Share

The Kidnapper Bride and Groom
The Kidnapper Bride and Groom
Author: xymonette

Simula

Author: xymonette
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Prologue

"He's getting married, Madam."

Halos magpintig ang tainga ko dahil sa ibinalita sa akin ng kanang kamay ko, si Trevor. Mapakla akong nagpakawala ng isang malakas na tawa at hindi makapaniwalang suminghap matapos maproseso sa isip ang narinig. Ano raw?

"Where did you get that information? Huwag mo akong pinaglololoko, Trevor! Mapapatay kita kapag nalaman kong nagsisinungaling ka!" Nanlilisik ang mga mata ko habang dinuduro siya, hindi maitago ang kaba at takot sa nalaman.

Trevor swallowed hard. Halatang takot at kabado kahit na mas malaking tao siya kung ikukumpara sa akin. Hawak ang isang malaking Ipad, nanginginig ang mga kamay niyang inabot iyon sa akin sabay pakita ng isang artikulo na naglalaman ng balita tungkol sa Ex-Husband ko. Pigil hingingang binasa ko ang nakasulat doon bago malakas na ibinato sa pader ang tablet na siyang dahilan ng pagkabasag at pagkaka pira-piraso nito.

"No fucking way! Hindi ako makakapayag! Ang kapal ng mukha niya!"

I don't know why, but I just suddenly burst out. Puno ng sakit, poot, galit at pighati akong sumigaw sa loob ng opisina habang paulit ulit na parang sirang plaka sa utak ko ang nakasulat sa Artikulo.

"Jarell Xavier Flint is finally getting married again after years!"

"Kailan nga ulit ang kasal?" Umigting ang panga ko at matalim na sinulyapan si Trevor.

"T-tomorrow, Madam."

Napapikit ako sa sagot niya at sunod sunod na napamura. Hell no! He can't do this to me! He can't do this to us! Ano ang karapatan niyang magpakasal sa iba, e inabandona niya nga kami ng anak niya? Gusto kong lumipad kaagad ngayon sa Pilipinas upang sugurin siya at itigil ang kahibangang magpapakasal siya sa iba! Paano ang anak niya rito sa akin? Kaya nga ako naglakas ng loob na alamin ang kalagayan niya sa Maynila ngayon dahil nagsisimula na siyang hanapin ng anak namin sa akin, tapos ito ang mababalitaan ko? Ano ang isasagot ko sa anak ko?

"Anak, ang papa mo ay magpapakasal na sa iba..." Ganoon ba? Tanginang Flint talaga 'yon! Hindi na ba niya mapigilan at kating kati na siyang magkaroon ng panibagong asawa?!

Sa galit, mabilis akong nakaisip ng alternatibong plano upang mapagtagumpayan ang nais ko. I massively sighed and dropped off my body against the swivel chair, trying to calm myself. I slightly massaged the bridge of my nose to ease the pain of my aching head.

"Trevor," I called his attention. Kanina pa siya nakatanaw lang sa akin at hinihintay akong kumalma. To be honest, I don't care if he can see my worst state right now. Mula yata nang makuha ko siya bilang sekretarya ay hindi na ito muli pang napalitan dahil sa sobrang haba ng pasensya niya. He's been with me for the past 7 years. Masyadong malaki ang tiwala ko sa kanya, kaya ngayong may binabalak akong plano, tingin ko'y siya ang pinaka makakatulong sa akin.

Ibinigay ni Trevor ang buong atensyon niya sa akin. "I need to go back to the Philippines as soon as possible, kung maari ay ngayon na. Private man o Public, asikasuhin mo kaagad. And here's my plan," I stated my plans and he just silently listened the whole time. Hanggang sa matapos at pinal na naayos ang mga dapat gawin, umuwi na ako sa bahay na tinutuluyan at nagsimula nang i-impake ang lahat ng kailangan ko.

"Mommy, are we leaving tonight?" Xiania, my daughter asked. Maybe she noticed how we packed everything that we need. Halos maubos ang mga kagamitan namin dahil alam kong tiyak na magtataal kami roon sa pupuntahan.

