Xyrica’s POV:
I’ve been anticipating my friends coming here as the days passed by. Tumawag ako kina Michiaki pero wala akong binanggit tungkol sa Academy, sinabihan ko lang sila na umalis na dahil magkikita naman kami sa ‘susunod’. Hindi naman sila nagtanong kaya mas napadali ang tawag.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kapag nakita ko na sila pero hindi ko na muna sila iisipin ngayon. Nandito kasi kami ni mister Demsford sa likod ng Library at hinihintay namin na magsara ito kasi papasok ulit kami sa Archive. Mabuti nalang at walang tao sa paligid kaya makakapagtambay kami rito sa likod.
“Paano tayo makakaakyat sa bintana? Masyado yata itong mataas para maabot ko,” mahinang sabi ko kay mister Demsford.
“Ako ang bahala sa iyo. I will help you so you can climb first,” sabi niya.
“What about you? How will
Cyborg’s POV:There must be a reason why ‘M’ is trying to help us and we must find out why and who that person is. Alam kong delikado itong ginagawa namin kasi nasa loob kami ng isang restricted area at saka mahigpit pa na nagbabantay ang mga Combat Angels sa entrance ng building. Pero nasa loob na kami kaya lulubusin nalang namin ang paghahanap ng impormasyon.“Look at this, it has a ‘Maekawa’ written in tha back of the painting pero wala namang pangalan. Paano kung ito nga ang mama mo?” Tanong ko.“Wala naman sigurong ibig sabihin ang ‘Maekawa’ na nakasulat diyan. What if ‘Maekawa’ pala ang nickname ng nagpintura sa painting?” Tanong niya.“We should let mister Sullivan find someone na ang pangalan o nickname ay ‘Maekawa’. Malay natin… ta
Xyrica’s POV:Dahan-dahang binuksan ni mister Demsford ang pinto tapos tinignan kung ano ang kalagayan sa labas. Ilang minutoooo lang ay sumenyas siya na pwede na kaming lumabas pero mauuna raw siya para masigurong okay ang lahat. Sumusunod naman ako sa yapak niya.We were so careful not to make any noise as much as possible because our plan depends on it. I was curious because I didn’t know where we were heading to so I poked him in his back. He immediately stopped and looked at me.I then mouthed the words, “Do you know where we’re going?”Imposible namang alam niya ang pasikot-sikot sa building na ito… e first time naman siguro naming dalawa na makapsok dito.He also mouthed his reply while shrugging, “I’m trying to figure things out.”
Xyrica’s POV:Lunch break na at nagpaalam si Cyborg na hindi na muna siya sasama sa amin sa Acerola Building kasi makikipagkita siya sa mga magulang niya. Pumayag naman ako at saka lang ako nagsisi noong napagtanto kong maiiwan akong kasama sina Ami, Macey, Monique, Joy at miss Ludwig.“I’m impressed by you,”sabi ni Monique at tumingin sa akin.“What are you talking about?”Tanong ko.“It’s so amazing to think na… you’ve blended in pretty well these past weeks,” sagot ni Monique.“Monique, you’ve been saying that thing for the past weeks. I think all of us had enough of it,”sabi ni Joy.“She’s right,”sang-ayon ni miss Ludwig sa sinabi ni Joy.
