Share

CHAPTER ONE

Author: Babz07aziole
last update Huling Na-update: 2020-07-30 07:22:05

WAY BACK TWENTY YEARS AGO...

PATULOY ang digmaan sa tagong mundo--- ang Acceria, dahil sa ginawang pagmamatigas ng lahing Bampira. Pinamumunuan ito ng Hari na si Marcus, isa sa mga may purong dugo ng bampira sa mundo ng Acerria. Ngunit dahil sa ginawa niyang hindi pakikiisa sa kagustuhan ng dalawang lahi ay sumiklab ang malaking digmaan sa Acerria. Pinangunahan ito ng hari ng mga Zombie at ng mga Lobo. Nagkaisa ang dalawang magkaibang lahi na pagsamahin ang kanilang kaharian--- na tinatawag ngayong Zowol. Nagkaisa ang mga itong ubusin at tuluyang pabagsakin nang tuluyan ang kanilang lahi. 

"Walang ititira sa mga lahi ng bampira!"marahas na sigaw ng Hari ng mga lobo na si Zandrew. Marahan niyang inilibot ang nagbabagang mga mata, tila may hinahanap sa kalagitnaan ng labanan.

Nagkalat sa paligid ang hiwa-hiwalay na katawan mula sa mga kasamahang Zombie at Lobo, maski sa mga kaaway nilang bampira. Umaalingasaw sa buong paligid ang pinaghalong lansa ng dugo at ng amoy ng kagubatan na kanilang kinaroroonan.

Tila uumulan ng dugo dahil sa mga dugong kumapit sa buong paligid. Nagmistulang tambakan ng mga nakakakilabot na nilalang ang kapatagan; bangkay ng mga kasamahan at kaaway ay nakakalat.

Sa pagiging anyong tao ay agad siyang nagpalit ng anyo. Naging isang malaking lobo ito, mabilis niyang sinakmal ang ulo ng bampirang kasalubong niya na ninais siyang salakayin.

Agad-agad ay naging abo ito pagkatapos, sapagkat ang ulo ang pangunahing kahinaan ng mga bampira. Ngunit hindi sila basta-basta, masiyadong mabilis ang mga ito. Kaya karamihan sa kanilang mga kasama ay nasasawi bago pa man makalapit.

Napakuyom ng kamao si haring Marcus nang buhat sa malayo ay kitang-kita niya ang unti-unting pagkaubos ng mga kasama. Nasa itaas siyang bahagi ng palasyo, kasama ang mga nag-kaunahang bampira na nanggaling pa sa iba't-ibang panig ng Accerria.

Maski ang mga ito'y nabahala na rin, wala ng natira sa kanilang mga pinanggalingan. Sapagkat ang mga lahi ng Zowol ay sumalakay na rin sa kani-kanilang kaharian, pinahirapan at walang-awang pinagpapaslang ang kanilang mga kasamahan.

Maski Reyna at anak ng bawat isa ay hindi pinalagpas ng mga Zowol. Labis ang pighating naramdaman nila ng malaman nga nila ang balitang inihatid sa kanila ng kanilang espiya.

Kaya nagdesisyon na ang lahat ng miyembro ng mga purong bampira na lumaban hanggang kamatayan.

"Haring Marcus, nagawa mo na bang maitakas ang iyong anak?"tanong ni Haring Philip. Pinsan niya sa ikalawa.

"Oo, sa ngayon ay kasalukuyan silang itinatakas ni Driego.."anas niya na may lakip ng pangamba sa tinig.

Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon na ipinagkaloob niya sa kaniyang nag-iisang prinsesa na si Kendra ang isang obligasyon na kailanman hindi niya pinangarap na maranasan nito sa kasalukuyan. 

Ngunit iyon lamang ang tanging makakapagligtas rito at sa mundo ng Acerria. Muli siyang napasulyap sa kaliwang panig ng kaharian, kung saan kitang-kita niya mula roon ang kakahuyan na pinamamahayan ng mga mababangis na hayop sa kanilang mundo.

Walang sino man ang basta makakapasok roon, siya lamang at ang mga kalahing bampira ang nakakapunta at nakakalabas ng buhay mula roon. Sa dulong bahagi ng kakahuyan ay may daanan papunta sa kabilang mundo, isang portal. Kung saan matatagpuan ang mundo ng mga mortal. Doon siya laging pumupuslit para makita si Aliyah, nakilala niya ito... isang beses na naghanap siya ng mabibiktima sa mundo ng mga ito. Sa unang pagtatagpo palang ng kanilang mga mata ay nagbago na ang lahat sa kaniya. Minahal niya ito at ipinagkalaban pa sa amang hari niya noon.

