Home / Urban / The Lady Gangster's Mission For The Prince / 78 - Ang Bahagyang Pagtaas Ng Boses Ni Prince Franco

Share

78 - Ang Bahagyang Pagtaas Ng Boses Ni Prince Franco

Author: acire_berry
last update Huling Na-update: 2023-11-01 08:00:18

"B-bakit ako ang napili mo, ama? Nandiyan naman si Prince Franco para siya ang pumalit, at isa pa babae ako at siya naman ay lalaki, kaya dapat na siya ang turuan hindi ako."

Umiling-iling si King Felip. "Lalaki man o babae ay dapat marunong lumaban, aking anak. Kung pagbabasehan lagi ang kasarian para ipagtanggol ang sarili ay siguradong mayroong masasaktan. Hindi sa lahat ng oras ay may nagbabantay sayo para sila ang humarap sa masasamang tao. Mas mabuting may alam ka kahit pa hindi ikaw ang pinakamahusay." Maliit na ngumiti pa ang hari sa kanyang anak.

Walang nagawa si Princess Francesca sa hiling ng kanyang ama, kaya naman nagpalit siya ng damit para makakilos ng mabuti, pero sa paghawak pa lang ng espada ay hindi na niya mabuhat paangat para gawing pananggalang sa espada ng kanyang ama.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay sumusuko na si Princess Francesca. "A-ayoko na a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   79 - Ang Desisyon Ng Mga Hari

    Samantala, nang nakapasok nasa palasyo si Princess Francesca at tuloy-tuloy na pumasok ng kwarto ng kanyang ama at ina ay nadatnan niya ang kanyang ina na umiiyak."Ina, a-anong nangyari?" nagtatakang tanong ng prinsesa.Pinalis ni Queen Alice ang luha sa kanyang mata at ngumiti sa kanyang anak. "May maliit na dumi lang na pumasok sa aking mata, kaya nagdulot ng pagtulo ng luha ko dahil ang hirap niyang alisin."Kunot noo namang tumitig si Princess Francesca. "Naalis na ba ang dumi? Kailangan mo ba ng tulong para maalis iyon, ako na ang gagawa para sayo."Lalakad na sana palapit ang prinsesa ng pigilan ito Queen Alice."Huwag na. Naalis ko na at siguro ay nasama na din

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   80 - Ang Napili Ni Prince Dylan Na Hahalili

    Napangisi ng maliit si Prince Dylan, kaya naman ang ibang maharlika ay may galit na ngayon sa kanilang mga mukha."Pinakikita mo ba ang iyong tunay na ugali sa amin prinsipe!" matigas at may diin na saad ng isang hari.Sumeryoso si Prince Dylan at tinitigan ang nagsalitang hari. "May karapatan ako dahil ako ang anak ng hari na sinusubukan niyong alisan ng karapatan sa kanyang palasyo."Napapikit naman ang hari. "Hindi namin inaalis ang karapatan ng iyong ama bagkus ay tinutulungan namin siya.""Tulong? Ang magpulong at pumili ng papalit sa kanyang trono dahil siya ay may sakit at hindi niyo din binigyan ng pagkakataon na patunayan ko ang aking sarili para ako na ang pansamantalang pumalit sa pamamahala ng aming palasyo.""Hindi mo pa kaya Prince Dylan, kaya huwag ka ng mag matigas," saad ng isa p

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   81 - Ang Mga Sulat Sa Ilalim Ng Higaan

    Naalarma naman ang heneral. "Huminahon ka binibini. Hindi ka puwedeng marinig ng prinsipe at malaman na nandito ka lang."Tumalikod siya sa heneral habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa noo niya. Sa isip niya, "Dumagdag pa sa isipin ko ang desisyon ni Dylan, lalo pa't si Prince Damon ang pinaghihinalaan ko na nagbibigay ng sulat kay King Stephen tungkol sa buhay niya."Napabaling bigla ang dalawa ng tumunog ang seradura ng pinto. Handa na sanang magtago ni Adira ng nakita niyang pilit na pinipihit lang ang naka-lock na seradura. Nagkatinginan ang dalawa dahil alam nila kung sino ang sumusubok na buksan ito. Isang minuto din na pinilit na buksan ang pinto, pero hindi ito nagtagumpay."Mukhang dito na naman siya pupunta sa kabila ng nangy

