Lever's point of viewPagbukas ko ng kwarto ko ay napahinto ako sa paglalakad. Bumalik ako papasok sa loob ng kwarto, pumunta ako sa closet ko para kuhanin ang blue cap at sinuot iyon sa ulo ko. Kumuha rin ako rin ako ng surgical mask para walang makakilala sa akin.Tumapat ako sa lumang salamin sa kwarto ko at tinignan ko kung mayroon bang makakakilala sa akin. Sinisigurado kong hindi ako makikilala sa outfit ko ngayon bago ako nagsimulang maglakad ulit sa kwarto.Paglabas ko ng unit ko ay sumakay ako ng elevator pababa ng building. Inayos ko ang suot kong cap ng tumigil ang elevator sa sixth floor at kinuha ko ang pen sa bulsa ko.Mahirap na dahil sumusulpot na lang sila kung saan-saan. Naging alerto ako ng pumasok
Lever's point of view"Ang iba nagpapanggap na walang alam, ikaw literal na walang alam," sabi ni Youno sa akin habang nakatalikod s'ya.Naglakad ako palapit kay Youno para tignan ang ginagawa n'ya sa computer. Napakunot akong tumingin sa mga sunog na katawan sa screen ng computer.Humarap sa akin si Youno at itinuro ang monitor ng computer n'ya. Iniwas ko ang tingin ko sa monitor dahil sa mga sunog na katawan na hindi na makilala ang mga itsura dahil sa pagkasunog."Ano iyan?" taka kong tanong kay Youno."Si Rifle Winchester ang may gawa n'yan," seryosong sabi ni Youno sa akin.Dahil sa sinabi n'ya ay muling namuo ang mga tanong sa utak ko."Pinatay ni Pap
Lever's point of viewPagpasok ko sa loob ng school ay parang normal lang, hindi mo makikita na mayroong nangyaring aksidente kahapon.Tinanggal ko ang suot kong cap at mask ng makapasok ako sa loob ng school. Tinignan ko muna ang paligid ko para i-check kung mayroong kakaibang kilos.Nagsimula akong maglakad ng masiguro kong ayos na ang lahat. Kinuha ko ang phone ko habang naglalakad para tawagan si Kaycee dahil kagabi ko pa s'ya hindi nakakausap. Hindi na s'ya nakatira sa unit ko dahil pinaalis nila President Snipe.Pagpasok ko sa building ay agad kong binaba ang phone na hawak ko ng makita ko si Kaycee na naglalakad pababa sa second floor."Kaycee!" nakangiti kong tawag kay Kaycee.
Lever's point of view"Mayroon bang problema?" tanong ni Youna sa akin."Oo," walang gana kong sagot sa kan'ya.Naglalakad kami palayo sa likod ng school. Iniisip ko kung paano na wala ang bakas ng pagtama ng bala sa bench."Ano?" tanong ni Youna sa akin.Tumigil ako sa paglalakad ng may mapansin akong isang lalaking kakaiba ang kilos sa hindi kalayuan sa amin. Nakasuot s'ya ng black cap, blue t-shirt at black pants.Nawala ang tingin ko sa lalaki ng humarang si Youna sa harapan ko."Anong problema?" tanong n'ya sa akin.Seryoso kong tinignan si Youna. "Ikaw," malamig kong sagot kay Youna.