"Yes baby, we will go back to the Philippines!" Masiglang anunsyo ko, at gaya ng inaasahan, nagalak ito at halos magtatatalon sa nalaman.

"Wow! Mami-meet ko na po ba si Daddy Badboy?!" Napangiwi ako sa ginamit niyang tawag sa Ama niya. She knows that her Dad is an evil Mafia boss. Hindi nga lang nito alam ang mga kawalangyaan na ginagawa, basta ang alam niya ay may baril dahil nakita niya sa mga naligaw na litrato sa gamit ko.

"Y-yeah, we'll try to meet him if hindi siya busy. Mommy will talk to him first, okay?" I smiled at her. Alanganin pa talaga ako sa totoo lang. Hindi ako sigurado kung talaga bang magiging successful ang plano ko. Xavier is good when it comes to fighting. He's not a Mafia for nothing, kaya medyo hindi ako confident sa gagawin ko.

"We already settled everything, Madam. Gumagalaw na po ang mga ni-hire natin na tauhan," balita sa akin ni Trevor nang makalapag kami sa Pilipinas gamit ang magkabilang sasakyang panghimpapawid.

"Good, then."

Umaga na nang makarating kami sa bansa. It feels nostalgic to come back here after a long time. Mapait at hindi ganoon kaganda ang huling ala-ala ko rito bago umalis, kaya naman hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa muling pagbabalik. Basta, ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang maghiganti.

"The wedding will start anytime soon, make sure to do what I've said..." malamig ang boses ko habang blangkong nakatanaw sa dagat ng Islang binili ko para sa planong gagawin ngayon. Malakas na umihip ang hangin kasabay ng naghahabulan na piraso ng mga buhangin mula sa tabing dagat. "Kidnap Elisha's Groom, My ex-husband," mariin kong utos.

"Copy, Madam."

"Mommy, when will you fetch me?" nakangusong ungot ni Xiania habang hinihila ang itim na dress kong kasalukuyang nililipad ng hangin. Natawa ako at bahagyang yumuko upang magpantay ang lebel ng tingin namin.

"I'll fetch you once I am done talking to your Badboy Daddy. He has lot of workloads kasi, kaya need muna namin mag-talk at mag-work together. After that, kukunin ka na namin kay Tita Victoria. Kasama ko na si Badboy Daddy by that time!" pang-uuto ko sa anak. Mukha namang effective dahil agad na siyang sumama kina Victoria na siyang naging matalik kong kaibigan. She's the only family that I have right now.

"Ewan ko sa'yo, Xialia. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang kidnap-in si Xavier e pwede ka naman na makipagkita at makipag-usap nang maayos sa tao." Napailing na lang si Victoria at hindi pa rin makapaniwala sa gagawin ko.

I rolled my eyes. "Just shut up and help me. Make sure to take care of my daughter, okay? Libangin na lang kamo ni Vraxx sa paglalaro," tukoy ko sa anak niya.

Nagpaalam na rin sila matapos ang ilang oras. I let my daughter stayed with them for the mean time. Mapagkakatiwalaan naman iyon, at hindi naman siguro tatagal ng isang buwan ang pagkikidnap ko sa Flint na iyon!

"Madam, mission succeeded! Papunta na ho riyan ang Yate na susunod na inyo, nasa kabilang yate na ho si Sir Xavier, Madam."

Namilog ang mga mata ko sa nalaman. "Seryoso? Nakuha niyo si Xavier?!" I can't believe that they really did it! "What happened? Bakit ang bilis at ang dali? Hindi ba nanlaban?"

"Nakatulog po, Madam. Nawalan yata ng malay."

Nakahinga ako nang maluwag, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Parang may mali... alam ko na malakas kalaban ang mga Flint dahil alam naman ng lahat kung gaano makapangyarihan ang pamilya niya. Pero, ito... hawak ko siya sa leeg, parang... hindi kapani-paniwala? Hindi kaya't may alam at kutob na siya? No! Pero bakit naman at paano, hindi ba? Wala na kaming konenksiyon sa isa't isa mula nang masira ang relasyon namin!

