Share

Chapter 3

Author: Corazone
last update Huling Na-update: 2020-08-27 18:24:24

ANDREA

"DIS, tawagin mo na si Manang Fely. Kakain na," tawag ko kay Candice mula sa kusina. Tapos na akong magluto. Hindi naman masyadong espesyal ‘yong niluto ko kasi adobong manok lang iyon na nilagyan ko ng pinya.

Wala akong narinig na sagot mula sa dalagita. Tinapos ko muna ang paghahanda ng pagkain sa lamesa at mga gagamitin namin sa hapag bago ako lumabas sa kusina.

Napadpad ako sa living room pero ni isa sa mag-lola ay wala akong nakita.

Nasaan kaya ang mga ‘yon? Ang hirap talagang tawagin ng dalawang ‘yon basta kainan na.

"Candice! Kakain na!" tawag ko mula sa ibaba ng hagdan.

Baka nasa kwarto niya na naman ang batang ‘yon. Wala daw kasi silang pasok today dahil may event daw sa school at hindi naman daw niya kailangang pumunta. Kung totoo man o hindi ang sinabi ng bata, hindi ko rin alam. Pero ang alam ko ay masipag mag-aral ’yan si Candice kaya tiwala akong nagsasabi rin ito ng totoo.

Honor student nga ‘yan at laging ipinagmamalaki ng lola niya. Kaya siguro hinahayaan lang ng matanda ang apo nito kahit na minsan ay sinasagot-sagot pa siya nito. Matalino nga pero wala namang modo kung minsan. Kinakagalitan ko naman ito kapag naririnig kong sumasagot siya sa kanyang lola. So far, nakikinig naman ang bata at nagwo-walk out na lang. 

"Mapuputol ang litid mo sa kakatawag sa batang iyan. Hayaan mo na lamang siya at bababa rin iyan kapag nagutom," sabad ni Manang Fely na nakapasok na pala sa bahay. Dala-dala nito ang watering can at pruning shears. Mukhang katatapos lang din nito sa ginagawa sa hardin.

"Kakain na, Nang," ang siyang nasabi ko na lamang sa matanda.

Napaka-hard working pa rin talaga nito sa kabila ng edad nito. Sabagay, mas mabuti na rin iyon kasi kung ibang matanda pa ‘yan, d***g lang nang d***g sa sakit ng katawan. Pero iba si Manang Fely. Kaya maliksi pa rin ito kasi maalaga ito sa sarili.

Tumango lang ang matanda. Ibinaba lamang nito sa tabi ang mga dala-dala kanina at naglakad na papuntang kusina. Papasunod na ako sa kanya nang may kumaripas ng takbo galing sa likod ko. Muntik pa akong atakihin sa puso. Mabuti na lang nakilala ko ito kaagad. Si Candice lang pala. 

Ni-remind ko ang sarili na tigil-tigilan muna ang pagkakape. Nagiging nerbyosa na ako lalo nitong mga nakaraan, eh. Tsk.

Napailing-iling ako ng aking ulo habang nakangiting nakasunod sa mga ito.

Nasa bandang pintuan na ng kusina ang maglola at nasa likod lamang ako ng dalawa ng marinig ko ang pagtili ni Candice at excited na sumigaw ng, "Doktora!"

Mabilis na pumasok ang dalagita sa kusina. Nagtataka akong sumunod. Samantala, nakita kong nakangiti si Manang Fely. Bihira lamang ngumiti ang matanda at mas lalong bihira kong makitang maging excited si Candice.

Nang makapasok ako sa kusina ay natigilan ako sa kinatatayuan. Hind ko alam kung anong nararamdaman ko ng oras na ‘yon pero ang alam ko ay parang tumigil ang mundo ko, nang masilayan ang isa sa pinakamagandang babaeng nakita ko sa balat ng lupa. Joke lang. No, hindi ko nga maalala kung sino ako, ‘yong ibang tao pa kayang nakita ko noon? Tss.

Pero seryoso, ang ganda ng babae. Maputi at makinis ang balat. Ang mga mata niya ay namumungay at mahahaba ang natural na mga pilik mata. Pormadong mga kilay at ang brownish-gold niyang mga mata ay nakakaakit. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.