Masakit para rito na nadamay ito sa kaguluhan sa kanilang mundo, si Aliyah ang nagbigay sa kaniya ng pag-asang magbago at itama ang mga nagawang mali ng kanilang lahi. 

Mabilis na ibinalik ni Marcus ang pansin sa mga paparating na kalaban, tinitigan niya ang mga kasamahan. Narinig nila ang malakas na paggiba ng mga lobo sa mataas at makapal na gate ng kaharian niya.

Sa ilang minutong lumipas ay tuluyan bumagsak at nawasak ito, kitang-kita nila ang mababagsik na anyo ng mga Zowol. Nasa anyo ng mga ito ang karahasan at walang kakayahan na magbigay ng awa.

Natigilan ang mga ito sa pagsugod, unti-unting naghiwalay ang grupo at nahati sa gitna, sa kalagitnaan ay naglakad paharap si Zandrew, kaagapay nito ang hari ng mga Zombie na si Merlous. Nasa labas naman ng kaharian ang mga higante na tuluyan na rin napasailalim sa pananakop nito. Napuno ang bulwagan ng malakas nitong halakhak.

"Kung sana nakiisa ka nalang haring Marcus 'di niyo sana dadanasin ang ganitong kalagim na katapusan ng inyong lahi!"

"Kahit anong klaseng pambibilog ang gawin mo, hinding-hindi ako papayag! Kami ang kauna-unahang nilalang sa mundong ito. Kami ang dapat nasusunod at hindi ang mga katulad niyong mga sakim at ganid sa kapangyarihan. Alam ko naman na may iba kang plano Haring Zandrew na kahit kailanman ay hindi ko hahayahang mangyari!"maigting na sagot ni Marcus. Nag-umpisa na itong bumuwelo para sa pag-atake. 

"Ganoon ba, kung ganoon ihanda mo ang sarili mo Marcus. Dahil ito na ang huling araw mo!" Nandidilat ang mga mata at may lakip ng panggigil sa tinig ng Hari ng mga lobo.

Isang sigaw ang namutawi kay Marcus, hudyat ng pagsugod nila sa kalaban. Agad na nagtakbuhan pasugod ang mga lobo, maski ang mga zombie na naagnas na ang mga katawan ay mabilis na kumilos.

Mabilis na inilabas ni Marcus ang espada ng kaniyang ama, kung saan ginamit rin nito sa pakikidigma may isang dekada na ang nakararaan. Agad niyang inihambalos sa ere ito na nagbigay naman ng malaking pinsala sa Hari ng mga Lobo. Susundan pa sana niya ng isa pang hagupit, ngunit agad siyang pinagtulungan ng mga tatlong lobo na kahilili nito. Napaigik siya ng masakmal ng isang lobo ang kaliwa niyang paa. Dahilan upang siya'y bumagsak at sumadsad sa lapag. Mabilis niyang pinagana ang isip, sa isang kisap-mata'y biglang natumba ang tatlong lobo na nakapaligid sa kaniya. Wak wak ang katawan ng mga ito at naliligo sa sariling mga dugo.

Lalong naulol sa galit si Zandrew sa nakita, hindi man lang niya nakita kung paano nito ginawa iyon. May kakayahan itong gumalaw ng triple kaysa sa pangkaraniwang bampira. 

Nagtagis ang mga bagang niya, nanlilisik niya itong pinagmasdan. Patuloy siyang umiikot rito, habang nakaangil at nakalabas ng nagtutulisan niyang pangil.

Hindi siya papayag na makaligtas pa ito, kasabay ng pag-alingawngaw ng mabalasik niyang atungal ng katulad sa mabangis na hayop. Mabilis niya itong sinugod, maski ang mga malapit na Zombie at lobo ay tila iisa ang mga utak. Agad nilang inatake ng sabay-sabay ang Haring Marcus, binilisan nito ang paggalaw. Ngunit sadyang madami ang nakapalibot sa kaniya kaya upang madali siya sa hita at beywang.

Napasigaw sa labis na sakit at kirot ito. Nanatiling kagat-kagat ng mga naglalakihang lobo ito, maski ng mga zombie ay nag-umpisa ng lumapit kay Marcus.

Napangisi si Zandrew, unti-unti itong nagbalik sa dating anyo. Nag-anyong tao ito, paika-ika siyang lumapit kay Marcus na patuloy na nagpapalag sa pagkakangasab ng mga lobo rito.

"Walang-hiya ka Zandrew, pinagtiwalaan ka namin. Hindi ka na nakuntento sa kapangyarihan na napasakay mo na, ang gusto mo'y sakupin mo ang lahat. Halimaw ka!"patuloy na sigaw ni Marcuss.