Halos manlamig ako sa ilang oras na paghihintay ko sa Isla. It was a secret and almost isolated Island that I bought yesterday. Dito ko siya napiling dalhin upang hindi malaman ng mga tao, lalo na't sigurado ako ngayon na hindi na matutuloy ang kasal niya sa babaeng iyon. Tiyak na pinapahanap na nila si Xavier lalo na't pinalabas ko sa madla na tumakas ito at inayawan ang pagpapakasal. I smirked with that thought.

Sa akin ka lang ikakasal. Ako lang ang nararapat na maging asawa mo. Ako lang ang nag-iisang Flint ni Xavier. Ako lang ang pakakasalan niya... noon man, o ngayon. Ako lang.

At gagawin ko ang lahat upang bumalik siya sa akin, pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa mahal pa rin namin ang isa't isa... kundi dahil sa paghihiganti ko. I'll fucking revenge for myself, for what he did from me years ago, how he hurt and ruined me, and lastly... revenge for my Parents whom he killed out of obsession and jealousy.

Xavier's Point of View

"Madam, we're here..."

Halos mapangiwi ako sa sakit nang padarag akong binitawan ng mga lalaking dumukot sa akin. I gritted my teeth as I tried to get up. Sa abot ng makakaya, umupo ako kahit hilong hilo na. They made me fucking inhaled something weird a while ago, causing me to lose my consciousness. Now, I couldn't see anything because I was blindfolded. Limitado rin ang bawat galaw ko dahil nakagapos din ang mga kamay ko gamit ang posas. I was only sitting like a poor beggar here on the cold floor of the yacht.

"So, it was real... Good job!" I heard a familiar voice.

Damn it, even her voice sounds so... Fuck! Stop it, Xavier! This woman fooled you! Huwag ka na uling magpapaloko, tangina ilang taon na! But... I can't deny that I miss hearing her voice.

"Leave us alone," I heard Xialia said.

"Welcome back my Ex-wife, ang ganda ng salubong mo sa akin, ah?" I smirked. Hindi ko siya nakikita dahil sa sagabal na nakaharang sa mga mata ko, ngunit batid ko na umuusok na ang tainga niya ngayon sa inis.

"Shut the fuck up, Flint."

See? I am right. Damn, sexy.

"What do you need from me? Missed me so much?" asar ko pa. Tangina, miss na miss ko siya, tapos siya'y galit na galit pa rin! Ako nga napatawad na siya dahil pitong taon na ang lumipas!

"Fuck you, wala akong kailangan sa'yo!" Narinig ko ang sunod sunod na tunog ng paghakbang ng takong niya bago ko naramdaman ang lakas at init na dala ng palad niya. P**a, sinampal ako!

My jaw clenched. "Kung ganoon, bakit ako narito, Xialia?"

"S-someone needs you! Napag-utusan lang ako!" Nauutal pa ito sa pagsasalita. She's hiding something.

"Sino ang may kailangan sa akin, at bakit kailangan pa na dakupin ako rito sa araw mismo ng kasal ko? Hindi ba siya makapaghintay at sinadya pa talaga na sirain ang isa sa importanteng pagdiriwang-" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi dahil sunod sunod na magkabilang pisngi ang sampal na natanggap ko.

"Damn you, asshole! Isinusumpa ko, sa oras na makita mo siya, hinding hindi ko siya palalapitin sa iyo kahit kailan!" Bakas ang sakit at galit sa tono niya, dahilan upang kabahan ako. Sino ang taong nais akong makausap at bakit ganito siya kung maka-react?

"Hindi rin kita mapapatawad dahil sa paninira mo ng kasal ko. Bakit, Xialia? Sa tagal mong nawala, nagyon ka lang bumalik? Kung kailan... matatali na ako muli? Bakit? Bakit ngayon lang, Xialia?" mariing tanong ko.

