Share

The Legendary Mafia Boss
The Legendary Mafia Boss
Author: Sofia

Prologue

Kagagaling ko lang sa airport medyo mahilo-hilo pa ako pero okay pinilit lang kasi ako ni Dad na pumunta dito sa Velasco's nauna kase sila dad dito sa pinas, as much as I want to avoid this particular place ay dinadala pa rin ako dito ng tadhana tila ba gusto niya akong bumalik sa masalimuot na nangyari saakin, tila ba pinapaalala niya kung gaano kasakit ang mga ala-ala na bumabangungot saakin rito, napapikit ako habang sinasariwa pa ang mga masasamang ala-ala na nangyari dito.

Tulala kong tinigil ang sasakyan kong Bugatti La Voiture Noire sa harap ng company ni dad. Pagka baba ko ay binigay ko agad sa valet yung susi ng kotse ko ng walang sabi at walang emosyong ipinapakita. Ayoko na, ayokong may makakita ulit ng aking emosyon pagkat gagamitin nanaman nila ito upang paikutin ako sa mga palad nila.

Habang papasok ako nasalubong ko ang secretary ni daddy.

"Uhm, Excuse me" saad ko ng walang emosyong ipinapakita, nang may marinig siyang boses ay liningon niya ako. "Yes ma'am?" gulat na tanong niya saakin habang tinititigan niya ako.

"Nasa office ba si dad pinapunta niya kase ako dito" walang emosyong ani ko habang nakatingin sa kanya.

"Ma'am hindi pa po dumating si sir pero sabi niya na papunta na daw po siya dito, bilin niya din po na mag hintay na lang daw po muna kayo sa offfice niya " mahabang sagot niya but I can sense some fear in her and it is visible in her eyes. That’s right fear me, hindi ko binuo ang sarili ko upang kawawain ulit, binuo ko ito upang maging mas matatag at kinatatakutan ng lahat.

I looked at her hindi niya naman ako matignan sa mata.

"Sige pero sa labas na lang muna ako, ayoko sa office niya. Kapag hinanap niya ako sabihin mo sa Garden lang muna ako" pag kasabi ko nun ay nag lakad ako paalis. Lahat ng taong madadaanan ko ay humahawi upang makadaan ako.

Sa garden ako tumatambay, nang nasa New York pa lang ako ay nahiligan ko itong tignan dahil sa mga nag gaganda nitong mga bulaklak. Dad and mom used to love flowers, noong bata pa ako ay hindi ko pa ito gusto pag kat hindi ko pa na aapriciate ang ganda ng mga ito. Ngunit habang lumalaki ako ay unti-unti kong napag tanto na may kaakibat na ganda ang bawat bulaklak at sa bawat dahon o mapa bukad ng mga bulaklak nito ay may kakaibang characteristic na hindi mo makikita kapag hindi mo ito lalapitan.

May malaking puno sa gitna ng garden malapit sa company ni daddy, may bench sa tabi nito kaya dito na lang ako mauupo. Nag lakad ako papalapit dito at umupo sa pinaka dulo ng bench, nilibot ko ang aking mga mata hanggang sa nakita ko ang isang malaking pulang rosas na nasa tabi ko. Kahit na masakit sa kamay ay pinilit kong kunin iyon. Nang makuha ko na ay itinapat ko ito sa ilong ko. Mahalimuyak ang amoy ng bulaklak, maganda sa mata ang kanyang napakapula anyo ngunit napakasakit nitong hawakan. Kahit pa napakaganda nito ay masakit pa rin itong hawakan, iyon ang aking pag kakamali madaming taon na ang nakakalipas.

Nag tiwala at nag pa kampante ako sa mga taong iyon, pag kat nakita ko ang kanilang napakagandang pangako at mga mabubulaklak na salita. Masyado akong nabulag sa angking ganda na hindi ko na namalayan na nasasaktan na ako nang hawakan ko na ang mga tinik na bitag nila saakin. Ngayon hindi ko na hahayang mangyari iyon pag kat nakita ko na kung gaano nila ako pinaikot at hindi mapapantayan ang mga sakit ng mga tinik na inilagay nila sa puso ko.