Napaka-sexy din nito sa suot na white silk long sleeves, na naka-unbutton ang unang tatlong butones sa itaas, sakto lang para masilayan ang medyo malulusog na hinaharap. Maikli ang buhok nitong brownish, at naka-beach wave curls.

Sexy! Wow!

Half-body lang ang nakikita ko ngayon sa kanya dahil natatakpan ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya ng kitchen counter kung saan siya nakatayo. Giliw na giliw na nakikipag-usap ang maglola sa babae. Ganoon din naman ang pakikitungo ng babae sa kanila. May awra itong mukhang mabait at magaan kasama pero may pagka-mysterious din. Alam mo ‘yon? Hindi ko lang muna ma-point out sa ngayon.

Napakasopistakada niya ring tignan. At ang ngiti niyang iyon, nakakatunaw sa puso. Pero... teka... wait? Bakit ba ako nagkakaganito?

'Nagagandahan lang ako sa kanya!' sigaw ko sa aking isipan. Masama bang mag-appreciate sa taong karapatdapat namang purihin? Ika nga, purihin ang dapat purihin. Eh, kapuri-puri naman talaga ang kagandahan at appeal ng babae. Para nga itong anghel. Shems! Exaggerated na yata ako sa pagdi-describe sa kanya. Tsk.

"Hello," bati niya sa akin, na nagpabalik sa wisyo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan ng sobra. "Masarap ka palang magluto. Mabuti na lang at naisipan kong dumaan muna rito bago ako bumalik sa Maynila," nakangiting sabi niya.

Naitulos lamang ako sa kinatatayuan at walang mailabas na salita sa aking bibig. Napipi na ba ako? Paano niya nalaman na luto ko ‘yon? Sinabi ba ng mag-lola sa kanya? Bakit wala akong narinig? Bakit parang siya lang ang nakikita at naririnig ko mga oras na ‘yon? Nababaliw na ata ako.

Tsaka bakit parang pamilyar ang babae? Saan ko ba ito nakita?

"Andrea," may tumatawag sa pangalan ko pero sa magandang mukha lang ng babae nakapako ang aking mga mata. Iyong ngiti niya. Iyong boses niya. Parang kilala ko siya. "Andrea. Hoy!" Nakita kong may mga kamay na nagwawagayway sa harapan ng mukha ko at natuon doon ang aking atensyon.

Nakayuko ako ngayong nakatingin kay Manang Fely, na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "Kinakausap ka ni Doktora. Bata ka," sabi pa niya at tinalikuran na ako. Umupo ang matanda sa isang bakanteng upuan sa hapag kainan. 

"Ah, sorry po," hinging paumanhin ko at yumuko ng paulit-ulit na parang Japanese na humihingi ng tawad. Ano bang nangyayari sa akin?

"Nakakatuwa ka naman. Tama na ‘yan, halika na at kumain," nagsalita ulit ito na siyang nagpatigil sa ginagawa ko. Pero hindi na ako tumingin sa kanya. Baka matulala na naman kasi ako. "Baka lumamig pa 'tong niluto mo. Ang sarap pa naman. Halika na," narinig kong aya niya.

Lumapit ako sa hapag kainan at naupo sa bakanteng upuan katabi ni Manang Fely nang hindi na tumitingin sa kanya.

"Pasensya na, ha. Tinikman ko na ‘yong pagkain kasi nagugutom na talaga ako pero pwede pa naman tayong magdasal kasi hindi pa naman talaga ako kumain ng madami."

Ang banayad ng boses niya. Iyong parang relaxing sound na makakapagpabatid sa diwa mo na magiging okay lang ang lahat. Na para bang magiging matiwasay lang ang buhay. Na magiging payapa ka sa piling niya. Ano daw?

Narinig kong nagdasal para sa pagkain si Candice. First time kong marinig itong magdasal para sa pagkain. Usually kasi ay nagpapasalamat lang ito na may pagkain sa hapag at diretsong chichibog na.

Nang marinig namin ang "amen" sa ending ng prayer ni Candice ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lamang akong kumakain at nakikinig sa kanilang usapan. Ayoko ng tumingin sa babae. Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin tuwing napapatingin ako sa kanya. Iyong parang may kiliti sa puso ko lagi kapag tinitignan niya rin ako.