Nanlilisik na pinakatitigan ni haring Zandrew ito, lalong nagsumidhi sa kaniya na tapusin na ang buhay nito. Ngunit bago iyon kailangan na muna nitong malaman kung saan nito dinala ang nag-iisa nitong anak.

Mahigpit niyang hinawakan ang panga ni Haring Marcus,"Nasaan si Kendra?"

Ngunit nanatili lamang siyang tinitigan ng masama ni Haring Marcus, tikom ang bibig at hindi umiimik. 

"Hindi ka magsasalita Marcus!"pangsisindak pa ni Zandrew rito. Mabilis niyang sinenyasan ang mga kasama. Agad na pinaghihila nito ang mga kasama ni Marcuss.

Iniharap sa kaniya ang sampung purong bampira, mga nakasama niya sa huling laban ng kanilang lahi. Nagtagis nalang ang kaniyang ngipin ng makita niyang nginasab ang ulo at nguyain ng isa sa mga alagad ni Zandrew ito. Sumirit ang dugo sa katawan nito. 

Hindi katulad sa ibang bampira, kapag purong bampira ay nanatiling buo ang katawang nito. Agad niyang iniwas ang paningin, napapikit siya sa labis na awa sa nasawing kalahi sa mga kamay ng kalaban.

Ngunit agad na hinawakan ng hari ng mga Zombie ang kaniyang mukha, upang iharap. Nais ng lahat na makita ni Marcuss ang gagawin pagpaslang sa lahat ng mga kasama niya.

Halos manlambot si Haring Marcuss, habang isa-isang pinahirapan at pinag-aalisan ng ulo nito ang mga kasama niya. Naghuhimiyaw siya pagkatapos, dahil sa labis na muhi na nararamdaman sa mga sandaling iyon nang tuluyan na ngang putulin ng hari mg mga lobo ang huling kasamahan niya.

Halos nanghina siya sa nasaksihan, lalo ng iharap nga sa kaniya ang 'di niya inaasahang nilalang na makikita pa niya ngayon.

"Aliyah!"napuno ng takot at pangamba si Marcuss nagpumiglas siya. Halos mapatid ang hininga nito dahil tila pinupunit ang laman niya dahil sa paglupumilit niyang makaalpas sa pagkakasagpang ng mga lobo sa kaniya. Halos mabaha na ng dugo ang lapag na kaniyang kinatatayuan. Unti-unti na siyang nakaramdam ng panghihina, pero pinatili niyang bukas ang isipan sa mga sandaling iyon.

"M-Marcuss mahal,"anas nito na may halong panginginig at takot.

Mabilis niyang binalingan si Zandrew na nasa mga mata ang labis na kagalakan.

"Ibibigay ko ang kalayaan ni Aliyah, kapalit ng bagay na matagal ko ng hinihiling na ibigay mo Marcus."matuso nitong sabi, kasabay ng pagkurba ng mala-demonyong ngiti sa labi nito.

"K-kahit kailan, hinding-hindi ko ibibigay iyon sa iyo!"matapang na sigaw ng Haring Marcuss kay Zandrew.

Nawala ang galak na nakabadha sa mukha nito. Nanlalaki ang mga matang naglakad palapit ito sa kaniyang harapan, binigwasan siya nito sa mukha. Nahilo si Marcuss dahil sa ginawa nito, ngunit nanatili siyang mulat. Mabilis siyang nag-isip. Pinagana niya ang mental telepathy niya. 

Mabilis na naglakbay siya sa pamamagitan ng isip. Mabilis na bumulusok ang kaniyang kaluluwa sa kakahuyan, nakita niyang nakahandusay si Driego sa lapag, ngunit ang anak niyang si Kendra ay hindi nito kasama. Lalo siyang nangamba para sa kapakanan ng nag-iisang anak.

Muling napabalik ang malay niya, halos manlumo siya ng makitang bit-bit ng isang malaking ibon ang anak niya. Payapa pa rin itong nakatulog mula roon, isang taon palang ito kaya wala pang kamalay-malay. 

Sinakmal ng takot si Marcuss ng unti-unting inilihis ni Zandrew ang damit ni Kendra. Umiyak ito ng pagkalakas-lakas ng marahan na kinalmutan sa likod nito ang bata.

"Walang-hiya kayo, pakawalan niyo ang mag-ina ko!"nagwawalang sabi ni Haring Marcus. Hindi na niya anlintana ang unti-unting pangangapos niya ng hininga.

"Gagawin ko iyan Marcus, basta ibigay mo lang sa akin ang bagay na kinukuha ko mula sa iyo."