Pumikit ako habang hawak ang rosas na pinitas ko. Pag pikit ko ay nakaramdam ako ng presensya ng taong kalian man ay ayaw ko nang makita pa kahit kalian. Tumigil siya sa bakuna ng hardin, hindi ko na sinayang ang pag kakataon. Agad kong kinuha ang Buck 199 na nasa likod ako at ibinato iyon sa direction niya pero agad niya itong nailagan ngunit nag karon ng sugat sa kanyang pisngi na sanhi ng pag kakadugo nun. Nakatingin siya saakin habang pinupunasan ang kanyang pisngi.

Siya ang taong kalianman ay hindi ko na ibig pang makita pa. Walang emosyon ko siyang tinignan, tila hindi niya ako matignan ng diretso. Siya ang nag sira ng tiwala ko, siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay bumabaon pa rin ang tinik na inilagay nila sa puso ko.

Mag lalakad na sana ako palayo nang pigilan niya ako. “S-Sandali, hindi ko alam na nakauwi ka na pala.” Tumigil ako sa pag lalakad dahil sa tono ng kanyang pag nanaalita, para bang matagal na kaming hindi nag kita at para bang okay lang ang lahat.

Kung ako pa ang Avy five years ago ay baka iniyakap ko na ang aking sarili sa kanya. Ngunit hindi na ako iyon, sa lalim ng tinik naibinaon nila ay sila rin mismo ang nag pabago sa Avy na nag bigay ng tiwala at pag mamahal.

Sarcastic akong tumawa at hinarap siya, “Huwag kang umasta na okay tayo, huwag kang umasta na mabuti ang lahat sa pagitan nating dalawa. Tandaan mo hindi pa tapos ang laban hindi pa kita napapatay” saad ko at tinitigan ko siya, nag tama naman ang mga mata naming dalawa, pinigilan ko ang puso kong tumibok para sa kanya dahil gaya ng sabi ko ayaw ko nang mag pakita ng emosyon. “Hindi ko pa nakakalimjtan ang mga bagay na ginawa niyo saakin, humanda kayo dahil ibang Avy na ang makakaharap niyo, mas masahol pa ako kaysa sa kay Lavianna” pag tutukoy ko sa matandang nag pabagsak dati ng organisasyon nila.

“Matagal ko nang hinanda ang sarili ko, Avy. Kahit anong gawin mo tatanggapin ko hindi ako manlalaban basta hayaan mo lang akong makabawi sa lahat ng sakit na itinanim ko sayo, basta hayaan mo na mahalin kita ng totoo” biglang kumulo ang dugo ko sa mga sinabi niya. Nag papatawa ba siya? Kase kung oo nakakatawa ang mga tinuran niya. Kailanman ay hindi ako maniniwala sa mga sasabihin niya dahil ang lalaking nasa harapan ko ay hindi kalianman natutong mag mahal.

Ngumiti ako at binubot ang baril sa hita ko at inilagay ang silencer. “Kahit kalian hinding hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan niyo” saad ko at itinutok iyon sa kanyang braso at walang alinlangang ipinutok iyon. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya na tila ba nasaktan siya sa aking sinabi. Mas nasaktan pa ata siya sa mga sinabi ko at hindi sa tama ng bala sa kanyang tagiliran. Habang hawak hawak niya ang kanyang dumudugong braso ay palapit siya nang palapit saakin na para bang gusto niya akong mahagkan. Natigilan lang siya ng itutok ko ang baril sa tapat ng kanyang noo, hindi ako mag hehesitate na iputok ito sa kanya.

Nang kakalabiti ko na sana ang trigger ng baril ay nakarinig ako ng hagikhik ng mga bata agad kong itinago ang aking baril sa likod ng damit ko at mabilis naman ang galawan ng lalaking babarilin ko sana kanina. Nag tago siya sa likod ng puno malapit sa bench na inupuan ko. Muntik pa kaming mag kabunggo mabuti na lang at mabilis kong nakalayo sa bench na iyon.

Lumingon ako sa mga nag lalakad paloob ng hardin “Mommy, aren’t this yours?” pakita niya sa buck 199 ko na napalilibutan ng red na diamond. I compose myself, ngumiti ako ng kaunti dahil sa napaka gwapong anak ko. “Why are there so many drops of bloods, mommy?” nakatingin naman ang isa ko pang anak sa damo kung saan madaming patak ng dugo.