Wala naman silang espesyal na pinag-uusapan. Nagkumustahan lang. Doktora ang laging tawag ng mag-lola sa babae at hindi ko pa rin alam kung sino ito o ano ito sa bahay na 'to. Though sa isipan ko'y baka kapatid ni Bea ito or pinsan or kamag-anak. May resemblance rin kasi sila ni Bea.

Kaya familiar ang mukha niya dahil nung nagnanakaw ako ng tingin sa kanya, napansin ko ang pagkakahawig nila ni Bea. Marahil nga ay ate niya ito. Feeling ko ay nasa twenty-nine or thirty na ito. Hindi ko sure kasi wala namang family picture na nakalagay dito sa beach house ni Bea. Nakakapagtaka nga, eh.

Kasi, usually, sa mga bahay ay may mga portrait o pictures ng pamilya pero iba rito sa bahay ni Bea. Kasi hindi naman sa panghuhusga kay Bea pero medyo narcissistic ang babae. Bukod sa overconfident ito, lahat ng mga portrait, paintings, at larawan na makikita mo sa bahay ay puro mukha ni Bea.

Minsan nga kapag hating gabi at nauuhaw ako, dahil nasa second floor ang kwarto ko, ay natatakot ako minsang dumaan sa pasilyo at hagdan. Kasi nandoon ‘yong full body paintings ni Bea. Grabe talaga. Feeling ko nga minsan ay sinusundan pa ako ng tingin ng mga mata ni Bea na nasa painting kapag napapadaan ako doon.

Sa isiping ‘yon ay naramdaman kong tumaas ang balahibo ko sa batok. Nanlamig tuloy ako na hindi ko mawari.

"Okay ka lang ba, Andrea?" narinig kong tanong ni Doktora. Aish, napansin na naman niya ako. Doktora naman, eh.

Napakabastos ko naman kung hindi ko ito sasagutin kaya sumulyap ako saglit sa kanya at sinabing, "O-opo." Tsaka ako ulit bumalik sa pagkain.

"Napakamahiyain mo naman pala," muling sabi niya. Ngumiti ako at sumulyap ng saglit sa kanya.

Argh. Nakakatunaw ang kanyang mga tingin.

"Hindi naman mahiyain iyang si Ate Andrea, eh. Nagkukunwari lang ‘yan," sabad ng supladitang si Candice. Tinignan ko ito ng masama at binelatan lang ako ng dalagita tapos ay nagpatuloy na ito sa pagkain.

Tumawa nang mahina si Doktora. Teka, bakit parang may nangingiliti sa tiyan ko dahil sa ngiti niyang ‘yon? Hay... Ano bang nangyayari sa akin?

"Nahihiya pa ‘yan kasi ngayon ka lang talaga niya nakita," sabi naman ni Manang Fely. Yumuko na lamang ulit ako at kumain. Bakit nga ba ako nahihiya kay Doktora? Kasi naman, napaka-intimidating ‘yong ganda at awra niya. "Andeng, si Doktora ang unang nanggamot sa'yo noong makita ka ni Bea sa dalampasigan. Kaya sa kanya ka dapat unang magpasalamat dahil isinalba ka niya kay kamatayan," dagdag pa ng matanda.

Oh... ngayon ko lang nalaman ang impormasyong iyan. Akala ko talaga ay ‘yong matabang doctor na si Doc Mighty ang gumamot sa akin.

"Naku, manang. Wala iyon. Timing lang naman na bumisita ako dito. May medical mission kasi akong pinuntahan d’yan sa malapit," sabi naman ng Doktora. Nakikita kong ganado itong kumakain at nasisiyahan akong nasarapan siya sa aking luto.

Napakaganda na at napakahumble pa. Ang swerte naman ng nobyo nito o... asawa? Ouch. Bakit parang may tumusok sa puso ko sa isiping iyon? Baliw na yata ako.

"Salamat po, Doktora," ang aking nasabi. Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti. Ah, ’yon na naman ‘yong hindi pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso ko. Makapagpatingin nga sa kanya mamaya. Bakit kaya ganito ‘yong nararamdaman ng puso ko?

