ANDREA
“ANDENG, iakyat mo na muna ang mga gamit ni Doktora sa kwarto niya…” utos sa akin ni Manang Fely nang hindi pa rin ako tumitinag sa aking kinatatayuan.
Wala. Nakatulala na naman kasi ako kay Doktora habang nag-uusap sila ni Manang Fely. Nakalimutan ko na maliligo pala ako at magbibihis dahil basang-basa ang damit ko at galing pa ako sa paglangoy sa dagat.
“Andeng?” muling tawag ni Manang Fely sa aking pangalang. Narinig ko naman siya noong una niyang binanggit ang pangalan ko pero ewan ko ba at ayaw mag-function ng utak ko para sumagot sa kanya.
“Andrea? Are you okay?” si Doktora na mismo ang nagtanong sa akin.
Na siyang nakapagpabalik sa katinuan ko. “O-opo&hellip
ANDREAPAGKATAPOS ng aming pag-uusap ni Teresa sa hardin ay nagpaalam na ito dahil kailangan niya raw mag-report sa hospital ngayon.Itinuloy ko na rin ang paglilinis sa buong beach house. Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi maintain naman ang paglilinis doon.Naging excited na ako pagdating ng tanghalian dahil excited na akong makasama muli sa hapag kainan si Doktora.Pagpasok ko pa lang sa kusina ay naamoy ko na ang masarap na niluluto ni Manang Fely.“Katakam-takam naman ‘yan, Manang…” Lumapit ako sa kanya para makita ang niluluto nito.“Mabuti nariyan ka na. Maghanda ka na at kakain na,” anito.
ANDREA DITO nga nakatira si Doktora sa beach house pero lagi naman itong busy. Maaga itong pumupunta sa hospital sa bayan tapos gabi na rin uuwi. Kapag umaga, since maaga naman ako gumigising, inuunahan ko na si Manang Fely na magluto ng breakfast para makakain si Doktora ng agahan. Hindi na rin ito nakakasama sa akin sa pagja-jogging kasi nagmamadali rin itong umalis. At least, nakakain siya ng agahan. Kapag nagagabihan naman ito ay kumakain pa rin naman ito ng hapunan dahil naghahanda at nagluluto talaga si Manang Fely para rito. And of course, hinihintay ko pa rin si Teresa para sabay kaming maghapunan. Kapag umaga nakakasabay ko naman siyang kumain pero madalas ay nagmamadali siya. Ang yaman na ni Doktora pero ang ha
ANDREA GAYA nga ng sabi ni Doktora, umalis kami ng bandang tanghali. We did have our lunch bago kami umalis. Kaming tatlo lang ang magkasama. Hindi sumama si Manang Fely kasi wala raw maiiwan sa bahay. Tsaka matanda na rin daw ito para pumasyal sa Sky Ranch. Ang sabi pa niya ay ilang beses na raw itong nakapunta roon. Si Candice na lang daw at ako ang isama dahil sa mga deprive daw kami sa mga ganoong bagay. Minsan talaga may pagka-harsh din magsalita nitong si Manang Fely. Actually ay nagdalawang isip din akong sumama kasi nga ay kabilin-bilinan nga sa akin ni Bea ay huwag akong aalis sa beach house hanggang hindi pa raw namin nasisigurado kung anong tunay na nangyari sa akin noon. But I really wanted to be with Teresa. Kaya ang ginawa ko na lang ay nagsuot ako ng i
ANDREAANG MAGHAPON na na-spend time ko kay Teresa at Candice ay napakasaya. It was a feeling that I think I have never felt for a long time. I was happy to see Candice cheerful and I was overjoyed that I was able to be with Teresa.Marami pa akong nadiskubre tungkol kay Doktora na mas lalong nagpalalim ng paghanga ko sa kanya. Mas caring pa pala siya kaysa sa inaakala ko. Mas lalo kong naintindihan si Candice kung bakit excited talaga itong makasama si Teresa.At kahit na laging kinukuha ni Candice ang atensiyon niya ay hindi niya rin ako hinahayaang ma-bored. Medyo gahol kami sa oras kaya ang mga rides and attractions na kaya naming puntahan at sakyan ang aming inuna. Around evening, ang last naming sinakyan ay ang Sky Eye.It was amazing lalo na ang view sa itaas. At
ANDREATAPOS na kaming kumain at pagkatapos magbayad ni Doktora ng aming kinain ay lumabas na kami sa resto.“Uuwi na po ba tayo, Doktora?” tanong ni Candice kay Teresa.“Well, hindi pa…” anunsiyo naman ni Teresa.Nagulat akong napatingin sa kanya. Akala ko kasi ay uuwi na kami.“Talaga po? Saan pa po tayo pupunta, Doktora?” excited na tanong ni Candice.“Sumakay na tayo sa sasakyan para malaman niyo…” sagot naman ni Teresa sabay kumindat… sa akin.Hindi ko alam kung may meaning ‘yon basta ang alam ko lang, muntikan na akong mapatili sa kilig. Gagi.