    Huling Na-update : 2023-11-02
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   82 - Ang Pag-uusap Ni Prince Damon at King Cyrus

    Napapikit siya at inaalala kung mayroon nga bang halaman sa loob o sa paligid ng palasyo, pero wala siyang maalala na may nakita siya. "Mukhang kailangan kong lumabas ng palasyo at hanapin ang halaman na iyon. Pero bukas na siguro ng gabi masyadong napagod ang isip at katawan ko ngayon at ilang oras na lang ay sasapit na ang gabi."Samantala sa Paradise Castle halos kadarating lang nila Queen Alice dahil may dinaanan pa ito at nagtagal sila doon.Sumalubong kaagad si King Felip. "Saan kayo nagpunta, aking reyna?"Ngumiti si Queen Alice at tumingin kay Princess Francesca. "Sa Stalwart Castle, nais sana namin na makausap si Prince Dylan, pero mukhang may bisita siyang mas dapat unahin.""Ano naman ang dapat niyong pa

    Huling Na-update : 2023-11-02
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   83 - Ang Pagpasok Sa Kwarto Ng Misteryosong Lalaki

    Ilang saglit pa nga lang ay tuluyan ng nahimbing ang pagtulog ni Adira.Hating gabi ay tahimik na sa loob ng palasyo at sa labas, tanging ang mga kawal na lang ang gising na nakabantay sa paligid ng palasyo. Nang may isang misteryosong tao na nagpakita sa tuktok ng bakod ng palasyo habang nakasuot ng itim na may saklob sa kanyang ulo. Tumalon ito sa loob ng tarangkahan ng palasyo mula sa bakod. Ang bilis niya ay hindi makikita ng kawal dahil ilang segundo lang ay nasa beranda na siya ng kwarto ni Adira.Sa pagkakataon na iyon ay hindi nasarado ni Adira ang pinto papunta sa beranda dahil sa kurtina, kung hindi titingnan mabuti ay aakalain na nakasarado ito dahil sa kulay itim na kurtina.Lumapit ang misteryosong lalaki sa pinto at hinawi ang kurtina. Nakita niya na mahimbing ng natutul

    Huling Na-update : 2023-11-02
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   84 - Araw Ng Pagtatalaga Bilang Kapalit Ng Hari

    Samantala kung ai Adira ay matutulog muli, si Prince Dylan naman ay hanggang ngayon ay gising pa. Nakahiga lamang siya at nakapikit, pero hindi siya dinadalaw ng antok, kaya naman tumayo siya at sumilip sa ilalim ng kanyang higaan, pero nang hinahanap na niya ang mga sulat ay wala siyang makita kahit isa.Kumunot ang noo niya at muling hinanap ang mga sulat pero hindi talaga niya makita. "Nasaan na ang mga sulat na nandito? H-hindi maaaring mawala iyon," hindi siya mapakali at kahit pa ang daming kalat sa ilalim ng higaan dahil sa paghahanap sa sulat ay wala ng siyang paki-alam.Umupo siya, at ang mga mata ay hindi mapakali sa sobrang kaba. "Sino ang kumuha?"Ang mga sulat na nakuha ni Adira ay itinago talagang mabuti ni Prince Dylan dahil sa mga mens

    Huling Na-update : 2023-11-02
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   85 - Kumpirmado Na Lason

    Mabilis na bumaba si Prince Dylan at tuloy-tuloy na lumakad palapit kay Prince Damon."Prince Damon, ano't huminto ka sa paglalakad?" tanong ni Prince Dylan.Lumipat naman ang tingin nito kay Prince Dylan. "Wala namang dahilan kung bakit, sadyang napahinto lang ako sa paglalakad." At tumingin muli kay Adira. Napansin iyon ni Prince Dylan kaya tumingin din siya sa puwesto ni Adira."Kung ganon ay kailangan na nating magpatuloy muli," seryosong saad ni Prince Dylan at naglakad muli papunta sa trono.Napangisi naman si Prince Damon at nakita iyon ni Adira."Parang may binabalak na naman ang prinsipe na 'to," habang lumalakad si Prince Damon ay naniningkit ang mata niya.Nang nakarating na sa taas si Prince Damon ay sinubukan nitong lumapit sa trono ni King Stephen."Hanggang diyan ka na lang. Huwag mong balakin na lumapit o umupo sa trono ng aking ama," seryosong saad ni Prince Dylan.Napataas naman ang dalawang kilay ni Prince Damon. "Ano pa ang dahilan kung bakit ako ang napili mo kung