"Walang anuman. Medyo groggy ka pa nga siguro nung una kang magising dahil hindi mo ako nakilala but I was there. Well, it doesn't matter. Ang importante malakas ka na at buhay na buhay. Mabuti naman at inaalagan ka nang maayos ng anak ko," nakangiti pa ring sabi ng babae. Iba talaga ‘yong tingin niya. May dulot na sundot sa puso ko.

Ano ba, Andrea? Anong nangyayari sa'yo?

So, naroon pala siya noong una akong nagising. Kaya rin pala siguro familiar siya at ‘yong boses niya kasi narinig ko na ito noong magising ako noong una akong napadpad dito. Well, malaki rin pala ang utang na loob ko sa babae.

"Maraming salamat po talaga. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Doktora. Hindi ko po alam kung paano po ako makakabawi sa pagligtas niyo sa akin." Nilamon ko na ang aking hiya. Hindi ko kasi pwedeng hindi sabihin iyon sa kanya. Kung hindi dahil dito ay hindi ako nagkaroon ng chance na mabuhay muli. Bukod sa malasakit ni Bea, kung hindi ako kaagad nagamot ni Doktora, natuluyan na talaga siguro ako.

Masamang damo na ba ako niyan? O maswerteng nilalang lang talaga ako?

"Ano ka ba? Wala iyon. Para ano pa't naging doktor ako at hindi pala kita matutulungan. Tsaka ang anak ko talaga ang nag-push para gumaling ka," wika niya.

Oh, so may anak na pala ito? Kanina pa kasi niya binabanggit ‘yon. Eh, ano naman kung may anak siya? Pero infairness, ang sexy niya pa rin kahit may anak na ito.

Pero bakit naman ipu-push ng anak niya na gumaling ako? Sino ba ‘yong anak niya at bakit concern na concern na gumaling ako?

Kaya naman hindi ko na napigilang magtanong. "Ah, anak po?"

Ngumuya muna ito at nilunok ang kinakain bago ako sinagot, na muntik ko ng ikasamid ang sagot niya ng aking marinig. "Oo, ang anak ko. Si Bea."

Weh? Nag-jo-joke ba siya? Si Bea, anak niya? Akala ko ay nasa late twenties lang siya? What the fudge?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sasha Dela Cruz
I don't understand the language
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 4

    ANDREA TAPOS na kaming kumain. Naiwan si Candice sa kusina para maghugas. Himala nga at wala akong reklamong narinig mula rito. Pinapunta naman ako ni Doktora sa sala para daw masuri niya ang mga sugat ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Medyo nahihiya pa rin ako lalo na at wala pa akong ligo at medyo amoy araw na rin. Ewan ko ba, naco-conscious talaga ako pagdating sa babae. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, napakaintimidating kasi nito. Nakaupo na ako sa sofa ng dumating ito with her stethoscope at itim na leather bag. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ‘yon pero hindi iyon ang aking nasa isipan. Kasi nang papalapit na siya sa direksyon ko ay parang slow motion ang lahat ng nangyari. Parang modelo itong naglal

    Huling Na-update : 2020-08-27
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 5

    BEATRICE "I AM home!" masayang sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng bahay. Lumapad ang aking mga ngiti ng masilayan agad ang babaeng kanina ko pa inaasam-asam na makita. "Welcome home, ma'am," bati niya sa akin at nagpatuloy na sa ginagawang paglilinis. Nasa ibaba ito ng hagdan at pinupunasan ang railings nito gamit ng hawak na basahan. Pero aba, aba, dineadma lang ako! Sa mga may alam kung sino talaga ako, hindi nila ako kayang balewalain o hindi pansinin. Ako, si Beatrice Alonzo, leader ng Alonzo Mafia, ay ruthless at walang awa lalo na sa mga taong kumakalaban at nangbabalewala sa akin. Pero sa case ni Andrea, she's an exception. I purposely did not tell her who was the real me. Ang alam lang niya ay isa akong twenty-two years old na mayamang heridera at may-ari n

    Huling Na-update : 2020-08-27
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 6