Napahugot ng hininga si Marcus, kasabay ng mariin niyang pagpikit. Mabilis niyang pinagana ang isip, muli wala na siyang pakialam sa mga kumplikasyong mangyayari sa kaniya pagkatapos ng gagawin niya.

Bigla'y tumigil ang buo niyang paligid, mabilis siyang kumawala sa mga lobong kagat-kagat siya. Agad niyang kinuha ang anak, mabilis naman niyang isinukbit sa likod si Aliyah. Muli siyang napapikit kasabay ng pagbuo niya ng pamilyar na imahe na lugar. Agad niyang binuksan ang portal maingat niyang ipinasok mula roon ang mag-ina niya, tinapunan niya ng pansin ang lugar kung saan niya nakakitaan si Driego. Ngunit sa pagkagulat niya'y bigla na lamang may sumaksak mula sa kaniyang likuran. Agad niyang tinignan kung sino ang mapangahas na gumawa niyon sa kaniya, gulat at pagkabigla ang bumalong sa sistema niya.

Si Driego na may lahing bampira at tao. Hindi niya aakalaing tatraydurin siya nito, nagsuka na siya ng dugo. Kitang-kita ni Marcuss ang unti-unting pagkawala ng kaniyang katawan. Humihina na ang kaniyang ginawang mahika, muli na naman siyang hahatawin ng saksak ni Driego ng mabilis na niyang inilabas ang natitira niyang kakayahan. Wala na siyang maramdaman ng tuluyan niyang maisarado ang portal, kasabay niyon ang unti-unting pagkawala niya sa harapan ni Driego. Iniwan na muna niya ito ng masakit na titig na agad tumimo sa isip ni Driego.

Biglang nagbalik sa normal ang lahat, mabilis inilinga ni Zandrew ang paningin sa pagkagulat ay biglang nawala ang mag-ina ni Marcuss. Natigilan siya ng makita niyang naging matigas na kahoy na lamang ang hari ng mga bampira.

Naghumiyaw nang naghumiyaw sa labis na galit si Zandrew, sapagkat nalamangan siya ng tuluyan nito.

Mas pinili nitong isakripisyo ang buhay sa mag-ina nito, ngunit bakit? Tanong niya sa sarili.

Bigla ay nanlaki ang mga mata niya, kasabay ng marahas niyang pagsigaw na bumalot sa buong kaharian.

"Hindi kaya na kay Kendra ang bagay na iyon, ang susi ng pagiging makapangyarihan at imortal..."naibulong ni Zandrew sa sarili.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
gladz guriesa
kaya nga maiksi masyado taz ang mahal pa..
goodnovel comment avatar
shitloccah
Amazing, simula pa lang ng chapter ay may ganap na
goodnovel comment avatar
Randy Jacildo
masyadong maiksi ang kwento mo para kumuhha ng puntos
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER TWO

    KASALUKUYAN... MATAMANG nakatitig mula sa madilim na kalsada ito, kitang-kita niya ang lalaki na palihim na sumusunod sa dalagang may kausap sa hawak nitong aparato. Nasa itaas siya ng puno ng narra kung saan kasalukuyan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang bawat galaw ng lalaki na tila may masamang binabalak sa babaeng sinusundan. Sa isang mabilisang galaw agad na nakalapit ang lalaki sa babae, hindi ito agad nakasigaw dahil mabilis na tinakpan ng lalaki ang labi nitong mamula-mula pa; dahil sa lipstick. Nagpumiglas ito ngunit bigla itong nanigas dahil sa agad itong tinutukan ng lalaki ng patalim sa beywang. "Huwag ka ng pumalag, kung ayaw mong isaksak ko itong hawak kong patalim sa'yo!"marahas at may lakip ng gigil na anas ng lalaki. Nagpalinga-linga pa ito, upang masigurong walang tao. "P-para mo ng

    Huling Na-update : 2020-08-03
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER THREE

    NAGPAALAM na si Kendra sa kaniyang ina, mag-aalasyite na ng gabi kaya binilisan niya ang galaw. Mahuhuli na siya sa klase niya sa University na kaniyang pinapasukan. Panggabi ang klase niya dahil mas kumportable siya sa gabi, sa umaga naman ay tumutulong siya sa Mama Aliyah niya at Tita Trinity niya sa pagiimbalsamo. Mabilis niyang tinalunton ang kakahuyan na nasa likuran ng kanilang bahay, ito ang dinadaanan niya kapag kailangan niya ng short cut na madadaanan. Habang tumatakbo ramdam na ramdam niya ang malamig na pagaspas ng hangin sa kaniyang mukha, pakiramdam niya malayang-malaya siya sa mga oras na iyon. Maliwanag ang dinadaanan niya sapagkat nakatanglaw sa kaniya ang bilog na bilog na buwan. Maiksi pa niya itong tinapunan ng pansin habang mabilis siyang tumatakbo at lumulukso sa mga sanga ng nagtatayugang puno. Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo ng tulad sa pangkarer