    Huling Na-update : 2023-11-05
  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   86 - Paghahanap Ng Lunas

    "Anong klase ng gamot ang kailangan baka mayroon ang doctor?""Halaman ang kailangan ko, heneral, at hindi tablets na reseta ng doctor. Ang berdeng dahon na may kulay pulang ugat sa gitna nito, kaya nasabi kong mahirap hanapin ang halaman na iyon ay dahil halos tumutubo lang ito na hanggang tuhod ng tao at nakahalo sa mga damo. Hindi din ito aakalain na gamot dahil mukhang ordinaryo lang sa paningin ang mga dahon nito, pero ang bisa naman ng dahon na 'yon ay walang makakapantay na kahit ano pang capsule ng gamot para sa lason."Napabuntong-hininga ang heneral. "Kung ganon paano tayo makakakuha ng ganoong halaman?""Mamaya pagsapit ng hating-gabi. Laabas ako ng palasyo at titingnan ko kung makikita ko ang halaman na iyon sa maliit na gubat na nakita ko noong nakaraang araw. Nawa'y makita ko iyon kaagad dahil kung hindi —" tumigil siya at tumingin kay Heneral Agustin. "Ang kakampi ng kanyang anak ay mawawala na ng tuluyan."Pumikit ng ilang beses si Heneral Agustin dahil may nagpakitang

    Huling Na-update : 2023-11-05

Pinakabagong kabanata

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   EPILOGUE

    Napailing na lang si Prince Dylan sa naalala. Bago pa man magpakita ng mukha si Adira noon ay alam na niya na nagtatago lang ito sa kasuotan ng kawal, lahat ay alam niya maging sa kung paano nito ginamot ang kanyang ama.Isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa. "Paumanhin, mahal na prinsipe. Pinatatawag ka na ng hari, nandiyan na ang prinsesa."Agad namang pumunta si Prince Dylan sa trono at hinantay ang kanyang magiging asawa na si Adira.Samantala habang naglalakad si Adira patungo kay Prince Dylan. Nakita niya si Simon at si Sabrina na nakahanay sa mga bisita. Napangiti siya sa mga ito at nangilid ang luha, lalo ng nakita niya si Simon na matagal na niyang nakasama at tinuring na din niyang ama. Kumaway ito at nakangiti ng pagkalaki ,isa na din pala siya sa heneral ng kanilang palasyo ngayon. Si Sabrina ay okay na din maging silang dalawa, babalik ito sa bansa kung saan siya galing at doon ipagpapatuloy ang buhay nito.Nang malapit na siya kay Dylan ay bumaba ito at hinawakan ang

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   98 - Bago Ang Lahat Ng Rebelasyon

    Ang pagpunta ni Adira sa bansa ni Prince Dylan ay planado simula pa lang. Nagkataon na nahanap ni King Stephen si Adira at ito ang kinuha niya bilang tagapagbantay sa kanyang anak, ngunit si King Felip at Simon ay may plano na noon pa man.Nang nalaman ni King Felip na dadalhin na sa kanila ang prinsesa dahil natagpuan na din ito ng kanyang asawa na si Queen Alice, hindi niya inaasahan na ibang tao ang pinadala nito sa bansa nila. Hindi niya sinubukan na kausapin ang kanyang asawa tungkol sa babaeng nasa kanilang palasyo na si Sabrina.Ang lahat ay palabas lang, simula ng makasalubong nila si Adira sa palasyo ng Stalwart Castle, pero si King Felip ay masayang-masaya noong panahon na 'yon dahil unang beses niyang nakita ang kanilang prinsesa, at ito ang naka-mana ng angking galing niya sa paghawak ng espada o sabahin na mas magaling pa nga ito sa kanya.Simula ng nalaman ni King Felip kung nasaan ang kanyang anak ay pinabantayan niya ito sa tulong ni Simon. Si King Felip din ang nagpaga

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   97 - Ang Totoong Prinsesa