Lever's point of viewBalak ko ng tumalikod para umalis ng biglang..."Fvck!" inis kong sabi.Bigla akong natumba sa putikan ng tumalon si Youna sa akin. Ramdam ko ang basang lupa sa buong katawan.Pagtingin ko ay agad kong nakita si Youna sa ibabaw ko."Buhay pa ba ako?" tanong ni Youna sa akin.Tumingin s'ya sa mga mata ko. Bigla akong nailang kay Youna dahil sa sobrang lapit namin."Umalis ka sa ibabaw ko, ang bigat mo," hindi ko mapakaling sabi.Napalunok ako dahil mayroon akong kakaibang nararamdaman. Huminga ako ng malalim dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Lever's point of viewPaglabas ko sa bathroom ay umupo ako sa study table, kinuha ang SD card mula sa bulsa ng pants ko at pistol gun na nakalagay sa likod ng pants ko.Agad kong tinignan ang pistol, a real pistol. Tinanggal ko ang magazine ng baril para tignan kung ilang ammo na lang ang natitira.Kinuha ko ang SD card para ilagay sa drawer. Hindi ko rin naman mapapanuot o malalaman kung ano ang nakalagay doon dahil wala akong cellphone, ayoko namang gamitin ang phone ni Youna dahil wala s'yang alam sa nangyayari.Kimuha ko ang airsoft gun na nakatago sa drawer sa ilalim ng study table ko. Kinuha ko iyon at pinagkumpara ko ang dalawang baril, ang isa ay pellet gun at ang nakuha ko sa lalaking balak akong patayin ay tunay, pero kung t
Lever point of view"Sanay ka ba talaga?" paninigurado kong tanong ulit kay Youna.Tinignan ko si Youna sa seryosong nakahawak sa manibela. Tinitingnan n'ya ang bawat part ng kotse sa harapan n'ya, hindi ko alam kung alam n'ya bang gamitin ang mga iyon."Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong n'ya sa akin."Wala," sagot ko agad kay Youna.Hindi kami namatay kanina sa school, pero baka sa car accident naman ako mamatay. Tinignan ko ng seryoso si Youna."Seryoso ka?" tanong ko pa ulit.Tinignan ako ni Youna. "Wag ka ng maingay, nag-fo-focus ako," inis n'yang sagot sa akin.Kinabahan ako ng nags
Lever's point of viewTinignan ko ang hawak kong phone at sinimulan kong buksan iyon para hanapin kung ano ang nakalagay."Sumunod ka sa akin," sabi ni Uris sa akin.Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Tinignan ko si Uris na naglakad papunta sa second floor kaya agad akong naglakad pasunod kay Uris.Pagdating namin sa second floor ay naglakad kami papunta sa kwarto ni Youno. Bago ako pumasok sa loob ng kwarto ni Youno ay tinignan ko ang nakasaradong pinto ng kwarto ni Youna.Naglakad ako papasok sa loob ni Youno at sinarado ko ang pinto, as usual nagbabasa na naman ng libro si Youno.Nakahiga sa kama habang hawak-hawak ang isang libro
Lever's point of viewNasa loob kami ng unit ng condo ni Papa habang nanunuod sa malaking screen sa harapan namin.Tinignan ko ang isang naka-display na picture sa ilalim ng T.V. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ko na mayroon kaming picture ni Mama, Papa at Ako.Pinapanuod ko ang balita kung saan ang content ay ang paghuli kay Jacob Hernandez.Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa tingin ko ay ito na ang katahimikan ng buhay ko.Tinignan ko ang kanang side ko ng umupo si Mama sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.Inayos n'ya ang kwelyo ng polo na suot ko, at inayos ang buhok ko gamit ang kamay
Youna's point of view"Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa hospital?!" galit kong tanong kay Youno."Delikado," seryosong sagot ni Youno sa akin.Tumalikod si Youno sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko habag suot ko ang isang pink dress na hanggang tuhod ang haba.Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kakambal ko. Pagkatapos n'ya akong dalin sa bahay kahit na si Lever ay nag-iisa sa loob ng malamig na hospital.Baka natatakot si Lever dahil wala s'yang kasamahan sa hospital. Wala akong tiwala kay Uris dahil alam kong iiwan n'ya si Lever mag-isa."Hindi mo ako mapipigilan," sigaw ko sa kak