“This thing has a little blood too” pakita niya sa kanyang kapatid kahit na nabibigatan ito.  Ngumiti na lang ako at lumapit sa kanila, kahit kailan talaga ay madaming mga tanong ang kambal na ito curious na curios talaga sila sa mga bagay na bago sa paningin nila. “Don’t ask na lang okay?” iyon na lang ang sinabi ko dahil ayaw ko muna silang mainvolve sa under ground organizations. “And akin na yan Seth baka masugatan ka diyan, anak” nagulat ako dahil may naramdaman akong napaupo actually narinig pala, tumingin ako sa mga bata pero hindi naman nila iyon narinig at alam ko kung saan iyon nanggagaling.

“This? Sure mom, here you go” inosenteng sabi niya at hirap na ibinigay saakin ang punyal ko, mabigat kase ito lalo na sa taon niya. Agad ko itong kinuha sa kanya at itinago sa ilalim ng dress ko baka masugatan pa siya. Sinenyasan ko ang mga nanny nila sa labas upang kunin muna nila ang mga bata. “Kung may mag tangkang kumuha ng kahit na isa sa kanila ay wag kayong mag aalinlagang patayin ito” bulong ko sa nanny ni Zeth ganon din sa nanny ni Seth.

Pinanood kong umalis ang dalawang anak ko at ang mga nanny nilang may special training at miyembro ng organisasyon ko, “Pasalamat ka at dumating ang mga anak ko kundi, hindi ako mag dadalawang isip na iputok sayo ang baril ko” tumingin ako sa puno kung saan siya nag tatago, alam kong nandiyan pa siya nararamdaman ko ang presensya niya.

Lumabas siya habang hawak hawak ang kanyang dumudugong braso, tumingin siya ng diretso saakin nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. “Totoong anak mo ang mga iyon?” nang hihinang tanong niya saakin. I looked at him straight in his eyes “Oo” walang emosyong sabi ko sa kanya. “Sino ang ama?” tanong niya ulit, natigilan ako sa sinabi niya “Wala ka nang pake kung sino ang ama nila, stay away from them.” May diin sa pag kakasabi ko nun. Napatulala na lang siya habang sinasabi ko iyon.

“H-Huli na b-ba ako?” lalong nag uunahan ang mga luha sa kanyang mga mata, masamang tinigan ko siya bakit tila ngayon ay parang siya ang nasasaktan? Hindi ba dapat ako iyon, dahil sa ginawa niya-nila. “Huwag kang umastang ikaw pa ngayon ang nasasaktan” saad ko bago umalis upang pumunta sa mga anak ko.

Mag kasalubong ang aking kilay habang tinatahak ko ang daan patungo sa company ni daddy. Ang kapal niya pumunta sa lugar na ito at aartehan ako ng ganon. Nang makarating na ako sa entrance ng company ni daddy ay nakita ko ang mga anak ko. “MOMMYYYYYYYY! I WANT MY MOMMY!” sigaw ni Seth habang buhat buhat ito ng kanyang nanny, tinignan ko ang kanyang kambal parang naiiyak na din ito dahil sa kanyang kambal. Mahina akong napatawa sa nasaksihan, kahit kalian ay parehas na parehas sila dahil kung si Zeth din ang gagawa ng ginagawa ni Seth ngayon ay tiyak na iiyak din ang kanyang kambal.

Nag lakad ako papunta sa kanila “Ma’am ayaw po niyang tumahan” tumango ako sa kanya at binuhat si Seth, napayakap naman sa binti ko si Zeth hindi na nag pabuhat dahil alam niyang hindi ko sila kakayaning dalawa. “Stop crying na mommy’s right here” saad ko habang malumanay kong tinatapik ang kanyang likod. Unti-unti namang tumatahimik si Seth habang si Zeth ay nakatingin lang saakin habang pinapatahan ko ang kanyang kambal. I stroke his hair para naman hindi siya mainggit sa ginagawa ko.

“You’re big boy na Seth, and yet you’re still a cry baby” pag aasar naman ni Zeth sa kambal niya. Tumingin naman sa kanyang si Seth na ngayon ay pulang pula na ang mata at ilong. “I’m not!” sigaw niya at sinenyasan ako na bababa na siya. “Grandlolo said that we should be grown ups and here you are crying” umupo ako sa habng nakatingin sa kanila. Dinilatan naman siya ni Seth “You’re just jealous because mommy carries me therefore mommy loves me more than you” pang aasar naman niya sa kanyang kapatid, Zeth’s eyes form a tear tumakbo siya papunta saakin na umiiyak na. “T-That’s not t-true right mommy?” humihikbing saad niya. “Of course not! Mommy both love you” niyakap ko si Zeth at pinapatahan. Kahit kalian talaga itong mga anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status