ANDREA"WOULD you like to drive, Andrea?" tanong ni Doktora sa akin nang pabalik na kami sa sasakyan.“Ha? Ako po?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Tumawa nang malakas si Candice kaya nabaling ang atensiyon namin sa kanya. “Joker ka talaga, Doktora…” anito.“Hmm… no. I am not joking…” sabi pa ni Doktora.Natigil ang tawa ni Candice at hindi ko naman alam ang isasagot ko. Dahil gabi na at nasa probinsya kami, narinig ko pa yata ang huni ng mga kuliglig sa paligid dahil naging sobrang tahimik namin.“But yeah, maybe some other time…” bawi ni Teresa sa kanyang sinabi.
ANDREAKINABUKASAN, nagising akong may malalang hangover. Well, ako lang naman kasi ang umubos ng ininom naming wine kagabi ni Teresa.At kahit na may hangover ako ay pinilit kong bumangon at gawin ang aking morning routine. Nag-jogging ako sa tabi ng dagat pero dahil masakit pa rin ang ulo ko ay nagpasya na lang akong lumangoy, thinking that if my body will get wet with the cold water from the sea, ay magigising ang buong diwa ko.Lumangoy ako back and forth hanggang sa mapagod ako. It was effective for me kasi nawala nga ang sakit ng ulo ko but I couldn’t stop thinking about last night. I let myself float on the water while watching the calm sky. The sea was calm as well that’s why I had the chance to float on it.Naglalaro na muli sa aking isipan ang alaal
ANDREAI WOKE up in my room. I was staring at the ceiling for a couple of seconds analyzing what happened while I was lying in my bed.Then I remember what happened on the beach like it was a dream. Except that it was actually real.Okay naman na ang pakiramdam ko at hindi na masakit ang aking ulo. And yes, I still remember the images that flashback in my mind while I was at the beach. Four women and one man were with me. The most highlight of the flashback was the red-haired woman. Every time I think of her, bigla akong nakakaramdam nang matinding pagkalungkot at parang gusto kong umiyak.May pumasok sa aking silid pero hindi ko namalayan because I was so deep in my thoughts and still staring at the ceiling. I was trying to remember the face of the red-haired woman in m
THREE MONTHS LATER…It is Yaci and Hale’s wedding that is happening now in New Zealand.Everyone was there to celebrate the long-awaited event for the couple. And yes, Paula was there too.Pinatunayan niya lang na masamang damo talaga siya. Na-ambush na siya, nabaril, nahulog sa bangin, nabaril ulit pero ito at buhay na buhay pa rin.Malas lang talaga ng mga gustong pumatay dito dahil ang lakas yata talaga ng kapit nito kay Lord.Ariz shot Paula pero hindi asintado ang pagkakabaril nito kay Paula. Natamaan si Paula sa bandang likod ng balikat niya. Malayo naman sa bituka pero dahil na rin sa pagod ay nanghina ang katawan ni Paula at
“ANAK, please, sumuko ka na lang. I will make sure to help you get out of prison. We will hire the best attorney in the country…” kumbinsi ni Teresa sa anak. Kanina pa niya kinukumbinsi si Bea magmula ng makatakas sila sa grupo nila Coco.Nasa getaway car na sila. Ariz was the one driving. Magkatabi sila ni Teresa. Sina Paula at Bea naman ang magkatabi sa likod habang nakatutok ang baril na hawak ni Bea kay Paula. Nakatakas sila salamat sa mabilis na pag-iisip ni Bea. Talagang tuso ito at ayaw magpahuli.“Are you hearing yourself, Mom? Sabagay, what can I expect from a traitor like you? How could you sell me out to your friend? And you have the audacity to ask for a second chance noong nag-uusap tayo pero trinaydor mo na pala ako? Thanks to you we are in this cat and mouse game…” sisi ni Be
BEATRICE“TIGILAN mo na iyang pagpiksi-piksi mo diyan, Andrea. Hindi ka naman makakawala na rito. Kahit na dumating pa iyong mga kasama mong Katipuneros ay huli na rin sila para isalba ka…” kampanteng kausap ko kay Andrea habang pinapanood ko itong sumusubok na kumawala sa kanyang pagkakatali.Narito ako ngayon sa kwarto kung nasaan ito. Alam kong namalayan niyang pumasok ako kaya nagkakaganyan siya.“Papansin ka naman, Andrea. Huwag ka na nga sabing malikot kasi mas lalo kang masasaktan sa ginagawa mo…” patuloy na sabi ko sa kanya.I can hear that she is trying to say something pero hindi klaro iyon dahil may busal pa ito sa bibig. Hindi ko tatanggalin iyon dahil ayoko ng marinig ang a