Lever's point of viewDinilat ko ang mata ko ng pakiramdam ko na mayroong nakatingin sa akin.Pagmulat ng mata ko ay isang maliwanag ilaw ang tumambad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdam kong ang kirot. Napatingin ako sa kamay ko na mayroong dextrose na nakalagay.Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at alam kong nasa hospital ako. Naalala ko ang nangyari sa akin. Ang sakit ng buong katawan ko.Ang tingin ko ay huminto sa isang direksyon kung saan mayroong lalaking nakatayo at sobrang seryoso ang tingin sa akin."Pa!" nanghihina kong tawag kay Papa.Naglakad palapit si Papa sa akin. Kumuha s'ya ng upuan para magkapantay ka
Youna's point of viewWala akong idea, pero nagpalit si Uris at Youno ng pwesto. Si Uris ang nag-drive ng kotse, si Youno na ay nagmamadaling pumunta sa backseat.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatingin lang ako kay Lever habang tubig sa mata ko ay patuloy sa pagtulo."Pumunta ka sa passenger seat," utos ni Youno sa akin.Tinignan ko si Youno."Buhay pa naman s'ya, hindi ba?" umiiyak kong tanong kay Youno.Umiwas s'ya ng tingin sa akin."Pumunta ka sa passenger seat," seryosong n'yang utos sa akin."Youna, makinig ka na lang,"
Lever's point of viewNapahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit. Nararamdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya agad kong dinilat ang mga mata ko para tignan kung anong nangyayari.Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang sakit ng sugat sa legs ko. Tinignan ko kung nasaan ako at mayroong tatlong lalaki ako nakasamahan sa loob ng kotse.Bigla bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Mabilis ang takbo ng kotse.Tinignan ko ang lalaking katabi ko sa backseat na nakatingin sa bintana. Binuksan n'ya ang bintana ng kotse kaya agad kong nakita si Papa.Nakatutok ang baril ng lalaki sa kotse na sinasakyan ni Papa. Nagulat ako ng bigla n'ya paputukan ang kotse. Napatingin a
Lever's point of viewTinignan ko si Papa na umapak sa isang trashcan sa tabi namin at nagulat ako ng tinalon n'ya ang bintana.Agad akong kumilos dahil papalapit na ang kalaban namin.Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taas ng bintana para maabot ko, pero si Papa ay walang hirap n'yang tinalon.Pag apak ko sa trashcan ay nakita ko si Papa na inoffer ang kamay para kapitan ko pagtalon. Tumalon na ako at sa kamay ako ni Papa nakatingin, pinilit kong abutin ang kamay ni Papa ng isang malakas na putok ng baril ang sarinig ko."Ahhh!" daing ko ng nakakaubos ng lakas na sakit ang naramdaman ko sa kanang hita ko.Bumagsak ako sa isang mala
Lever's point of viewHinila ko ang barrel ng Arme pen at lumabas ang matalim na small knife.Pinalupot ko ang kamay ko leeg ni President Hernandez at tinutok ko ang maliit na knife sa leeg n'ya.Lahat ng mga tauhan ni President Hernandez ay na alerto sa ginawa ko. Lahat sila ay nilabas ang baril na dala nila at tinutok sa amin."I'm the last Winchester?" tanong ko sa kanilang lahat.Narinig ko ang mabigat na paghinga ni President Hernandez.Nanginginig ang kamay ko dahil natatakot akong gawin ang bagay na kahit kailan ay hindi ko naman ginagawa.Ang madilim at makitid na paligid a
Lever's point of view"Admit it, gusto mo lang akong makasama ngayon kaya mo ako pinapunta dito," natatawa n'yang sabi sa akin."You're right!" sagot ko kay Youna.Bigla s'yang tumahimik sa sinabi ko. Hindi ako tumitingin kay Youna, pero nakahawak ang kamay ko sa kamay n'ya."Gusto mo talaga ako?" tanong ni Youna sa akin.Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko, pero ayoko munang sagutan ang tanong n'ya.Tinignan ko si Youna na nakangiti, pero nawala ang lahat ng ngiti ko ng makita ko ang ilang mga lalaki na papunta sa gawi namin.Hinigpitan ko ang hawak sa kamay n'ya.
Lever's point of viewI am busy cooking food for myself. I don't know what time is, but I know is late now.I currently reading some documents President Snipe had given to me. My eyes on the papers, but my right hand was busy mixing the fried rice.I read twice the documents to understand them. I don't wanna waste my time on anything. While I am busy cooking, nakarinig ako ng kaluskos sa mula sa living area.Binitawan ko ang hawak kong sandok para puntahan at tignan kung ano iyon. Bigla akong napabalik sa kusina ng sunod-sunod na putok ng baril ang binigay sa akin ng isang lalaki.Hindi lang isa ang lalaki at madami sila."Paano sil