Iyon ang hindi ko lubusang maintindihan. Kung alam ko lang na ito ang isa sa magiging posibleng dahilan upang mapabalik ko siya rito ay matagal ko na sanang ginawa. Hindi kaya... I shook my head to erase that in my mind. No, it's impossible. Hindi na niya ako mahal, galit siya sa akin at mas lalong hindi na niya ako gugustuhing balikan pa matapos ng ginawa ko sa kanya. And after what she did years ago? Magdududa ako kung sasabihin niyang hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ako.

"What the hell are you thinking?! Pwede ba, hindi nga ako ang may kailangan sa'yo! At wala akong pakialam kung masira man ang kasal mo, pwede ka namang umulit at magpakasal muli sa babaeng 'yon o sa kung sino mang gusto mong pakasalan, dahil paniguradong walang tatanggi sa'yong tangina kang makati ka!" She angrily blurted out and slapped me hard again.

I snapped. "Dammit! Remove this fucking cuffs and blindfold Xialia! And stop hurting me physically! You wouldn't like it if I-"

"Ano? Bakit? Sasaktan mo ako?" Halos mapamura ako sa lambing ng tonong ginamit niya na tila'y nang-aakit habang dahan dahang inaalis ang pulang blindfold sa mata ko. I swallowed hard when I had a chance to see her whole. Bahagya pang nanlalabo ang paningin ko dahil sa matagal na pagkakatakip no'n. Ilang segundo bago nasanay ang mata ko, tuluyan na ko nabigyan ng laya na titigan siya.

She looks different. Her blonde hair was gone now. Her long wavy hair is in platinum white shade. Ilang beses akong napalunok at halos maghanap na ng tubig upang mapawi ang uhaw sa katatanaw sa kanya. Fuck this.

"Missed me... Jax?" she sweetly uttered my nickname that was given by her. Siya lang ang may karapatang tumawag no'n sa akin, at sa ilang taong hindi ko narinig iyon, parang pumapalakpak ang tenga ko ngayong narinig nanaman ang ngalan na binanggit niya.

"No, remove this fucking cuffs," utos ko.

"Ayoko..." Nakaluhod siya habang nakaharap sa akin. Mariin akong napapikit nang unti unti niya ilapit sa pisngi ko ang nguso ng baril na dala niya. I can't help but to wonder where did she get that fucking gun? Ngunit agad din na naagaw ng atensyon ko ang nakakakiliting dampi ng metal na baril sa labi ko.

"Why are you doing this, Xialia? And don't answer me with bullshits! Kung hindi ikaw ang may kailangan sa akin, bakit hindi siya ang iharap mo sa akin dito?" I tried my best to sound firm. Hindi niya maaaring malaman na malakas pa rin ang epekto niya sa akin, na kahit ganoon ang ginawa niya, kahit ginagago niya ako... nila ng lalaki niya... Mahal ko pa rin siya at baliw na baliw pa rin ako sa kanya. 

Tangina. Nasaan na ang tigas at tapang ko kanina? Akala ko ba'y walang magpapaloko sa babaeng 'yan? As much as I want to remind myself how she fooled me years ago, kahit sarili ko ay patuloy lang akong tinatraydor, dahil kahit yata ano man ang kawalanghiyaang gawin niya, sa osbrang tanga ko ay tatanggapin ko muli siya.

"I don't want you to meet her yet. Hindi pa ngayon, Jax. Magkamatayan muna tayo. Hihiwalayan mo muna ang Fiance mo, ititigil mo ang kasal at lalayuan mo ang babaeng 'yon," her eyes sharpened.

Her? Babae? Sino? Sa lahat yata ng sinabi niya, iyon lamang ang siyang naintindihan ko! Sino ba 'yon? She doesn't even have girl friends years ago!

"And why would I do that?" hamon ko.

Sure baby, if you say so. If that's what you fucking want. Tangina, alipin mo ako e. Sige, sinabi mo, susundin ko. But of course, I need to fucking pretend that I am not fragile when it come to her. 