BEATRICE“NAKAHANDA na ba ang chopper, Ariz?” tanong ko kay Ariz nang makababa ito galing sa paghatid sa aking nanay sa kanyang silid.Nasa sala pa rin ako, nakaupo, at umiinom ng wine.“Tumawag ako sa piloto kanina, Boss. Sabi niya ay darating daw sila rito in an hour,” sagot ni Ariz na tumayong muli sa aking gilid na parang tuod.Humigop muna ako sa aking kopita bago ako sumagot. “One hour is too long, Ariz. We need to get out of here as soon as possible…”“Tatawagan kong muli ang piloto, Boss,” ani Ariz.“We are running out of time, Ariz
TERESAALAM KO naman na isang araw ay kailangan kong sabihin kay Bea ang tungkol sa amin ni Paula. Kumukuha lang ako ng tiyempo kasi kilala ko ang anak kong ‘yon.Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa babaeng obsess na obsess siya. I just woke up one day and felt these strong romantic feelings towards Paula. Hindi ko na kinayang pigilan at nangyari nga ang dapat mangyari dahil pareho naman pala kami ng nararamdaman sa isa’t isa.Katatapos ko lang kausapin ang aking informant. He confirmed to me kung nasaan ang aking anak at kung saan nito dinala si Paula.Ang buong akala ko ay inilayo na niya ng tuluyan si Paula pero hindi ko akalaing nasa beach house lang pala sila sa Batangas. Na para bang gusto talaga n
PAULANAGISING ako sa isang pamilyar na kwarto. Bago ko ginalaw ang aking katawan ay pinakiramdaman ko muna ang paligid habang iniisip ko kung paano ako nakabalik sa silid na ito.Then the rush of memories came flooding into my mind.Galing sa kotse ni Teresa at ang pag-aakala kong siya ang sumakay sa front seat pero ang nag-appear ay si Bea.Ah, si Bea. I vividly remember when she entered the car, sat on the passenger seat, and beamed at me gorgeously. Nagulat ako nang makita ko siya pero nang makabawi ako ay nginitian ko rin siya sabay bati sa kanya. It was not really a friendly smile but more on like “kinakabahang smile”. I was freaking out on the inside but I tried to be cool as I can on the outside.
BEATRICE“MY MOM is so stupid! Who does she think she is? Does she think that she is a god or something? Akala niya talaga she can control me? No, bitch! I am the ruler of myself! Mas makapangyarihan pa ako sa iyo, Mom!” I yelled at my phone kahit na binabaan ko na ng telepono ang aking nanay.“She called me back after calling her a gazillion times. She said she was busy with surgery again and stuff. Surgery, my ass! At may bago pa ba doon, ha, Ariz? She is always busy na hindi man lang niya napansin na nawawala ang kanyang nobya na inagaw niya sa akin!”Yeah, Ariz was there. He was always there. Nakatikas pahinga itong nakatayo sa gilid ko while I am ranting about my mom. And he heard our conversation, so he really knows what I am saying. My life is an open
TERESA“I WONDER where could Paula be? Kasama lang namin siya kanina, eh…” narinig kong sabi ni Yaci. Saglit akong sumulyap sa kanya at nakita kong ibinaba niya ang kanyang mobile phone sa lamesa. She obviously tried to reach out to Paula but she was not able to get a hold of her.Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking pagkain. Nasa restaurant na kami na malapit sa hospital at kumakain. I keep on checking on my phone as well dahil nagbabakasakali akong mag-text man lang sa akin si Paula.Hindi ako makapag-concentrate sa aking kinakain dahil panay ang pag-iisip ko kung anong nangyari kay Paula. Hindi kasi talaga ako sanay na hindi siya nagpapaalam lalo na kung may importante itong lakad.
PAULA“WHAT are you doing?” gulat na pabulong na tanong ni Teresa nang makita niyang ako lang pala ang humila sa kanya sa stock room.Nasa hospital kasi kami ngayon dahil sumama ako kina Yaci at Hale. May appointment kasi si Yaci kay Tita Mara. At para may excuse na rin akong makita si Teresa, sumama na ako.Alam kong alam na ni Yaci ang hangarin ko pero hindi naman niya ako binuko. Kaya love na love ko ang kaibigan kong ‘yon, eh.“I missed you…” malambing na wika ko at niyakap ito ng mahigpit. Her scent is so relaxing. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko na siyang bitawan.“I miss you, too,” she answered. Gumanti