    BEATRICE "FVCK... Yes! Ahhhhh... Yes... Eat me... Ahmmm..." ungol ko habang kinakain ako ni Ariz sa pang-ibabang parte ko. No need to worry about the noises. I made sure na sound proof ang kwarto ko sa kadahilanang ito ang aking play room. Although I own this house, ayoko ring marinig ng mga narito ang mga kababalaghang ginagawa ko kasama ng aking mga kalaro. And yes, I am fucking Ariz. Sinabi ko na kanina na he is my over all man. That includes all services. Sex at iba pa. Si Ariz ay isa sa mga faithful servant ng yumao kong ama. My Dad saved this man from a local gang, na puro patweetums lang. The gang was just a bunch of drug users na nagkautang sa Dad ko. They asked for drugs from my Dad kasi magpu-pusher daw sila as they need the money to sustain the needs of their family. Ang ending, sila rin pala ang gumam

    Huling Na-update : 2020-08-27
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 7

    ANDREA DUMATING na naman ang prinsesa. Hay, naku! Siguro nga ay nastress talaga ito sa lungsod kaya pumanhik siya rito para marelax. Payapa naman talaga rito. Tahimik. Malayo sa gulo. Tsaka walang stress sa kung anong nangyayari sa labas ng beach house o sa buong mundo. Oo, wala kang update kasi walang ibang libangan dito kung 'di ang magtampisaw sa karagatan, maging busy sa gawaing bahay, matulog, kumain, repeat. Mga ganun lang. May smart TV naman pero walang internet connection. Meron lamang hard drive na may lamang maraming movies na halos naubos ko na rin sa kakanood. Pero baka madagdagan na ‘yon kasi nandyan si Ariz. siya kasi ang alam kong nagdadagdag ng movies o series sa hard drive. Wala rin akong mobile phone kaya kapag kinukumusta ako ni Bea, kay Manang Fely o kay Candice ito direktang tumatawag, at pin

    Huling Na-update : 2020-08-27
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 8

    ANDREA "GANITO ba?" tanong sa akin ni Bea. Kasalukuyan sayang may hawak na kutsilyo. At itinuro ng dulo ng kutsilyong hawak ang tinutukoy. Napatingin ako sa itinuro niya. "Oo. Ganyan nga. Good job," puri ko sa kanya. "Yehey! Marunong na akong maghiwa ng kamatis!" parang batang bulalas niya. Napangiti na lamang ako sa kanyang tinuran. Wag kayong mag-alala, naghihiwa lang naman siya ng kamatis. Tinutulungan niya akong magluto ng ulam para sa tanghalian. Ang ulam ngayon ay sinigang na baboy. At oo, nagpresenta ang babaeng tumulong sa akin. Nagulat nga ako pero sabi niya ay gusto daw niyang matutong magluto dahil baka mahanap na daw niya ang kanyang "the one"

    Huling Na-update : 2020-08-27
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 9

    ANDREA "ANDREA, bored ka na ba dito?" tanong ni Bea sa akin. Nandito kami sa ngayon sa balcony na extended sa kwarto niya. It was siesta time at inimbitahan niya ulit ako dito sa silid niya. Magtsa-tsaa lang daw kami. Which is iyon naman talaga ang ginawa namin. Nag-tsaa nga lamang kami habang nakaupo sa tig-iisang couch ng balcony. Ang ganda talaga ng view mula rito. Kitang-kita ang walang katapusang karagatan at mga mangingisda na nasa laot. Ang sarap ng simoy ng hangin at masyadong still ang dagat. It was so relaxing. "H-hindi naman. Maganda naman dito," ang sabi ko habang humigop sa tasa ng aking tsaa. Ilang araw na rin ang nakalipas. At sobrang nabaguhan talaga ako sa kabaitan na pinapakita ni Bea sa akin. Although

    Huling Na-update : 2020-08-27
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 10

    ANDREA "GISING na, Bea," ang sabi ko sa mahimbing pang natutulog na babae. "Hmm..." ungol nito. Nagulat pa ako ng abutin niya ako at ipulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg. Na out of balance ako dahil sa kanyang ginawa kaya I landed on top of her. "Good morning, baby," sabi pa ng babae pero nakapikit pa rin. "Kiss?" dagdag pa nito at inginuso ang mga labi. Kagigising lang ng babae pero walang amoy ang kanyang morning breath. Such a lucky woman. Natawa ako sa kanyang ginawa. I am not sure kung gising na ito o nananaginip. "Tigilan mo nga ako at tumayo ka na d’yan," walang patawad na sabi ko at pinitik nang mahina ang noo niya. Nabitawan niya ako and I used that opportunity para makawala rito. Tumayo ako sa gilid niy