"Because I say so..." Xialia smirked, tila ba kilalang kilala ako na hinding hindi ko siya matatanggihan pagdating sa ganito.

Ngumisi ako. "Fine. I'll break up with my Fiancee, but in one condition..." Kung magpapakaulol na lang din ako sa babae, sagarin ko na. Sinong nagsabi na babae lang ang marupok?

Our gazes met. "What is it?" Xialia asked.

"Marry me again, Xialia..."

Mapakla siyang natawa sa sinabi ko. "What made you think that I'll still marry you after what you did, Xavier?" Tumaas ang kilay niya.

I gritted my teeth. "I'll make it up to you, please... Just give me a second chance."

"Sure," taas noong aniya na siyang nagbigay ng pag-asa sa akin. I gave my full attention to her. "Jump to the sea then," she added and sarcastically laughed. Nanatili ang titig ko sa kanya, sabay iwas ng tingin.

"Deal..."

I tried my best to move even though I had a hard time because of the cuffs behind me. Tsaka ko ipinosisyon ang sarili sa railings. I stood up and let my body fell to the sea. Ang nagkukumahog na sigaw ni Xialia ang siyang nagpangisi sa akin bago ako tuluyang nilamon ng karagatan.

Kaugnay na kabanata

  • The Kidnapper Bride and Groom   Chapter 1: Kidnapper

    Chapter 1 7 years ago... "Mom, no fucking way!" I exclaimed and quickly rose up from my seat. Padarag kong binitawan ang mga kubyertos dahilan upang gumawa ito ng ingay dahil sa babasagin ang mga ito. "Ayoko! Hindi ako magpapakasal!" Marahas ang pag-iling ko at nagsisimula na rin akong manginig sa galit at takot. "Your words, Xialia..." banta ni Daddy dahil nagmura ako. "Anak, please, pakinggan mo naman ang side namin-" I quickly cut her off. Malakas akong napabuntong hininga. "Huh? Can you hear yourself, Mom? Coming from you huh? Pakinggan niyo rin po muna ako! Hindi 'yong gumagawa kayo kaagad ng desisyon at isasalang ako kaagad sa kasal nang wala man lang pa

Pinakabagong kabanata

  • The Kidnapper Bride and Groom   Chapter 1: Kidnapper

    Chapter 1 7 years ago... "Mom, no fucking way!" I exclaimed and quickly rose up from my seat. Padarag kong binitawan ang mga kubyertos dahilan upang gumawa ito ng ingay dahil sa babasagin ang mga ito. "Ayoko! Hindi ako magpapakasal!" Marahas ang pag-iling ko at nagsisimula na rin akong manginig sa galit at takot. "Your words, Xialia..." banta ni Daddy dahil nagmura ako. "Anak, please, pakinggan mo naman ang side namin-" I quickly cut her off. Malakas akong napabuntong hininga. "Huh? Can you hear yourself, Mom? Coming from you huh? Pakinggan niyo rin po muna ako! Hindi 'yong gumagawa kayo kaagad ng desisyon at isasalang ako kaagad sa kasal nang wala man lang pa

  • The Kidnapper Bride and Groom   Simula

    Prologue"He's getting married, Madam."Halos magpintig ang tainga ko dahil sa ibinalita sa akin ng kanang kamay ko, si Trevor. Mapakla akong nagpakawala ng isang malakas na tawa at hindi makapaniwalang suminghap matapos maproseso sa isip ang narinig. Ano raw?"Where did you get that information? Huwag mo akong pinaglololoko, Trevor! Mapapatay kita kapag nalaman kong nagsisinungaling ka!" Nanlilisik ang mga mata ko habang dinuduro siya, hindi maitago ang kaba at takot sa nalaman.Trevor swallowed hard. Halatang takot at kabado kahit na mas malaking tao siya kung ikukumpara sa akin. Hawak ang isang malaking Ipad, nanginginig ang mga kamay niyang inabot iyon sa akin sabay pakita ng isang artikulo na naglalaman ng balita tungkol sa Ex-Husband ko. Pigil h

DMCA.com Protection Status