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER FOUR

    AGAD na siyang tumayo mula sa pagkakaupo ng magsabi ng huling prof niya ngayong gabi ng dismissed. Mabilis na niyang sinamsam ang lahat ng kaniyang mga kagamitan at agad nang naglakad paalis. Ayaw niyang maabutan siya ng lalaking iyon, masama ang kutob niya. Ilang beses niyang ginamit ang kakayahan niya upang makita ang mangyayari mamaya, ngunit pumalya lamang siya. Nanakit lang ang ulo niya sa ginawa niya. Alas-onse na kaya mangilan-ngilan na ang mga estudyanteng naghihintay ng mga sundo nila. Nang makalagpas siya sa poste ng ilaw ay mabilis na siyang nagtatakbo na tulad ng mabilis na hayop pang gubat. Nagpalukso-lukso siya sa mga sanga ng puno. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang natigilan mula sa ere, kitang-kita niya ang namumulang mata nito na nakatutok sa kaniya. Bigla siyang natuliro, hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Ang balak niyang pagtalikod dito ay hindi na niya nag

    Huling Na-update : 2021-03-04
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER FIVE

    MABILIS na tinalunton ni Trinity ang daan palabas ng kanilang kaharian. Labis ang paghihimasik ng loob niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya pinansin ang patuloy na pagtawag sa kaniya ng inang Reyna niyang si Reyla. Labis siyang nanggalaiti sa isiping doon na sila maninirahan sa Kaharian ni Haring Frimo, isa sa mga nagtataasang pinuno ng mga bampira sa kanilang mundo. Hindi niya aakalaing sa ilang taon lang ng pagkawala ng kanyang ama ay muling mag-aasawa ang ina at sa ama pa ng prinsipeng si Marcuss. Kasama niya ito sa isa mga pagsasanay para sa mga katulad niyang bampira, lagi sila nitong nagkakakopetensya sa mga bagay-bagay. Masiyado itong mayabang at akala mo kung sino ng magaling kung umasta. Kinasusuklaman niyang mapapabilang siya sa pamilya nito. Mabait ang ama nito ngunit ng malaman niyang anak nito si Marcuss ay bigla siyang naghimagsik. Ang dating magand

    Huling Na-update : 2021-03-04
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SIX

    NAALIMPUNGATAN si Timothy dahil sa basang pamunas na inihilamos kaniya ni Aisha, ipinikit-bukas niya ang mga mata upang aninawin ang kaniyang paligid. Kahit papaano ay maayos-ayos na ang kanyang pakiramdam, hindi katulad noong nakarating siya sa mundo ng Acerria akala niya'y hindi na niya muling masisilayan ang mundong pinagmulan. Dumako ang mga mata ni Timothy ng maramdaman niya ang marahang paghaplos ng palad ni Aisha sa kanyang mukha. Bigla siyang naasiwa sa ginawa nito kaya upang tuluyan siyang mapabangon. "Hindi pa sapat ang paggaling ng iyong mga sugat mahal kong Prinsipe, kaya manatili ka lamang nakahiga kung maari."puno ng pagmamahal nitong paalala sa kanya. Si Aisha ang isa sa mga babaing umaaligid sa kanya sa mundo ng Acerria. Hindi naman niya ito maitaboy sapagkat maalalahanin at mabait naman ito. Muli siyang napapiksi ng maramdaman niya ang palad nito s

    Huling Na-update : 2021-03-04
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SEVEN

    BUMUKAS-SARA ang malaking pinto kung saan naroroon ang bulwagan ni haring Hanzul. Ilang araw na rin si Timothy sa mundo ng mga Acerria sa ilang araw na iyon ay lagi siyang kasa-kasama ng kanilang bagong hari na si Hanzul. Hindi niya maunawaan ang sarili, bagamat ito ang pumaslang sa kaniyang ama ay hindi niya makuhang magalit dito ng lubusan. Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakikita ang tunay na ugali ng bago nilang hari. Hindi ito kasing sama ng inaakala niya, naratnan niya itong nakatayo mula sa terasa kung saan nakatunghay ang mala-asul nitong mga mata sa malawak na palibot ng kanilang kaharian. Mula sa hinintuang banda ay namalas ni Timothy ang nakabadhang kalungkutan sa mga mata ng haring Hanzul. Hindi siya agad nakalapit dito sapagkat unti-unti siyang binalot ng kakaibang puwersa, kung saan tinangay siya ng mga alaalang nagsilambayan sa isip ni Hanzul.

