulad ng boses niya."Dad, let's go. I can't wait to visit her," malamig ang boses ng isang batang lalaki at tumango naman si Devon ng sumakay sila sa kotse."Are you ready
Mabilis na kinuha ng mga tauhan ni Zeke si Seraphina. Kaya naman panay ang pagpupumiglas ni Seraphina. "Ano ba?! Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito at panay ang iyak. Habang si Devon naman ay agad ainapok ang isa sa mga nakahawak sa kanya, pero hindi ito nakagalaw ng tutukan ni Zeke si Seraphina ng baril."I don't want to hurt her. Kaya tumahimik ka d'yan," sambit ni Zeke at itinali nila ito sa upuan. "H'wag n'yong higpitan."Tumigil naman si Devon at kinakabahan itong nakatingin kay Seraphina. Nanganginig maigi ang kanyang mga kamay sa galit. Nang makita nitong tinatali si Seraphina ay agad nakirot ang kanyang dibdib. Wala itong ideya kung paano ito napunta rito, pero masama ang loob ni Devon ng dahil sa nadamay pa ang asawa niya."Let's fight. If I win, you know what to do. If I lose then I will give you my throne," seryosong sabi ni Devon at tumawa si Zeke. Pumuwesto ito sa gitna ng sala at saka tuman
Nagising si Seraphina at masama ang loob niya. Sa kanyang pagmulat ng mga mata, nakita niyang madilim na ang labas. Napatayo siya at saka tinignan ang balkonahe at sobrang dilim na. Hindi niya alam na sobrang tagal niyang nakatulog at gustong makita ang asawa.Wala sa mood na bumaba si Seraphina habang naiisip ito ng maaari niyang gawin para mapuntahan si Devon. Mayroon na siyang ideya kung nasaan ito ngayon at hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ito sa tabi niya. Nang bumaba ito sa first floor ay agad naman naging alerto ang mga katulong at pinaghain ito ng pagkain. Simula kaninang umaga kasi ay hindi kumain si Seraphina at saka ng tanghali. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin ito kakain?Umupo nang dahan-dahan si Seraphina at saka kinain nito ang pagkain na nakalagay sa lamesa. Tanging pasta lamang ang kinakain nito at saka lutang na lutang. Panay ang isip nito dahil talagang gusto na niyang makita si Devon.&
Natapos na nga ang kasal ni Devon at Seraphina at kauuwi lang nila sa hacienda. Ang mga regalo ng mga bisita ay nasa isang kotse at hindi pa nga ito kasya. Sa dami ng taong dumalo ay bawat isa sa kanila ay may regalo. Kaya naman hindi lamang benteng sasakyan ang ginamit para lang ma-i-uwi ang lahat ng regalo. Samantalang pagod na pagod ang dalawa at sumabay pa si Lucif na sobrang kulit. Nagtatalo nanaman kasi ang dalawang magkapatid at si Venus naman ay hindi maiwasan na mairita."Lucifer!" sigaw ni Venus at saka hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Mabilis na tumakbo ito nang sa gano'n ay hindi mahabol ng ina."You too should go to your room." Sabay turo kay Seraphina at Devon. Kaya naman hindi nag-atubilin si Devon na dalhin ang asawa sa taas at pagbuksan ito ng kwarto."Are you tired? Do you want to sleep?" tanong ni Devon at ginabi na kasi sila sa De Van. Kaya naman maaaring pagod na talaga si Seraphi
Abala ang lahat ng dahil sa dami ng bisita. Ipinakilala rin ni Venus si Seraphina sa iba dahil si Evel naman ay tamad magsalita. Bawat tao na tumitingin kay Seraphina ay hindi maiwasan na mapangiti. Nang dahil na rin sa pagiging masiyahin nito. Maya't maya ito nakangiti sa mga tao at ang napakaputing ngipin nito ay kitang-kita.Sabay napatingin ang lahat sa pinto ng dumating si Mavi at Maru at nasa tabi nila si Lori at Jao. Nalate lang ang dalawa dahil pinagpalit pa nila ito ng damit. Habang ang dalawa naman ay tumatakbo papalapit kay Seraphina."Tita Era!" sigaw nang dalawa at tumingin naman si Seraphina at yumakap ang dalawa sa kanyang magkabilang hita. Habang ang tao sa paligid ay hindi maiwasan na matawa."Kumain na ba kayo? Kain muna kayo. Mavi at Maru, paki-asikaso muna itong mga bata at h'wag lang kayo lalayo." Tumango naman ang kambal at sumama rin agad ang dalawang bata. Habang nakatayo si Sera