Xyrica’s POV:Mahigpit akong hinawakan ni Michiaki sa wrist at wala yata siyang plano na bitawan ako. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta at lahat ng taong nakakasalubong o nadadaanan namin ay nakatingin sa aming dalawa. Habang naglalakad kami ay nag-iisip ako ng pwede kong sabihin sa kanya para makapagpaliwanag pero hindi ako makabuo ng isa.“Michiaki, loosen the grip because my wrist is hurting already. Please,”sabi ko habang sinusubukangbawiinang kamay ko sa pagkakahawak niya.But it seems like he was not listening and I can’t even tell if he’s mad because his expression is neutral. Halos tatlong minuto kaming naglakad para lang makarating sa medyo liblib na lugar at halos tatlong minuto ko na ring iniinda ang sakit.“Ano ba? Naririnig mo ba ang sinasabi ko, Michiaki? Ma
Xyrica’s POV:Mabuti nalang at hindi ako kayang tiisin ni Michiaki kaya napatawad niya agad ako. Pero may kondisyon ang pananatili ko rito… aalis daw ako sa oras na may mangyaring masama sa akin. Gusto niya ring malaman kung ano ang gagawin ko at kung sino ang mga kasama ko.Sa tingin ko naman ay hindi na kailangan kasi makakasama ko naman sila rito sa Academy. Baka nga makalimutan niya na ‘yan sa mga susunod na araw. Kahit naman siguro mahigpit sina Michiaki sa akin ay mauutusan ko pa rin naman si Cyborg na ipagpatuloy ang ginawa namin.Speaking of Cyborg, where is that guy? It’s almost one o’clock in the afternoon but he’s not here yet. Hindi ko pa nasabihan sina Michiaki na kasama ko siya rito pero maiintindihan naman nila siguro?“Do we have to go?” Tanong ni Warren at halos maiyak kasi hinila nina Michiaki para m
Xyrica’s POV:Simula noong nakabalik na sina Michiaki sa pag-aaral ay mas naging masaya pa ang paligid. Napansin din ng mga teachers na nagbago raw sila pero ang hindi nila alam ay kinailangan ko pang sermonan mga ito sa loob ng isang oras.Hindi ko rin inakala na magiging okay ang lahat sa madaling panahon.Naging kaibigan na nila si Cyborg at natanggap na rin nila na gusto ko talagang mag-aral dito na walang kondisyon. Kahit papaano ay nabawasan ang mga bagay na iisipin ko at makaka-focus ako sa pag-aaral at pagpaplano kung ano ang susunod na gagawin namin ni Cyborg.May problema nga palang dumagdag… mas dumami pa ang manliligaw ko simula noong nalaman ng lahat na kaibigan ko ang Akinomo Phoenix Gang at mas dumami rin ang mga babaeng naiinis sa akin kaya mas maraming tao pa ang kailangan kong iwasan. Hindi ako basta-bastang nakakagalaw dahil sa mga mata na naka
Xyrica’s POV: Nakababa na kami galing sa room ni King at tinanong ako ni Cyborg kung ano ang gagawin namin. Pumasok muna kami sa loob ng kwarto ko at nag-check sa voice recorder na ballpen, mukhang wala namang nangyari rito sa loob habang wala ako kaya kampanti kong masasabi sa kanya ang plano ko. “I want us to go back,” sabi ko. “Saan?” Tanong ni Cyborg. “Alam mo na kung saan,” sabi ko tapos tinignan ang box na galing sa Angelica Tree building. Umupo muna si Cyborg sa kama ko at sinabing, “Pero maaga pa naman para diyan. Paano kung may makakita sa atin ngayon?” “Ito lang kasi ang panahon na naiisip ko para bumalik doon. Alam mo namang ilang araw din tayong hindi nakabalik kasi palaging nasa tabi ko sina Michiaki,” sabi ko.
Xyrica’s POV: Narinig ko ang pinto sa labas na bumukas at agad kong tinignan kung si Cyborg na nga ba. Sakto at nakarating na siya, may dala itong dalawang bag. Nilapag niya sa mesa ang pulang eco bag at inabot sa akin ang asul na eco bag. “I’m sorry if I kept you waiting,” sabi niya. “Bakit ang tagal mo?” Tanong ko at kinuha ang eco bag. “Ang hirap kasing pumili, mabuti nga at nagkita kami ni Van kaya humingi na ako sa kanya ng tulong para makabili lang. By the way, I’ll leave you be… uupo lang ako roon and call me in case there’s a problem,” sabi niya at tinuro ang kama. I nodded then closed the bathroom door. Tinignan ko ang laman ng eco bag to check kung ano ang nabili niya na kasama si Van. May nakita akong sanitary napkins for day and night, tapos isang hot compress bag.
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na