    Huling Na-update : 2021-03-04
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER EIGHT

    Agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid, bahagya pa siyang ng napahinto ng madatnan niyang naghahalikan si Phoebi at Verra. Hindi nito agad naisarado ang pintuan, tuluyan na siyang pumasok ng kanyang silid ngunit nanatili lamang nagtutukaan ang mga ito na tila hindi alintana ang pagpasok niya. "Ehem!"malakas niya tikhim upang kahit paano ay matigil ang dalawa sa ginagawa. Kaniya ang silid na kinaroroonan ng mga ito pero kung umasta ang dalawa ay tila pag-aari ng dalawa ang kaniyang silid. Ngali-ngali niyang sakmalin ang mga ito ng mga buhay. Naiinggit ka lang kasi Timothy! Pilyong bulong ng isang bahagi ng isip niya. "Hindi ako naiinggit! Tang ina!"Inis niyang sabi na hindi na niya namalayang naibigkas na pala niya. Nagtawanan naman ang dalawa niyang k

    Huling Na-update : 2021-03-04
  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER NINE

    SA mga sandaling iyon mas pinili nina Timothy ang maglakad sa dating ruta na kanilang dinadaanan--- ang kakahuyan. Sa pagkikita nilang iyon ay muli na namang nakatunghay ang bilog na buwan sa kanila, ang mapusyaw nitong sinag ay nagbibigay liwanag sa madlim na kapaligiran. Hindi katulad noong unang hinatid niya si Kendra na makulimlim at may hatid na mabining simoy ang hangin sapagkat manaka-naka ang ulan dati. Ngayon maalinsanagan ang hatid niyon sa balat nilang dalawa. Parehas lamang silang naglalakad ng tahimik, tila ine-ejoy nila ang mala-romantikong ambiance ng kapaligiran na kanilang nilalakaran. Tanging mga panggabing hayop lamang ang maririnig na huni sa bawat panig ng kakahuyan. Nang bigla na lamang napatigil sa paglalakad si Timothy. Sa pagtigil nito'y marahan niyang inabot ang kakapiranggot na distansya sa pagitan ng kamay nila ng dalaga. Napangsihap pa si

    Huling Na-update : 2021-03-04

Pinakabagong kabanata

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   THE LAST VAMPIRE CHRONICLES (EPILOGUE)

    UNTI-UNTING hinila palayo ni Haring Rosso si Timothy nang makita niyang palapit si Kendra at ang iba pang kasama nito.Hindi niya inaasahan na ganito ang kahitnanatnan ng lahat ng inumpisahan niya. Ang mabilis niyang pagbangon mula sa madilim na pinanggalingan lugar ay tila nagbabadiya na!"Itigil mo na ito Rosso! ubos na ang lahat ng mga kawal mo. Ang tanging gagawin mo lang ay humingi ng kapatawaran sa Amang lumikha. Tiyak kapag ginawa mo iyon ay mapapatawad ka pa Niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo," tugon naman galing kay Don Ascor."Tumigil ka! wala akong pagkakamali lahat ng ginawa ko ay tama dahil iyon ang dapat mangyari. Dapat ako ang binigyan niya ng karapatan na mamuno sa buong sanlibutan at sa Acceria noon, hindi ang isang katulad ni Herriena na nagawa pang umibig sa isang bampira!" galit nitong wika.Muli ay naalala niya ang nakalipas kung saan sariwang-sariwa pa sa alaala niya ang nakaraan buhay niya sa masaganang paraiso kasama ang Ama ng lahat...TUWANG-TUWA s

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SEVENTY THREE

    MULING napasadsad si Kendra sa sahig. Ngunit dahil itinukod niya ang kamay ay hindi siya masiyadong napuruhan.Malalim na ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Pagod na pakiramdam at kawalan ng pag-asa ang maaninag sa kabuuan ni Kendra. Ngunit sa kaloob-looban niya ay masidhing adhikain na makasama na ng tuluyan si Timothy."Kahit na anong mangyari ay hindi mababago ang kagustuhan kong bumalik ka sa amin ng mga anak mo. Kaya ikaw Rosso sumuko ka na, dahil hindi ko susukuan si Timothy kahit na anong mangyari!" matatag na bigkas ni Kendra."Makikita natin..." usal naman ni Rosso at isang pitik ng daliri ang ginawa nito.Sabay na bumukas ang malaking pinto at pumasok sina Lerryust. Nanlalaki ang matang napatitig si Kendra pagkakita sa mga hawak-hawak ng mga ito."Zain! Oreo! Halls!" Pagsigaw niya sa mga pangalan ng anak.Akmang lalapitan niya ang mga ito nang humarang si Timothy at inuumang na naman sa kanya ang patalim ng esapada nito na may bahid na rin ng dugo mula sa kanya.