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kasal ni Seraphina at Devon. Kasabay no'n ang paglingon ni Devon kay Cole. Parang walang nangyari at naging maayos naman ang kasal ng dalawa. Samantalalang hindi pa rin maiwasan ni Devon ang kabahan habang sila ay papalapit na sa labas ng simbahan. Baka mamaya kasi ay may kung anong nag-aantay sa kanila sa labas. Hinawakang maigi ni Devon si Seraphina at pinagbuksan agad ito ni Devon ng pinto sa kotse.Sumakay parehas ang dalawa at saka nagsalita si Cole, "Boss h'wag na po kayo mag-alala. Sabi ni boss Lucif ay walang kahit na anong trace ni Zeke at Kairo. Wala ring mga tauhan na nagbabantay sa simbahan at mukhang hindi niya planong sumugod ngayon." Sabay tingin nito sa salamin at umiwas ng tingin kay Devon.Hindi na lamang nagsalita si Devon at nakahinga na nga ito ng tuluyan. Hindi maisup ni Devon kung talaga bang wala itong plano ngayon o sa susunod pa talaga, kapag nailabas na ang anghel sa sinapupunan ni Seraphina. Kung
Excited ang lahat ng malaman nila ang about sa kasal ni Devon at Seraphina. Ang mga taong imbitado at kahit nasa ibang bansa pa ito ay naisipan na umuwi sa Pilipinas para lang dumalo. Hindi kasi nila ito palalagpasin at nalaman nilang umibig ang demonyo. Kaya naman bawat bisita ay may nakahandang mamahalin na regalos.Minsan lang ito mangyare, kaya naman talagang pinaghandaan ng lahat ang pagdalo. Habang ang iba't ibang gang ay masaya rin sa balitang nalaman nila. Halos lahat ata ng mga ito ay mapera ng dahil sa under sila ni Devon. Kahit na hindi na kumuha ng ilang daang tao si Devon ay nandito ang mga tauhan niya para protektahan ang dalaga.Kasunod no'n ang isang babae na pumasok sa isang kwarto at namangha ito ng makita niya ang isang babaeng napakaganda at walang iba kung hindi si Seraphina. Talagang napakainosente ng mukha nito at hindi maiwasan na maisip na ito ay galing sa langit at bumaba lamang sa lupa."Lady Era, are you ready?" tano
Hindi pa sumisikat ang araw pero abala na ang lahat. Abala na ang lahat sa pag-aayos ng dahil sa nalalapit na kasal ni Seraphina at Devon. Sa susunod na linggo na kasi ang plano ng lahat at doon na rin nila ipapakilala ang prinsesa ng pamilya. Hindi na sila makapaghintay, lalo na si Venus.Excited ito ito at mas excited pa nga ito sa anak. Talagang maaga itong gumising para lang asikasuhin ang lahat ng invitation. Gusto niyang makakarating dapat ang lahat ng mga taong importante sa kanila at mga business man at business woman na mga kaibigan ng pamilya nila.Samantalang hindi maintindihan ni Evel ang asawa. Alam kasi niyang aakto ito ng ganito. Pero hindi niya inaasahan na gigisingin siya nito ng alas-kwatro para lang sa kasal ng dalawa."Venus, hindi pa dumudungaw ang araw pero ginising mo na ako," inis na wika ni Evel at panay ang kamot nito. Nasira ang tulog nito ng dahil sa ginawa ni Venus. Hindi kasi talaga ito mapigilan at panay ang gising sa k
Napatawa ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Seraphina, pero natigilan din ang lahat ng makita nilang tumatakbo si Venus na may hawak na mga magazines. Excited kasi ito para sa darating na kasal ng dalawa sa susunod na linggo. Kaya naman hindi ito makapaghintay na makapamili na sila at makapaghanda."Era, come here. Tignan mo 'tong mga gowns ang gaganda. Talagang bagay na bagay sa iyo lahat." Hindi mapigilan ni Venus na ipakita kay Seraphina ang mga gown na susuutin nito. Habang ang mga mata ni Seraphina ay napadako sa mga magazines at para itong bata na tumakbo papalapit kay Venus.Ang kinakain nitong donut na pasalubong ni Devon ay biglang nawalan ng saysay. Natuon kasi ang mata nito sa mga magagandang gown at hindi rin naman umangal si Devon dahil si Seraphina na lang naman talaga ang kulang."Magsusuot po ba ako n'yan? Ang ganda naman masyado," manghang sabi ni Seraphina at hindi maiwasan na ngumiti ni Venus at Evel."Dapat lang Era, d