    Napangiti siya at tumingin sa kalangitan. "Tagumpay ang ilang gabi kong pagpapatuloy na daluyan ng katas ng dahon ang katawan ng hari. Tapos na din ang misyon ko dito kaya puwede na akong bumalik sa—" napahinto siya ng maalala si Sabrina at ang sinabi ni King Felip. "Ano kaya ang sinasabi ng hari ng Paradise Castle, at isa pa anong ginagawa ni Sabrina dito at sa pagkakadinig ko kanina ay siya ang daw ang prinsesa?" Gulong-gulo siya habang nakakunot ang noo. Pero nagpasya siyang pumunta na ng kwarto para malaman ang totoo bukas dahil malaking palaisipan pa din kung si Sabrina ay tunay niya bang kapatid o sadyang may iba itong pamilya talaga.Nang nakapasok agad si Adira sa loob ng kwarto habang nakatitig sa kisame ay dinalaw na din siya ng antok. Hindi niya alam na si Prince Dylan ay nasa labas ng kwarto niya at akma sanang kakatok ngunit hindi na nito tinuloy at umalis na lamang.Si King Stephen ay tuluyan na ngang nagising at nagagalaw ang kanyang mga daliri, ngunit mahina pa ang kat

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   96 - Si Adira Na Naguguluhan

    "Anong sinasabi mo diyan, King Felip. Hindi ko naisip na gawan ng masama ang iyong anak noon."Tumingin muna si King Felip kay Princess Francesca. "Batid ko ang lahat ng ginawa mo noon, Cyrus. Pinahanap mo din ang aking prinsesa para patayin ito kahit sanggol pa lang, dahi pakiramdam mo na pag dumating na ang panahon na sumapit na ang takdang edad ng mga bata ay sila ay magpapakasal at lalong lalakas ang Stalwart Castle."Tahimik lamang na nakatitig si King Cyrus kay King Felip. "May dalawang tao kang napatay dahil sa kasakiman mo Cyrus, kaya may naiwan itong anak na hanggang ngayon ay tumatangis." Tumingin siya sa mga kawal ni King Cyrus. "May pagkakataon ka pang utusan ang mga kawal mong ibaba ang kanilang mga espada kung gusto mong mabuhay pa."Tumawa ng malakas si King Cyrus habang nakatingin kay King Felip. "Ang galing saan niyo nalaman ang mga bagay na lihim ko lang na ginagawa—""Sa akin."Kumunot ang noo ni King Cyrus ng may nagsalita na pamilyar na boses, pero mas nagulat siy

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   95 - Ang Biglaang Digmaan

    Halos gumuho ang mundo ni Prince Dylan sa pangalan na sinabi ng doctor. Lumingon siya kay Prince Damon na may luha sa mata, pero ang prinsipe ng Valiant Castle ay ganon din, may luha na tumulo na din sa mga mata nito."Alam mo ba ang tungkol dito?!""Alam ko," sagot ni Prince Damon.Sinugod ni Prince Dylan si Prince Damon. Kinuha niya ang espada sa bewang ni Prince Damon at tinutok sa mukha nito. "B-bakit hindi mo sa akin sinabi na ang ama mo pala ang may kagagawan ng lahat ng ito?!"Walang emosyon na tumingin si Prince Damon sa mata ni Prince Dylan. "Sinabi ko sayo— sa sulat." Unti-unting kumunot ang noo ni Prince Dylan. "Ang huling sulat ko ay tungkol doon ang nakalagay, Prince Dylan.""Anong ibig mong sabihin, ikaw ang misteryosong nagpapadala ng sulat sa akin?"Dahan-dahan na tumango ang ulo ni Prince Damon, pero si Prince Dylan ay napangisi lang. "Anak ka ng salarin, pero bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat-lahat kung kailan malubha na ang lagay ng aking ama!" Nagsimula ulit t

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   94 - Ang Katotohanan Sa Mga Sulat

    Nag-umpisang magkwento ni Prince Damon tungkol sa ina ni Prince Dylan. "Si Queen Haraya ay ang ina ni Prince Dylan at asawa ni King Stephen. Mabait ito at laging nakangiti sa tuwing nakikita ko siya noon, si Prince Dylan naman ay masayahin din katulad ng kanyang ina, pero nabawasan lang iyon ng mamatay si Queen Haraya. Si ama ay matalik na kaibigan ni King Stephen at halos bago pa sila maging hari ay sila ang magkasamang dalawa base sa kwento ng aking ina. Si ama ay may gusto noon kay Queen Haraya at sinuportahan siya ni King Stephen sa gusto niya, ngunit ang reyna, si Queen Haraya, ay hindi nagustuhan o nagkaroon ng damdamin para sa aking ama dahil ang gusto nito ay si King Stephen. Nang lumipas ang mga taon ay nagkatuluyan si King Stephen at Queen Haraya habang si ama ay nagdurusa dahil hindi siya ang pinili ng reyna.""Gumaganti siya dahil lang doon?"Maliit na napangiti si Prince Damon. "Ganon na nga, binibini. Tinatak niya sa isipan niya na inagaw ni King Stephen si Queen Haraya