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 11

    ANDREA“ANDENG, iakyat mo na muna ang mga gamit ni Doktora sa kwarto niya…” utos sa akin ni Manang Fely nang hindi pa rin ako tumitinag sa aking kinatatayuan.Wala. Nakatulala na naman kasi ako kay Doktora habang nag-uusap sila ni Manang Fely. Nakalimutan ko na maliligo pala ako at magbibihis dahil basang-basa ang damit ko at galing pa ako sa paglangoy sa dagat.“Andeng?” muling tawag ni Manang Fely sa aking pangalang. Narinig ko naman siya noong una niyang binanggit ang pangalan ko pero ewan ko ba at ayaw mag-function ng utak ko para sumagot sa kanya.“Andrea? Are you okay?” si Doktora na mismo ang nagtanong sa akin.Na siyang nakapagpabalik sa katinuan ko. “O-opo&hellip

    Huling Na-update : 2022-02-15

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 60

    THREE MONTHS LATER…It is Yaci and Hale’s wedding that is happening now in New Zealand.Everyone was there to celebrate the long-awaited event for the couple. And yes, Paula was there too.Pinatunayan niya lang na masamang damo talaga siya. Na-ambush na siya, nabaril, nahulog sa bangin, nabaril ulit pero ito at buhay na buhay pa rin.Malas lang talaga ng mga gustong pumatay dito dahil ang lakas yata talaga ng kapit nito kay Lord.Ariz shot Paula pero hindi asintado ang pagkakabaril nito kay Paula. Natamaan si Paula sa bandang likod ng balikat niya. Malayo naman sa bituka pero dahil na rin sa pagod ay nanghina ang katawan ni Paula at

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 59

    “ANAK, please, sumuko ka na lang. I will make sure to help you get out of prison. We will hire the best attorney in the country…” kumbinsi ni Teresa sa anak. Kanina pa niya kinukumbinsi si Bea magmula ng makatakas sila sa grupo nila Coco.Nasa getaway car na sila. Ariz was the one driving. Magkatabi sila ni Teresa. Sina Paula at Bea naman ang magkatabi sa likod habang nakatutok ang baril na hawak ni Bea kay Paula. Nakatakas sila salamat sa mabilis na pag-iisip ni Bea. Talagang tuso ito at ayaw magpahuli.“Are you hearing yourself, Mom? Sabagay, what can I expect from a traitor like you? How could you sell me out to your friend? And you have the audacity to ask for a second chance noong nag-uusap tayo pero trinaydor mo na pala ako? Thanks to you we are in this cat and mouse game…” sisi ni Be

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 58

    BEATRICE“TIGILAN mo na iyang pagpiksi-piksi mo diyan, Andrea. Hindi ka naman makakawala na rito. Kahit na dumating pa iyong mga kasama mong Katipuneros ay huli na rin sila para isalba ka…” kampanteng kausap ko kay Andrea habang pinapanood ko itong sumusubok na kumawala sa kanyang pagkakatali.Narito ako ngayon sa kwarto kung nasaan ito. Alam kong namalayan niyang pumasok ako kaya nagkakaganyan siya.“Papansin ka naman, Andrea. Huwag ka na nga sabing malikot kasi mas lalo kang masasaktan sa ginagawa mo…” patuloy na sabi ko sa kanya.I can hear that she is trying to say something pero hindi klaro iyon dahil may busal pa ito sa bibig. Hindi ko tatanggalin iyon dahil ayoko ng marinig ang a

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 57

    BEATRICE“NAKAHANDA na ba ang chopper, Ariz?” tanong ko kay Ariz nang makababa ito galing sa paghatid sa aking nanay sa kanyang silid.Nasa sala pa rin ako, nakaupo, at umiinom ng wine.“Tumawag ako sa piloto kanina, Boss. Sabi niya ay darating daw sila rito in an hour,” sagot ni Ariz na tumayong muli sa aking gilid na parang tuod.Humigop muna ako sa aking kopita bago ako sumagot. “One hour is too long, Ariz. We need to get out of here as soon as possible…”“Tatawagan kong muli ang piloto, Boss,” ani Ariz.“We are running out of time, Ariz