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SEVENTY TWO

    NAKARATING na nga si Kendra sa Kaharian ni Haring Rosso. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang tadhana, dahil kaagad ng pinagsanggalang nito landas nilang dalawa."Natutuwa naman ako at kusa ka ng bumalik sa aking kaharian mahal kong ina. Hindi ka ba matahimik dahil sa hindi mo kami kapiling ng aking ama." Saka nito binalingan si Aureus na mataman ang pagkakatitig kay Kendra na tila hindi naman alintana ang paninitig sa kanya."Nagkakamali ka, hindi ako pumunta rito dahil para makita at makasama ang isa sa inyo. Narito ako para bawiin si Timothy!" maigting na saad ni Kendra.Agad ang pamumula ng magkabilang mata nito, handa siya sa anuman mangyayari sa kanya sa kaharian nito. Ikapahamak man niya iyon ay maaatim niya basta mailigtas lamang ang asawa niya."Ang sweet mo naman sa kanya, pero 'di bale hanggang ngayon lang naman iyan. Dahil magsasawa ka rin, ito lang masasabi ko ina. Hindi ganoon kadali na makuha mo si Timothy. Dadaan ka muna sa butas ng karayom!" Dumagundong ang malalim nitong

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   Chapter Seventy One

    NAGHAHANDA na si Kendra sa pag-alis, napag-isip isip niya ngayon magaling na siya at kaya na rin niyang lumaban ay pupuntahan na niya si Rosso upang bawiin si Timothy.Hindi siya makakapayag na manatili pa ng ilang araw ang pinakamamahal niyang asawa."Anong ginagawa mo Ma? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Zain na kapapasok lamang sa silid ng kanyang ina.Nakita niya na muling isinuot ni Kendra ang suot panlaban nito. Malakas ang kutob niyang may binabalak ito."Ma! Sumagot ka, anong nangyayari saan ka pupunta?" Pang-uulit ni Zain.Nakaharap sa salamin ng tokador si Kendra, at nakatitig mula roon. Kitang-kita rin niya ang repleksyon ng anak doon."Aalis ako, pupuntahan ko ang Papa niyo sa palasyo ni Rosso. Ibabalik ko siya rito." Pag-amin ni Kendra na napabuntong-hininga pa. Hindi na sana siya magpapakita sa mga anak, aalis siya ng walang paalam para hindi siya mahirapan umalis."Iiwanan mo pala kami, pero bakit hindi ka man nagpapaalam sa amin?" naghihinakit na saad ni

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   Chapter Seventy

    ILANG araw ang lumipas ay pinagbigyan na si Kendra na makalabas sa kanyang silid. Nagawa niyang muling tumayo ng paunti-unti sa pagdaan ng mga araw.Dahil sa ilang Buwan na coma siya ay humina ang senses niya. Tila bumalik siya sa pagkabata na muling nagsasanay na makapaglakad."Sige pa Mama, ihakbang mo pa." Pang-uudyok ni Zain na nasa harapan ni Kendra. Nakahanda itong saluhin siya oras na mawalan siya ng balanse."Tama iyan Mama, ganyan nga nagagawa mo na ng maayos. Ipagpatuloy mo lang hanggang sa masanay kang muling makapaglakad," saad naman ni Halls.Si Oreo naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang nag-e-strum sa gitara nito.Mula ng gumising sila ay naibalik na rin sa kanila ang kani-kanilang pagmumukha.Mas gusto naman nila iyon dahil mas kumportable sila sa dati nilang kaanyuan.Tumayo na si Oreo matapos niyang itabi ang hawak na gitara."Hindi pa ba kayo tapos diyan, tayo naman ang magsanay!" Pag-aya niya sa dalawa."Ikaw na lang Oreo, tatapusin pa namin ang session kay