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   93 - Alam Ni Prince Damon Na Nagtatago Si Adira

    Naningkit ang mata niya. "Sa tingin ko ay kilala mo kung sino ang mga iyon?"Malungkot na tumingin sa kalangitan si Prince Damon. "Si King Cyrus — ang aking ama ang tinutukoy ko."Gulat na muntik pang mabitawan ang hawak niyang tasa na may mainit na kape. "Anong sinasabi mo diyan?""Totoo iyon, siya ang salarin sa lahat ng nangyayari sa palasyo ng Stalwart Castle, kay Prince Dylan, at lalo na kay King Stephen.""Teka, naguguluhan ako. Kahit isang beses ay hindi ko pinaghinalaan ang iyong ama dahil mas tingin ko ay ikaw ang gagawa ng hindi maganda."Bahagya namang siya nitong pinanlakihan ng mata. "Hindi lahat nakikita sa paglabas lang na anyo, binibini!"Nagkibit-balikat siya. "Ano naman ang dahilan ng ama mo at bakit magsisimula siyang magdeklara ng digmaan?"Malungkot na ngumiti si Prince Damon. "Dahil sa ina ni Prince Dylan."Unti-unting kumukunot ang noo niya. "May kwento ba ang sinasabi mo?"

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   92 - Ang Labanan Sa Pagitan Ni Adira At King Felip

    "Kakaibang hari naman nito, pero masasabi kong mabait siyang hari dahil sa paraan niya ng pagka-usap sa isang kawal. Ang weird lang niya tungkol sa espada." Natigilan siya dahil nakalimutan niya na itong hari sa harap niya ay ang mahusay sa paggamit ng espada, ito nga pala ang hinirang na "The Sword King.""Sandali lamang tayo, at sisiguraduhin ko na hindi ka naman masasaktan."Tumitig siya sa mukha ng hari. Ang gaan talaga ng awra nito at lagi pang nakangiti, kaya tumango siya bilang pagpayag sa gusto nito."Salamat, sumunod ka sa akin sa likod ng palasyo." Lumakad na ito paalis.Lumapit muna si Adira sa kapwa niya kawal at sinabi na may ipapagawa lang ang hari ng Paradise Castle. Pumayag naman ang mga ito, kaya sumunod na siya kaagad kay King Felip."Bunutin mo ang espada mo hangga't hindi pa tayo nag-uumpisa. Alam mo na din naman siguro na bihasa ako sa paggamit ng espada dahil ako ang tinaguriang hari na mahusay sa paggamit nito." Habang ang mga kamay ng hari ay pinapasadahan ang

  • The Lady Gangster's Mission For The Prince   91 - Ang Paghingi Ng Pabor Ni King Felip

    Nang nakapaghilamos na si Adira ay agad siyang umupo sa harap ng mesa at nakatulalang kumakain habang nakatitig sa higaan niya. Iniisip pa din niya kung paano nagawa iyon ng heneral.Isang oras ang lumipas at nakapaghanda na din si Adira. Lumabas siya ng kwarto at nagpatuloy bumaba sa hagdan. Tumigil siya saglit malapit sa pinto palabas ng palasyo."Saan na naman kaya pupunta ang prinsipe? Bakit pa siya aalis kung nandito ang prinsipe ng Valiant Castle. Malakas pa naman ang pagdududa ko sa prinsipe na 'yon." Gumilid siya dahil palabas na ng palasyo si Dylan. Diretso lang ito ng tingin at nang nasa tapat na ito ng pinto ng kotse ay huminto ito at tumingin sa kanya."Kawal, halika. Lumapit ka sa akin," kalmado lang ang pagkakatawag nito kay Adira.Nagtataka man ay lumapit siya, pero hindi masyadong malapit sa prinsipe. Tumingin muna si Dylan sa mata niya bago magsalita."Ikaw ang magiging kasama ko sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin ng ibang kawal ay kabayo, pero ikaw ay kasama ko sa lo

DMCA.com Protection Status