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 56

    TERESAALAM KO naman na isang araw ay kailangan kong sabihin kay Bea ang tungkol sa amin ni Paula. Kumukuha lang ako ng tiyempo kasi kilala ko ang anak kong ‘yon.Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa babaeng obsess na obsess siya. I just woke up one day and felt these strong romantic feelings towards Paula. Hindi ko na kinayang pigilan at nangyari nga ang dapat mangyari dahil pareho naman pala kami ng nararamdaman sa isa’t isa.Katatapos ko lang kausapin ang aking informant. He confirmed to me kung nasaan ang aking anak at kung saan nito dinala si Paula.Ang buong akala ko ay inilayo na niya ng tuluyan si Paula pero hindi ko akalaing nasa beach house lang pala sila sa Batangas. Na para bang gusto talaga n

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 55

    PAULANAGISING ako sa isang pamilyar na kwarto. Bago ko ginalaw ang aking katawan ay pinakiramdaman ko muna ang paligid habang iniisip ko kung paano ako nakabalik sa silid na ito.Then the rush of memories came flooding into my mind.Galing sa kotse ni Teresa at ang pag-aakala kong siya ang sumakay sa front seat pero ang nag-appear ay si Bea.Ah, si Bea. I vividly remember when she entered the car, sat on the passenger seat, and beamed at me gorgeously. Nagulat ako nang makita ko siya pero nang makabawi ako ay nginitian ko rin siya sabay bati sa kanya. It was not really a friendly smile but more on like “kinakabahang smile”. I was freaking out on the inside but I tried to be cool as I can on the outside.

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 54

    BEATRICE“MY MOM is so stupid! Who does she think she is? Does she think that she is a god or something? Akala niya talaga she can control me? No, bitch! I am the ruler of myself! Mas makapangyarihan pa ako sa iyo, Mom!” I yelled at my phone kahit na binabaan ko na ng telepono ang aking nanay.“She called me back after calling her a gazillion times. She said she was busy with surgery again and stuff. Surgery, my ass! At may bago pa ba doon, ha, Ariz? She is always busy na hindi man lang niya napansin na nawawala ang kanyang nobya na inagaw niya sa akin!”Yeah, Ariz was there. He was always there. Nakatikas pahinga itong nakatayo sa gilid ko while I am ranting about my mom. And he heard our conversation, so he really knows what I am saying. My life is an open

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 53

    TERESA“I WONDER where could Paula be? Kasama lang namin siya kanina, eh…” narinig kong sabi ni Yaci. Saglit akong sumulyap sa kanya at nakita kong ibinaba niya ang kanyang mobile phone sa lamesa. She obviously tried to reach out to Paula but she was not able to get a hold of her.Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking pagkain. Nasa restaurant na kami na malapit sa hospital at kumakain. I keep on checking on my phone as well dahil nagbabakasakali akong mag-text man lang sa akin si Paula.Hindi ako makapag-concentrate sa aking kinakain dahil panay ang pag-iisip ko kung anong nangyari kay Paula. Hindi kasi talaga ako sanay na hindi siya nagpapaalam lalo na kung may importante itong lakad.

  • The Mafia Boss' Nemesis   Chapter 52

    PAULA“WHAT are you doing?” gulat na pabulong na tanong ni Teresa nang makita niyang ako lang pala ang humila sa kanya sa stock room.Nasa hospital kasi kami ngayon dahil sumama ako kina Yaci at Hale. May appointment kasi si Yaci kay Tita Mara. At para may excuse na rin akong makita si Teresa, sumama na ako.Alam kong alam na ni Yaci ang hangarin ko pero hindi naman niya ako binuko. Kaya love na love ko ang kaibigan kong ‘yon, eh.“I missed you…” malambing na wika ko at niyakap ito ng mahigpit. Her scent is so relaxing. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko na siyang bitawan.“I miss you, too,” she answered. Gumanti

DMCA.com Protection Status