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SIXTY NINE

    UNTI-UNTING iminulat ni Kendra ang namimigat na mata. Nang tuluyan siyang makaaninaw ang una niyang nagisnan ay ang puting kisame.Sobrang napakatahimik ng paligid niya, nang inilinga-linga niya ang ulo ay nasa isang silid pala siya. Doon niya rin napagtanto na may mga nakakabit na mga tubo sa kanya.Akma niyang hahablutin ang isa sa mga iyon nang madinig niya ang pagbukas ng pinto."My god your awake Kendra!" Gulat na gulat ang reaction ni Yalena. Nagmadali itong naglakad palapit sa kanya."Y-Yalena, a-anong nangyari?" nagtataka naman na tanong ni Kendra."Wala ka bang maalala?" balik-sagot naman nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Kendra, inalala nga nito ang huling nangyari bago siya panawan ng ulirat."Ang pagkakatanda ko ay na-enkuwentro ko sina Rosso, pinagtulungan nila ako. Akala ko mamatay na ako... hindi pa pala." May bitterness sa tinig niya.Mas gusto pa kasi niyang mamatay, dahil ang totoo ay siya lamang ang magiging susi para matigil na ang paghaharian ni Rosso ang anak

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SIXTY EIGHT

    DINALA na nga siya ni Lerryust sa magiging silid niya sa palasyo.Inilibot niya ang tingin sa paligid, pula ang kulay ng dingding. Itim ang mga blinds ng bintana, ang chandelier na glamoroso tignan na nakadikit sa itaas ng kisame ay sapat na para mabigyan ng liwanag ang silid.Inilinga pa niya ang pansin, isang katre ang naroon na may matress. Katulad ng mga panahon ng espanyol ay may tabing iyon. Isang lampshade ang nakita niyang nasa lamesa ng tabi ng hihigaan niya. Pati ang aparador na sa tingin niya'y antic ay bumagay naman."Tapos ka na ba sa ginagawa mo, kung maari pumasok ka na sa loob. Hintayin mo na lang ang pagkain na ibibigay sa iyo." Pag-agaw ng pansin ni Lerryust sa pagmamasid niya."Salamat," pagsagot naman ni Timothy bilang pasasalamat. Dahil napansin niya ay tila bumait ito sa kanya."Salamat? para saan. Anong inaakala mo ayos na tayo, huwag kang aasa na porke't pinatutunguhan kita ng maayos ay okay tayo. Nagkakamali ka Timothy, dahil kalaban pa rin ang turing ko sa'y

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SIXTY SEVEN

    HINDI pa sumisikat ang araw ng mapagpasiyahan ni Timothy na umalis. Hindi na siya nagpaalam sa mga kasama niya, dahilan niya ay baka mahirapan pa siyang makaalis.Sa paglabas niya ng pinto ay hindi niya inasahan ang madadatnan niya mula sa kabilang pinto."Sinasabi ko na nga ba, tama ang sinabi sa akin ni Aureus. Kusang ikaw ang lalabas sa pintong ito!" Sikmat ni Lerryust at agad siyang hinila."Bitiwan mo ako walang hiya ka!" Pagpapalag naman ni Timothy na natumba pa sa lapag. Hindi siya makatayo dahil dinaganan siya nito mula sa likuran niya."Tanga ba ako Tim? Hindi ako uto-uto katulad mo. Kita mo na magpahanggang ngayon ay talunan ka!" Saka ito nagtatawa. Agad na sinenyasan nito ang mga kawal na kasama nito na pasukin ang silid ng pagsasanay."Ngayon, nadiskubre na namin ang pinagtataguan niyo ay tatapusin na namin kayo isa-isa! Ayaw mo niyon Tim hindi na kayo maghihirap at magkakahiwalay habang panahon!""Hindi mangyayari iyan!" Pagsisigaw ni Timothy. Tumigil na siya sa pagpapa

  • The Last Vampire Chronicles TAGALOG   CHAPTER SIXTY SIX

    BIGLANG nabaling ang buong pansin nina Timothy nang magising si Zain at Oreo. Ngunit hindi na katulad ng dati ang gawi ng dalawa.Biglang nagwawala ang mga ito na parang ulol na aso."A-ano pong nangyayari sa kanila?" Nahihintakutan at umiiyak na tanong ni Coleene.Hindi naman nasagot ni Timothy ito dahil sa tuluyan niyang tinalian ang mga anak. Masakit man sa loob niya na gawin iyon ay iyon ang dapat.Agad naman niyakap ni Eleezhia si Coleene, maging siya ang nabibigla rin sa mga nangyayari. Kanina lang ay maayos pa nilang nakakausap ang dalawa. Pero ngayon halos hindi na nila makilala ang dalawa."Lumabas na muna kayo." Utos ni Timothy matapos na gumilid. Katatapos lang niyang matalian ng mahigpit ang dalawa. Pinagpawisan siya at nahirapan dahil sa pangangalmot at ginawang pagwagwag ng mga kamay."Pero gusto po namin silang bantayan, kung pahihintulutan niyo po." Pakiusap ni Coleene."I'm sorry ija, pero hindi pwedi... mas mabuting iwan niyo muna sila. Hindi kayo safe rito," sabi n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status